Humahangos syang lumabas ng elevator papunta sa main entrance ng condominium unit. Nakita na nya agad si Rafael, sakay ng kanyang itim na SUV at kinakawayan sya. Dali-dali nyang binuksan ang passenger’s seat at humakbang papasok. “Good morning,” abot-abot ang hingal nyang bati nya sa haggard na mukha ni Rafael. “Good morning,” ibinalik nito ang pagbati sa kanya at mabilis na nilisan ang parkway ng condo. Nagtatahip ang dibdib nyang sinipat sa side mirror ang pinanggalingan nya. Hindi na nya ginising si Joaquín bago sya umalis at iniwan lang nya ang mga kalat na ginawa nya sa service kitchen para makipagkita sa kababatang kapatid rin nito. ‘Thirty minutes lang,’ ‘ika ng lalake noong kausap nya ito sa cellphone; sasamahan lang mag-breakfast at ibabalik na rin sya nito agad sa condo.“Kay Joaquín ‘yan?” nguso nito sa maluwag na puting branded na T-shirt na suot nya. “Ay, oo, naubusan ng damit,” sagot nya habang inaayos-ayos ang balikat ng T-shirt sa kanya. Ito ang una nyang nakita s
“Joke ba ‘yan, Rafael Alejandro Molina Verdaguer?! Tatawa ba ‘ko dapat?!” Hindi nya nakontrol ang lakas ng kanyang boses pagkatapos ng ilang minuto ring pakikipagtitigan nya kay Rafael. “Do I look like I’m joking?” “Malay ko! Seryoso ‘yang mukha mo pero parang joke ‘yung sinabi mo.” Nagkasabay pa sila sa pagbuntung-hininga at pagsandal ng ulo sa upuan. Minasdan nya nang wala naman sa loob nya ang pag-ilaw ng hazard signal ng kotse. “Alam mo naman ang isasagot ko d’yan, tinanong mo pa talaga ‘ko,” sagot nya kay Rafael. Kahit hindi direkta ang tinuran nya ay siguradong naintindihan na nito ang ibig nyang sabihin. “Wala naman akong pinipiling iba eh—kahit noon pa. Alam mo ‘yan.” “Mahal na mahal mo?” “Oo,” walang pagdadalawang-isip nyang sagot. Mahal na mahal nya pero hindi sya malubos. Napakaraming mali para sa kanya, napakarami ring kulang. “Ouch! Ang sakit.” Napapikit na lang sya sa tinuran nito. Natahimik ang loob ng kotse nito nang may kung ilang minuto.
“Fuck! Abby! Alas-kwatro ka naman ng madaling araw kung makipagkwentuhan sa kapatid ko!” Tumunog ang car theft alarm ng isa sa mga kotse nito nang umalingawngaw sa malawak na espasyo ang laki ng boses ni Joaquín kasabay nang malakas na pagsarado ng pinto ng 4x4. Hindi sila nagkibuan sa buong sampung minuto ng pagmamaneho nito hanggang sa makarating sila sa basement parking ng condominium building pero nang makababa sila ng sasakyan ay dito na sya inumpisahang awayin ni Joaquín. Iniwanan sya nito sa paglalakad papunta sa elevator pero hinintay muna syang makasakay bago ito humakbang papasok. “Shit! How can you be that insensitive?! Hindi mo man lang ako ginising, edi naihatid pa sana kita!" Napapapikit sya lakas ng boses ni Joaquín. Nang makita palang nya ang nagdidilim na mukha ni Joaquín nang mamataan sila ni Rafael nito na magkatabing nakaupo sa park ay pinagsisihan na nya ang kanyanb pag-alis nang walang pasabi. Hindi naman rin nya lubos akalain na magigising ito ng alangani
“Joaquín! Te-teka lang, malalaglag na ‘ko,” awat nya sa walang patumanggang pagbayo nito. Pakiwari nya ay malalaglag na sya nang patuwad sa pagkakadapa nya sa makipot na high chair sa kakaurong nya. “Shit! S-sandali lang,” napakurot na sya sa tagiliran nito nang hindi ito makinig sa mga daíng nya. Biglang natigilan si Joaquín sa pagbayo nang makita ang namamaga nyang nguso. “Ano’ng nangyari sa ‘yo?!” hinawakan sya agad nito sa kanyang mukha at ineksamin ang napunit nyang itaas na labi sa pagkakauntog nito. Rumehistro ang pag-aalala at panic sa mukha nito.“Nangudngod ako dito,” turo nya sa marmol na kitchen counter. “Shit! Shit! Shit!” natatarantang napahangos si Joaquín sa ref ng wine bar para kumuha ng ice cubes. Ibinilot ang ilang piraso sa napulot na t-shirt na itinapon nito kanina at marahang idinait sa dumudugo nyang bibig. “Oh my God! ¿Qué te he hecho? (What have I done?) I’m sorry… Oh my God, I’m so sorry…” namumula ang mukhang niyakap sya ni Joaquín, hawak-hawak pa rin a
Wala sa loob nyang isinasalaksak ang mga damit ni Abby sa washer. Iilang pares lang ng damit ang pinagpapalit-palitan nito kapag umuuwi sa kanya. Naisip nyang ayain ito mamaya sa mall para makabili na agad ng mga damit na masusuot nito. Makikipagbuno sila sa mga nagla-last minute Christmas shopping. Pero malamang sa hindi ito sasama dahil halos nakabaliktad ngayon ang nguso nito sa maga. 'What an asshole!' Abot-langit ang pagsisisi nya. Wala syang intensyon na masaktan si Abby. But still, putok ang itaas na labi nito nang dahil sa kagagawan nya. Gusto na nyang ipukpok ang bote ng beer na hawak sa kanyang ulo sa inis sa sarili. Sinapian sya ng matinding selos nang makita nya ang dalawa na magkatabi sa upuang semento ng madilim na parte ng parke at nagbubulungan. Hindi nya nakontrol ang galit na namuo sa kanya. Sa isang iglap ay nag-flashback sa harapan nya ang eksenang pinakaunang tumusok sa kanyang puso: He was loitering at Abby’s house nang magpaalam si Nanay Elsa na aalis ka
Nakatuon ang kanyang tingin sa TV pero wala ang atensyon nya sa pinanonood. Hindi sya mapakali. Iniisip nyang tawagin ang mga ito para bumaba at makinood na lang rin ng TV sa kanya kesa magkasama sa kwarto na dalawa lang sila. Nagtungo sya sa kusina para uminom na rin ng tubig at para silipin kung nakabukas ba ang pinto ng kwarto, pero lapat na lapat ang pagkakapinid ng pinto nito. Nasa third year high school na sya noon at may malisya na, kaya hindi sya kumporme sa pagtatago ng dalawa. Namemeywang sya habang nakatitig sa pintuan, nag-isip sya ng kukunin nya sa loob para maistorbo ang mga ito. Dahan-dahan syang pumanaog sa hagdan at nakiramdam sa dalawa. Dumapa sya at sumilip sa siwang ng pinto pero wala syang nakita kundi ang liwanag na nanggagaling sa bintana nito. Naisip nyang nasa papag ang mga ito kaya hindi sya nakakita ng gumagalaw na anino. Narinig nya ang mahinang boses ni Rafael na parang ungol ang dating sa kanyang tenga. Kabadong agad-agad nyang itinulak pabukas ang
“Hmmm… Ganito ba ‘yon?” nakangiting tanong sa kanya ni Abby na nakataas ang isang kilay habang ginagawang ice candy na sinisip-s****p ang haba ng kanyang daliri. Napaunat sya ng likod. “Ano’ng ganito?” “‘Etong ginagawa ko. Sa ano.” Naramdaman nya ang dila ni Abby na humahagod sa palibot ng kanyang daliri. Dagling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napapamura sya nang pabulong sa ginagawa nito na tila nagaganyak namang lalo dahil umaangat ang mga cheekbones ni Abby sa paglapad ng kanyang ngiti. Panay-panay ang kanyang pagtikhim. May kumislot at nagising sa pagkatao nya sa kakaibang kiliti na naramdaman nya sa daliri nya at na-i-imagine nya. Masarap sanang maramdaman iyon sa bibig ni Abby kaso sa guilt na nararamdaman nya ngayon kahit na birthday nya ay hindi nya deserved ang ganoong klaseng napakasarap na treatment. “Uhm, saka na lang siguro kapag hindi na maga ‘yan. Namamaga pa kasi eh,” namasdan nya ang maliit na punit sa nguso nito. Dahan-dahan nyang binawi ang daliri nya ba
“Iñigo??! Ano’ng ginagawa mo rito?!”Hindi sya nakakilos sa kinatatayuan. Pakiramdam nya ay bumaba lahat ng dugo nya sa mukha nang makita ang panganay na kapatid. Nasa likod ni Iñigo ang isang babaeng nakatungo at nagpapasulyap-sulyap lang sa kanya na wari ay hiyang-hiya. “Binibisita ka. Happy birthday, Joaquín!” bati sa kanya ni Iñigo na ngiting-ngiti sa kanyang pagkagitla. “Aren’t you gonna let your hermano in?” sambit pa nito na nakikipag-fist bump pa sa kanya, hindi sya agad nakaakma sa sobrang pagkagulantang nya kaya ipinadaop na lang ang kamao nito sa kanyang dibdib. Humakbang si Iñigo papasok sa pinto hatak-hatak ang nababantulot na babaeng kasama. Kumakalabog ang kanyang dibdib. Nagbalik sa kanya ang tawag na iyon ni Rafael sa kanya nang pickup-in nya ang kanyang vintage car sa Customs at pasukatan si Abby ng gown kay Alicia. Napagtanto nyang hindi lang si Iñigo at ang babaeng iyon ang dumating sa kanyang penthouse ngayong araw ng kaarawan nya. Dumating na ang araw na kinata