“Salamat sa inyo.” nakangiting sabi ko sa Danger Zone.
“Anytime Shenna.” sabi ni Lion at inakbayan si Kyla.
Private plane kasi ni Lion ang sasakyan ko papuntang Palawan para mas mabilis daw. Si Gun naman ang magiging piloto, marunong naman kasi ito.
“Mag-iingat ka pandak.” sabi ni Tiger at ginulo ang buhok ko. Napangiti naman ako.
“Kayo naman, madalas naman akong magbakasyon sa Palawan, para namang may bago.” sabi ko sa kanila.
“Dadalawin ka namin do'n pag may time kami. Sabi mo kasi matatagalan ka sa bakasyon mo do'n eh.” sabi naman ni Shark.
“Ano ba kayo? Kahit wag na, alam kong mga busy kayo, pero salamat na rin.”
“Shenna.” napalingon ako kay Bullet.
“Hmm?”
“Alam mong pwede kang magsabi ng problema mo samin diba? Pwede mo kaming iyakan ng Danger Zone?” seryosong sabi nito.
“Oo nga Shenna, k-kahit wala na si Prince, nandito pa rin kami para sayo. Little sister ka na ng buong Danger Zone.” dagdag pa ni Dragon.
Napangiti ako habang naluluha, hindi pa rin talaga sila nagbabago. Lagi silang nandyan para sakin noon pa man. Kaya napakaswerte ko at nandyan ang Danger Zone, si Kyla, Ailee at Sarah.
“S-Salamat sa inyo.”
“Tama na ang drama, group hug!” sabi ni Sarah.
Lumapit naman kaming lahat sa isa't isa at nagyakapan.
***(Italicized means flashback)***
“Positive po, si Mr. Ice Prince Farthon po ang sunog na bangkay.”
Napahagulgol ako ng iyak. Si Tita Amy naman ay tulalang napaupo sa sahig na agad namang dinaluhan ni Tito King.
Umasa ako, umasa ako na hindi si Ice yung bangkay.
“B-Bakit mo ko iniwan Ice?” bulong ko sa isip ko.
Agad akong nilapitan nina nanay at niyakap habang naiyak din.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na si Ice, wala pa ang mga anak ko. Gusto ko na ring mamatay.
“T-Tita Amy.” kahit kinakabahan ako, naglakas loob akong kausapin si Tita Amy.
Galit ang mga mata nitong tumingin sakin. Agad itong tumayo at pinaghahampas ako.
“Kasalanan mo 'to! K-Kasalanan mo 'to! Kung hindi dahil sayo, s-sana buhay pa ang kaisa isa kong anak!” sumbat ni Tita Amy habang patuloy sa pag-iyak.
“S-Sorry po, patawarin niyo po ako.”
“G-Gusto mong patawarin kita?! Pwes buhayin mo ang anak ko! Mapapatawad lang kita kung buhay Prince!” galit na sabi nito at tumalikod na saka umalis.
“Sorry sa ginawa ni Amy, Shenna. Nasasaktan lang talaga siya dahil sa nangyari sa anak namin.” sabi ni Tito King. Tipid na nginitian ko lang siya.
“Anak, k-kayanin mo ha? Wag kang susuko.” sabi ni Nanay. Hindi ako sumagot.
Gusto ko na ring mamatay.
***
“Shenna.”
Naalimpungatan ako dahil may narinig akong tumawag sakin. Pagmulat ko, bumungad ang nakangiting mukha ni Manang Rose.
Nahihiyang ngumiti ako, nakatulog pala ako habang nakaupo dito sa bench, buti hindi ninakaw ang mga gamit ko.
“Pasensya na kung naghintay ka ng matagal hija. Madami kasi akong ginawa eh.” tila nahihiyang sabi ni Manang Rose. Nginitian ko siya.
“Ayos lang po. Ako nga po ang nahihiya sa inyo at nakaabala pa ko.”
Sumakay na kami sa jeep. Nagpapasundo parin ako kada pupunta ako dito dahil hindi ko pa rin saulo ang papunta sa kanila. Minsan nga ay nahihiya na ko, kaso talagang mabait si Manang Rose.
“Kamusta na po ang lupang sakahan niyo? Balita ko marami na ho kayong magsasaka.” nakangiting sabi ko. May ari na kasi ng sakahan si Manang Rose, at dahil yo'n sa pagsisikap niya.
“Ayos na ayos naman ang aking lupang sakahan. Lagi namang sagana sa ani.” natuwa ako sa narinig ko. Buti naman.
“Dito na lang ho!” sabi ni Manang Rose. Agad na tumigil ang jeep, bumaba na kami ni Manag Rose.
Bumungad sakin ang sariwang hangin sa bukirin. Grabe, napakaganda talaga sa probinsya.
Dali dali kong binitbit ang maleta ko. Binitbit naman ni Manang Rose ang backpack ko na hindi naman gano'ng kabigat.
Nadaanan namin ang lupang sakahan ni Manang Rose. Marami ngang magsasaka ang nagt-trabaho dito.
May mga puno sa paligid at berdeng berde ang paligid, maganda sa mata. Nakakarelax tingnan ang tanawin.
Meron ding bundok sa di kalayuan. Madalas akong tumambay diyan kasama si Dash at Rash. Napangiti ako nang maalala yo'n.
Sa pagkakatanda ko pa nga ay mayroong malinis na batis dito at madalas kami doon ng kambal.
Napangiti ako nang makarating na kami sa hindi kalakihan pero magandang bahay ni Manang Rose.
Pagpasok namin sa loob agad akong sinalubong ng yakap ni Rash. Si Dash naman ay nakatungo lang sa isang gilid.
“Ateng Shenna!” agad kong ginantihan ng yakap si Rash. Naiiyak ako sa tuwa dahil nakita ko na ulit ang kambal.
Kapag napunta kasi ako dito, hanggang isang linggo lang lagi ako. Pero ngayon mags-stay ako ng matagal para mas matagal ko pang makasama ang kambal.
“Dash, come here.” nakangiting sabi ko kay Dash. Nahihiyang lumapit ito sakin, agad ko naman siyang niyakap.
“Inuwian ko kayo ng maraming laruan.” hinaplos ko ang buhok nila.
Malungkot na napangiti ako habang nakatingin sa asul nilang mga mata. Lalo kong naaalala si Ice kapag titingin ako sa mga mata nilang kulay asul.
“Talaga po Ateng Shenna?!” masiglang tanong ni Rash. Napangiti naman ako at tumango.
“Namiss kita Ate Shenna.” nakatungong sabi ni Dash.
“Namiss din kita Dash Pierce, pati ikaw Rash Pierre.” niyakap naman nila ako.
Ang sarap sa pakiramdam, kasama ko na sila ulit.
***
Nakatulala ako habang naglalakad. Napatigil ako nang nasa dulo na ako. Napatingin ako sa ibaba, napakataas ng building na 'to. Nakikita ko ang maliliit na ilaw na nanggagaling sa mg kotse at mga building. Mapait na napangiti ako.
Isa lang ang napasok sa isip ko, gusto ko ng mamatay.
Wala ng silbi kung mabubuhay ako, wala na ang asawa't anak ko.
Inihakbang ko ang isang paa ko, napapikit ako ng mariin. Handa na kong mamatay.
Tatalon na sana ako nang may maramdaman akong humila sakin. Napahiga kaming dalawa sa sahig.
“Ano bang problema mo Shenna?! Bakit ka magpapakamatay?!” galit na sabi ni Sarah habang pinapagpag ang uniform niya, nurse siya dito.
Nanghihinang umupo ako at napasabunot sa sarili ko.
“A-Ayoko ng mabuhay Sarah, w-wala na si Ice at ang mga anak ko! Wala ng silbi kung mabubuhay ako sa pesteng mundong 'to! Ayoko ng mabuhay Sarah! Ayoko na!” sabi ko habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.
“N-Nagkakamali ka.” seryosong sabi nito. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
“A-Anong ibig mong sabihin?” seryosong napatingin siya sakin.
“Buhay ang kambal Shenna, b-buhay ang mga anak niyo ni Prince.” gulat na napatingin ako sa kanya.
“B-Buhay sila? P-Paano? S-Sabi mo w-wala na sila.” umiling siya.
“Magulo pa ang lahat Shenna, maiintindihan mo rin kung bakit kailangan nating itago ang kambal.”
Habang tumatagal, naintindihan ko rin ang lahat. Mukhang tama si Sarah, kailangan ko munang itago ang kambal sa lahat.
Sa ngayon, ako, si Manang Rose at si Sarah pa lang ang nakakaalam ng tungkol sa kambal. At ni hindi nila alam na ako ang nanay nila.
“Ateng Shenna! Ateng Shenna!” tumatalon talon si Rash sa kama ko.
Agad akong bumangon habang kinukusot ang mga mata ko. Napatingin ako sa bintana, maliwanag na pala.
“Ateng Shenna naman eh, akala ko ba namiss mo kami. Bakit tulog ka ng tulog?” nakangusong sabi ni Rash. Napangiti ako at kinurot ang pisngi niya.
“Ano ka ba Rash? Let her sleep. She's tired.” sabi ni Dash. Nasa pinto siya ng kwarto ko at may hawak na libro tungkol sa Math.
“Okay lang. Ipagluluto ko kayo ng breakfast gusto niyo?” nagtatalon ulit sa kama si Rash.
“Opo! Opo! Gusto namin ng pancake Ateng Shenna!” masiglang sabi ni Rash.
“No, I want bacon and hotdog for my breakfast.” masungit na sabi ni Dash sa kambal niya.
“Ang KJ mo naman! Pancake na lang! Mas masarap yo'n, ang alat kaya ng bacon at hotdog.” nakangusong sabi ni Rash.
“Parehas ko na lang lulutuin okay? Pancake for Rash, bacon and hotdog for Dash. Okay na?” nakangiting tanong ko. Tumango naman sila.
Dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos, dumiretso na kami ng kambal sa kitchen.
Pagkatapos kong lutuin ang almusal nila agad ko na iyong inihain sa kanila at pinagtimpla ko silang gatas. Gaya ng inaasahan ko, hindi naubos ni Rash ang gatas niya. Hindi kasi siya mahilig sa gatas.
“Ateng Shenna, kilala mo ba ang mga magulang namin?” tanong ni Rash habang nakakandong sakin.
Natigilan ako sa tanong niya. Ngayon lang siya nagtanong sakin ng tungkol doon.
“H-Ha? H-Hindi eh.” napanguso si Rash, si Dash naman ay tahimik na nagbabasa ng libro sa tabi ko.
“Gusto ko na silang makita Ateng Shenna, naiinggit na ko sa mga classmate ko na may Mama at Papa.” ramdam ko ang lungkot niya. Pasimple kong pinahid ang luhang kumawala sa mata ko.
“W-Wag kayong mag-alala, k-kung nasaan man ang parents niyo. Tandaan niyo na mahal nila kayo, okay?” tanong ko habang hinahaplos ang buhok nila.
“Opo Ateng Shenna, sabi kasi ni teacher, walang magulang na hindi mahal ang anak nila!” masiglang sabi ni Rash. Napangiti ako sa sinabi niya.
“You're wrong Rash.” malamig na sabi ni Dash. Agad akong napalingon sa kanya. Walang emosyon na makikita sa mga mata niya, gaya ni Ice.
“Kung mahal nila tayo, hindi nila tayo iiwan.” malamig na sabi ni Dash.
“S-Siguro may dahilan sila. Wag kang ganyan sa Mama at Papa natin. Hindi ka ba excited na makita sila?” sabi pa ni Rash.
“I don't care about them. They don't love us, I will never love them as well.” malamig na sabi nito at tumayo saka dumiretso sa kwarto nila ni Rash.
Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib. Alam kong nasasaktan sila dahil akala nila, wala silang mga magulang. Mabilis kong pinahid ang luha ko para hindi makita ni Rash.
“Ateng Shenna, pasensya na kung nagsusungit na naman siya ah. Siguro nagmana siya sa Papa namin.” napangiti ako sa sinabi niya.
Mana nga si Dash kay Ice.
“Shenna, makikisuyo naman.” napalingon ako kay Manang Rose na kararating lang.
“Bakit po?” binigay niya ang basket sakin na may mga tinapay.
“Pwede bang pakibigay yan sa mga magsasaka para makapag almusal sila? Madami kasi akong gagawin eh.” nginitian ko siya. Nagpapakain talaga si Manang Rose sa mga magsasaka niya.
“Syempre naman po. Ako na pong bahala dito.”
Nagpaalam muna ako kay Rash bago lumabas patungo sa sakahan. Kilala ko na ang ilang mga magsasaka dito at masasabi kong mababait silang lahat.
“Tinapay ho! Baka gusto niyo!” nagsilapitan naman silang lahat. Nakangiting binigay ko ang mga tinapay sa kanila.
Nagtatakang napatingin ako sa lalaking nakatalikod sa pwesto ko sa di kalayuan. Hindi siya kumuha ng tinapay galing sakin.
Kumuha ako nga isang tinapay sa basket at lumapit sa kinaroroonan ng lalaki.
Halatang matipuno at maganda ang katawan nito kahit nakatalikod, wala kasi itong damit pang itaas. Matangkad rin ito at sa tangin ko hanggang balikat niya lang ako. Medyo kayumanggi ang balat niya dahil na rin siguro sa pagbibilad sa arawan.
“Kuya, gusto niyo po ng tinapay?” tanong ko sa lalaki. Tumayo ito at humarap sakin.
Gano'n na lang ang gulat ko ng makita ko ang mukha niya. Nabitawan ko na rin ang tinapay na hawak ko.
“I-Ice?”
"Nalaki na ang tiyan mo, nananaba ka na rin." tila namomroblemang sabi ni Sarah. Napatungo ako, marami na nga ang nakakapansin. Mukhang magiging problema nga yo'n."A-Anong gagawin ko Sarah?" "S-Sabihin mo na lang kaya sa kanila ang totoo? Malalaman
“Matagal mo na bang kaibigan si Anthony?” tanong ko kay Rash habang hinahaplos ang buhok niya. Umiling siya sakin.“Pinakilala lang po siya ng classmate ko sakin. Tapos nakita ko po siya dito kasama ni Kuya Antonyo kaya ayun, naging friend ko siya. Kaso hindi siya pinapansin ni Kuya Dash, masungit kasi.” sabi ni Rash habang naglalaro ng games sa cellphone ko.“I'm not masungit, I just don't like talking when I'm studying.” sabi ni Dash habang nagsasagot ng assignment.“Tss. Mabait naman si Anthony, saka sabi ng mga classmate natin kamukha daw natin si Anthony kaso black yung eyes niya.” natigilan ako sa sinabi ni Rash. Kamukha nga nila si Anthony, kamukhang kamukha.“I don't care.” masungit na sabi ni Dash. Napailing na lang ako, manang mana talaga.“May pasok na kayo bukas. Ikaw Rash, gumawa ka din ng assignment mo.” panenermon ko kay Rash. Napanguso naman siya.
“S-Sorry, kamukha mo kasi talaga ang asawa ko.” hinging paumanhin ko. Natigilan siya sa sinabi ko.“A-Asawa mo yung Ice?” parang hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako.“Bakit?”“Wala naman, parang ang bata mo pa kasi para magkaroon ng asawa.” napataas ang kilay ko sa sinabi niya.“Twenty five na ko.” mukhang nagulat na naman siya sa sinabi ko.“Twenty five ka na? Mukha ka lang estudyante.” naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.“Bakit mo naman nasabi?” nakapamaywang na sabi ko.“Dahil... Medyo maliit ka.” sabi na nga ba eh.Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.“Ikaw, ilang taon ka na ba?” tanong ko.“Basta, lagpas na ko sa kalendaryo.” sabi nito at napakamot pa sa kilay niya.“Tapos na po ba kayong mag-usap?” napalingon kami kay Anthony na nakatingala samin. Napahagikhik ako dahi
“Shenna.”Agad na napaiwas ako ng tingin kay Rash. Bumaling kay Manang Rose ang mga mata ko. Parang gusto ko siyang pasalamatan at iniligtas niya ko sa tanong ni Rash.“B-Bakit po Manang?” agad akong lumabas ng kwarto at iniwan si Rash. Dali dali akong hinila ni Manang Rose palabas ng bahay.“M-Manang, h-hindi ko alam ang isasagot ko kay Rash.” naluluhang sabi ko. Agad naman akong hinaplos ni Manang sa pisngi.“K-Kung sabihin mo na lang kaya sa k-kanila ang totoo.”Napailing ako sa sinabi ni Manang Rose. Pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko.“H-Hindi pa pwede Manang, a-alam niyo naman pong m-magulo pa ang lahat.” napabuntong hininga si Manang Rose.“Naaawa na ko sa kambal, sabik na sabik sila sa mga magulang. Si Dash, kahit sinasabi niya na wala na siyang pakialam sa totoo niyang mga magulang, ramdam kong gusto niya paring makita at makasama ang mga magu
“Dash!”Agad akong tumayo at lumapit kay Dash. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.“B-Baby, m-makinig ka muna kay Ate Shenna please? M-Magpapaliwanag ako.” pinahid ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.“What for? Ayaw mo ngang malaman ng lahat na anak mo kami ni Rash eh, kinakahiya mo kami.” malamig na sabi nito habang walang emosyon na nakatitig sakin. Agad naman akong napailing.“That's not true Dash, h-hindi ko kayo kinakahiya. H-Hinding hindi ko kayo ikakahiya.”Akmang hahawakan ko ang pisngi niya pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko. Naramdaman ko ang presensiya ni Rash sa likod ko.“I don't believe you. Just leave us alone. Hindi namin kailangan ng nanay.” pagkasabi no'n ay agad na tumalikod si Dash at umalis.Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Nar
“I-Ikaw pala ang Mama ni Anthony, nice to meet you.” sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, nasisiraan na yata ako ng bait. Bakit nasasaktan ako? Nagseselos ba ako?!“Ikinagagalak rin kitang makilala. Totoo nga ang sabi ng anak ko, napakaganda mo Shenna.” totoo ang ngiti nito sakin, nakaramdam tuloy ako ng konsensya.“H-Hindi naman.” sabi ko at nahihiyang ngumiti sa kanya.“Tama na yan. Umalis ka na Cara, hindi mo na ko kailangang dalhan ng pagkain dahil kumain na ko kanina.” malamig na sabi ni Antonio sa asawa.“G-Gano'n ba? P-Pasensya na.” nakayukong sabi ni Cara. Nakaramdam ako ng awa sa kanya.“Akin na lang.” sabay silang napatingin sakin. Ngumiti lang ako.“Akin na lang ang pagkain na para kay Antonio.” nakangiting sabi ko kay Cara. Namula ang magkabilang pisngi nito.“S-Sigurado ka? Hindi a
“Aray!”Napadaing ako dahil sa sobrang sakit ng ulo pagkagising ko.Natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Para akong nasa kubo, at nakahiga ako sa papag ngayon.Nanghihinang bumangon ako. Nasaan ba ako? Bakit wala akong maalala?Napatingin ako sa maliit na papel sa mesa. Agad akong tumayo at kinuha 'yon.Umuwi kana sa inyo kung gising kana...-AntonioNaningkit ang mga mata ko. Napahawak ako sa ulo ko nang may mga alaala kagabi na pumasok sa isip ko.“H-Hindi, a-alam kong ikaw si Ice. Blue ang mga
“ But the law of loving others could not be discovered by reason, because it is unreasonable. ”***“H-Ha?”Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Parang hindi naandar ang utak ko.Napaiwas siya ng tingin sakin. Napalunok siya at tumalikod sakin.“K-Kalimutan mo na 'yon.”Nakatulala lang ako habang naglalakad na siya palayo.“Kung ipagpapatuloy mo 'to, tuluyan na kong mahuhulog sayo.”Napahawak ako sa pisngi ko dahil pakiramdam ko pulang pula na 'yon.“At mas lalong wala na kong pakialam kung iniisip