Share

Uncontrollable Anger
Uncontrollable Anger
Author: Eva Herrera

Prologue

"Glydel Hugasan mo na ang mga gulay at kangkong naman ay pagsama-samahin mo! Halagang sampung piso kada isang tali!" saigaw sa akin ni Nanay habang pumupungas pa ako dahil maaga niya akong ginising. Alas-tres pa lang ng madaling araw ay pinabangon niya na ako para tulungan siya sa mga paninda.

Nag-aasikaso naman si nanay para maghiwa ng mga repolyo at karot para gawin rekado sa chopsuey. Kahit malamig pa ng oras na iyon ay lumabas na ako ng bahay. Madilim pa sa paligid pero may ilang mga tao na ang lumalabas. Kagaya namin, naghahanda na rin sila para mag-ayos ng paninda sa palengke.

Binuksan ko na lang ang radyo para malibang habang ginagawa ko ito at maapos sa kangkong, talbos naman ang sunod kong tinali. Inabot ako ng ilang oras dahil tagdalawang sako kada gulay ang tinapos kong ayusin.

"Gisingin mo na ang kapatid mo pata makagayak na, tanghali na naman siyang makakarating sa eskwelahan," sabi sa akin ni Nanay at sumunod ako agad sa kanya.

Paglabas ko ng kwarto namin ay handa na ang almusal. Sabay-sabay kaming kumain at pinag-ayos ko na ang kapatid ko at sumunod na ako sa kanya.

Matapos namin mag-ayos ay tumawag na ng tricycle si Nanay para isa-isa naming nilagay sa loob ng tricycle ang mga gulay na paninda namin. Isang byahe na lang ang ginawa namin para makatipid kami. Unang binaba ng Manong Driver ang kapatid ko at sunod ay dumiretso na kami sa palengke.

"Huwag na ho, Aling Mona. Libre na ho iyan," sabi ni Leroy kay Nanay pero pinilit pa rin niya itong bayaran dahil alam niyang paraan iyon ni Harold dahil masugid kong mangliligaw ito.

"Naku, salamat! Alam kong dahil na naman kay Glydel eh hindi ka tatanggap ng bayad!" masiglang sabi ni Nanay at napakamot na lang ng ulo si Leroy at binulsa na ang pera.

"Bye, Glydel. Sunduin ko kayo ni Aling Mona mamaya ha!" pagpapaalam nito sa akin at ngumiti lang ako sa kanya at umarkila na kami ng kariton para dalhin ang mga paninda sa aming pwesto.

Nabingi na ako sa ingay ng palengke dahil sa kaliwa't kanan na sigawan ng mga tindera at bumalot na naman sa akin ang amoy ng mga karne at iba pang paninda doon.

"Huy, Glydel, halina at tingnan mo kung sino ang paparating!" usal sa akin ni May at humahangos ito papunta sa akin. Hinila niya ang laylayan ng damit ko at gusto akong hatakin sa kung saan ang gusto niyang puntahan.

"Ano ba,may paninda ako dito oh!" sigaw ko sa kanya at tinawanan ang mga bumibili dahil masama ang tingin nila. Inasikado ko na muna ang lahat ng bumibili at humarap ako kay May.

"Ano ba yon!" sabi ko sa kanya at tinuro niya ang kaliwang parte ng palengke at tanging itim na kotse lang ang magandang nakita doon pero nagbag ang lahat dahil bumaba doon ang isang lalaki.

Nakasuot ito ng hikaw na bilog at salamin tapos ay long sleeve na gray at kuldoroy pants. Kilala ko ang lalaking iyon, ang bunsong anak ng isa sa mayaman na pamilya sa lugar namin. si Joaquin Martinez.

Sinundan ko siya ng tingin at ng papasok siya sa palengke ay lalo akong namangha. Ang isang kagaya niya ay magpupunta sa palengke. Nang mapadaan sila sa harapan ng tindahan namin ay napayuko ako pero si May ay kilig na kilig ng mga sandaling iyon. Nang akala ko ay nakaalis na sila ay nag-angat ako ng tingin.

Nakatitig rin siya sa akin at ngumiti. Natulala ako ng mga sandaling iyon at parang huminto ang oras dahil sa pagititigan namin. Bumalik sa normal ang lahat ng bigla akong niyugyog ni May at nagtititili. PInagtinginan siya ng mga ibang tindera dahil sa pagsigaw niya.

"Pabili!" sabi sa akin ni Joaquin at talagang labis akong nakaramdam ngkaba.

"A-anong bibilihin mo?" nauutal kong sabi sa kanya at inayos ang mga gulay na paninda ko habang hinihintay ko pa ang sagot niya pero may inabot siya sa aking isang papel. Para akong na-kuryente ng magdikit ang mga balat namin.

Kinuha ko ang mga gulay na nasa listahan at isa-isa kong tinimbang ang mga ito at nilagay ko sa isang supot. May inabot siya sa aking dalawang libo at sinabing huwag na siya suklian.

"Salamat!" sabi ko sa kanya at tuluyan na siyang umalis kasama ang mga bodyguards niya at ilang mga kaibigan.

Ilang orasang nakalipas ay dumating na si Nanay kasama ang kapatid ko para tuluyan ako sa pagtitinda.

"Ang laki ng kinita mo ngayon, pero parang kaunti pa ang ang nababawas sa paninda natin, ah?" tanong sa akin ni Nanay at binilang ang mga nabiling gulay.

"Ah, kasi po bumili dito yung bunsong anak ni Sir Martinez," sagot ni May at tumango si Nanay pero nakatingin sa akin dahil hindi ko magawang magsalita.

Tinawag si May ng kanyang Tiyahin dahil kailangan na nito ng tulong at agad naman tumalima si May.

"Totoo ba yung sinabi ni May? Ang bunsong anak ni Edwin ay nagpunta sa palengke? Eh kilalang taong bahay ang batang iyon," sabi sa akin ni Nanay at may halong panglalambing ang kanyang boses.

"Opo, Nay. Hindi nga rin po ako makapaniwala," sagot ko sa kanya at may paghanga akong naramdaman sa kanya. Naririnig ko lang sa mga tsismisan ang tungkol sa pamilya nila pero hindi ko akalain na makikita ko ang lalaking iyon.

"Mag-iingat ka, hindi maganda ang naririnig kong mga kwento tungkol sa pamilyang iyon," payo sa akin ni Nanay at tumango sa kanya. Wala naman masama kung paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ang isang kagaya niya ay hindin-hindi magkakaroon ng pagtingin sa isang hamak lamang na kagaya ko. Ayoko rin magaya sa nangyari sa ilang kababaihan na matapos mabuntis ng kapatid ni Joaquin ay iniwan na lang ito basta-basta. Ang iba naman ay binayaran ng pera. Pero hindi naman nila mapatunayan ang mga balitang iyon kaya nabaon na rin sa limot ang lahat.

Ayokong magaya sa mga babaeng iyon at gusto ko rin matanggal agad ang paghanga ko sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status