Chapter: Chapter 8Matapos ang ginawa ng mga babaeng iyon ay agad kumalat sa buong Campus ang ginawa ni Joaquin sa kanila dahil sa akin at kumalat na rin ang tungkol sa pangliligaw niya sa akin. Hindi na ako nakatanggi pa sa mga nagtatanong sa akin dahil sa balitang iyon pero gusto ko na lang umalis agad dahil nakakatanggap ako ng dalawang klaseng pagtrato sa mga estudyante.May iilan na naging mabait sa akin at may iilan rin sa kanila ay naging masama ang timpla sa akin sa loob lamang ng isang araw. Ito ang iniiwasan kong mangyari kaya mas nais kong lumayo kay Joaquin pero nalaman na ng lahat at kailangan ko na lang tanggapin ang bagay na iyon.Nang matapos ang klase, nakita kong hinihintay ako ni Joaquin sa labas ng kwarto at nang makita niya ako, agad siyang lumapit sa akin at kinuha ang aking bag.“Anong nangyayari?” tanong ko sa kanya pero hinawakan niya ang aking kamay at sabay na kaming naglakad papaalis sa eskwelahan.
Huling Na-update: 2022-06-04
Chapter: Chapter 7“Nay, hindi po muna kita masasamahan sa pagtitinda ngayong tanghali dahil may kailangan akong gawin sa eskwelahan,” pagpapaalam ko kay Nanay ng matapos naming pagtulungan ayusin ang mga gulay na paninda namin.“Oh siya sige at papuntahin mo muna dito si Pamela at siya na muna ang tutulong sa akin,” sagot niya at agad na akong umalis. Hindi ko na nagawa pang magmano sa kanya dahil basa ang mga kamay nito dahil sa pagwiwisik ng tubig sa mga gulay.Alas singko pa lang ng umaga iyon kaya naman may ilang oras pa ako para makatulog. Naalimpungatan ako ng marinig ko si Nanay na sumisigaw kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto para tingnan kung ano ang nangyayari.“Nay! Bakit? Anong nangyari?” tanong ko sa kanya at nakita kong tuwang-tuwa sila ni Pamela at may hawak pang maraming pera. Naguluhan ako dahil sa nangyayari pero ang isa sa naisip ko ay nanalo siguro sa lotto si Nanay kaya ganito ka
Huling Na-update: 2022-06-02
Chapter: Chapter 6Nagtagal pa kami ng ilang oras sa pagdidiriwang na iyon at patuloy na nakikipaghalo-bilo si May sa mga iba niya pang kaibigan at nobyo. Pero habang pinanonood ko si May at nasa tabi lang ng ilang mga lamesa, hindi umalis si Joaquin sa aking tabi. May ilang mga babae ang lumalapit sa kanya at inaalok siya para sa isang sayaw pero wala siyang pinaunlakan kahit isa doon. “Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?” tanong ko sa kanya matapos ko siyang tingnan ng ilang Segundo. Napangiti siya at lumabas ang biloy sa kanyang mukha at agad akong nakaramdam ng pagkatuwa pero hindi ko pinahalata iyon sa kanya. “Ibang-iba kasi sa mga babae sa bayan na ito, ayon sa kwento ng iilan sa akin,” sagot sa akin ni Joaquin na labis kong pinagtaka kaya kumunot ang aking noo at matalim ko siyang tinitigan. Tila hindi naman niya napansin ang pagbabago ng aking emosyon at masaya pa rin siya. “Ah, ang ibig mo bang sabihin ay nakausap mo na ang ilan sa mga babae sa bayan na ito at nagawa mo an rin alamin kung sino
Huling Na-update: 2022-06-01
Chapter: Chapter 5Habang nasa kwarto ako at nagpapahinga, hinalungkat ko ang aking kabinet para maghanap ng damit na susuotin ngayong gabi. Wala akong bagong kasuotan dahil bibihira akong bumili ng damit. Kung maaari pa naman gamitin ang mga luma kong damit ay pinagtitiisan ko ang mga ito. Agad kong kinuha ang pulang dress na may puting bulaklak sa laylayan nito at pinagmasdang maigi para malaman kung maayos na ba ito. Agad akong naligo dahil ang usapan naming oras ni May ay alas otso. Ilang minuto na lang ang mayroon ako para makapag-ayos. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko sa lamesa sila Nanay at Tatay. Parang may pinag-uusapan silang importante kaya naman binati ko lang sila saka nagpaaalala sa kanila na ngayong gabi ang pyesta. "Mag-iingat kayo ni May!" sabi sa akin ni Nanay at agad naman akong tumango saka dumiretso na sa banyo. Minadali ko ang aking pag-aayos dahil ayokong magpahintay kay May. Pagkatapos kong maligo ay agad akong dumiretso sa kwarto para magbihis ng marinig ko na ang pagdating
Huling Na-update: 2022-05-02
Chapter: Chapter 4Nagbalik kami sa palengke at habang binababa namin sa tricycle ang mga gulay na tinda namin ay bigla na naman dumating ang kotse ni Joaquin. Muli ko siyang nakita at ngayon, paninindigan ko ang aking desisyon kanina. Kumaway siya sa akin at hindi ko pinansin iyon kahit ang totoo, gustong-gusto kong kumaway rin sa kanya. Lumapit pa siya sa amin at akmang kukunin ang dala kong gulay pero lumapit sa akin si Leroy at siya na ang kumuha ng aking dala. "Salamat," sabi ko kay Leroy at inayos ang aking buhok. Diretso lang ang aking tingin kahit nakikita ko sa gilid ng aking paningin ang pagtitig ni Joaquin sa akin. Nakita kong nagtataka siya sa kinikilos ko ng sandaling iyon. "Maaari ba kitang yayain kumain sa labas?" tanong ni Joaquin sa akin pero nagbingi-bingihan ako at nagsimuang maglakad papasok sa palengke. "Ano, Glydel? Pwede ba?" tanong niya muli sa akin at nagulat ako ng malamang sumusunod pa siya sa akin. Lumingon ako sa kanya at humalukipki
Huling Na-update: 2022-03-10
Chapter: Chapter 3Kinabukasan ay gano'n ulit ang naging gawain ko ng umagang iyon. Buwan na ng bakasyon ngayon kaya naisip kong tulungan si Nanay habang wala pa akong pasok. Inaayos ko na ang bungkos ng gulay sa aming pwesto ng dumating si May. Kapag malapit na ang tanghali ay nagliligpit kami ng paninda at ilang oras rin magsasara para makapagpahinga kami. Kinuha ko ang batya sa ilalim ng tindahan at isa-isang nilagay doon ang mga kangkong, talbos at malunggay. "Gly! Kamusta? Balita ko, nakatanggap ka ng bulaklak galing kay Joaquin, ah?" tanong niya sa akin at palihim pa akong siniko dahil hindi ko siya magawang kausapin. Katabi ko kasi si Nanay at nagbibilang ng pera galing sa benta namin. Hinihiwalay niya na kasi ang magiging bayad sa pwesto at ang pambili ng gulay para bukas. Sinamaan ko na lang ng tingin si May para hindi niya na ako istorbohin pa. "May! Halika nga dito! Kakarating mo pa lang, puro chismis na agad ang inaatupag mo! Hayaan mo muna si Glydel
Huling Na-update: 2022-03-10