"TAKBO pa," ani France habang nakasampay ang katawan ko sa kaniyang balikat. Nakahawak siya sa magkadikit kong mga hita habang naglalakad paroon sa likod ng mansyon. Wala akong nagawa kundi magpaubaya sa kaniya. Naabutan niya ako. Pero kung hindi lang ako natalisod, hindi mangyayari 'to."Ikaw kasi..." parang batang sisi ko sa kaniya. Aba, kasalanan niya naman talaga. Tinakot niya ako. Ayan tuloy, napatakbo ako. Nilaro-laro ko ang mga daliri ko sa may likuran niya. Hinila-hila pa ang tela ng kaniyang damit para amuy-amuyin. Ang bango-bango niya talaga."Ako na naman? Pinalalapit ka nga.."Pumasok kami sa isang pinto. Sa bungad pa lang ay amoy ko na ang mabangong pagkain. Alam ko na kung nasaan kami. Medyo nahiya pa ako nang pagtinginan kami ng mga katulong. Nakita ko pa si Aling Citas at ngumiti sa akin. Tipid ko siyang ginantihan.Makalipas ang ilang sandali ay inilapag niya rin ako. Ngunit hindi sa sahig kundi paupo sa isang mesa."S-Saan ka ba ga ---"Kusa akong natigilan nang makit
"KUMAIN ka nang kumain," mata sa akin ni France nang nagba-brunch na kami. Hindi ko kasi masyadong ma-enjoy ang pagkain kahit masarap naman ang luto at gutom na ako. Paano ba naman ay nasa tapat ko si Jean, masama pa rin ang timpla ng mukha. Kung ibang tao siya, hindi ko siya papansinin kaya lang, gusto ko kasi ang personality niya. May pagkakahawig kami maliban sa pagiging conservative niya. Kaibigan na rin ang turing ko sa kaniya kahit ngayon lang ulit kami nagkita. Inalagaan niya rin ako noon and I know how sweet and gentle she is. "Busog pa pala ako," naiilang na sabi ko. Sinabi ko naman kasing magpahatid na lang sa kuwarto ng pagkain, ayaw niya. Hindi tuloy ako makakain nang ayos. Sinisipa ko na nga sa ilalim para hindi na maging sweet sa akin, pero tuloy pa rin. Nainggit na naman tuloy ang isa. "Akala ko ba gutom na gutom ka na? Tapos --"Sinipa ko siyang muli, pinagdilatan pa ng mga mata."Bakit ba?!"Sa inis ko napatayo ako. Ano ba namang lalaking 'to? Hirap maka-gets."O, s
"A-ALAM mo, Shandy, sha totoo lang, inggit na inggit ako sha 'yo..." ani Jean na sinisinok pa sabay tungga sa basong pinuno nito ng alak. "H-Huwag kang mag-alala, Jean... a-alam ko naman matagal na..." aniko habang sinisinok-sinok din. Andami na naming nainom. Ilang bote na ang nauubos namin, iba-iba. Kung ano'ng bago sa paningin, sige kami bukas nang bukas. Natutuwa ako dahil nakahanap ako ng drinking buddy. Ang gaganda ng baso. Marami ring laman ang ref. Talagang naka-ready ang lugar na ito para sa inuman anytime. Iyong ice cream sa fridge ang ginawa naming pulutan nang maubos na ang mga pinaluto ko."P-Paano mo n-naman nashabi? Bakit... " Halos malugmok na si Jean sa mesa. Pareho na kaming nawawala sa sarili. "A-Alam mo b-ba... k-kung p-paano kami n-nagkakilala ng c-crush mo...?" nakangising tanong ko. Nakahilig na ang ulo ko sa mesa. Magkaharapan kami. Pilit na inaaninag ang isa't isa dahil parehas nang nanlalabo ang aming mga mata."P-Paano...?" Pinilit niyang patinuin ang sar
NAGISING akong parang binibiyak ang aking ulo. Nangangasim pa ang tiyan at hilong-hilo. Pagmulat ko ay mag-isa lang ako sa kuwarto. Pinilit kong bumangon at maglakad palabas. Nagugutom na ako. Atake pa ng hangover. Paano nga pala ako nakabalik dito?Wala akong maalala. Sobrang lango ko sa alak.Bakit kaya bigla akong kinabahan? Pagsilip ko sa malaking orasan sa gitna ng hallway pababa sa hagdan ay alas-singko na pala ng hapon. So maghapon akong nakatulog? Si Jean kaya, nasaan na? Gising na rin kaya siya?Nakahawak ako sa gilid ng hagdan habang bumababa. Pati ang France ko nasaan din? Sa sobrang gutom, dumeretso na ako sa kusina. Naupo agad ako sa harap ng mesa."Good afternoon, Ma'am Sandy. Ano'ng gusto niyong kainin?" agad tanong ng katulong sa akin."Pahingi ng kape tsaka kanin. Kahit anong ulam." Napaub-ob ako sa mesa. Ngayon lang ako nagka-hangover ng ganito. Hindi ako sanay. Sa bagay, iba't ibang klase ng alak ba naman ang nilaklak namin kagabi. Pasalamat na lang ako't ito lang a
KINABUKASAN, dahil Monday, kailangan pumasok ni France sa opisina. Sinabi niyang uuwi na rin kami sa bahay niya. Pumayag na lang ako tutal wala rin naman akong gagawin doon. At hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko torture itong ginagawa niya sa akin. I mean, wala naman siyang ginagawang masama. Kaswal niya naman ako kung kausapin pero feeling ko medyo aloof na siya sa akin. Ni hindi na niya ako hinahalikan. Magkatabi kaming natutulog pero hanggang doon na lang. Ni yakap wala, madalas pa akong talikuran. Parusa niya ba 'to dahil sa ginawa ko? Ano ba 'yan hindi ko siya maintindihan.Dahil wala pang pasok sa school at wala naman akong pinagkakaabalahan, minsan nasama ako sa kaniya sa office niya. Nauupo ako ro'n sa table ko dati dahil hindi niya naman pinaalis iyon. Wala, madalas pagmamasdan ko lang siya habang busy sa trabaho niya. Kapag naman inantok ako, natutulog ako sa silid doon. Minsan naman nagtatanong ako kung may gusto siyang iutos o ipagawa sa akin pero palagi niyang sinasa
ITINULAK niya ako pahiga sa kama kasabay ng mainit na halik na pinagkaloob niya agad sa akin. 'Finally!' paulit-ulit na sabi ko sa isip. Mararamdaman ko nang muli ang matamis niyang pagmamahal sa akin. Charr.. Akala mo tagal naming hindi nagganito eh. One week pa lang naman. Kaya lang miss na miss ko na siya. He 'tortured' me!Ako pa mismo ang nangunang i-undress ang sarili ko. Unti-unti ko na ring itinaas ang suot niyang sando pagkuwan. Ako na ang maghuhubad. Aba! Hirap na, baka magbago ang isip."Baby..." anas niya sa tainga ko na kinikintalan niya ng halik."Yes, baby?" tugon ko naman sa mapang-akit na boses."Sorry, but I think I'm not in the mood."Natigilan ako. Para akong biglang nagyelo. Itinulak ko siya nang bahagya. "Ano'ng sabi mo?" nandidilat ang matang maang ko.Tinitigan niya ako sa mga mata. "I think I'm not in the mood," ulit niya.Nasampal ko siya. Nagulat din ako kung bakit iyon ang una kong nagawa."Why?" iritableng tanong niya habang sapo ang nadaling pisngi."Bak
NAALIMPUNGATAN ako sa sunud-sunod na ring ng telepono. Nasa tabi lang pala ng ulunan ko. Doon sa kuwarto ni France.Matagal bago ko nasagot dahil nagdadalawang-isip pa ako. Baka isa na naman 'to sa mga ex ni France na manggugulo. Hay nako! Mang-aaway na talaga ako."H-Hello?" Pero sa huli ay sinagot ko pa rin. Maigi nang malaman ko kung may iba pa siyang babae maliban sa akin. Malilintikan talaga siya sa akin."Who's this? Nasaan ang kapatid ko?"Ngunit boses ng lalaki ang narinig ko. Arogante.Napalunok ako. Kapatid? Si Blue Eyes pa lang ang nakikilala kong kapatid ni France. At sa tono ng pananalita ng lalaki alam ko nang hindi ito si Blue Eyes. Iba ang timbre ng boses nito, medyo soft kumpara rito ngunit halatang may pagkamasungit."G-Girlfriend niya 'to. Nasa shower room pa siya eh," kiming tugon ko."Katukin mo. Sabihin mo urgent. Ayoko nang pinaghihintay ako."Nanlaki ang butas ng ilong ko. Aba. Ang bossy nito ah."Ano ba 'yong sasabihin mo? Puwede namang ako na ang magsabi." Pi
INIS na hinablot ko ang cellphone ni Francisco na kagabi pa niya pinagkakaabalahan. Sa sobrang busy niya kasi hindi na niya ako nabibigyan ng atensyon. Magkatabi kami, magkayakap pero busy siya sa pagcha-chat na hindi man lang pinakikita sa akin. Kung minsan may tatawagan. Naiinis ako dahil napapatawa at ngiti pa siya minsan."Sino ba 'to?" yamot na sabi ko. Pero hindi ko alam ang password niya kaya nonsense rin. "Wala 'yan. Hindi ako nambabae, baliw." Para maagaw sa akin ang cellphone ay hinalikan niya ako. He even touched my nips. Alam na alam ang weakness ko."E-Eh sino nga 'yan?" Inis pa rin ako."Bukas ko na sasabihin. Matulog ka na. Kailangan mo mag-beauty rest para fresh ka bukas." In-smack kiss niya pa ako. "Good night, baby."Maaga ang gising kinabukasan dahil isa-isa pa kaming inayusan ng make-up artist. Alas-diyes ang kasal pero mga alas-nueve ay ayos na ako. Nandoon na kami ni France sa pagdarausan ng kasal malapit sa beach at nakaupo na ako sa puwesto ko. Pero siya, busy