Share

Chapter 02

last update Last Updated: 2022-12-26 11:33:35

"Four hundred lahat, Ma'am," sabi ng bartender slash cashier sa akin. Tatlong maliliit na bote ng beer four hundred pesos agad? Sana pala sa tindahan na lang ako bumili, konti na lang ang idadagdag ko makakatatlong mucho pa ako.

"Okay! Keep the change," pangiti-ngiti kong sabi sa lalaki. Bahagya itong ngumiti. Na-gets ang joke ko. Sakto lang kasi ang binayad ko. Walang sukli.

"Thank you, Ma'am! Ingat kayo," sabi pa niya sa akin.

Ni hindi man lang ako nalasing. Sa bagay, teenager pa lang ako, umiinom na talaga ako ng alak. Napabarkada kasi ako dati. Pero nakuha ko pa ring magtapos ng pag-aaral. Sa isang state university lang iyon kaya halos wala akong binayaran.

I checked my phone. Maaga pa ang alas-diyes. Ayaw ko pang lumabas sa lugar na 'yon dahil tila nagsisimula pa lang mag-enjoy ang mga tao. Maingay na music, inuman, sayawan, ito yata ang kailangan ko nang mga oras na ito. Makalimot at magliwaliw.

"Hi, Miss! Wanna dance?" tanong ng isang lalaki sa akin. May bitbit itong baso ng alak. Walang sabi-sabi ko iyong kinuha at ininom nang straight. "Woah! I like you," sabi pa nito na medyo nagulat sa ginawa ko.

"Let's dance," yaya ko rito at nagpatiuna pang magpunta sa dance floor na punung-puno ng tao. Ganito pala ang buhay sa isang disco bar. Sana noon ko pa nalaman.

Sana noon ko pa nae-enjoy ang buhay ko.

Hindi naman ako marunong mag-sayaw. Sinasabayan ko lang ang beat ng music. Lumapit sa akin 'yong lalaki kanina. Wala na itong dalang baso. He danced in front of me. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Cute naman kaso hindi ko type.

"What's your name?" tanong niya sa akin.

"Sandy," sabi ko.

"What?" Bahagya itong lumapit sa akin.

Sa lakas kasi ng tugtog ay ang hirap talaga magkarinigan.

"Christine!" ibinulyaw ko sa tainga niya. Nagbago ang isip ko. Ayaw kong ibigay ang tunay na pangalan ko.

"Nice to meet you, Christine. I'm Kevin."

"Nice to meet you, too!"

Inilibre niya pa ako ng drinks pagkatapos no'n. He even asked for my number pero mali ang ibinigay ko. Hindi ko talaga siya type. Para siyang manyakis. At tama ako. Kasi mayamaya after namin mag-shot, niyaya niya ako. Magpalipas daw kami ng gabi - sa motel.

Iniwan ko siya. Nakailang kulit pa siya sa akin at sinabing matutulog lang daw kami roon. Pero sino namang tanga ang maniniwala sa ganoon? Baka may sakit siya at mahawa pa ako. Tapos nagbe-vape pa. Vape o sigarilyo parehas lang 'yon at turned-off ako sa mga lalaking nagbibisyo ng gano'n.

Past ten na ng gabi. May fifty pesos pa namang natitira sa pitaka ko. Sakto 'yon pamasahe pauwi. Hindi na ako masyado nagpakalasing pa. Tutal wala na rin naman akong pang-order. At natakot na akong makipag-usap sa iba pang lalaking naroon. Kahit may nag-aaya pa sa akin magsayaw. Hirap na baka lasingin ako tapos kung saan ako pulutin kinabukasan.

Siguro sapat na 'to. At least kahit saglit nalimutan ko ang nangyari kanina. Nalimutan ko si Cedrick at ang ginawa niya. Pero kanina lang. Ngayon tanda ko na ulit. Malinaw na malinaw. Para na namang piniga ang puso ko.

Habang nag-aabang ng jip pauwi, hindi ko napigilang mapaiyak ulit. Imagine that four years? Kung totoo ang sinasabi ng babae eh 'di huwad pala ang naging relasyon namin ni Cedrick, gano'n? Pero paano mangyayari 'yon? Five years na raw sila, tapos kami four years? Paano niya naitago sa akin 'yon?

Hays! Paulit-ulit ka Sandy. Baka naman puwedeng mag-move on ka na lang!

Pati utak ko umiiyak.

Kaka-celebrate lang namin ng anniversary noong isang araw. Niregaluhan pa man din niya ako ng isang set ng bra at panty. Suot ko ngayon. Kasi nga balak ko sana, ibigay na ang sarili ko sa kaniya.

Pero hindi na yata mangyayari 'yon. Magkakapamilya na siya eh. Goodbye na siguro talaga sa aming dalawa. Makakahanap pa naman ako siguro ng iba. At kapag nangyari 'yon, ibibigay ko na talaga ang sarili ko. Para hindi na ako iwanan. O ipagpalit. Ganoon na raw ngayon eh. Uso na ang premarital sex.

Pero siyempre, sisiguraduhin kong mahal niya ako talaga. At dapat mahal ko rin siya siyempre. Tapos magpapakasal din kami sa bandang huli.

Antagal ng jip. Sa bagay anong oras na rin kasi. Pero sure ako na may dadaan pa. Hindi puwedeng wala kasi hindi ako makakauwi.

Napatingin ako sa dalawang lalaking malapit sa akin. Mga dalawang dipa ang layo nila. Kanina ko pa kasi napapansin na parang patingin-tingin sila sa akin. Tapos nagbubulungan. Bigla tuloy akong kinabahan. What if kidnapper ang mga ito? Kuhanin ako. Tapos gahasain ako. Itatapon sa kung saan ang bangkay ko.

Grrr! Nanginig ako sa isiping 'yon. Bata pa ako at marami pang mangyayari sa buhay ko. Gusto ko pang mag-asawa at magkaanak.

Kaya nang makita kong may bagong labas galing sa bar ay lumapit ako sa mga ito. Para kung sakaling may gagawin man silang masama ay may magiging witness. Makakamit ko rin ang hustisya.

Hays! Ano ba 'tong naiisip ko? Para akong tanga. Tumingin akong muli sa gawi ng dalawang lalaki. Hindi naman pala sila mga pangit. Desente namang tingnan.

Dumaan pa ang mga minuto, wala pa ring jeep. Ito ang mahirap nitong nag-pandemic. Sinamahan pa ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin, nabawasan ang mga bumibiyahe ng twenty-four hours. Kung may dadaan man, puno na. Mga dalawang sakay pa ako bago makarating sa amin. Tiyak na mga nag-aadik at nag-iinuman na naman ang mga makakasalubong ko nito.

"Aray!" May bumangga sa aking lalaki. Malaking tao, naka-mask at sumbrero. Hindi ko masyadong aninag ang kaniyang mukha dahil against the light ang puwesto nito. Hindi ko na sana palalakihin pa ang isyu at lalayo na lang ako nang may maramdaman akong malamig sa may tagiliran ko.

"H'wag kang maingay. Maglakad ka papunta ro'n," pasimple at mahinang sabi niya sa akin. Halos manindig lahat ng mga buhok ko sa katawan.

Gusto ko sanang sumigaw at humingi ng tulong o kaya itulak ito at tumakbo pero inunahan ako ng takot. Isa pa, mukhang seryoso siya. Sa boses niya pa lang, alam kong bihasa na siya. Saka ayaw ko pang mamatay. Alam kong patalim ang nakatutok sa tagiliran ko ngayon.

Pagdating namin sa dilim, agad niyang hinablot ang bag ko. Natulala na lang ako. Ang bilis niya. Sisigaw pa kaya ako para humingi ng tulong? Hindi eh. Wala na siya. Nawala na siya sa dilim.

Agad-agad.

Paano na ako ngayon? Singkuwenta pesos na nga lang ang laman ng pitaka ko, hinoldap pa. At 'yong cellphone ko! Hulugan ko pa 'yon, wala pa ako sa kalahati ng paghuhulog n'on, sa isang iglap, wala na agad. Kailangan ko pa naman 'yon 'pag may meeting sa school.

Para akong baliw na naglakad pabalik sa tapat ng bar. Tulala. Gusto ko pa bali sumigaw, kaso huwag na lang. Nakakahiya. Wala na rin namang hahabulin kung sakali.

Ganito pala rito? Uso holdapan? O na-tiyempuhan ko lang. Doble-dobleng kamalasan ko ngayong araw ah. Valentine's Day ngayon, natuklasan ko ang pangloloko ng boyfriend ko. Tapos ngayong sandaling nagliwaliw ako, nanakawan naman ako.

Double kill!

Ayokong umiyak. Kilala akong fierce sa amin. Bold pa nga dahil matabil daw ang bunganga ko. Tapos iiyak ako? Fifty pesos lang naman ang nakuha sa 'kin tsaka cellphone. Isang libo kada buwan lang naman ang hulog ko ro'n. Okay lang 'yon. Mas maraming tao ang mas higit ang problema sa 'kin. Pero siyempre joke lang 'yon. Hindi mababaw itong nangyari sa akin.

Paano ako uuwi? Saan ako pupulutin? Nakasalalay rito ang aking buhay, 'di ba?

Napalunok ako. Kailangan ko sigurong diskartehan 'to.

Gusto ko sanang dumelehensya sa mga taong nasa paligid ko. Kaso naisip ko, baka pagtawanan lang ako. Sa hitsura kong ito, mamalimos ako? Nakakahiya. Kaya naglakad na lang ako. Doon sa dereksyong pauwi sa bahay. Wala pa akong naiisip na plano pero derederetso lang ako. Malay mo naman.. bigla na lang mag-miracle si Lord, may mapulot ako kahit bente pesos. O kaya may magmagandang loob sa akin. Wala namang imposible, 'di ba?

Walang masyadong kabahayan doon sa nilalakaran ko. Highway na kasi iyon. May mga bahay man, malayo sa kalsada. Buti at may mga poste ng ilaw. May liwanag kahit papaano sa madilim kong mundo.

Nasa kasagsagan ako ng paglalakad at pagmumuni-muni nang may sasakyang tumigil sa tabi ko. Pajero iyon. Kulay itim. Imbes na matakot ay may tuwang lumukob sa puso ko. Ito na ba 'yong 'miracle' na hinihintay ko? Ito na ba 'yong pinadala ni Lord para saklolohan ako?

"Iha, gabing-gabi na ah. Bakit mag-isa kang naglalakad?" tanong ng matandang sakay niyon. Mukhang mabait ang hitsura nito. Pati ang boses. Parang pang-good samaritan talaga.

Pinahid ko ang luhang muntik nang mangilid sa mga mata ko. Hallelujah!

"W-Wala po kasi akong pamasahe pauwi," nag-aalinlangan man pero lakas-loob ko na ring sabi. Ano naman kung maging kaawa-awa ako sa paningin nito? Iyon nga ang purpose para tulungan niya ako.

"Ganoon ba? Bakit? Ano'ng nangyari? Saan ka ba umuuwi? Tara, nang maisabay na kita."

Pumalakpak ang mga tainga ko. Eksaktong-eksakto sa expectation ko. Hindi pa ako nakakasagot pero nakaakyat na ako sa may passenger seat nang pagbuksan ako ni lolo ng pinto. Hindi, mukha ngang daddy. Matanda na siya mga nasa sixty pataas na siguro pero malakas at matikas pa rin ang katawan. Bigla ko tuloy na-imagine kung sakaling may mga anak itong binata. Tiyak na guwapo ang mga iyon. At sana, may mabingwit ako.

Luh! Akala ko ba brokenhearted ako eh bakit kalandian ang nasa isip ko ngayon?

Pagsara ko ng pinto ay hindi niya agad pinaandar ang sasakyan. Itinuro muna niya sa akin ang seatbelt. Pinakakabit niya sa akin.

"Saan ka nga ulit umuuwi, iha?" muli niyang tanong nang paandarin na niya ang sasakyan.

"Doon po sa may Paseo. Paseo de Carmona," mabilis kong tugon.

"Aba'y malayo-layo pa nga rito. Tapos naglalakad ka lang? Ano ba'ng nangyari at naglalakad ka?"

Humugot muna ako ng malalim na hininga. Maigi nang maging honest ako para maniwala siya.

"N-Naholdap po kasi ako. T-Tinangay ang bag ko."

Tumingin siya sa akin. Iyong tinging naaawa. Sa isip-isip ko, naalala ko ang aking ama. Nami-miss ko na siya. Ganito kasi siya kung tumingin sa akin dati kapag may problema ako. Concerned at maalalahaanin. Hindi tulad ng ipinalit ni mama na bago. Batugan na, lasenggero pa at adik pa. Yes, alam kong tumitira ng shabu iyon pero hindi na lang ako nagsasalita. Hindi pa naman ako masyadong nasasagad. Tsaka na 'pag talagang nabuwisit na ako nang tuluyan sa kaniya.

"Naku! Buti na lang at hindi ka sinaktan, iha? Kadalasan pa naman sa panahon ngayon, pinapatay na rin ng mga holdaper ang biktima. Kahit hindi nanlalaban."

"O-Oo nga po eh. Iyong perang natitira sa ipon ko, k-kinuha pa sa akin. P-Pati 'yong cellphone ko. L-Luma na nga iyon at malapit pang masira, ninakaw pa. H-Hindi ko nga po alam kung paano na ako sa mga susunod na araw. W-Wala na akong pera." Lumuha ako. As in luha. Pero kunwari lang. Dinagdagan ko na rin ang kuwento ko para mas maawa siya sa akin. Pasensya na kayo tatang at gipit na gipit din talaga ako ngayon. Bukod sa pagmamagandang-loob ninyo sa akin, kailangan ko rin ng limos ninyo. Okay na sa akin kahit isang libo. Tiyak kong barya lang iyon sa inyo. Sana amutan niya naman ako.

"Kawawa ka naman pala, iha. Paano na lang kung hindi kita nakita? Baka hindi lang holdap ang mangyari sa 'yo ngayong gabi. Baka ma-rape ka pa sa lagay mong 'yan. M-Maganda ka pa naman."

Na-flattered naman ako kahit papaano sa sinabi niya. Pero iba ang nais kong marinig. Iyong tulong ba. Iyong cash. I need cash!

"O-Opo nga po eh. K-Kaya malaking pasasalamat ko dahil tinulungan ninyo ako." Kaso sagarin n'yo na ang tulong. Bigyan mo ako ng cash!

"Kailangan mo pa ng tulong pinansyal, iha?"

Napalunok ako. Naalarma agad. Ito na! Ito na ang pinakahihintay ko.

"H-Hindi naman po sa pinangangalandakan ko... Pero magiging totoo lang po ako sa inyo. Opo eh. Kasi kinuha nila lahat ng mayroon na lang ako. P-Pambayad ko pa po iyon ng renta." Kunwari pa akong naluha ulit. Hindi ko akalaing magiging instant actress pala ako ngayong gabi.

"Tutulungan kita, iha," sabi ng matanda. Iyong boses niya, malumanay. Parang ama na kumakausap sa anak. Hays! Sana ikaw na lang ang napangasawang bago ng mama ko. Tiyak na magiging masagana ang buhay namin.

"P-Po?" maang ko. "N-Naku, n-nakakahiya naman po..."

"Basta't susundin mo lang ang ipagagawa ko, iha. Bibigyan kita ng pera."

Natigilan ako.

Itinigil niya ang sasakyan. Doon sa parteng madilim sa gilid ng kalsada. Pinatay niya rin ang makina. Pagkuwa'y nakita kong may dinudukot siya sa bulsa. Ang wallet niya. Naglabas siya ng mga libo at limangdaan.

Napalunok ako. Bakit parang bigla akong binundol ng kaba? Kakaiba na rin ang mga tingin niya. Hindi na pang-good samaritan, pang-manyakis na.

"Mapapasa iyo lahat ng ito kung susundin mo ang ipagagawa ko. Huwag kang mag-alala, madali lang ito. Alam kong kayang-kaya mo."

Inilapag niya sa dashboard ang pera. Doon sa tapat niya. Sa hindi ko abot maliban kung puwersahang aabutin ko talaga. Pagkuwa'y kinalikot niya ang suot niyang pantalon. Iyong butones binubuksan niya.

Saglit akong natulala. Parang natulos sa kinauupuan. Alam ko na ang ibig niyang mangyari. Sinasabi ko na!

"Unang kita ko pa lang sa 'yo, nag-init agad ako sa 'yo, iha. Pasensya na. Babayaran naman kita."

Napatili ako. Napapikit nang mariin. Buong buhay ko hindi pa ako nakakakita ng manoy. Sa matanda pa. Kinapa ko ang lock ng pinto. Bababa ako. 'Di bale nang wala akong pera at maglakad ako, basta hindi ganito. Jusko! Kay Cedrick nga hindi ako bumigay kahit anong pakiusap niya, sa matandang ito pa kaya? Buti ba kung milyon ang bayad niya. Libo lang naman!

Nakababa ako. Sobrang dilim sa parteng iyon. Walang kabahayan. Puro puno. Malapit pa sa tulay. Kung tatakbo ako at hihingi ng tulong kanino ako makakahingi? E-Eh paano kung mas worse pa rito ang maranasan ko? Paano kung magahasa talaga ako? Tapos walang bayad...

Hah! Ano ba naman itong nasa isip ko? Nasa panganib na ako pera pa rin ang hanap ko. Nagtatakbo ako. Bahala na. Bahala na si Batman. Bahala na si Lord.

Lumingon ako sa aking likuran. Nakita ko na napaandar na niyang muli ang sasakyan. Palapit sa akin. Kaso may nauna sa kaniya. May isa pa ulit kotseng parating. Lumampas sa kaniya. Tapos sa akin. Sinundan ko pa iyon ng tingin. Tumigil iyon sa gitna ng tulay.

Lord, sino na naman ito?

Kung sino ka man, bahala na. Kung manyak ka ulit, sige na! Bibigay na ako! Basta hindi matanda! Basta may bayad!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ay naku sa halio na maawa ako haha napapatawa ako ei hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 03

    "BAHALA ka sa buhay mo! If that's what you want, so be it!" naiiritang bulyaw ko sa kausap ko sa kabilang linya. Sa sobrang galit ko, itinigil ko muna ang sasakyan sa isang tabi. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko, mapalipad ko itong kotse. Baka magbiyaheng langit naman ako.She's breaking up with me. My girlfriend for two years. Itigil daw muna namin ang relasyon at pupunta siyang Europe. She said she'll be staying there for good. Doon na titira kasama ang pamilya. Pinasusunod ako pero ayaw ko. Kauuwi ko nga lang galing America tapos sa ibang bansa na naman ako titira? No way! Matagal na panahon ding hindi ako nakauwi rito sa Pilipinas and I've missed it. Mas magaganda pa rin ang mga babae rito kaysa ibang bansa. Mas mabango. Now if she can't adjust sa relasyon namin, then we better part ways. It's okay, France.Marahas akong huminga. I can replace her. So easily. Maraming babaeng naghahabol sa akin. I can just pick one of them. I don't love her. And I never did. It was just abou

    Last Updated : 2022-12-26
  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 04

    HINDI ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ngayong gabi. Weird. Kakaiba. Na-brokenhearted lang naman ako eh, nag-inom, tapos na-holdap, muntik ma-rape, tapos ngayon, kasama ang isang estranghero.Habang pinagmamasdan ko ang lalaki ay nilulusob ako ng kakaibang kaba. Nandito kami ngayon sa isang hotel. Unang hotel na nadaanan ng sasakyan niya. Nandoon ako sa isang gilid habang pinagmamasdan siyang kausap ang babae sa front desk.Nanginginig ang mga tuhod ko. Parang nagsisisi ako sa mga sinabi ko kanina. Gusto ko sanang bawiin. Kaso... mababawi ko pa ba? Andito na kami. Akala ko ba tinanggihan niya ako? Akala ko pauutangin niya na lang ako...? Pero...Ipinilig ko ang aking ulo. Tanga! Saan ka nakakita ng magpapautang ng fifty thousand? Kahit mukhang mayaman siya, malaking halaga pa rin iyon. Iyong twenty thousand nga, nalalakihan na ako, iyong fifty pa kaya? Siyempre wala nang libre sa panahon ngayon. Kahit sabihing uutangin ko 'yon. Siguro nahalata niya na hindi ko naman

    Last Updated : 2022-12-26
  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 05

    PAASA! At scammer ang lalaking 'yon. Sabi niya ay fifty thousand ang ibibigay sa akin pero walong libo lang ang halagang nadampot ko sa ibabaw ng lamesa. Kung alam ko lang na gugulangan niya ako, hindi na sana ako pumayag sa nangyari nang gabing iyon.May iniwan naman siyang calling card. Doon ko nalaman ang pangalan niya. Francisco Xian Fortaleza. Siguro ang ibig niyang iparating ay tawagan ko ang numerong nandoon upang makuha ko pa ang balance ko sa kaniya. Kaso everytime na tatawag ako, palaging in another call. Ang nakakainis pa, hindi cellular number kung hindi landline ang nakalagay na contact number doon. Kaya minsanan ko lang masubukan siyang tawagan. Tapos tiyempuhan pang busy lagi ang linya.Minsan naiisip kong puntahan ang address na nakasulat doon. Kaso medyo malayo dahil sa Alabang pa. Though, may jeep namang sakayan deretso roon, natatakot akong pumunta dahil hindi ako magaling sa mga dereksyon. Baka maligaw lang ako at walang mapala. Sayang ang pamasahe. Kaya nagbabakas

    Last Updated : 2022-12-27
  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 06

    "SIR?" Sunud-sunod na may kumatok sa pinto. Natigilan ako at naitulak ang babaeng kasama ko sa kama. Napatayo rin ako bigla at mabilis na pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig at isinuot."Why?" nagtatakang tanong ng babae na hindi ko man lang pinag-abalahang tapunan ng tingin."Leave now. We're done.""What?!"Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang binuksan ang pinto ng aking silid. Walang paki kahit wala pa siyang suot na damit."What's the matter, Carlo? Sabi ko h'wag mo akong iistorbohin, 'di ba?" medyo inis na saad ko."Sir, I think it's her."Natigilan ako. Tumaas pa ang isang kilay na nakatingin sa lalaking may tangan ng telepono. He's actually my assistant, at naroon kami ngayon sa main office ko."Who?" maang ko."The girl. Iyong ibinilin n'yo sa 'kin. 'Yong sabi n'yong pinagkakautangan n'yo."Napalunok ako. Oh, that girl! I can still remember her face. So vividly. Her pretty face."Finally, tumawag din," magaan ang loob na sabi ko."Sir, I think she's mad. Hinahanap k

    Last Updated : 2022-12-27
  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 07

    "ALIS na ho ako," walang emosyong paalam ko bago ako tuluyang lumabas ng pinto. Araw na ng Lunes niyon at may pasok na muli sa school. Hindi ako pinansin ni mama at patuloy lang na inabala ang sarili sa pagwawalis sa sala ng bahay. Ganito kami 'pag nagkakasumpungan. Pero buti na lang pinapasok niya pa rin ako sa bahay noong mga nagdaang gabi. Kakaiba 'yong galit niyang iyon ng nakaraan. First time niya akong sinaktan nang ganoon. Pero hindi naman puwedeng hindi ako magmatigas. Kailangan niyang magising sa katangahan niya sa bago niyang asawa. Pero napapaisip din ako. Kung dapat ko ba talaga siyang tulungan. Lalo na't may padating naman akong pera. Kita ko nga na malungkot siya. Kaso kapag naiisip ko ang mukha ng stepfather ko, naninikip talaga ang dibdib ko. Mabigat talaga ang loob ko sa mga batugan at iresponsableng taong tulad niya. Kasi imbes na mamuhay dalaga ako, hindi eh. Daig ko pa ang pamilyado.Nasa jeep na ako pero nagdadalawang isip ako kung papasok ba sa school o hindi. D

    Last Updated : 2022-12-29
  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 08

    HAPON na nang umuwi ako. Bumili ako ng malaking echo bag at inilagay sa loob lahat ng pinamili ko. Nagpalit din ako ng uniform. Para hindi halatang lakwatsa lang ang ginawa ko maghapon. Nasa tapat na ako ng pinto ng bahay. Nagtataka ako kung bakit maraming tsinelas at may sapatos pang naroon. May bisita? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto."O, 'nak, buti't dumating ka na!" Nagulat ako dahil nakangiti akong sinalubong ni mama. Nag-beso pa siya sa akin."Ano 'to, Ma? Sino sila? Bakit ---""Manahimik ka muna," pasimpleng bulong niya sa akin at binigyan pa ako ng pinong kurot sa braso. Pagkuwa'y magiliw itong humarap sa mga bisita. "Ito ho si Sandy, ang panganay kong anak. Ito ho 'yong sinasabi ko sa inyo na anak kong teacher."Pinabitawan pa ni mama ang bitbit kong echo bag at pinaharap sa mga bisita niya. Mga lalaking mukhang Chinese. Medyo magkahawig. Isang senior na at medyo bata-bata pa. Pero mukhang nasa late thirties na."Maganda pala anak mo personal," sabi ng matanda. "Bagay s

    Last Updated : 2022-12-29
  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 09

    "AKIN nga asawa babae nabangga. Kaya ako dala kaniya bahay.""Saan nga ang patunay mong asawa mo 'yon?" naiirita nang tanong ko. Kanina pa itong Intsik na ito. Ang kulit-kulit. Paulit-ulit na kami ng usapan wala namang pinatutunguhan."Basta nga ako asawa. Usap na kami Belinda uuwi ko babae sa bahay.""Belinda? Sino bang Belinda? Kung wala kang maipakita sa aking marriage contract n'yo, wala kang karapatan sa babaeng 'yon." Lumipat ang tingin ko sa doktor na kanina pa nakikinig sa usapan namin. "Doc, I'll take full responsibility. Ako ang nakadisgrasya sa babae kaya ako muna ang magsisilbing guardian niya habang wala pang napuntang pamilya niya rito. I don't trust these two." Saka ko saglit na ibinalik ang tingin sa mag-amang singkit. "Ikaw ayaw maniwala. Gusto mo pakulong kita!" Dinuro at pinagbantaan pa ako ng mas bata. Ngunit imbes na matakot ay lalong lumakas ang loob ko."Sige. Nang magkasubukan tayo. Kayang-kaya kitang ipatapon pabalik sa bansa mo. Akala mo natatakot ako sa 'yo

    Last Updated : 2022-12-29
  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 10

    I WAS still wondering what had just happened last night. Napalunok ako nang madatnan ang babae pagbukas ko ng pinto ng kuwarto. She was fast sleeping. I stood beside the bed while watching her. Alas-dos na ng hapon pero himbing na himbing pa rin ito sa pagkakatulog.So this woman was being chased again. This time, mga Intsik naman. Matatanda. Claiming that she's the wife. Pero buti na lang at ako ang unang nakakita sa kaniya. I immediately called a private doctor and sent the hospital a request na kung puwede ay dito na lang siya gagamutin. Marahil kung hindi kilala ang pamilya ko ay hindi maga-grant ang special request ko na iyon. I wonder what's this woman's issue this time. Ironically, our paths crossed again."Uminom na siya ng gamot," sabi ni Aling Citas sa akin. Tumango lang ako. "If she ever tries to leave or escape, please huwag n'yong papayagan. Give her all the necessities she needs," sabi ko bago ako tumalikod."Bakit? Aalis ka, iho?"Tumigil ako sandali."Doon muna ako s

    Last Updated : 2022-12-29

Latest chapter

  • Two Playful Hearts(R-18)   SPECIAL CHAPTER 03

    FOUR years later."BILISAN mo na! Andaming reklamo!" Konting-konti na lang talaga, masusugod ko na ang lalaking ito. Napakakupad kumilos. Halatang sinasadya. Alam nang may hinahabol ako."Nalaglag nga ang wallet ko. Pinulot ko pa.""Alam mong ito iyong pinakahihintay ko tapos andami mong pasaring. Bilis na!" Nagtatakbo ako at hinabol naman ako ni Francisco. Akay-akay ko ang aming kambal. Nagpabili pa kasi ng ice cream sa daddy nila, sabi ko mamaya na, pero dinalihan ako ng iyak. Ito namang isa, antagal-tagal bumili. Sinabing sumingit na lang, pumila-pila pa. "Bullshit!" Ayun na nga. Muntik nang madapa, nakapalampa. "Mommy, Daddy dropped the ice cream!" umiiyak na sabi ni Karlize. "The other one is mine!" pang-aasar naman ng isa sa kakambal. Bumitaw si Kristoff sa akin at nilapitan ang ama. Kinuha sa kamay nito ang isang ice cream na hindi nadisgrasya ni France."Mommy!" Tuloy ang iyak ni Karlize.Pero ako, sa ibang bagay nakatingin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nagkukum

  • Two Playful Hearts(R-18)   SPECIAL CHAPTER 2

    1 YEAR later..."NAKAKAINIS ka talaga! Dito na naman tayo!" nakasimangot na himutok ko paglabas namin ng airport. Actually, kagabi pa ako nagrereklamo. Pero hindi ako pinapakinggan ng aking asawa. Panay sabi na sumama na lang daw ako kasama ang aming kambal. Tig-isa kaming may buhat kina Karlize at Kristoff. At nagsama kami ng isang assistant para may magdala naman ng maleta. "Dapat nga dati pa kita dinala ulit dito," kalmadong tugon ng tukmol.Lalo akong napasimangot sa sinabi niya. "Andaming bansa, Francisco. Bakit dito ulit?"India."I promise next time, sa ibang bansa na talaga tayo. But right now, may mahalaga tayong taong kikitain dito. Trust me."Sumakay na kami ng taxi. Habang nasa biyahe ay abala siya sa cellphone niya. Hindi na lang ako kumibo at inasikaso na lang ang mga bata. Mayamaya, tumigil na kami sa tapat ng isang mataas na building. "Remember that time, baby, noong isinama kita rito?" ani France pagkakababa namin ng taxi. Napatingala naman ako. Paano ko malilimuta

  • Two Playful Hearts(R-18)   SPECIAL CHAPTER 1

    "CONGRATULATIONS! It's a baby girl!" masayang anunsiyo ng sonologist."Yes!" Ngiting tagumpay na napasuntok pa ako sa ere. Hinampas ko pa ang balikat ni France na nasa tabi ko lang. "Pa'no ba 'yan? Panalo ako sa pustahan."Nang-uuyam siyang tumingin sa akin. "Saglit lang, I still have another card." Nakangising bumaling ito sa sonologist. "What about the other one?"Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng other one?Nangingiti naman habang nakatingin sa monitor ang sonologist habang pinaiikot-ikot sa tiyan ko ang object na gamit para makita ang loob ng sinapupunan ko."The other one is a boy. Congratulations for having a fratenal twins!"Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa aking mga labi. Shocked! A-Ano'ng fraternal twins? "A-Ano hong kambal? Ano'ng girl at boy? Iisang baby lang ang laman ng tiyan ko!" histerikal ko pang sabi sa sonologist."I'm sorry, baby." Agad ginagap ni France ang isa kong kamay. "But it's true. Kambal ang anak natin. I'm sorry, I convinced the doctor na huwag munang i

  • Two Playful Hearts(R-18)   FINAL CHAPTER

    FOUR months after...Hinintay ko talaga 'to. Sabi ko kay Francisco itaong ika-fifth month ng tiyan ko ang kasal namin. Aba sabi niya kasi 'pag at least five months na ang tiyan ko puwede na ulit. Hindi 'yon nawala sa isip ko. Halos bilangin ko nga ang mga araw na dumaraan. Nitong mga nakaraan, sinusubukan ko pa ring makiusap sa kaniya, pero ayaw niya talaga. Sabi ko kahit once a month, ayaw pa rin. Nag-research na nga ako lahat-lahat. Kahit ipinakita ko na sa kaniya na okay lang basta hindi maselan ang pagbubuntis ay ayaw talaga. Pero minsan napapaisip ako. How about him? Alam kong hindi niya kaya 'yong tiisin ng ganoon katagal. Not unless, may pinagdedepositohan siya.Pero minsan, nakikita ko siya sa madaling araw. 'Yong 'pag akala niyang tulog na ako. Babangon siya at pupunta sa CR at inaabot siya ng halos isang oras doon bago lumabas. Minsan nga nakakatulugan ko na lang ang paghihintay. Pero isang beses tinangka ko siyang pasukin kaya lang ni-lock niya ang pinto. Nang tanungin ko s

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 90

    "GOOD morning!" Ang matamis na halik sa labi ni France ang gumising sa akin. Agad akong napamulat nang maamoy ang mabango niyang katawan. Bagong ligo."B-Baby..." namamaos na anas ko nang muli niya akong gawaran ng marubdob na halik sa labi. Tinugon ko siya nang puno ng pananabik. Mahigpit pa akong kumapit sa batok niya para mas maging malalim ang aming halik. Lalo akong nanabik nang maramdaman ang dahan-dahang paglapat niya ng katawan sa akin."I'm sorry about last night. 'Yong totoo, hindi ko rin kayang magtiis. I want you too," bulong niya pa sa tainga ko na mas nagpabaliw sa akin. "Ang sabi ko naman kasi sa 'yo puwede pa eh. Nagpapaniwala ka sa doktor na 'yon," segunda ko pa. "That's why I'm sorry. Gusto kong palagi kang maligaya."Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ako na ang nangunang maghubad sa sarili ko. Dahil wala siyang ibang suot nang mga sandaling iyon maliban sa nakatapis na tuwalya sa ibabang bahagi ay naging mabilis ang lahat. Ramdam na ramdam ko kung gaano katigas

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 89

    "OY, ano'ng ginagawa mo diyan?" nakapameywang na tanong ni Francisco.Napaangat ako ng tingin. "W-Wala, may sinisilip lang ako."Na-miss ko kasi ang office niya. Ilang taon din akong hindi nakatungtong doon. Curious lang din naman kasi ako kung sino na ang tumatao. So hindi na pala talaga siya. I wonder, ano na kayang pagkakaabalahan niya sa buhay? Tatambay-tambay na lang din ba?"Tara na! May makakita pa sa 'yo diyan!"Umakyat na nga ako ng hagdan. Inabot niya ang kamay ko nang malapit na ako sa dulo. Hinila niya pa ako pataas. May mga kinuha lang siyang ibang gamit sa penthouse kaya nandito kami ngayon. I miss this place too. Naalala ko noon patakbo-takbo pa ako rito no'ng may dumating siyang hindi inaasahang 'buwisita'. I wonder where they are now too. Kapag may nanggulo ulit talaga, mananapak na ako."Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo akala ko kung saan ka na nagpunta," sabi pa niya."So saan na tayo pupulutin nito? Saan tayo titira?" tanong ko."Ikaw, kung saan mo gusto-""T

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 88

    "THANK you," bahagyang nakangiti kong sabi sa babaeng receptionist nang ibigay na niya sa akin ang susi. Bitbit ang mga pinamili ko ay nagderetso na ako sa elevator para puntahan ang room na nakalaan para sa akin. Pagpasok sa kuwarto ay agad kong inilapag sa mesa ang mga plastik na dala ko. Dali-dali akong nahilata sa malambot na kama. It was such a tiring day. Pero magaan sa pakiramdam.DUMISTANSYA ako kay Mike nang magtangka siyang lumapit sa akin. Kung dati ay may kakaiba akong nararamdaman sa presensya niya, ngayon ay tila wala na."So you went all the way here for him?" malungkot na wika ni Mike. Naglakad-lakad kami hanggang sa kung saan makaabot ang mga paa namin. Tutal parehas naman kaming walang alam sa lugar na 'yon. Hanggang sa may nakita kaming park na medyo malapit sa plaza. Napasinghap ako. "O-Oo..." nakatungo kong tugon. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya dahil sa guilt na nararamdaman ko. And I feel so sorry for him. "P-Paano mo nalaman?" tanong ko."I saw

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 87

    'I'll be waiting..' Mga katagang paulit-ulit na lumilitaw sa utak ko. Maaga pa lang, naghihintay na ako sa tawag ng warden. Nag-umagahan na pero halos hindi ko magalaw ang pagkain. I was so occupied by her thoughts. The way Sandy looked at me yesterday, the way she touched my hands, the way she checked on me and the way she talked na ramdam kong totoo siya sa lahat ng sinasabi niya.I didn't really expect so much from her. I wanted her to go on, leave and forget me because I'm aware how complicated man I am. But seeing her here yesterday out of the blue changed it all.Until now, nagsisisi ako na hindi ko sinabi ang totoo sa kaniya. I was overly confident that whatever happened I would always find a way para bumalik. But because of that single mistake, I ruined it all. It was true that I was already a married man when we met. To Kirsten, my two-year girlfriend. "France... I'm pregnant." Natigilan ako at nagkatinginan kami. Agad nilukob ng galit ang loob ko."What's the meaning of t

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 86

    IT'S been a month since it happened at pinilit kong ibalik sa normal ang sistema at pamumuhay ko. Nakabalik pa rin ako sa school matapos tanggapin ng principal ang alibi ko nang halos dalawang linggo akong nawala. Sinabi kong nagkaroon ng emergency kaya biglaan ang pag-uwi ko sa probinsya. Kung paano ko ito nakumbinsi ay nagpapasalamat na lang ako. At buti na lang din hindi ipinaalam ni Mike sa publiko ang nangyari kung hindi ay tiyak pagtatampulan ako ng chismis."Pero iyon ba talaga ang totoong nangyari?" Ngunit sa tatlong kaibigang naimbitahan ko sa naudlot kong kasal ay hindi ako ligtas sa pagdududa."Noong araw ng kasal mo, halos mabaliw kakahanap sa 'yo si Mike. Pati kami halos masiraan na rin kakaisip kung ano'ng nangyari at bigla kang nawala. Ilang araw na ang nakalipas, palagi niya kaming pinupuntahan dito, nangungulit. Baka raw may alam kami. Hindi naman siya puwedeng magbintang nang walang ebidensya pero... may kinalaman ba si... France sa nangyari?"Sa loob ng halos apat

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status