FOUR years later."BILISAN mo na! Andaming reklamo!" Konting-konti na lang talaga, masusugod ko na ang lalaking ito. Napakakupad kumilos. Halatang sinasadya. Alam nang may hinahabol ako."Nalaglag nga ang wallet ko. Pinulot ko pa.""Alam mong ito iyong pinakahihintay ko tapos andami mong pasaring. Bilis na!" Nagtatakbo ako at hinabol naman ako ni Francisco. Akay-akay ko ang aming kambal. Nagpabili pa kasi ng ice cream sa daddy nila, sabi ko mamaya na, pero dinalihan ako ng iyak. Ito namang isa, antagal-tagal bumili. Sinabing sumingit na lang, pumila-pila pa. "Bullshit!" Ayun na nga. Muntik nang madapa, nakapalampa. "Mommy, Daddy dropped the ice cream!" umiiyak na sabi ni Karlize. "The other one is mine!" pang-aasar naman ng isa sa kakambal. Bumitaw si Kristoff sa akin at nilapitan ang ama. Kinuha sa kamay nito ang isang ice cream na hindi nadisgrasya ni France."Mommy!" Tuloy ang iyak ni Karlize.Pero ako, sa ibang bagay nakatingin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nagkukum
"SAAN ka na naman pupunta?" pagalit na tanong ni Mama sa akin."Magkikita kami ni Cedrick ngayon," walang kaabog-abog kong sagot habang naglalagay ng pulang lipstick sa maninipis kong labi. Nag-blink-blink pa ako ng mga mata sa harap ng salamin upang matiyak na tuyo na ang mascara na pinahid ko sa aking mga pilik. Saka ko ginamitan ulit ng curler para umangat."Mukha ka na namang p****k diyan sa ayos mo," sabi pa ni Mama saka ipinatong sa upuang kahoy ang bitbit na hamper na may lamang mga tikluping damit.Umasim ang aking mukha. "Sus! Kayo talaga hindi na nasanay." Sunod ko namang nilagyan ng light pink na blush on ang aking mga pisngi."Nakakahiya sa mga estudyante mong makita ka nang ganiyan ang ayos mo. Teacher ka pa naman."Nagkibit-balikat lang ako. "Pakialam ba nila? 'Pag wala ako sa school, ibang tao na ho ako." Dinampot ko ang sling bag na nakasabit sa likod ng pinto saka isinukbit iyon sa balikat ko. "Alis na nga ho ako." Saka ako lumabas ng pinto ng aming bahay.Wala namang
"Four hundred lahat, Ma'am," sabi ng bartender slash cashier sa akin. Tatlong maliliit na bote ng beer four hundred pesos agad? Sana pala sa tindahan na lang ako bumili, konti na lang ang idadagdag ko makakatatlong mucho pa ako."Okay! Keep the change," pangiti-ngiti kong sabi sa lalaki. Bahagya itong ngumiti. Na-gets ang joke ko. Sakto lang kasi ang binayad ko. Walang sukli. "Thank you, Ma'am! Ingat kayo," sabi pa niya sa akin. Ni hindi man lang ako nalasing. Sa bagay, teenager pa lang ako, umiinom na talaga ako ng alak. Napabarkada kasi ako dati. Pero nakuha ko pa ring magtapos ng pag-aaral. Sa isang state university lang iyon kaya halos wala akong binayaran. I checked my phone. Maaga pa ang alas-diyes. Ayaw ko pang lumabas sa lugar na 'yon dahil tila nagsisimula pa lang mag-enjoy ang mga tao. Maingay na music, inuman, sayawan, ito yata ang kailangan ko nang mga oras na ito. Makalimot at magliwaliw."Hi, Miss! Wanna dance?" tanong ng isang lalaki sa akin. May bitbit itong baso ng
"BAHALA ka sa buhay mo! If that's what you want, so be it!" naiiritang bulyaw ko sa kausap ko sa kabilang linya. Sa sobrang galit ko, itinigil ko muna ang sasakyan sa isang tabi. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko, mapalipad ko itong kotse. Baka magbiyaheng langit naman ako.She's breaking up with me. My girlfriend for two years. Itigil daw muna namin ang relasyon at pupunta siyang Europe. She said she'll be staying there for good. Doon na titira kasama ang pamilya. Pinasusunod ako pero ayaw ko. Kauuwi ko nga lang galing America tapos sa ibang bansa na naman ako titira? No way! Matagal na panahon ding hindi ako nakauwi rito sa Pilipinas and I've missed it. Mas magaganda pa rin ang mga babae rito kaysa ibang bansa. Mas mabango. Now if she can't adjust sa relasyon namin, then we better part ways. It's okay, France.Marahas akong huminga. I can replace her. So easily. Maraming babaeng naghahabol sa akin. I can just pick one of them. I don't love her. And I never did. It was just abou
HINDI ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ngayong gabi. Weird. Kakaiba. Na-brokenhearted lang naman ako eh, nag-inom, tapos na-holdap, muntik ma-rape, tapos ngayon, kasama ang isang estranghero.Habang pinagmamasdan ko ang lalaki ay nilulusob ako ng kakaibang kaba. Nandito kami ngayon sa isang hotel. Unang hotel na nadaanan ng sasakyan niya. Nandoon ako sa isang gilid habang pinagmamasdan siyang kausap ang babae sa front desk.Nanginginig ang mga tuhod ko. Parang nagsisisi ako sa mga sinabi ko kanina. Gusto ko sanang bawiin. Kaso... mababawi ko pa ba? Andito na kami. Akala ko ba tinanggihan niya ako? Akala ko pauutangin niya na lang ako...? Pero...Ipinilig ko ang aking ulo. Tanga! Saan ka nakakita ng magpapautang ng fifty thousand? Kahit mukhang mayaman siya, malaking halaga pa rin iyon. Iyong twenty thousand nga, nalalakihan na ako, iyong fifty pa kaya? Siyempre wala nang libre sa panahon ngayon. Kahit sabihing uutangin ko 'yon. Siguro nahalata niya na hindi ko naman
PAASA! At scammer ang lalaking 'yon. Sabi niya ay fifty thousand ang ibibigay sa akin pero walong libo lang ang halagang nadampot ko sa ibabaw ng lamesa. Kung alam ko lang na gugulangan niya ako, hindi na sana ako pumayag sa nangyari nang gabing iyon.May iniwan naman siyang calling card. Doon ko nalaman ang pangalan niya. Francisco Xian Fortaleza. Siguro ang ibig niyang iparating ay tawagan ko ang numerong nandoon upang makuha ko pa ang balance ko sa kaniya. Kaso everytime na tatawag ako, palaging in another call. Ang nakakainis pa, hindi cellular number kung hindi landline ang nakalagay na contact number doon. Kaya minsanan ko lang masubukan siyang tawagan. Tapos tiyempuhan pang busy lagi ang linya.Minsan naiisip kong puntahan ang address na nakasulat doon. Kaso medyo malayo dahil sa Alabang pa. Though, may jeep namang sakayan deretso roon, natatakot akong pumunta dahil hindi ako magaling sa mga dereksyon. Baka maligaw lang ako at walang mapala. Sayang ang pamasahe. Kaya nagbabakas
"SIR?" Sunud-sunod na may kumatok sa pinto. Natigilan ako at naitulak ang babaeng kasama ko sa kama. Napatayo rin ako bigla at mabilis na pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig at isinuot."Why?" nagtatakang tanong ng babae na hindi ko man lang pinag-abalahang tapunan ng tingin."Leave now. We're done.""What?!"Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang binuksan ang pinto ng aking silid. Walang paki kahit wala pa siyang suot na damit."What's the matter, Carlo? Sabi ko h'wag mo akong iistorbohin, 'di ba?" medyo inis na saad ko."Sir, I think it's her."Natigilan ako. Tumaas pa ang isang kilay na nakatingin sa lalaking may tangan ng telepono. He's actually my assistant, at naroon kami ngayon sa main office ko."Who?" maang ko."The girl. Iyong ibinilin n'yo sa 'kin. 'Yong sabi n'yong pinagkakautangan n'yo."Napalunok ako. Oh, that girl! I can still remember her face. So vividly. Her pretty face."Finally, tumawag din," magaan ang loob na sabi ko."Sir, I think she's mad. Hinahanap k
"ALIS na ho ako," walang emosyong paalam ko bago ako tuluyang lumabas ng pinto. Araw na ng Lunes niyon at may pasok na muli sa school. Hindi ako pinansin ni mama at patuloy lang na inabala ang sarili sa pagwawalis sa sala ng bahay. Ganito kami 'pag nagkakasumpungan. Pero buti na lang pinapasok niya pa rin ako sa bahay noong mga nagdaang gabi. Kakaiba 'yong galit niyang iyon ng nakaraan. First time niya akong sinaktan nang ganoon. Pero hindi naman puwedeng hindi ako magmatigas. Kailangan niyang magising sa katangahan niya sa bago niyang asawa. Pero napapaisip din ako. Kung dapat ko ba talaga siyang tulungan. Lalo na't may padating naman akong pera. Kita ko nga na malungkot siya. Kaso kapag naiisip ko ang mukha ng stepfather ko, naninikip talaga ang dibdib ko. Mabigat talaga ang loob ko sa mga batugan at iresponsableng taong tulad niya. Kasi imbes na mamuhay dalaga ako, hindi eh. Daig ko pa ang pamilyado.Nasa jeep na ako pero nagdadalawang isip ako kung papasok ba sa school o hindi. D