Share

Chapter 1

Maaga akong gumising para mag-enroll sa paaralan bilang kolehiyo. Dapat ay noong nakaraang taon pa ako mag-aaral sa kolehiyo pero mas pinili kong tulungan si Nanay sa palengke at mag-ipon para sa pangpaaral ko.

Hindi ko mapigilan ang saya ko dahil sa wakas ay matutupag na ang isa sa mga pangarap ko. Kursong nursing ang gusto kong makamit at sisiguraduhin kong hindi masasayang ang lahat ng pagod at paghihintay ko ng isang taon.

Maraming mga kabataan ang kagaya ko na klagaya ko ang nag-enroll din sa paaaralan ng St. Martin. Habang nakapila ako para magbayad sa paunang semester ay narinig ko ang sigaw ni May at napalingon ako sa gawing kaliwa.

Nagtatalon siya habang winawagayway ang dalawang kamay niya sa ere at pinagtitinginan siya ng ibang estudyante. Nakaramdam ako ng ngiti at hiya dahil sa ginagawa niya.

Lumapit siya sa akin dahil hindi ako makaalis sa pila. Kailangan kong makauwi rin agad para makadiretso sa palengke at tulungan si Nanay doon.

"May pupuntahan ka ba pagkatapos mong mag-enroll?" tanong sa akin ni May at inaasahan ko ng tatanungin niya ito, kahit nang mga high school pa lang kami ay madalas na talaga siyang maglakwatsa.

"Wala pero gusto kong makauwi agad at tulungan si Nanay," sabi ko sa kanya at tumango siya at tumabi sa akin.

"Miss, bawal singit" sabi ng babaeng nasa likuran ko at tumingin kami ni May sa kanya at inirapan siya. Hindi naman sumingit si May at tumabi lang sa akin.

"Ay 'te! Mawalang galang na, pagsingit na ba yung tumabi ako sa kaibigan ko?" tanong ni May sa kanya na may halong pagkainis dahil sa inaasta nito sa amin. Hindi na sumagot paang babae at umikot lang ang mata nito tapos ay tiningnan na lang ang hawak niyang papel.

"Ang taray nito, wala naman palang binatbat," dagdag pa ni May at humarap na sa akin. Nagbago muli ang reaksyon ng kanyang mukha at naging masaya na ulit ito.

"Alam mo ba, pupunta daw dito si Joaquin," sabi niya sa akin at hindi na ako nagtaka pa dahil dito naman talaga siya nag-aaral, nakikita ko kasi ang suot niyang uniporme tuwing makikita namin siya noon kapag uuwi na.

"Ano naman ang bago do'n?" tanong ko sa kanya at biglang nagkaroon ng komusyon sa hallway. Sabay kaming napatingin ni May doon at nakita kong nandoon anggrupo nila Joaquin. Madaming babae ang nasiyahan ng makita sila ero ako, pinili ko na lang ituon ang atensyon ko sa mga babaeng nagkandarapa sa kanila.

Nang mapadaan sila sa harapan ko ay kumaway sa akin si Joaquin. Para akong namalikmata dahil sa ginawa niyang iyon kaya yumuko na lang ako dahil alam kong ako talaga ang kinawayan niya.

"Uy!" sigaw ni May at hinyugyog ang braso ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin dahil nahilo ako sa ginawa niyang iyon.

"Tumigil ka nga," saway ko sa kanya at naglakad siya para sundan kung saan patungo ang grupo nila at pumasok sila sa cafeteria ng eskwelahan. Sinundan ko na lang siya ng tingin at ilang sandali na mawala sila ay bumalik na sa normal ang mga tao.

Hindi na ako nakapagpaalam pa kay May dahil marami pa akong gagawin sa palengke. Pagdating ko doon, abala pa rin si Nanay at tinitigan ako pagdating ko.

"Ano yung nababalitaan kong pinapansin ka ng Joaquin na iyon? Sinasabi ko na sayo, hindi ka pa nakakatungtong ng kolehiyo, bawal ka pa samga ganyan," sabi sa akin ni Nanay at ngumuso ako sakanya at nagmano.

"Ang Nanay naman, wala pa akong balak magkaroon ng nobyo," sagot sa kanya ni May at dahil sa pagiging abala namin ay hindi na kami nagkaroon pa ng pagkakataon mag-usap tungkol doon.

Mabilis talaga kumalat ang usap-usapan dito sa amin dahil isa sa libangan ng mga kapwa ko tindera ay ang tsismis. Nadagdagan na agad ang kwento at may nagtatanong pa sa akin mga suki namin na kung ako ba ang nobya ni Joaquin. Tingin ko ay bumibili lang sila dito para magtanong tungkol sa bagay na iyon.

"Ate, totoo ba?" tanong sa akin ng isang babae at dalawang piraso ng sili lang ang binili niya. Hindi ko na siya sinagot pa at inabot na lang ang kanyang sukli. Mabuti na lang ay umalis muna sandali si Nanay para magbayad sa upa ng pwesto namin dahil kung hindi, nabulyawan niyaang mga bumili sa akin.

"Tara na at kailangan ko pang magluto ng hapunan at darating na ang Tatay mo," sabi ni Nanay sa akin at nilagay na namin ang mga tirang gulay sa sako.

Habang nasa byahe kami ay nagbabalik sa isip ko ang bati sa akin ni Joaquin at kung bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang batiin. Ayokong tumaas ang tayog ng nararamdaman ko para sa kanya dahil imposibleng magkagusto siya sa akin.

"Ang lalim ng iniisip mo," sabi sa akin ni Nanay ng bigla akong magbugtong-hininga.

"H-ha? Ano po iyon, Nay?" tanong ko sa kanya at umiling siya habang nakangiti siya. Ngumiti na rin ako sa kanya at alam kong naiisip niya na ang laman ng isip ko ay si Joaquin.

Pipilitin ko na lang na mabaling sa pag-aaral ang isip ko dahil ayokong makaramdam ng pagkadismaya si Nanay sa akin.

Habang naghahapunan kami ay may kumatok sa pinto at nagkatingin kaming tatlo ni Nanay at Tatay dahil wala naman kaming inaasahang magiging bisita.

"Nena, tingnan mo nga kung sino iyon at baka gustong bumili ng gulay,"utos ni Tatay sa kanya at agad naman tumalima si Nanay at iniwanan ang kanyang kinakain.

Matagal bago nakabalik sa hapagkainan si Nanay at may hawak siyang bulaklak.

"Nako, Ernesto, yang dalaga mo ay may mangliligaw na," sabi ni Nanay at niapag ang bulaklak sa lamesa. Wala akong alam sa sinasabi ni Nanay at napatingin sa akin si Tatay.

"Malamang, dalaga at mana sayo ang anak mo, maganda," sabi ni Tatay at kumindat siya sa akin. Sa lahat ng bagay ay sinusuportahan ako ni Tatay, si Nanay lang ang talagang strikta sa kanilang dalawa at gusto ay makapagtapos muna ako sa pag-aaral.

"Hindi naman ako tutol kung may mangligaw sa kanya, huwag lang ang Joaquin na iyon," sagot ni Nanay at nagpatuloy na sa kanyang pagkain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status