"Nalaki na ang tiyan mo, nananaba ka na rin." tila namomroblemang sabi ni Sarah. Napatungo ako, marami na nga ang nakakapansin. Mukhang magiging problema nga yo'n.
"A-Anong gagawin ko Sarah?"
"S-Sabihin mo na lang kaya sa kanila ang totoo? Malalaman rin naman nila sa huli." napailing ako sa sinabi niya.
"H-Hindi pwede, lalo na ngayon na t-tama pala ang hinala natin." sabi ko at hinaplos ang medyo umbok ko ng tiyan.
"Magbakasyon ka muna kaya ng matagal. Bumalik ka na lang dito sa Maynila kapag nakapanganak ka na." suggestion niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Mukhang magandang ideya nga yo'n.
"Kung naaalala mo si Manang Rose, nasa Palawan na siya ngayon. Pwede kang magstay do'n." napatango ako sa sinabi niya.
"O-Oo, naaalala ko siya." siya yung dating katulong nina Tita Amy na ka-close ko.
"Wag kang mag-alala, ligtas ang sikreto natin sa kanya."
***
Naluluhang sinugod ko siya ng yakap, halatang nagulat siya sa ginawa ko. Hindi ko na alintana ang pawisan niyang katawan at ang pagtingin samin ng mga magsasaka, ang mahalaga sakin ay nasa harap ko na siya ngayon.
"I-Ice." sabi ko habang patuloy na umiiyak. Napahawak siya sa baywang ko nang pakiramdam ko ay babagsak na ko dahil sa mga emosyong nararamdaman ko ngayon.
"B-Binibini." nauutal na sabi nito. Marahan niya kong tinulak mula sa pagkakayakap ko sa kanya.
"I-Ice."
"Nagkakamali ka binibini, hindi Ice ang pangalan ko, ako si Antonio." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"A-Ano bang sinasabi mo dyan Ice?" napakamot ito sa batok niya.
Ibang iba ang pagkilos niya kay Ice. Puno ng emosyon ang itim na itim niyang mga mata. Oo, hindi asul ang kulay ng mga mata ng lalaking 'to na kamukhang kamukha ni Ice.
Natigilan ako nang ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Siguro nag-away kayo ng kasintahan mo binibini, kamukha ko siguro siya ano?" totoong totoo ang ngiti ng lalaking 'to hindi tulad ng kay Ice na tipid at minsan pilit pa.
"K-Kamukhang kamukha mo siya." maluha luhang sabi ko habang nakatitig sa gwapo niyang mukha.
"Gano'n ba?" napakamot na lang sa kanyang batok si Antonio. Seryosong nakatitig lang ako sa kanya.
"I-Ice, alam kong ikaw yan. Wag ka ng magsinungaling sakin." sabi ko habang patuloy ang pagdaloy ng mg luha sa pisngi ko.
"Binibini, hindi talaga ako ang Ice na hinahanap niyo. Baka talagang nagkamukha lang kami." tinapik ako nito sa balikat pagkatapos ay tinalikuran na ko nito at pinapatuloy na ang ginagawa.
***
Nagmamadaling pumasok ako sa bahay at agad na hinanap ng mga mata ko si Manang Rose.
Nilapag ko ang basket sa mesa nang makita ko si Manang Rose na nagtitiklop ng damit. Agad akong lumapit sa kanya.
"S-Sino po si Antonio?" natigilan siya sa tanong ko.
"Marami akong magsasaka na Antonio ang pangalan, sino ba ang tinutukoy---"
"Alam kong alam niyo po kung sinong Antonio ang tinutukoy ko Manang Rose." inalis niya ang mga damit sa kandungan niya at seryosong tumitig sakin.
"Hindi siya si Prince hija, maniwala ka sakin."
"P-Pero bakit gano'n Manang? B-Bakit kamukhang kamukha niya ang asawa ko? Alam ko Manang, ramdam kong siya si Ice." marahas na pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko.
"Shenna, pitong taon na siyang naninirahan dito sa Palawan kaya imposibleng siya si Prince." sabi ni Manang na para bang nagpapaliwanag siya sa limang taong gulang na bata.
Umiling ako habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko.
Alam kong siya si Ice, alam kong buhay si Ice.
***
"Shenna, k-kailangan mo 'tong malaman." agad kong nilapitan si Sarah. May inabot siyang papel sakin. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko ang nakasulat do'n.
"Palihim na inulit namin ni Bullet ang DNA test sa bangkay na nakita sa kotse ni Prince. Pakiramdam kasi ni Bullet parang may mali. Ayaw ipakita samin ng mga doktor ang resulta ng tests. At base sa ginawa naming DNA test, h-hindi nagmatch ang DNA nito kay Prince." seryosong sabi nito.
"A-Ang ibig sabihin..."
"Oo, hindi si Prince ang bangkay."
Nanghihinang napaupo ako sa sofa. Parang hinigop lahat ng papel na hawak ko ang lakas na natitira sakin.
"I-Ibig sabihin, posibleng buhay pa ang asawa ko?" tumango si Sarah sa sinabi ko at ngumiti.
"P-Pero tayo pa lang ang pwedeng makaalam nito. Base sa pag-iimbestiga ni Tiger, halatang sinadya ang nangyari sa kotse ni Prince at hindi aksidente. Kailangan nating mag-ingat, dapat magpanggap tayong walang alam. Hindi natin alam kung ano ang mga pwedeng mangyari."
Napabuntong hininga ako.
"Tama nga na itago ko muna ang mga a-anak ko sa lahat." lumapit sakin si Sarah at niyakap ako.
"Malalaman din natin ang lahat. Hindi titigil ang Danger Zone sa pag-iimbestiga."
***
"A-Ate Shenna, may problema ka po ba?" malungkot na tanong ni Dash.
Napangiti ako at hinaplos ang malambot na buhok niya.
"W-Wala baby, may iniisip lang ako. Nga pala, nasaan si Rash?" napalinga ako sa paligid.
"I think he's outside, playing with Anthony." napakunot ang noo ko.
"Sino naman si Anthony?"
"I don't know, ang alam ko po anak siya ng magsasaka." napatango na lang ako.
"Ayaw mo bang makipaglaro sa labas?" tanong ko at kinandong siya. Napailing siya.
"I'm busy." inangat nito ang libro niya na tungkol na naman sa Math.
Napangiti na lang ako at niyakap siya ng mahigpit, manang mana talaga siya kay Ice.
"I love you." mahal na mahal ko siya, sila ni Rash.
"I love you too Ate Shenna. Sana ikaw na lang ang mommy namin ni Rash." sabi nito at niyakap ako.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para pigilin ang pagpatak ng mga luha ko, kung alam mo lang Dash.
***
"Nasaan na ba yang kambal mo?" hawak ko ang kamay ni Dash habang naglalakad lakad kami at hinahanap si Rash. Mahilig talagang magala ang batang yo'n. Malapit ng dumilim eh.
"Baka po nasa may tree house kasama si Anthony." sabi ni Dash.
Tree house? Saan naman ang tree house na yo'n?
"Alam mo ba kung saan ang tree house na yo'n?" tanong ko kay Dash.
"I-I'm not sure." sabi nito at napakibit balikat.
Sinubukan naming hanapin ni Dash ang tree house. Pero habang tumatagal, napapansin kong parang naliligaw na kami sa liblib na lugar na 'to.
Argh! Dapat hindi ko na sinama si Dash. Baka mapano ang anak ko.
"Hmm, b-baka dito yung daan." turo ko sa kaliwang parte, napabuntong hininga ako, nadaanan na namin 'to eh.
Kahit kinakabahan na talaga ako, hindi ko iyon pinapahalata kay Dash.
Sumasakit na ang paa ko kakalakad, napalingon ako kay Dash, mukhang gano'n din siya. Agad ko siyang binuhat.
"A-Ate Shenna, I'm heavy." tila nahihiyang sabi nito.
"Okay lang, nangangalay na ang baby ko eh."
Naglakad lakad pa kami. Natigilan ako nang may mapansin akong kakaibang bagay na nagapang papalapit sakin.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong ahas pala ang bagay na yo'n. Napahigpit ang hawak ko kay Dash. Matuklaw na ko ng ahas, wag lang si Dash.
Dahan dahan akong umatras habang nagapang papalapit sa paa ko ang ahas.
Natigilan ako nang may malalaking kamay na humawak sa magkabilang balikat ko mula sa likuran. Napapitlag ako nang hilahin kami ng kung sino sa likuran niya.
Agad na sinaksak ng lalaki ang ahas gamit ang kung anong matulis na bagay. Para akong nabunutan ng tinik, salamat sa Diyos.
Napalingon sakin ang matangkad na lalaki at gano'n na lang ang gulat ko nang makita kung sino iyon.
"A-Antonio?" ngumiti siya sakin.
"Bakit ka paggala gala kasama ang batang iyan dito sa liblib na lugar, pa'no na lang kung hindi ko kayo nakita?" tila nanenermon na sabi nito. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.
Nilagpasan ako nito at kinuha ang mga kahoy na siguro buhat niya kanina bago niya ako makita.
"Where's my twin?" tanong ni Dash kay Antonio, napakunot ang noo ko. Kilala niya si Antonio?
"Yung kambal mo ba kamo? Nasa tree house kasama ni Anthony." kaswal na sabi ni Antonio kay Dash.
"P-Pwede mo ba kaming samahan sa tree house na yo'n?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sakin at ngumiti.
"Oo naman binibini, doon din naman ang punta ko." nakangiting sabi nito.
Mapait na napangiti ako. Ibang iba siya kay Ice.
Natigilan ako nang bitawan ni Antonio ang mga kahoy na hawak niya at kinuha niya mula sakin si Dash.
"P-Pa'no yung mga kahoy mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Saglit siyang tumingin sakin at ngumiti.
"Dito sa probinsya, hindi hinahayaan ng mga kalalakihan na mapagod o mahirapan ang mga babae."
Napakagat na lang ako sa labi ko at tumango.
***
"Ano ka ba naman Rash Pierre?! Gabing gabi na oh, nasa labas ka pa rin at hindi umuuwi! Lagi mo bang pinapasakit ang ulo ni Manang Rose?!" panenermon ko kay Rash.
Automatic namang nawala ang galit ko nang mapantungo siya at ngumuso.
"Sorry na po, di ko na po uulitin." hinging paumahin nito. Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko naman matitiis ang batang 'to eh.
Napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya.
Bumaba na rin si Antonio sa tree house na may kasamang bata. Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa batang iyon.
"Bukas na lang ulit Anthony, pero hindi na ko magpapagabi. Baka magalit na sakin si Ateng Shenna." sabi naman ni Rash sa bata.
Napahawak ako sa nakaawang na bibig ko habang nakatitig sa batang tinawag niya na 'Anthony' na buhat buhat ngayon ni Antonio.
Hawig na hawig ni Ice, Antonio at ng kambal ang batang iyon. Pero hindi tulad ng sa kambal, itim na itim ang mga mata nito gaya ng kay Antonio.
Nanghihinang napahawak ako sa puno.
"Binibini, siya nga pala ang anak ko na si Anthony."
“Matagal mo na bang kaibigan si Anthony?” tanong ko kay Rash habang hinahaplos ang buhok niya. Umiling siya sakin.“Pinakilala lang po siya ng classmate ko sakin. Tapos nakita ko po siya dito kasama ni Kuya Antonyo kaya ayun, naging friend ko siya. Kaso hindi siya pinapansin ni Kuya Dash, masungit kasi.” sabi ni Rash habang naglalaro ng games sa cellphone ko.“I'm not masungit, I just don't like talking when I'm studying.” sabi ni Dash habang nagsasagot ng assignment.“Tss. Mabait naman si Anthony, saka sabi ng mga classmate natin kamukha daw natin si Anthony kaso black yung eyes niya.” natigilan ako sa sinabi ni Rash. Kamukha nga nila si Anthony, kamukhang kamukha.“I don't care.” masungit na sabi ni Dash. Napailing na lang ako, manang mana talaga.“May pasok na kayo bukas. Ikaw Rash, gumawa ka din ng assignment mo.” panenermon ko kay Rash. Napanguso naman siya.
“S-Sorry, kamukha mo kasi talaga ang asawa ko.” hinging paumanhin ko. Natigilan siya sa sinabi ko.“A-Asawa mo yung Ice?” parang hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako.“Bakit?”“Wala naman, parang ang bata mo pa kasi para magkaroon ng asawa.” napataas ang kilay ko sa sinabi niya.“Twenty five na ko.” mukhang nagulat na naman siya sa sinabi ko.“Twenty five ka na? Mukha ka lang estudyante.” naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.“Bakit mo naman nasabi?” nakapamaywang na sabi ko.“Dahil... Medyo maliit ka.” sabi na nga ba eh.Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.“Ikaw, ilang taon ka na ba?” tanong ko.“Basta, lagpas na ko sa kalendaryo.” sabi nito at napakamot pa sa kilay niya.“Tapos na po ba kayong mag-usap?” napalingon kami kay Anthony na nakatingala samin. Napahagikhik ako dahi
“Shenna.”Agad na napaiwas ako ng tingin kay Rash. Bumaling kay Manang Rose ang mga mata ko. Parang gusto ko siyang pasalamatan at iniligtas niya ko sa tanong ni Rash.“B-Bakit po Manang?” agad akong lumabas ng kwarto at iniwan si Rash. Dali dali akong hinila ni Manang Rose palabas ng bahay.“M-Manang, h-hindi ko alam ang isasagot ko kay Rash.” naluluhang sabi ko. Agad naman akong hinaplos ni Manang sa pisngi.“K-Kung sabihin mo na lang kaya sa k-kanila ang totoo.”Napailing ako sa sinabi ni Manang Rose. Pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko.“H-Hindi pa pwede Manang, a-alam niyo naman pong m-magulo pa ang lahat.” napabuntong hininga si Manang Rose.“Naaawa na ko sa kambal, sabik na sabik sila sa mga magulang. Si Dash, kahit sinasabi niya na wala na siyang pakialam sa totoo niyang mga magulang, ramdam kong gusto niya paring makita at makasama ang mga magu
“Dash!”Agad akong tumayo at lumapit kay Dash. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.“B-Baby, m-makinig ka muna kay Ate Shenna please? M-Magpapaliwanag ako.” pinahid ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.“What for? Ayaw mo ngang malaman ng lahat na anak mo kami ni Rash eh, kinakahiya mo kami.” malamig na sabi nito habang walang emosyon na nakatitig sakin. Agad naman akong napailing.“That's not true Dash, h-hindi ko kayo kinakahiya. H-Hinding hindi ko kayo ikakahiya.”Akmang hahawakan ko ang pisngi niya pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko. Naramdaman ko ang presensiya ni Rash sa likod ko.“I don't believe you. Just leave us alone. Hindi namin kailangan ng nanay.” pagkasabi no'n ay agad na tumalikod si Dash at umalis.Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Nar
“I-Ikaw pala ang Mama ni Anthony, nice to meet you.” sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, nasisiraan na yata ako ng bait. Bakit nasasaktan ako? Nagseselos ba ako?!“Ikinagagalak rin kitang makilala. Totoo nga ang sabi ng anak ko, napakaganda mo Shenna.” totoo ang ngiti nito sakin, nakaramdam tuloy ako ng konsensya.“H-Hindi naman.” sabi ko at nahihiyang ngumiti sa kanya.“Tama na yan. Umalis ka na Cara, hindi mo na ko kailangang dalhan ng pagkain dahil kumain na ko kanina.” malamig na sabi ni Antonio sa asawa.“G-Gano'n ba? P-Pasensya na.” nakayukong sabi ni Cara. Nakaramdam ako ng awa sa kanya.“Akin na lang.” sabay silang napatingin sakin. Ngumiti lang ako.“Akin na lang ang pagkain na para kay Antonio.” nakangiting sabi ko kay Cara. Namula ang magkabilang pisngi nito.“S-Sigurado ka? Hindi a
“Aray!”Napadaing ako dahil sa sobrang sakit ng ulo pagkagising ko.Natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Para akong nasa kubo, at nakahiga ako sa papag ngayon.Nanghihinang bumangon ako. Nasaan ba ako? Bakit wala akong maalala?Napatingin ako sa maliit na papel sa mesa. Agad akong tumayo at kinuha 'yon.Umuwi kana sa inyo kung gising kana...-AntonioNaningkit ang mga mata ko. Napahawak ako sa ulo ko nang may mga alaala kagabi na pumasok sa isip ko.“H-Hindi, a-alam kong ikaw si Ice. Blue ang mga
“ But the law of loving others could not be discovered by reason, because it is unreasonable. ”***“H-Ha?”Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Parang hindi naandar ang utak ko.Napaiwas siya ng tingin sakin. Napalunok siya at tumalikod sakin.“K-Kalimutan mo na 'yon.”Nakatulala lang ako habang naglalakad na siya palayo.“Kung ipagpapatuloy mo 'to, tuluyan na kong mahuhulog sayo.”Napahawak ako sa pisngi ko dahil pakiramdam ko pulang pula na 'yon.“At mas lalong wala na kong pakialam kung iniisip
“Anong iniisip mo?”Napalingon ako kay Antonio. Kinurot ako nito sa ilong. Agad ko siyang hinampas habang nakahawak sa ilong ko.“Bakit ka ba nangungurot diyan?!” napangiti lang siya sa sinabi ko.“Ano ba kasing iniisip mo?” umupo siya sa tabi ko.“S-Si Cara.” saglit siyang napalingon sakin.“Bakit mo naman iniisip si Cara?”Pinulupot niya ang mga braso sa baywang ko at hinila ako papalapit sa kanya, hinayaan ko na lang siya.“N-Nakita niya tayo kanina.” tahimik lang siya at parang hindi apektado sa sinabi ko.“Hayaan mo na siya. Alam naman niya kung ano na lang ang estado naming dalawa.” tila walang pakialam na sabi nito.Napatingin ako sa kanya at napaisip. Paano ako hihingi ng DNA sample sa kanya, kahit buhok man lang? Natatakot akong magsabi dahil baka magalit siya.“A-Antonio.”“Hmm?”