Share

Chapter 2

Kinabukasan, habang nasa palengke kami ni Nanay ay dumaan si Joaquin. Nakaporma siya at may dala nanamang bulaklak.

"Ah, Glydel. Para sayo," sabi niya sa akin at inabot ang hawak niyang bungkos ng bulaklak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng mga sandaling iyon pero kinuha ko na rin ito at ayokong mapahiya si Joaquin.

"Totoo nga ang tsismis," narinig kong bulong ng katabi namin at naramdaman kong kinurot ako ni Nanay sa baywang kaya napangiwi ako sandali.

"Para saan ito?" tanong ko kay Joaquin at ngumiti siya sa akin. May inabot na rin siyang tsokolate sa akin at kinuha ko rin iyon.

"Joaquin, sinabi ko na sayo kagabi, ayoko pang magkaroon ng mangliligaw ang anak ko at gusto ko makapagtapos na muna siya sa pag-aaral," sabi ni Nanay sa kanya at nakaramdam ako ng hiya dahil sa pinagsabihan ni Nanay si Joaquin.

"Naiintindihanko po, Aling Nena. Gusto ko lang po magpakita ng paghanga kay Glydel," sabi ni Joaquin kay Nanay at umalis na rin ito agad. Ginawaran ko siya ng isang ngiti bilang pagpapasalamat sa binigay niya.

Ilang sandali lang ay nakita kng parating na naman si May at alam kng nakarating na sa kanya ang pagbibigay ng bulaklak ni Joaquin sa akin.

"Totoo nga!" sigaw ni May at hindi nga ako nagkakamali. Inamoy niya ang bulaklak na iyon at tuwang-tuwa pa para sa akin pero natigil ang pagsasaya niya ng pagsabihan siya ni Nanay.

"Ikaw, May. Huwagmong impluwensyahan si Glydel at gusto kong makatapos muna siya sa pag-aaral bago yang pagkakaroon ng nobyo," sabi niya kay May at sumimangot ito saka nilapag na ang bulaklak sa taas ng ref.

"Aling Mona naman, sobrang strikto talaga. Ikaw, baka mamaya tumanda ng dalaga yang si Glydel," pagmamaktol niya kay Nanay at tinawag na muli siya ng kanyang Nanay para tumulong sa pagtitinda nila.

"Kita mo yang si May, imbes na tumulong sa magulang ay inuuna pa ang tsismis," bulong ni Nanay habang winiwisikan ng tubig ang mga tinda naming gulay. Hindi na ako kumibo pa dahil ugali na talaga ni May ang magtungo dito at makipagkwentuhan.

Hindi na ako kinibo pa ni Nanay simula ng magpunta si Joaquin kanina maliban sa kapag may iuutos siya sa paninda namin.

"Kanino galing iyan?" tanong ni Leroy sa akin matapos niya kaming sunduin ni Nanay. Natuon ang tingin niya sa bungkos na bulaklak na hawak ko at ngumiti ako ng tingnan ko rin ang mga bulaklak.

"Kay Joaquin," matipid kong sagot sa kanya at nakita kong kumunot ang kanyang noo. Alam kng may pagtingin siya sa akin pero hindi si Leroy ang tinitibok ng puso ko kahit kababata ko siya ay wala akong ibang nararamdaman sa kanya bukod sa pagiging isang kaibigan lamang.

"Nangliligaw siya sayo?" tanong niya muli sa akin at tumango na lang ako. Hindi na ako nagsalita dahil iba na ang awra ng kanyang mukha. Naiintindihan ko naman ang naging reaksyon niya dahil kagaya ko, alam niyang ang isang kagaya ni Joaquin ay hindi magkakagusto sa isang kagaya ko.

"Kita mo, pati si Leroy ay hindi nagustuhan ang pangliligaw ni Joaquin sayo," sabi ni Nanay pagkaalis ni Harold. Hindi na ako kinibo ng aking kaibigan simula ng ihatid niya kami.

"Syempre, Nay. Nangliligaw rin naman si Leroy sa akin, alam mo naman po iyan," sagot ko sa kanya at pinasok na namin ang mga gulay. Nasa bahay na rin si Tatay at nakita niya ang hawak kong bulaklak.

"Hulaan ko, kay Joaquin na naman galing iyan, ano?" tanng ni Tatay sa akin at tumango ako at nagmano sa kanya.

"Ewan ko ba diyan sa anak mo, ayokong pag-usapan siya ng mga tao dito," bungad ni Nanay kay Tatay at umirap lang sa akin.

"Ano naman ang sasabihin ng mga tao sa anak mo?" paglalambing ni Tatay kay Nanay at ngumuso na lang ako.

"Aba, kanina lang ay nakarinig ako ng usapan na sinasabihan ang anak mo na isa siyang social climber dahil umaasang magugustuhan talaga ng Joaquin na iyon," sagot ni Nanay kay Tatay at tumawa lang ito.

"Naku, mas kilala mo ang anak mo. Wala naman masama kung liligawan ni Joaquin ang anak mo. Matalino ang anak ko at alam kng kapag dehado na siya ay marunong siyang kumawala," sagot ni Tatay kay Nanay. Hinampas ni Nanay ang braso ni Tatay dahil sa sinabi nito.

"Aray! Totoo naman. Kung gusto talaga ng anak mo magkaron na ng nobyo, di sana, matagal niya ng sinagot ang Harold na iyon," sagot pa ni Tatay habang hinihimas ang braso niyang pinalo ni Nanay.

Ilang segundo rin na hindi sumagot si Nanay dahil may punto si Tatay sa sinabi niyang iyon.

"Ayoko lang na hinuhusgahan ng mga tao ang anak ko," sabi ni Nanay at nakaramdam ako ng saya sa sinabi ni Nanay. Ngayon alam ko na, nag-aalala lang naman sa akin si Nanay. Kaya ng sabihin niya iyon ay niyakap ko siya.

"Ang Nanay talaga, sobrang protective," sabi ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa akin. Pinatong ko sa balikat niya ang aking mukha at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Aba! Nako. Ikaw sinasabi ko na sayo, mag-iingat ka palagi. Hindi mo kilala ang lalaking iyon. Baka mamaya, malaman ko na lang na nobyo mo na ang lalaking iyon," sabi pa ni Nanay sa akin at alam kong payag na siya sa pangliligaw sa akin ni Joaquin.

"Opo, Nay. Nangliligaw lang naman po siya," sagot ko pa at marahan niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at nagpatuloy na kami sa pag-aayos ng mga gulay.

Hindi pa ako nakaranas magkaroon ng nobyo kaya kung ano ang pinagbabawal nila Nanay ay siyang susundin ko. Wala naman masama kung susunod ako dahil para sa kapakanan ko rin naman ang inaaalala nila.

Nang nasa loob na ako ng kwarto, inayos ko sa isang flower vase ang mga bulakbalk na binigay sa akin ni Joaquin at inamoy ko iyon. Sobra akong nasisiyahan sa mga bulaklak na ito dahil ito ang unang beses na may nagbigay sa akin ng bulaklak at sa hindi ko pa inaasahan na tao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status