“Ayoko nga Sarah. Masyado akong busy para sa mga party party na yan.” sabi ko habang tinitikman ang bagong recipe na niluto ko.
“Ano ba naman yan Shenna? Limang taon ka ng subsob sa trabaho! Successful na ang Hot and Cold diba? May mga branch na sa iba't ibang panig ng bansa. Bakit kailangan mong magpakabusy sa trabaho eh tinutulungan ka naman ng Danger Zone at ni Tito King?!” masungit na tanong ni Sarah. Napailing na lang ako, napakakulit talaga niya.
“Sarah, ito na lang ang paraan ko. I-Ito na lang ang paraan ko para makalimot.” natahimik si Sarah sa sinabi ko. Napabuntong hininga naman sina Kyla at Ailee.
“Shenna, sa tingin mo ba magiging masaya siya kung nakikita ka niyang nagkakaganyan? Alam kong masakit, alam kong nasasaktan ka pa rin pero kailangan mo ring magpahinga.” tinapik ni Kyla ang balikat ko. Mapait na napangiti ako.
“M-Magbabakasyon din naman ako sa Palawan next week.” balak ko rin namang mgpahinga.
“Tama yan Shenna, ipahinga mo rin ang sarili mo.” sabi ni Ailee at ngumiti.
“Gusto mo bang samahan ka namin do'n?” tanong ni Sarah. Napailing na lang ako.
“Hindi na, magtatagal rin naman ako doon. Kay Manang Rose ako tutuloy.”
Si Manang Rose ang dating katulong nina Tita Amy. Nung nakapag-usap kami nung nakaraang linggo, inalok niya kong magbakasyon muna sa Palawan para daw ma-relax at maginhawahan ang isip at katawan ko dahil sa trabaho.
“Buti naman. Maganda at relaxing sa Palawan kasi madalas kaming magpunta do'n.” sabi ni Kyla. Napangiti na lang ako.
Concern na concern sila sakin. Si Sarah, kahit madalas siyang magsungit, ramdam ko talagang kapatid na ang turing niya sakin. Kahit papaano natatanggal ang stress ko kapag nakakausap ko silang tatlo.
Sina nanay at tatay naman ay nasa bahay na lang. Hindi ko na sila pinagt-trabaho.
Si Charles (Ochoy) ay nag-graduate na Summa Cum Laude sa America sa edad na 20, siya na ngayon ang may hawak ng kompanyang iniwan ni Lolo samin. Natulong din siya kina Tito King at Lololo sa IPFC empire, gano'n din ang Danger Zone.
“Susuportahan ka namin sa mga desisyon mo. Basta sabihin mo lang kung kailangan mo kami.” ngintian ko si Ailee. Para talagang anghel ang isang 'to.
“Salamat sa inyo.”
***
“Tita Amy, dinalhan po kita ng lunch.” nakangiting sabi ko habang hinahanda sa mesa ang pagkaing dala ko.
Hindi ako nilingon o pinansin ni Tita Amy, patuloy lang ito sa pagtipa sa laptop niya. Sobrang busy niya ngayon dahil mas lumalago ang clothing line niya.
“Namamayat na po kayo. Hanggang ngayon ba nagd-diet pa rin kayo?” kinakausap ko siya ng kinakausap, kahit nagmukha na kong ewan.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kinakausap ni Tita Amy, ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Ice.
“Aalis na po ako next week, mamimiss kong magdala ng pagkain dito Tita Amy. Pag umalis ako, lagi pa rin po kayong kakain ha?”
Lumapit ako kay Tita Amy at dinampian siya ng halik sa noo.
“Alis na po ako ah.” tumalikod na ko pero natigilan ako nang tawagin niya ko.
“S-Shenna.”
Automatic na nanlaki ang mga mata ko. Ngayon lang tinawag ni Tita Amy ang pangalan ko pagkatapos ng limang taon.
“B-Bakit po?”
“A-Aalis ka? S-Saan ka pupunta?” tanong ni Tita Amy. Kahit nagulat ako pinilit ko pa ring magsalita.
“S-Sa Palawan po, m-magpapahinga muna ako.” napatango na lang si Tita Amy at napaiwas ng tingin.
Napangiti naman ako, may pakialam pa rin pala sakin si Tita Amy.
***
“Hindi talaga ako makapaniwalang kinausap na ko ni Tita Amy! After five years kinausap niya rin ako! I'm so happy!” pagk-kwento ko sa kanya.
“Sana mapatawad na niya ko ng tuluyan noh?” kinuha ko ang picture frame ni Ice sa bedside table ko at dinampian ng halik ang litrato niya doon.
“Ikaw kasi eh, b-bakit mo pa kasi kami iniwan? E-Edi sana hindi galit sakin si Tita Amy.” pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko.
“Nga pala, namiss kita maghapon. Kaya nagpakabusy na lang ako sa trabaho gaya ng lagi kong ginagawa.” hinaplos ko ang litrato niya doon.
Araw araw ko na 'tong ginagawa, ang kausapin ang picture niya. Alam kong para akong timang sa ginagawa ko, pero miss na miss ko na kasi talaga si Ice.
Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at tinawagan si Manang Rose.
“Oh Shenna hija, bakit napatawag ka? Kakamustahin mo ba ang kambal?” magiliw na tanong niya.
“O-Opo. Kamusta na po sila?”
“Nanay! Si Ateng Shenna ba yan?!” napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Rash Pierre o Rash. Base sa sigla ng boses nito, alam kong siya si Rash, makulit kasi ito at friendly. Si Dash Pierce o Dash kasi ay may pagkasuplado, lagi itong nakaheadphones at mag-isa. Ayaw niyang makasalimuha sa mga tao.
“Hello Rash! Kamusta ka na?” magiliw na sabi ko. Nakakatuwa kasi talaga siya.
“Okay lang po! Pogi pa rin ako.” sabi nito at napahagikhik. Napangiti naman ako.
“Si Kuya Dash mo? Nasaan?”
“Nandito po! Wait lang Ateng Shenna, ibibigay ko lang sa kanya yung selpon.”
“Idiot. It's cellphone, not selpon.” narinug kong sabi ni Dash. Natawa ako sa kakulitan nila.
“Hello Dash.”
“H-Hello Ate Shenna.” masungit siya sa ibang tao pero mahiyain siya pagdating sakin.
“Pupunta ako diyan next week, makikita ko na kayo. Excited na ba kayo?”
“Talaga Ateng Shenna?! Yes! Uwian mo kami ng maraming laruan ha?” pagsingit naman ni Rash. Napahagikhik ako sa sinabi niya. Ang kulit talaga ng batang 'to.
“Oo. Uuwian ko kayo ng maraming laruan.” nakangiting sabi ko. Excited na kong makita ang kambal na 'to.
“A-Ate Shenna. Namiss ka namin.” tila nahihiyang sabi ni Dash.
“Namiss ko din kayo. Pagpunta ko diyan salubungan niyo ng maraming kiss ha?”
“O-Opo.”
“Ateng Shenna! May nagkakacrush kamo kay kuya Dash!” natawa ako sa sumbong ni Rash.
“Talaga?”
“Opo! Sinusungitan nga lang siya ni kuya eh, feeling pogi.” napahagikhik ako sa sinabi ni Rash.
“Eh ikaw? Wala bang nagkakacrush sayo?” tanong kom
“Eh? May girlpren na ko eh!” napasinghap ako sa sinabi niya.
“Grabe, four years old pa lang ikaw eh.”
“Joke lang naman po.” sabi ni Rash at tumawa. Napangiti na lang ako.
“Namiss ko talaga kayo.”
“Kami din po. P-Pumunta na po kayo dito agad.” sabi pa ni Dash.
“Pagpunta ko diyan, wag ka ng mahihiya sakin ah?”
“O-Opo.”
Napabuntong hininga ako pagkatapos kong makipagkamustahan sa kanila. Sa wakas makikita ko na ulit ang kambal.
Kinuha ko ang isa pang picture frame na may litrato nina Dash at Rash. Hinaplos ko ang litrato nila.
“I-Ice, kung nandito ka edi sana nakikita mo sila ngayon.” sabi ko at mapait na napangiti.
“Ang kulit pa rin ni Rash, tapos si Dash mahiyain pa rin at suplado.”
“P-Pasensya na Ice ha? K-Kung wala sila sa tabi ko ngayon. M-Magulo pa kasi ang lahat eh.” pinahid ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
Itinapat ko sa picture ni Ice ang picture nina Rash at Dash.
“Tingnan mo sila oh, ang g-gwapo nila.” huminga ako ng malalim.
“At gaya ng inaasahan ko, kamukhang kamukha mo ang kambal.”
“Salamat sa inyo.” nakangiting sabi ko sa Danger Zone.“Anytime Shenna.” sabi ni Lion at inakbayan si Kyla.Private plane kasi ni Lion ang sasakyan ko papuntang Palawan para mas mabilis daw. Si Gun naman ang magiging piloto, marunong naman kasi ito.“Mag-iingat ka pandak.” sabi ni Tiger at ginulo ang buhok ko. Napangiti naman ako.“Kayo naman, madalas naman akong magbakasyon sa Palawan, para namang may bago.” sabi ko sa kanila.“Dadalawin ka namin do'n pag may time kami. Sabi mo kasi matatagalan ka sa bakasyon mo do'n eh.” sabi naman ni Shark.“Ano ba kayo? Kahit wag na, alam kong mga busy kayo, pero salamat na rin.”“Shenna.” napalingon ako kay Bullet.“Hmm?”“Alam mong pwede kang magsabi ng problema mo samin diba? Pwede mo kaming iyakan ng Danger Zone?” seryosong sabi nito.“Oo nga Shenna, k-kahit wala na si
"Nalaki na ang tiyan mo, nananaba ka na rin." tila namomroblemang sabi ni Sarah. Napatungo ako, marami na nga ang nakakapansin. Mukhang magiging problema nga yo'n."A-Anong gagawin ko Sarah?" "S-Sabihin mo na lang kaya sa kanila ang totoo? Malalaman
“Matagal mo na bang kaibigan si Anthony?” tanong ko kay Rash habang hinahaplos ang buhok niya. Umiling siya sakin.“Pinakilala lang po siya ng classmate ko sakin. Tapos nakita ko po siya dito kasama ni Kuya Antonyo kaya ayun, naging friend ko siya. Kaso hindi siya pinapansin ni Kuya Dash, masungit kasi.” sabi ni Rash habang naglalaro ng games sa cellphone ko.“I'm not masungit, I just don't like talking when I'm studying.” sabi ni Dash habang nagsasagot ng assignment.“Tss. Mabait naman si Anthony, saka sabi ng mga classmate natin kamukha daw natin si Anthony kaso black yung eyes niya.” natigilan ako sa sinabi ni Rash. Kamukha nga nila si Anthony, kamukhang kamukha.“I don't care.” masungit na sabi ni Dash. Napailing na lang ako, manang mana talaga.“May pasok na kayo bukas. Ikaw Rash, gumawa ka din ng assignment mo.” panenermon ko kay Rash. Napanguso naman siya.
“S-Sorry, kamukha mo kasi talaga ang asawa ko.” hinging paumanhin ko. Natigilan siya sa sinabi ko.“A-Asawa mo yung Ice?” parang hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako.“Bakit?”“Wala naman, parang ang bata mo pa kasi para magkaroon ng asawa.” napataas ang kilay ko sa sinabi niya.“Twenty five na ko.” mukhang nagulat na naman siya sa sinabi ko.“Twenty five ka na? Mukha ka lang estudyante.” naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.“Bakit mo naman nasabi?” nakapamaywang na sabi ko.“Dahil... Medyo maliit ka.” sabi na nga ba eh.Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.“Ikaw, ilang taon ka na ba?” tanong ko.“Basta, lagpas na ko sa kalendaryo.” sabi nito at napakamot pa sa kilay niya.“Tapos na po ba kayong mag-usap?” napalingon kami kay Anthony na nakatingala samin. Napahagikhik ako dahi
“Shenna.”Agad na napaiwas ako ng tingin kay Rash. Bumaling kay Manang Rose ang mga mata ko. Parang gusto ko siyang pasalamatan at iniligtas niya ko sa tanong ni Rash.“B-Bakit po Manang?” agad akong lumabas ng kwarto at iniwan si Rash. Dali dali akong hinila ni Manang Rose palabas ng bahay.“M-Manang, h-hindi ko alam ang isasagot ko kay Rash.” naluluhang sabi ko. Agad naman akong hinaplos ni Manang sa pisngi.“K-Kung sabihin mo na lang kaya sa k-kanila ang totoo.”Napailing ako sa sinabi ni Manang Rose. Pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko.“H-Hindi pa pwede Manang, a-alam niyo naman pong m-magulo pa ang lahat.” napabuntong hininga si Manang Rose.“Naaawa na ko sa kambal, sabik na sabik sila sa mga magulang. Si Dash, kahit sinasabi niya na wala na siyang pakialam sa totoo niyang mga magulang, ramdam kong gusto niya paring makita at makasama ang mga magu
“Dash!”Agad akong tumayo at lumapit kay Dash. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.“B-Baby, m-makinig ka muna kay Ate Shenna please? M-Magpapaliwanag ako.” pinahid ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.“What for? Ayaw mo ngang malaman ng lahat na anak mo kami ni Rash eh, kinakahiya mo kami.” malamig na sabi nito habang walang emosyon na nakatitig sakin. Agad naman akong napailing.“That's not true Dash, h-hindi ko kayo kinakahiya. H-Hinding hindi ko kayo ikakahiya.”Akmang hahawakan ko ang pisngi niya pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko. Naramdaman ko ang presensiya ni Rash sa likod ko.“I don't believe you. Just leave us alone. Hindi namin kailangan ng nanay.” pagkasabi no'n ay agad na tumalikod si Dash at umalis.Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Nar
“I-Ikaw pala ang Mama ni Anthony, nice to meet you.” sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, nasisiraan na yata ako ng bait. Bakit nasasaktan ako? Nagseselos ba ako?!“Ikinagagalak rin kitang makilala. Totoo nga ang sabi ng anak ko, napakaganda mo Shenna.” totoo ang ngiti nito sakin, nakaramdam tuloy ako ng konsensya.“H-Hindi naman.” sabi ko at nahihiyang ngumiti sa kanya.“Tama na yan. Umalis ka na Cara, hindi mo na ko kailangang dalhan ng pagkain dahil kumain na ko kanina.” malamig na sabi ni Antonio sa asawa.“G-Gano'n ba? P-Pasensya na.” nakayukong sabi ni Cara. Nakaramdam ako ng awa sa kanya.“Akin na lang.” sabay silang napatingin sakin. Ngumiti lang ako.“Akin na lang ang pagkain na para kay Antonio.” nakangiting sabi ko kay Cara. Namula ang magkabilang pisngi nito.“S-Sigurado ka? Hindi a
“Aray!”Napadaing ako dahil sa sobrang sakit ng ulo pagkagising ko.Natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Para akong nasa kubo, at nakahiga ako sa papag ngayon.Nanghihinang bumangon ako. Nasaan ba ako? Bakit wala akong maalala?Napatingin ako sa maliit na papel sa mesa. Agad akong tumayo at kinuha 'yon.Umuwi kana sa inyo kung gising kana...-AntonioNaningkit ang mga mata ko. Napahawak ako sa ulo ko nang may mga alaala kagabi na pumasok sa isip ko.“H-Hindi, a-alam kong ikaw si Ice. Blue ang mga