"BAHALA ka sa buhay mo! If that's what you want, so be it!" naiiritang bulyaw ko sa kausap ko sa kabilang linya. Sa sobrang galit ko, itinigil ko muna ang sasakyan sa isang tabi. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko, mapalipad ko itong kotse. Baka magbiyaheng langit naman ako.
She's breaking up with me. My girlfriend for two years. Itigil daw muna namin ang relasyon at pupunta siyang Europe. She said she'll be staying there for good. Doon na titira kasama ang pamilya. Pinasusunod ako pero ayaw ko. Kauuwi ko nga lang galing America tapos sa ibang bansa na naman ako titira? No way! Matagal na panahon ding hindi ako nakauwi rito sa Pilipinas and I've missed it. Mas magaganda pa rin ang mga babae rito kaysa ibang bansa. Mas mabango. Now if she can't adjust sa relasyon namin, then we better part ways.It's okay, France.Marahas akong huminga. I can replace her. So easily. Maraming babaeng naghahabol sa akin. I can just pick one of them. I don't love her. And I never did. It was just about sex --- where she's undoubtedly good.Iyon lang naman talaga, 'di ba?Nagulat ako nang may kumatok sa bintana ng kotse ko. Batay sa repleksyon, babae. Magulo ang buhok. Nangingitim ang ilalim ng mga mata. Taranta na palingon-lingon sa bandang likuran. Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha dahil nakasuot pa ito ng mask. Weird. Dis oras ng gabi may baliw na magpapagala-gala pa rito. Baka nasobrahan sa pag-aadik kaya naluka na.Hindi ko siya pinansin. May sinasabi siya pero hindi ko marinig. Wala akong pakialam sa kaniya. Akma kong bubuksan ulit ang engine nang matigilan ako. Damn! The woman didn't stop. Mas nilakasan ang pagkalabog sa windshield window ko. Pinipilit pang buksan ang backseat. Pero buti na lang naka-lock iyon.Nang hindi magtagumpay ay nawala saglit ang babae. Parang may pinulot. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang batong hawak niya. Seriously? Babasagin niya talaga ang salamin ng kotse ko!Noon ako mas naalarma. I finally put down my window."Subukan mong baliw ka. Ilalaglag talaga kita sa tulay!" I shouted at her.Ibinato niya pabalik sa pinagpulutan ang bato."T-Tulungan mo ako... Mr. Pogi!"Bakas sa mukha niya ang takot at kaba. Napataas ang isang kilay ko. Lalo siyang nataranta nang malingunan ang papalapit na Pajero. Umikot siya sa kabilang side at kumatok sa may passenger seat ko. It's as if she was asking me to unlock it for her.Damn!Makulit ang babae. Gusto ko siyang iwan pero biglang may curiousity na pumasok sa utak ko. Sa isip-isip ko, I can just easily throw her out kapag may ginawa siyang hindi kaaya-aya. So I unlocked the door and let her in. Muntik pa siyang sumadsad sa may kambiyo nang makaupo sa loob. She was goddamn sweating.Ilang saglit ko muna siyang pinagmasdan. She was wearing a maong skirt. Sobrang ikli na konti na lang ay makikita na ang underwear niya. Iyon ang una kong napansin dahil maputi ang mga hita niya. Then crap top. Maliit lang ang tiyan niya. Napasinghap ako nang dumako ang mga mata ko sa bandang dibdib niya. Cute. Hindi malaki, hindi maliit. Sakto lang.Napalunok ako. May kakaiba akong naramdaman. Pagnanasa ba 'to?"M-Maraming salamat... M-Mr. Pogi." Saglit na parang natulala pa ang babae nang makita nang husto ang mukha ko. Baka first time niyang nakakita ng guwapo buong buhay niya. Napalunok pa nga siya, kita ko. To confuse her more, I smirked."What's with you, little girl?" pilyong tanong ko. She kinda looks like it. Petite eh.May itinuturo ang isang daliri niya. Napatingin ako sa gilid. Sa labas ay kita ko ang nakaparadang Pajero sa tapat ng kotse ko. Bumaba ang may edad na lalaki. I wondered who that old man was. Prenteng lumapit ito at kumatok sa bintana ko."Yes?" nakatingalang tanong ko."Nandiyan sa sasakyan mo ang anak ko. Pababain mo nga at nang makauwi na kami. Ano'ng oras na!" malumanay na sabi ng matanda. I immediately looked at the woman beside me. Sunud-sunod ang pag-iling nito. Kababakasan ng takot ang mga mata. Parang sinasabi na huwag akong papayag. Huwag ko siyang ibibigay. Then I looked at the old man again. Nakababa na ang ulo nito this time sa salamin ng bintana. He was intently looking at the woman. Walang anu-ano, I started the engine. Isinara ko na rin ang bintana. I'm a man. Regardless of age, I know that kind of look. He was lying. He was not her father. He was looking at her maniacally. A pedophile.Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Nakita ko kung paano maluwang na nakahinga ang babae. Her sighed was big and loud. Napaantanda pa."Thank you, Lord!" she even screamed.Tumaas ang isang kilay ko. That's really my mannerism whenever I would start a conversation."So what happened?" tanong ko. This time I saw her rubbing her fingers under her eyes. Nangingitim na. Mukha na itong zombie dahil sa nagkalat na eyeliner at mascara. I was waiting for her to take her mask off, but she didn't.Tumingin siya sa akin. Pero saglit lang kami nagkatitigan dahil kailangan kong mag-focus sa pagda-drive. Pero madalas akong sumulyap sa kaniya."M-Maniniwala ka kaya sa kuwento ko? N-Naholdap ako," she said in a shaking voice. "I-Iyong matandang 'yon, a-akala ko tutulungan ako. Pinasakay ako sa sasakyan niya. Iyon pala may balak sa aking masama."I know she wasn't lying. Her eyes said it all. Wala itong dala miski ano. Possibly, it really happened. Pero nakaka-intimidate talaga siyang tingnan. Hindi ko masisisi ang matanda kung bakit pinagnasaan siya nito. Kahit ako, hindi mapigilang hindi mapatingin. Mapang-akit ang suot niya."I see..." simple kong tugon. Wala akong maisip na sabihin o itanong. Hindi ko alam kung bakit."M-Maraming salamat, M-Mister... Pogi." Natawa ako sa paraan ng tawag niya sa akin. Masyado siyang literal."Wala 'yon, saan ba kita ibababa?"Sandaling natahimik siya. Ako naman ay panay ang sulyap pa rin sa kaniya. Naghihintay ng sagot niya."M-Mister Pogi?" she addressed me."W-Why?" Bigla akong kinabahan. What's with this woman?"I-Iyong totoo, m-may malaki akong pangangailangan..."Nangunot ang noo ko. Ano'ng pinagsasasabi niya?"S-So...?"She sighed again. At napalunok as if tinatanggal ang bara sa lalamunan niya."Salamat sa tulong mo. Tatanawin ko ito bilang malaking utang na loob. Pero kailangan ko rin ng pera. Alam kong mayaman ka, marami kang ibabayad sa 'kin. M-Mag-trade tayo. B-Bigyan mo ako ng cash, at least five thousand, s-sasama ako sa 'yo ngayong gabi."Napalunok ako sa sinabi niya. Medyo nabigla pa nga. I didn't expect her to say that. Did she mean na magpapagamit siya sa akin para bayaran ko siya ng pera? Namomokpok siya sa akin? Parang nanghinayang ako. Nanghinayang ako sa effort na tulungan siyang makatakas sa matanda kanina. P****k naman pala ito eh. Natural lang ang nangyari sa kaniya. Baka ayaw niya sa matanda? Then she saw me, mas bata, guwapo pa, kaya kunwari nanghingi ng tulong sa akin. Tapos ito pala ang plano niya. Magpapabayad sa akin.Napabuga ako ng hangin. Then I sighed."Sorry, Miss! Hindi ako pumapatol sa mga p****k." I looked at her. "Just tell me, saan kita ibababa?"I don't fuck hookers, 'yon ang totoo. Kahit gaano pa sila ka-sexy at kaganda. Takot ako, baka makakuha ako ng sakit sa kanila. And masyado silang cheap... at marumi para sa akin. I only fuck classy women. Iyong nasa first class clubs lang o kaya mga model o may sinasabi sa buhay. For me, they're clean. And worth spending money for."H-Hindi naman ako p****k," katwiran pa niya. "P-Pero k-kung ayaw mo talaga... pautangin mo na lang ako."I looked at her again. Mangha. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong babae. Malakas ang loob. Nangungutang talaga siya?"Okay! How much do you need?" tanong ko. Parang trip ko maging mabait ngayong gabi. Tutal, she made my night. Sandali kong nalimutan ang breakup namin ng ex ko."A-At least five thousand nga ---"Biglang sulyap ko na naman sa kaniya. She finally took off her mask. Pinunasan niya ng palad ang namawis niyang mukha. Ohhh!Dagli kong kinapa ang panyo ko sa bulsa at iniabot sa kaniya. Para iyon ang gamitin niya. Nagkalat kasi sa gilid ng mga labi niya ang lipstick. When she's finally done, mangha na naman akong napatingin sa kaniya.I like her lips. Manipis sa taas, makapal sa baba. I also like her nose. Masyadong matangos, parang sa bumbay. Napasinghap ako. Napalunok. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. I would like to make exceptions. Gusto ko siyang pagbigyan sa unang sinabi niya. Gusto ko siyang... tikman!"What about twenty thousand?" sabi ko. Mulagat siya sa akin."T-Twenty thousand?" maang niya."Or fifty thousand?" dagdag ko pa."F-Fifty thousand?"I grinned. Parang hindi siya makapaniwala sa mga halagang iyon. Ganoon ba ito kahirap? Hindi pa nakakahawak ng ganoong halaga? Kung tutuusin, barya lang iyon sa akin. I can even pay her hundreds of thousand or even a million if I want to. Hindi ako maghihirap kahit ilang beses ko pa siyang babayaran."Oo, fifty thousand. Para mas malaki-laking tulong sa iyo," aniko. "Payag na ako sa offer mo. Samahan mo ako tonight."HINDI ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ngayong gabi. Weird. Kakaiba. Na-brokenhearted lang naman ako eh, nag-inom, tapos na-holdap, muntik ma-rape, tapos ngayon, kasama ang isang estranghero.Habang pinagmamasdan ko ang lalaki ay nilulusob ako ng kakaibang kaba. Nandito kami ngayon sa isang hotel. Unang hotel na nadaanan ng sasakyan niya. Nandoon ako sa isang gilid habang pinagmamasdan siyang kausap ang babae sa front desk.Nanginginig ang mga tuhod ko. Parang nagsisisi ako sa mga sinabi ko kanina. Gusto ko sanang bawiin. Kaso... mababawi ko pa ba? Andito na kami. Akala ko ba tinanggihan niya ako? Akala ko pauutangin niya na lang ako...? Pero...Ipinilig ko ang aking ulo. Tanga! Saan ka nakakita ng magpapautang ng fifty thousand? Kahit mukhang mayaman siya, malaking halaga pa rin iyon. Iyong twenty thousand nga, nalalakihan na ako, iyong fifty pa kaya? Siyempre wala nang libre sa panahon ngayon. Kahit sabihing uutangin ko 'yon. Siguro nahalata niya na hindi ko naman
PAASA! At scammer ang lalaking 'yon. Sabi niya ay fifty thousand ang ibibigay sa akin pero walong libo lang ang halagang nadampot ko sa ibabaw ng lamesa. Kung alam ko lang na gugulangan niya ako, hindi na sana ako pumayag sa nangyari nang gabing iyon.May iniwan naman siyang calling card. Doon ko nalaman ang pangalan niya. Francisco Xian Fortaleza. Siguro ang ibig niyang iparating ay tawagan ko ang numerong nandoon upang makuha ko pa ang balance ko sa kaniya. Kaso everytime na tatawag ako, palaging in another call. Ang nakakainis pa, hindi cellular number kung hindi landline ang nakalagay na contact number doon. Kaya minsanan ko lang masubukan siyang tawagan. Tapos tiyempuhan pang busy lagi ang linya.Minsan naiisip kong puntahan ang address na nakasulat doon. Kaso medyo malayo dahil sa Alabang pa. Though, may jeep namang sakayan deretso roon, natatakot akong pumunta dahil hindi ako magaling sa mga dereksyon. Baka maligaw lang ako at walang mapala. Sayang ang pamasahe. Kaya nagbabakas
"SIR?" Sunud-sunod na may kumatok sa pinto. Natigilan ako at naitulak ang babaeng kasama ko sa kama. Napatayo rin ako bigla at mabilis na pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig at isinuot."Why?" nagtatakang tanong ng babae na hindi ko man lang pinag-abalahang tapunan ng tingin."Leave now. We're done.""What?!"Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang binuksan ang pinto ng aking silid. Walang paki kahit wala pa siyang suot na damit."What's the matter, Carlo? Sabi ko h'wag mo akong iistorbohin, 'di ba?" medyo inis na saad ko."Sir, I think it's her."Natigilan ako. Tumaas pa ang isang kilay na nakatingin sa lalaking may tangan ng telepono. He's actually my assistant, at naroon kami ngayon sa main office ko."Who?" maang ko."The girl. Iyong ibinilin n'yo sa 'kin. 'Yong sabi n'yong pinagkakautangan n'yo."Napalunok ako. Oh, that girl! I can still remember her face. So vividly. Her pretty face."Finally, tumawag din," magaan ang loob na sabi ko."Sir, I think she's mad. Hinahanap k
"ALIS na ho ako," walang emosyong paalam ko bago ako tuluyang lumabas ng pinto. Araw na ng Lunes niyon at may pasok na muli sa school. Hindi ako pinansin ni mama at patuloy lang na inabala ang sarili sa pagwawalis sa sala ng bahay. Ganito kami 'pag nagkakasumpungan. Pero buti na lang pinapasok niya pa rin ako sa bahay noong mga nagdaang gabi. Kakaiba 'yong galit niyang iyon ng nakaraan. First time niya akong sinaktan nang ganoon. Pero hindi naman puwedeng hindi ako magmatigas. Kailangan niyang magising sa katangahan niya sa bago niyang asawa. Pero napapaisip din ako. Kung dapat ko ba talaga siyang tulungan. Lalo na't may padating naman akong pera. Kita ko nga na malungkot siya. Kaso kapag naiisip ko ang mukha ng stepfather ko, naninikip talaga ang dibdib ko. Mabigat talaga ang loob ko sa mga batugan at iresponsableng taong tulad niya. Kasi imbes na mamuhay dalaga ako, hindi eh. Daig ko pa ang pamilyado.Nasa jeep na ako pero nagdadalawang isip ako kung papasok ba sa school o hindi. D
HAPON na nang umuwi ako. Bumili ako ng malaking echo bag at inilagay sa loob lahat ng pinamili ko. Nagpalit din ako ng uniform. Para hindi halatang lakwatsa lang ang ginawa ko maghapon. Nasa tapat na ako ng pinto ng bahay. Nagtataka ako kung bakit maraming tsinelas at may sapatos pang naroon. May bisita? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto."O, 'nak, buti't dumating ka na!" Nagulat ako dahil nakangiti akong sinalubong ni mama. Nag-beso pa siya sa akin."Ano 'to, Ma? Sino sila? Bakit ---""Manahimik ka muna," pasimpleng bulong niya sa akin at binigyan pa ako ng pinong kurot sa braso. Pagkuwa'y magiliw itong humarap sa mga bisita. "Ito ho si Sandy, ang panganay kong anak. Ito ho 'yong sinasabi ko sa inyo na anak kong teacher."Pinabitawan pa ni mama ang bitbit kong echo bag at pinaharap sa mga bisita niya. Mga lalaking mukhang Chinese. Medyo magkahawig. Isang senior na at medyo bata-bata pa. Pero mukhang nasa late thirties na."Maganda pala anak mo personal," sabi ng matanda. "Bagay s
"AKIN nga asawa babae nabangga. Kaya ako dala kaniya bahay.""Saan nga ang patunay mong asawa mo 'yon?" naiirita nang tanong ko. Kanina pa itong Intsik na ito. Ang kulit-kulit. Paulit-ulit na kami ng usapan wala namang pinatutunguhan."Basta nga ako asawa. Usap na kami Belinda uuwi ko babae sa bahay.""Belinda? Sino bang Belinda? Kung wala kang maipakita sa aking marriage contract n'yo, wala kang karapatan sa babaeng 'yon." Lumipat ang tingin ko sa doktor na kanina pa nakikinig sa usapan namin. "Doc, I'll take full responsibility. Ako ang nakadisgrasya sa babae kaya ako muna ang magsisilbing guardian niya habang wala pang napuntang pamilya niya rito. I don't trust these two." Saka ko saglit na ibinalik ang tingin sa mag-amang singkit. "Ikaw ayaw maniwala. Gusto mo pakulong kita!" Dinuro at pinagbantaan pa ako ng mas bata. Ngunit imbes na matakot ay lalong lumakas ang loob ko."Sige. Nang magkasubukan tayo. Kayang-kaya kitang ipatapon pabalik sa bansa mo. Akala mo natatakot ako sa 'yo
I WAS still wondering what had just happened last night. Napalunok ako nang madatnan ang babae pagbukas ko ng pinto ng kuwarto. She was fast sleeping. I stood beside the bed while watching her. Alas-dos na ng hapon pero himbing na himbing pa rin ito sa pagkakatulog.So this woman was being chased again. This time, mga Intsik naman. Matatanda. Claiming that she's the wife. Pero buti na lang at ako ang unang nakakita sa kaniya. I immediately called a private doctor and sent the hospital a request na kung puwede ay dito na lang siya gagamutin. Marahil kung hindi kilala ang pamilya ko ay hindi maga-grant ang special request ko na iyon. I wonder what's this woman's issue this time. Ironically, our paths crossed again."Uminom na siya ng gamot," sabi ni Aling Citas sa akin. Tumango lang ako. "If she ever tries to leave or escape, please huwag n'yong papayagan. Give her all the necessities she needs," sabi ko bago ako tumalikod."Bakit? Aalis ka, iho?"Tumigil ako sandali."Doon muna ako s
DINNER time na at ako lang mag-isa ang kumakain sa hapag. Gusto ko sanang sumabay sa akin si Aling Citas pero ayaw niya. May sariling oras daw siya ng pagkain niya.Kung tutuusin napakasuwerte ko. Sino ba namang mayaman ang magpapatuloy sa isang hamak na kagaya ko tapos dito pa sa isang penthouse? Coincidence lang kaya ang nangyari? O deja vu talaga. Sa ikalawang pagkakataon iniligtas na naman ako ni Francisco. So dapat ba sa ikalawang pagkakataon din may mangyayari sa 'min? Luh! That's too much."Aling Citas," tawag ko sa katulong. Pero hindi siya mukhang katulong. Parang ina kung ituring siya ni France. Hindi rin ito tumatawag ng Sir. Iho lang. Sa akin naman Ineng, minsan Iha."Bakit, iha?"Nilinis ko muna ang bara sa lalamunan ko. "Nasaan ho si Francisco? B-Bakit wala pa siya?" Malapit na kasi mag-nine ng gabi pero wala pa ito. I'm just wondering kung ganito ba talaga ito. Late na umuwi."Bakit, iha, may kailangan ka ba sa kaniya?""Wala ho!" mabilis kong tugon. I just find this h