Share

Chapter 4

“Matagal mo na bang kaibigan si Anthony?” tanong ko kay Rash habang hinahaplos ang buhok niya. Umiling siya sakin.

“Pinakilala lang po siya ng classmate ko sakin. Tapos nakita ko po siya dito kasama ni Kuya Antonyo kaya ayun, naging friend ko siya. Kaso hindi siya pinapansin ni Kuya Dash, masungit kasi.” sabi ni Rash habang naglalaro ng games sa cellphone ko.

“I'm not masungit, I just don't like talking when I'm studying.” sabi ni Dash habang nagsasagot ng assignment.

“Tss. Mabait naman si Anthony, saka sabi ng mga classmate natin kamukha daw natin si Anthony kaso black yung eyes niya.” natigilan ako sa sinabi ni Rash. Kamukha nga nila si Anthony, kamukhang kamukha.

“I don't care.” masungit na sabi ni Dash. Napailing na lang ako, manang mana talaga.

“May pasok na kayo bukas. Ikaw Rash, gumawa ka din ng assignment mo.” panenermon ko kay Rash. Napanguso naman siya.

“Kokopya na lang po ako kay Dash.” napailing na lang ako.

Naalala ko tuloy si Ice.

"You're hopeless Shenna." naiiritang sabi ni Ice. Napanguso naman ako. Nagpapaturo kasi ako sa kanya sa physics, kahinaan ko kasi talaga yo'n diba?

Nandito nga pala kami ngayon sa study room. Sabi niya dun na lang daw kami sa kwarto niya or kwarto ko kaso baka kung anong isipin ni Tita Amy kaya dito na lang kami sa study room.

"Ang hirap kasi eh!" sabi ko at kumagat ng cookie.

"Hindi mo naman iniintindi eh. Kain ka lang ng kain dyan." sabi niya at isinara ang makapal na libro.

"Ang sarap kaya, tikman mo." inilapit ko pa sa kanya ang cookie.

Hinawi naman niya ang kamay ko at mabilis na hinalikan ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya.

"You're right. It's delicious." sabi nito at dinilaan ang lower lip niya. Nag-akayatan ang dugo ko sa aking mukha dahil sa ginawa niya. Bakit ang gwapo gwapo ni Ice?!

"Ganito na lang, para ganahan ka magturo sakin. Kapag nagets ko ang ituturo mo may kiss ka sakin---"

Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang upuan ko papalapit sa kanya

"Tuturuan na kita." seryosong sabi niya. Napaismid naman ako, pag may kiss ginanahan?!

"By the way, a hot passionate torrid kiss will do." sabi niya at ngumisi sakin. Napalunok naman ako, hindi naman kasi ako marunong nu'n eh.

“Bakit ka po naiyak Ateng Shenna?” natigilan ako at napalingon kay Rash. Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi ko. Pilit na ngumiti ako sa kanya.

“W-Wala, m-may naalala lang si Ateng Shenna.” napakunot ang noo ni Rash.

“May nagpaiyak ba sayo Ateng Shenna?! Sabihin mo lang, sasapukin namin siya ni Dash!” matapang na sabi ni Rash.

“May nagpaiyak sayo Ate Shenna?” nakasimangot din na tanong ni Dash. Napangiti naman ako at niyakap silang dalawa.

Kung wala sila baka tuluyan na kong nagpakamatay.

“Shenna.” napalingon ako kay Manang Rose.

“Nababagot ka ba? Pwede mong bisitahin sa may bayan ang isang branch ng restaurant mo.” nakangiting sabi nito.

Naalala kong may branch nga pala dito sa Palawan ang Hot and Cold.

“Sige po, isasama ko na rin ang kambal para makalabas labas naman itong si Dash.” tumango na lang sakin si Manang Rose at ngumiti.

“Sige ah, iintindihin ko muna ang sakahan.” sabi niya at nagpaalam na.

“Gusto niyong sumama sakin sa bayan?” tanong ko sa kambal. Agad namang tumango si Rash at nagtatalon.

“I-I have to stud---”

“Wag ka ngang KJ! Tss. Kunwari ka pa eh, ayaw mo lang talagang sumama.” nakasimangot na sabi ni Rash. Napabuntong hininga na lang si Dash.

“Fine.”

***

Palinga linga ako sa paligid habang hawak ko sa magkabilang kamay ang kambal.

Maraming bilihan sa paligid. Mukha namang tahimik at payapa, hindi ganoong kadami ang tao hindi tulad sa siyudad na sobrang crowded.

Natigilan ako nang mapansin kong nakatingin si Rash sa bilihan ng mga laruan.

“Gusto niyo ng laruan?” malambing na tanong ko sa kanila.

“Bibilhan niyo po kami?” excited na tanong ni Rash.

“Oo naman. Sabihin niyo kung anong gusto niyo.” nakangiting sabi ko sa kanila.

Agad na nagtatakbo si Rash papunta sa bilihan. Si Dash naman ay nakatayo lang sa tabi ko.

“Ayaw mo ng laruan?” tanong ko at hinaplos ang malambot na buhok niya. Umiling naman siya.

“I want books, not toys.” napangiti ako, matured na talagang mag isip ang batang 'to.

“Sige, pupunta tayo sa book store dyan sa tabi.” binigyan ako nito ng maliit na ngiti. Minsan lang talaga ngumiti 'to si Dash, kaya natutuwa ako tuwing nakikita ko siyang nakangiti.

“Ateng Shenna!” napalingon ako kay Rash at napasinghap ako nang makita kong ang dami nyang hawak na laruan. Pero hinayaan ko na lang siya, minsan ko lang sila makasama kaya bibilhin ko na ang lahat ng gusto nila.

Naglakad na kami pagkatapos kong bayaran ang mga laruan ni Rash. Hawak hawak niya sa supot ang mga laruan niya.

“Dash! Meron kamo ako ditong chess, laro tayo mamaya ah!” masiglang sabi ni Rash. Napairap naman ang kambal niya.

“Para namang mananalo ka sakin.” bulong ni Dash. Napasimangot naman si Rash.

“Ang yabang mo, palibhasa champion ka lagi chess.” nakangusong sabi ni Rash.

Wow! Marunong sila magchess? Samantalang ako fourth year high school na nang matuto ako maglaro ng chess.

Agad na kaming pumasok sa book store, kitang kita ko ang excitement sa mukha ni Dash. Si Rash naman ay napahikab lang na para bang bored na bored siya.

“Ang boring naman dito, puro libro.” bulong ni Rash. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya.

Kumuha ako ng basket at hinayaan si Dash na mamili ng kahit anong gusto niya.

Hindi ba nagsasawa sa mga libro ang batang 'to? Punong puno na ang book shelf niya a kwarto ng mga academic books, karamihan tungkol sa History, Math at Science.

Si Rash naman puro laruan ang laman ng shelf niya. Karamihan puro action figures. Parang collection na nga niya ang mga yo'n eh.

Sa iisang kwarto sila natutulog pero malaki ang kama nila. Sinadya ko yo'n kasi malikot matulog si Rash.

“Okay na po yan Ate Shenna.”

Napatingin ako sa laman ng basket, pitong libro ang nandoon.

“May gusto ka pa ba?” tanong ko kay Dash. Umiling naman siya.

“Okay na po yan.”

Napatingin ako nang may mapansin akong pamilyar na bata sa may sulok.

“Rash, Dash. Umupo lang kayo diyan ah.” tumango naman sila.

Naglakad ako papalapit sa bata. May hawak itong coloring materials at mga notebook na nasa basket.

“Kulang.” narinig kong bulong niya. Natigilan ako nang mapansin kong si Anthony ang batang yo'n.

“Anthony?” napalingon sakin si Anthony.

“Ate Shenna.” nakangiting sabi nito.

Napangiti rin ako dahil sa cute na ngiti niya.

“May kasama ka ba? Bakit mukhang may problema ka?” nilingon ko saglit sina Dash, nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong nakaupo pa rin sila sa di kalayuan sa pwesto ko ngayon.

“Ako lang po mag-isa.” napakunot ang noo ko.

“Ikaw lang mag-isa? Nagpaalam ka ba sa mga magulang mo?” umiling naman siya.

“Busy silang parehas, ayokong dumagdag sa trabaho nila, naaawa na nga po ako kina nanay at tatay eh.” nakasimangot na sabi niya. Napangiti ako at pinisil ang pisngi niya.

“Ganun ba? May binibili ka yata ah? Samahan na kita.” umiling naman siya.

“Kulang ang pera ko.” inilahad niya ang palad niya na may tatlong bente at mga barya.

Agad kong kinuha ang basket mula sa kanya.

“Piliin mo ang lahat ng gusto mo? Si Ate Shenna na ang magbabayad.” nakangiting sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang cute niyang mga mata.

“W-Wag na po, nakakahiya naman.” namumula ang mga pisngi niya dahil na rin siguro nahihiya siya sakin. Napahagikhik naman ako.

“Ayos lang. Sige na piliin mo na ang gusto mo.” nahihiyang tumango siya sakin.

“K-Kapag po big boy na ko at may work, babayaran ko po kayo.” nakatungong sabi nito. Agad kong ginulo ang buhok niya.

“Sige, kaya mag-aral ka ng mabuti para kapag big boy kana at may work, mabayaran mo na si Ate Shenna. Okay ba yo'n?” nakangiting tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya at tuwang tuwa na niyakap ako. Nakaramdam ako ng kakaiba, parang masaya rin ako na makitang masaya ang batang 'to.

Pagkatapos niyang mamili. Agad na naming binalikan ang kambal. Napangiti naman si Rash nang makita si Anthony.

“Anthony!”

Agad na ko ng binayaran ang mga napamili namin. Pagkatapos nagpaalam na samin si Anthony.

“Aalis na po ako ah. Salamat po!” kinawayan naman namin siya habang naglalakad na siya paalis.

“Punta na tayo sa restaurant ni Ate Shenna?” sabay silang tumango.

Ilang lakad lang narating na namin ang Hot and Cold. Agad akong pinagbuksan ng guard

“Hello Ma'am, what's your order?” nakangiting tanong ng waitress.

Agad na lumapit sa kanya si Cathleen, ang manager ng restau, kilala niya ako eh.

“Ano ka ba? Si Ma'am Shenna yan, ang main owner ng Hot ang Cold.” sabi ni Cath at inirapan ang waitress. Inirapan din naman siya nito.

“Grabe ka Ma'am, malay ko ba?” napangiti na lang ako.

“Ayos lang. Tutulong lang ako dito saglit.”

Natigilan ako nang may pamilyar na bulto akong napansin.

“Cath, pakibantayan nga muna ang kambal, kapag may in-order sila pakiserve na lang.” tumango naman sakin si Cath at ngumiti.

Lumapit ako sa pamilyar na lalaking nakatalikod sa sulok. Parang may kausap ito. Wala naman kasing tao sa pwesto niya.

Dahan dahan akong naglakad papalapit. Natigilan ako nang mapansin kong si Anthony ang batang kausap niya at base sa boses na narinig ko, si Antonio ang nagsasalita.

“Kanino ba kasi galing yan?! Isauli mo na iyan at ako na ang bibili para sayo.” panenermon ni Antonio sa bata.

“Mabait na tao ang nagbigay nito sakin! Hindi ko 'to isosoli sa kanya.” pagmamatigas pa ni Anthony. Huminga ng malalim si Antonio na para bang nagpipigil ng galit sa anak.

Napatikhim ako at kinulbit siya sa likod. Napasinghap ako nang galit na humarap siya sakin.

“Ano?!”

“A-Antonio.” nawala ang galit sa mukha niya at parang natauhan.

“P-Paumanhin binibini.” tipid na ngumiti ako sa kanya.

“Wag mo ng pagalitan ang bata, a-ako ang bumili niyan para sa kanya.” napapikit ng mariin si Antonio.

“Magkano ang nagastos mo binibini? Babayaran ko na lang pagnaka-sweldo na ko.” natigilan ako at napatingin sa damit na suot niya.

“D-Dito ka nagt-trabaho sa restaurant ko?” gulat na tanong ko. Natigilan naman siya at napatango.

“Oo, dito ako nagt-trabaho.”

“T-Talaga? Tapos nagsasaka ka pa sa sakahan ni Manang Rose. Ang sipag mo naman Ice.” nakita kong dumilim ang mukha niya. Napakunot ang noo ko.

“Tinawag mo na naman akong ‘Ice’ binibini.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status