Share

Chapter 5

“S-Sorry, kamukha mo kasi talaga ang asawa ko.” hinging paumanhin ko. Natigilan siya sa sinabi ko.

“A-Asawa mo yung Ice?” parang hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako.

“Bakit?”

“Wala naman, parang ang bata mo pa kasi para magkaroon ng asawa.” napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Twenty five na ko.” mukhang nagulat na naman siya sa sinabi ko.

“Twenty five ka na? Mukha ka lang estudyante.” naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Bakit mo naman nasabi?” nakapamaywang na sabi ko.

“Dahil... Medyo maliit ka.” sabi na nga ba eh.

Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

“Ikaw, ilang taon ka na ba?” tanong ko.

“Basta, lagpas na ko sa kalendaryo.” sabi nito at napakamot pa sa kilay niya.

“Tapos na po ba kayong mag-usap?” napalingon kami kay Anthony na nakatingala samin. Napahagikhik ako dahil sa ka-cute-an niya. Agad kong pinisil ang pisngi niya.

Bumalik ang tingin ko kay Antonio at gano'n na lang ang gulat ko nang mapansin kong nakatitig siya sakin.

“M-May dumi ba sa mukha ko?” na-conscious tuloy ako bigla.

“W-Wala, ang ganda mo kasi.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Huh?” agad siyang natigilan.

“A-Ang ibig kong sabihin, meron kang dumi sa mukha.” agad siyang lumapit sakin at may pinahid sa pisngi ko.

Pakiramdam ko may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko habang nakadampi ang kamay niya sa pisngi ko.

Natigilan ako at napatitig sa kanya. Kamukhang kamukha niya si Ice sa lahat ng parte ng mukha niya, maliban na lang sa kulay ng mata.

“Tay.” agad na binawi ni Antonio ang kamay niya nang tawagin siya ni Anthony. Napatikhim naman ako at napaiwas ng tingin.

“Nga pala binibini, hindi ko pa alam ang pangalan mo.”

“Shenna, Shenna ang pangalan ko.”

***

Nakatanaw ako kay Antonio mula sa bintana ng kwarto ko.

Dahil kamukha niya si Ice, napakagwapo niya rin sa paningin ko.

Napasinghap ako at napatingin sa naggagalawan niyang muscles kapag kikilos siya. Kitang kita ko din na kinikilig ang mga dalaga habang nakatingin sa kanya at mukha namang wala siyang pakialam do'n, dahil siguro may anak na siya.

Napabuntong hininga ako, ayokong umasa. Pero merong kakaiba sa pakiramdam ko na nagsasabi na si Antonio at Ice ay iisa.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Sarah. Pagkatapos ng ilang ring, agad niya ring sinagot ang tawag.

“Hello! Nasaan ang kambal?!”

“Nandoon sila sa kwarto nila, naglalaro ng chess.”

“Miss ko na ang kambal, hindi naman kasi ako makatakas kay Bullet eh. Akala mo tatakas ako lagi.”

“S-Sarah. May kailangan muna akong sabihin sayo.” natahimik siya sa sinabi ko.

Ano 'yon?”

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

“M-Merong magsasaka si Manang Rose, k-kamukhang kamukha siya ni Ice. Pakiramdam ko siya si Ice eh.”

“T-Talaga?! Kuhanan mo siya ng buhok or laway para maipa-DNA test natin!”

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit hindi ko naisip yo'n?

“I-Ipagpapaalam muna kita kay Bullet, p-puntahan mo naman ako dito.”

Akong bahala kay Bullet, pupuntahan talaga kita diyan.” napangiti na lang ako.

“S-Sana siya na si Ice, sana siya ang asawa ko Sarah.”

***

“Okay lang ba talaga sayo Shenna?”

“Okay lang po sakin Manang Rose. Kilala ko na rin naman po ang mga magsasaka niyo. At saka malamang nagugutom na rin sila.”

Nilalagay ko ang pangmeryenda ng mga magsasaka sa basket.

“Dash!” agad na napalingon sakin si Dash na busy sa pagbabasa.

“Bakit po?” tanong nito sakin.

“Baka magala na naman si Rash, pigilan mo ha?” tumango lang sakin si Dash at pinagpatuloy na ang pagbabasa.

Lumabas na ko ng bahay at nagtungo sa sakahan.

“Magmeryenda po muna kayo.” agad na nagsilapitan ang mga magsasaka sa pwesto ko.

“Salamat dito Shenna.” nakangiting sabi ng isang magsasaka.

“Walang anuman ho.”

Napatingin ako sa paligid. Nasaan si Antonio? Parang kakakita ko lang sa kanya kanina ah.

Iniwan ko na muna ang mga magsasaka at hinanap si Antonio. Nasaan na kaya 'yon?

Natigilan ako nang mapansin kong nakaupo siya at nakasandal sa may malaking puno sa di kalayuan. Agad akong tumakbo papalapit sa pwesto niya.

Nang makalapit na ako sa kanya, doon ko lang napansin na natutulog pala siya.

Napatitig ako sa gwapong mukha niya. Kailangan kong mapatunayan na siya si Ice. Napatingin ako sa buhok niya.

Kuhanan mo siya ng buhok or laway para maipa-DNA test natin!”

Napalunok ako at napatingin sa paligid ko. Wala namang makakakita samin dahil medyo malayo na kami sa mga magsasaka. Binalik ko ang tingin ko sa kanya.

Kahit isang buhok lang. Please!

Lumuhod ako at huminga ng malalim. Sana lang talaga hindi siya magising.

Lumapit ako sa kanya at dahan dahang inilapit ang kamay ko sa buhok niya. Maingat kong hinawakan ang buhok niya.

Bubunot na sana ako ng buhok nang biglang may malaking kamay ang humawak sa kamay ko, napasinghap ako sa gulat.

“Bakit mo hinahawakan ang buhok ko?” napalunok ako dahil sa seryosong boses ni Antonio.

Naalala ko tuloy bigla si Ice...

Napatingin ulit ako sa katabi ko. Parang familiar yung pabango niya.

Gigisingin ko ba siya o hindi?

Napagpasyahan ko na gisingin na lang siya. Huminga muna ko ng malalim.

Dahan dahan kong nilapit ang kamay ko sa ulo niya. Dumampi yung hintuturo ko sa buhok niya. Aalisin ko na sana yung kamay ko nang bigla niyang hablutin ang kamay ko, napasinghap ako dahil sa gulat.

Dahan dahan siyang tumunghay, nanlaki ang mata ko nang makita kung sino yun.

“Did you just fvckin' touch my hair?!”

"M-Mr. Cold"

Hala! Ano nang gagawin ko? Mag-isip ka Shenna!

"A-ah eh, ikaw kasi! Nagsasalita yung prof sa unahan tapos n-natutulog ka lang dyan!" pinipilit kong tapangan ang boses ko kahit sobrang kinakabahan ako.

Sinalubong ko ang malamig na mga mata niya. Nakakakilabot talaga siya tumingin!

Marahas niyang binitawan ang kamay ko. Bigla siyang tumayo at dire diretsong lumabas ng classroom na para bang walang professor sa unahan.

Nagtatakang tumingin sakin ang mga kaklase ko, pati ang anim na lalaking katabi ko ay napatingin din sakin. Ano na namang ginawa ko?!

“H-Huh? M-May dumi kasi sa buhok mo.” pagdadahilan ko. Naningkit naman ang mga mata ni Antonio.

Agad siyang tumayo at napahilot sa sentido niya.

“G-Gusto mo bang magmeryenda muna?” pag-aalok ko sa kanya.

“Hindi na. Hindi naman ako gutom.”

Napalunok ako at napatitig sa buhok niya. Kailangan kong makakuha ng buhok niya.

“A-Antonio, may dumi sa buhok mo, p-papagpagin ko lang.”

Tumingkayad ako upang maabot ang buhok niya. Medyo nahirapan ako dahil hanggang dibdib niya lang ako.

Napangiti na lang si Antonio. Nagbend siya hanggang sa magpantay na ang mga mukha namin. Napasinghap ako dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko na ang mabango niyang hininga.

“Pagpagin mo na ang buhok ko.” napakurap kurap ako at natauhan. Nasobrahan ako sa pagtitig sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay na pinagpag ko ang buhok niya na wala namang dumi. Pasimple akong bumunot ng buhok niya.

“Tapos na?” tanong nito habang titig na titig sa mukha ko.

“O-Oo.” dumiretso na ng tayo si Antonio.

“Salamat. Sige, maiwan na kita.”

Para akong nakahinga ng maluwag nang makaalis na si Antonio.

Agad kong tiningnan ang kamay ko. Gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang makitang wala na doon ang buhok niya.

***

Tahimik akong naghihintay kina Rash at Dash sa gate ng school nila.

Nagtataka ako nang mapansin kong natingin sakin ang ibang mga batang nadaan. Napahawak ako sa pisngi ko. May dumi ba ako sa mukha?

Natigilan ako nang may dalawang batang lalaki na lumapit sakin, mukhang ka-edaran lang din sila ng kambal ko.

“Ate, kayo po siguro ang nanay nina Rash at Dash?” sabi nung isang bata.

“Hala! Inasar pa naman natin sila na walang nanay.” sabi naman nung isang bata.

“Ate Shenna.” napalingon ako sa kambal. Agad akong lumapit sa kanila at kinuha ang mga bag nila. Iginiya ko na sila papasok sa tricycle.

Nang makarating kami sa bahay, napansin ko kaagad ang pagiging tahimik ni Rash. Medyo naninibago ako dahil lagi siyang masigla at nagk-kwento. Ngayon ay para siyang wala sa mood at matamlay.

“Rash.” napalingon siya sakin.

Lumapit ako sa kanya at hinipo ang leeg at noo niya. Wala naman siyang sakit ah.

Lumabas na ng kwarto si Dash. Pupunta siguro siya sa kusina at kukuha ng chocolate ice cream sa ref. Madalas siyang kumain ng ice cream katulad ni Ice.

“Ateng Shenna.” natigilan ako at napalingon kay Rash na nakatingin sakin. Agad akong napangiti at lumapit sa kanya.

“Bakit baby? May kailangan ka ba?” tanong ko at hinaplos ang buhok niya.

“S-Sabi ng mga classmate ko, kamukha ka daw namin ni Dash.” natigilan ako sa sinabi niya.

“Huh? T-Talaga?” napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Hindi ako komportable kay Rash ngayon, seryoso siyang nakatingin sakin. Walang kangiti ngiti sa mga labi niya at kung titingnan mo siya ngayon, mapagkakamalan mo siyang si Dash.

“Kung sasabihin niyo po sakin ngayon na kayo ang nanay namin ni Dash... Promise, hindi po ako magagalit.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenny Dominguez
Ang ganda pong basahin...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status