“I-Ikaw pala ang Mama ni Anthony, nice to meet you.” sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, nasisiraan na yata ako ng bait. Bakit nasasaktan ako? Nagseselos ba ako?!
“Ikinagagalak rin kitang makilala. Totoo nga ang sabi ng anak ko, napakaganda mo Shenna.” totoo ang ngiti nito sakin, nakaramdam tuloy ako ng konsensya.
“H-Hindi naman.” sabi ko at nahihiyang ngumiti sa kanya.
“Tama na yan. Umalis ka na Cara, hindi mo na ko kailangang dalhan ng pagkain dahil kumain na ko kanina.” malamig na sabi ni Antonio sa asawa.
“G-Gano'n ba? P-Pasensya na.” nakayukong sabi ni Cara. Nakaramdam ako ng awa sa kanya.
“Akin na lang.” sabay silang napatingin sakin. Ngumiti lang ako.
“Akin na lang ang pagkain na para kay Antonio.” nakangiting sabi ko kay Cara. Namula ang magkabilang pisngi nito.
“S-Sigurado ka? Hindi a
“Aray!”Napadaing ako dahil sa sobrang sakit ng ulo pagkagising ko.Natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Para akong nasa kubo, at nakahiga ako sa papag ngayon.Nanghihinang bumangon ako. Nasaan ba ako? Bakit wala akong maalala?Napatingin ako sa maliit na papel sa mesa. Agad akong tumayo at kinuha 'yon.Umuwi kana sa inyo kung gising kana...-AntonioNaningkit ang mga mata ko. Napahawak ako sa ulo ko nang may mga alaala kagabi na pumasok sa isip ko.“H-Hindi, a-alam kong ikaw si Ice. Blue ang mga
“ But the law of loving others could not be discovered by reason, because it is unreasonable. ”***“H-Ha?”Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Parang hindi naandar ang utak ko.Napaiwas siya ng tingin sakin. Napalunok siya at tumalikod sakin.“K-Kalimutan mo na 'yon.”Nakatulala lang ako habang naglalakad na siya palayo.“Kung ipagpapatuloy mo 'to, tuluyan na kong mahuhulog sayo.”Napahawak ako sa pisngi ko dahil pakiramdam ko pulang pula na 'yon.“At mas lalong wala na kong pakialam kung iniisip
“Anong iniisip mo?”Napalingon ako kay Antonio. Kinurot ako nito sa ilong. Agad ko siyang hinampas habang nakahawak sa ilong ko.“Bakit ka ba nangungurot diyan?!” napangiti lang siya sa sinabi ko.“Ano ba kasing iniisip mo?” umupo siya sa tabi ko.“S-Si Cara.” saglit siyang napalingon sakin.“Bakit mo naman iniisip si Cara?”Pinulupot niya ang mga braso sa baywang ko at hinila ako papalapit sa kanya, hinayaan ko na lang siya.“N-Nakita niya tayo kanina.” tahimik lang siya at parang hindi apektado sa sinabi ko.“Hayaan mo na siya. Alam naman niya kung ano na lang ang estado naming dalawa.” tila walang pakialam na sabi nito.Napatingin ako sa kanya at napaisip. Paano ako hihingi ng DNA sample sa kanya, kahit buhok man lang? Natatakot akong magsabi dahil baka magalit siya.“A-Antonio.”“Hmm?”
“Paano niyo nga pala ako nahanap?” tanong ko sa kanila na kay Antonio pa rin nakatitig.Nakaupo ngayon si Antonio sa tabi ko at ramdam ko ang pagkailang niya dahil sa titig ng mga ugok.Nakasunod na rin pala samin si Dragon at gaya ng iba, gulat na gulat din ang reaksyon niya pagkakita niya kay Antonio.“S-Syempre, kami pa ba.” parang wala sa sariling sabi ni Tiger na hindi rin maalis ang tingin kay Antonio.“Hoy! Tigil tigilan niyo nga yan, para kayong ewan.” napatingin sila sakin.“Kaya ba gustong gusto mo dito sa Palawan? Dahil sa kanya?” tanong ni Shatk at tinuro si Antonio.“Pero merong bumabagabag sa isip ko eh.” seryosong sabi ni Lion na nakakunot pa ang noo.“Antonio.” napatingin si Antonio kay Lion.“Bakit?”“Hindi ka ba napa
Nagising ako nang maramdaman kong may marahang tumatapik sakin.“Shenna.”“A-Antonio.”Hinawakan niya ko sa braso at inalalayang bumangon. Napahawak ako sa sentido ko nang makaramdam ako nang kaunting pagkahilo.“Iuuwi na kita. Baka nag-aalala na sayo sina Manang Rose.” tumango lang ako sa kanya.Napatingin ako sa bintana, madilim pa rin ang langit. Mukhang saglit lang ako nakatulog.Napatingin ako kay Cara na nakatayo sa gilid, nginitian ako nito.Napansin kong medyo namumugto ang mga mata niya, halata rin ang pagod at antok sa mukha niya.“Salamat sa pagpapahiram ng damit sakin Cara. Sige na, magpahinga ka na.”Napasinghap ako nang buhatin ako ni Antonio, napaiwas ng tingin si Cara.“Aalis na kami.” malamig na sabi ni Ant
Napatingin ako sa mukha ko sa salamin, halatang halata na puyat ako. Si Sarah naman kasi eh, kung hindi niya sinabi sakin ang mga 'yon kagabi edi sana hindi ako napuyat.Napabuntong hininga na lang ako. Napatingin ako sa kambal na mahimbing pang natutulog.“Nandito pa rin ba sina Bullet?” tanong ko kay Sarah.“Wala na. Papunta na sa LA ngayon sina Bullet, Shark at Tiger. Sa Greece naman sina Lion, Gun at Dragon.” natigilan ako sa sinabi niya.“Parang kagabi lang nandito sila sa Palawan ah.” minsan talaga nagugulat na lang ako sa Danger Zone, bakit ba lagi kong nakakalimutan na ubod pala sa yaman ng mga lalaking 'yon?“Ewan ko ba sa mga 'yon.” sabi ni Sarah habang naglalaro sa cellphone niya ng bolang natalbog talbog, yung iba iba yung kulay. Ano ba 'yon? Relix ball? Helix ball? Halix jump? Ay ewan!&ld
“Ano na? Nakumbinsi mo na ba si Pedro?” tanong ni Sarah habang naglalaro na naman ng bolang natalon talon sa cellphone niya.“Antonio! Pedro ka diyan, para ka na ring si Lion. Pinagt-trip-an niyo yung pangalan ni Antonio.” nakangusong sabi ko.“Sorry na! So, nakumbinsi mo na ba si Emilio?” binato ko siya ng unan. Natatawang ibinato niya din sakin ang unan.“Saang baul ba naman kasi napulot ng mga magulang niya ang pangalang Antonio? Pwede namang Andres na lang.” napairap na lang ako sa sinabi niya.Hindi ko talaga akalaing magiging close friend ko itong si Sarah. Halos patayin ko na siya sa isip ko kahit sa Make The Cold Prince Smile pa lang at mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya sa Once Loved by The Cold Prince. Ang talandi kasi!“Hoy! Nababasa ko yang iniisip mo, ang mahalaga, mabait na ko ngayon sa Undying
“S-Sigurado ba kayo diyan?” walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react o maramdaman.“Siguradong sigurado.” seryosong sabi ni Tiger habang nakatitig kay Antonio.Napatingin ako kay Antonio. Napaiwas siya ng tingin, mukhang hindi niya rin alam ang dapat na maramdaman.“K-Kung ako man ang Ice na 'yon, a-ano naman? Wala naman akong dapat gawin.” napabuntong hininga siya at napasandal.“Kailangan mong bumalik sa mansyon Prince, marami kang naiwang responsibilidad.” sabi ni Lion.“Medyo mahihirapan nga lang tayo, walang kasiguraduhan na babalik pa ang alaala niya. Sa lagay ni Prince, mukhang imposible na dahil five years na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang maalala.” sabi pa ni Bullet.Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi pwedeng hindi niya ko ma