Share

Chapter 3

Kinabukasan ay gano'n ulit ang naging gawain ko ng umagang iyon. Buwan na ng bakasyon ngayon kaya naisip kong tulungan si Nanay habang wala pa akong pasok. Inaayos ko na ang bungkos ng gulay sa aming pwesto ng dumating si May.

Kapag malapit na ang tanghali ay nagliligpit kami ng paninda at ilang oras rin magsasara para makapagpahinga kami. Kinuha ko ang batya sa ilalim ng tindahan at isa-isang nilagay doon ang mga kangkong, talbos at malunggay.

"Gly! Kamusta? Balita ko, nakatanggap ka ng bulaklak galing kay Joaquin, ah?" tanong niya sa akin at palihim pa akong siniko dahil hindi ko siya magawang kausapin. Katabi ko kasi si Nanay at nagbibilang ng pera galing sa benta namin.

Hinihiwalay niya na kasi ang magiging bayad sa pwesto at ang pambili ng gulay para bukas. Sinamaan ko na lang ng tingin si May para hindi niya na ako istorbohin pa.

"May! Halika nga dito! Kakarating mo pa lang, puro chismis na agad ang inaatupag mo! Hayaan mo muna si Glydel at nagtatrabaho siya!" narinig kong sigaw ng kanyang Nanay at napangisi na lang ako dahil sa naging reaksyon ni May.

"Nanay naman! Nakikipagkwentuhan lang naman ako!" pagpapaliwanag nito at padabog na umalis sa pwesto namin. Nagpatuoy ako sa pag-aayos at nagpahinga na rin agad.

Nang matapos ako sa pag-aayos ng dahon na gulay, kinuha ko naman ang sako at doon ko nilagay ang mga patatas, karots at kung ano-ano pang gulay.

"Glydel, tapos ka na?" tanong sa akin ni Nanay habang tinatalian ng goma ang perang papel. Ilang sandali pa ay dumating na si Leroy at tinulungan kaming magbuhat ng gulay at ilagay iyon sa kanyang tricycle.

Nang paalis na kami, may humarang na mamahaling kotse sa tapat ng palengke at bumaba doon si Joaquin. Mayroon siyang dala ulit na bungkos ng bulaklak at tinatanaw niya ako. Hinila ako ni Nanay para sumakay na sa tricycle dahil napansin niya rin pala ang pagdating ni Joaquin.

Bigla siyang lumingon at pakiramdam ko ay nasa alapaap ako dahil nagtama ang aming mga paningin. Ngumiti siya at halos masilaw na ako sa put ng kanyang ngipin. Kumaway siya at agad nagtungo sa kinatatayuan namin.

"Halika na, Glydel!" sigaw ni Nanay at nakita kong nasa loob na siya ng tricycle at hawak-hawak ang mga gulay. Hindi ako nakagalaw dahil sa isang mala-diyos ang nakatayo sa aking harapan. Mas lumapit pa siya sa tricycle at kumaway sa aking Nanay. Pinanood ko lang sila sa kaniang ginagawa at panay ang irap ni Nanay sa kanya kaya napapangisi na lang ako. Masyado rin kasing ma-pride ang aking Ina at alam kong ayaw niya sa pamilya nila Joaquin sa di ko malamang dahilan.

"Hi! Aling Mona, para sa inyo po," sabi ni Joaquin sa kanya at iniabot ang isang paperbag. Nakita kong nag-aalangan pa si Nanay na tanggapin iyon pero pinilit siya ni Joaquin kaya wala na rin siyang magawa.

Nang makaharap ulit siya sa akin, inabot niya ang bulaklak at maugod kong kinuha iyon. Dumaplis ang kanyang kamay sa akin at para akong na-kuryente sa sadaling nagdikit ang aming mga balat. Naramdaman ko rin ang lambot at kinis ng kanyang balat.

"Aling Mona, ako na po ang maghahatid sa inyo," alok ni Joaquin sa kanya. Nang mapalingon ako kay Nanay, nakita kong umiling siya at akmang hihilahin ako. Wala na akong nagawa pa dahil kalahati na ng katawan ko ang nasa loob ng tricycle.

"Ay hindi! Nakalagay na dito ang gulay namin at nakita mo naman, paalis na kami. Nakakahiya naman sa tricycle driver. Hala at Glydel, sumakay ka na dito! Magluluto pa ako ng tanghalian!" sigaw niya at lumingin ako ulit kay Joaquin.

Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkadismaya pero sandaling segundo lang iyon dahil napangiti na siya ulit. Nakaramdam ako ng pagkahiya dahil sa inaasal ni Nanay pero wala akong nagawa.

"Pasensya ka na, Joaquin. Sa susunod na lang," sabi ko sa kanya at umupo na sa tabi ni Nanay. Sinimulan na ni Leroy buksan ang kanyang tricycle at patuloy pa rin si Nanay sa kanyang pagsasalita pero wala akong naririnig. Nilabas ko ang aking ulo sa tricycle para silipin si Joaquin.

Nanatili pa rin itong nakatayo at kumakaway sa amin. Umayos na ako ng pagkakaupo at napatingin kay Nanay. Nakataas na ang kilay niya at alam kong hindi siya natutuwa sa kinikilos ko.

Sumisilip lang sa amin si Leroy ng sandaling iyon. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa inarkila na namin siya at biglang dumating si Joaquin.

"Hoy, Glydel! Tigil-tigilan mo ang pantasya mo sa lalaking iyan. Tandaan mo, isang Martinez ang lalaking iyan. Mayaman sila at dukha lang tayo. Hinding-hindi magkakagusto sayo ang lalaking iyan," sabi ni Nanay sa akin at nakaramdam ako ng lungkot dahil sa katotohanan ang bawat sinabi niya sa akin. Tumikhim si Leroy at parang may gustong sabihin. Tinapunan ko na lang siya ng tingin para hindi na siya tumuloy sa pagsasalita dahil ayokong gatungan niya pa ang semon sa akin ni Nanay.

"Ihahatid lang naman po tayo, Nay," sagot ko sa kanya pero narinig kong umismid siya.

"May nalalaman pang pagbibigay ng bulaklak, makakain mo ba yan? Buti pa itong si Leroy, nakakatulong sa atin!" dagdag pa ni Nanay at iniwas ko na lang ang aking tingin. Pinagmasdan ko na lang ang dinadaanan namin at naging bingi na sa mga sinasabi ni Nanay.

Nang makarating kami sa bahay, agad kong tinulungan si Nanay sa pag-aayos ng paninda namin at sa pagluluto ng tanghalian. Nang matapos kaming kumain, muli kong nilagay ang bulaklak sa flower vase sa aking kwarto at pinagmasdan lang ito. Nagbugtong-hininga na lang ako at nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Nanay.

Alam ko ang bagay na iyon pero hindi ko pa rin mapigilan na hindi pansinin si Joaquin dahil sa binibigay niyang interest sa akin. Naisip kong totoo naman ang sinabi ni Nanay at marahil, dapat ko siyang sundin kaysa naman masaktan pa ako sa mga susunod na pagkikita namin ni Joaquin.

Kinuha ko ang mga bulaklak at naisip kong itapon ito. Ayoko rin paasahin ang sarili ko at masaktan dahil sa katotohanang sumasampal sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status