DINNER time na at ako lang mag-isa ang kumakain sa hapag. Gusto ko sanang sumabay sa akin si Aling Citas pero ayaw niya. May sariling oras daw siya ng pagkain niya.Kung tutuusin napakasuwerte ko. Sino ba namang mayaman ang magpapatuloy sa isang hamak na kagaya ko tapos dito pa sa isang penthouse? Coincidence lang kaya ang nangyari? O deja vu talaga. Sa ikalawang pagkakataon iniligtas na naman ako ni Francisco. So dapat ba sa ikalawang pagkakataon din may mangyayari sa 'min? Luh! That's too much."Aling Citas," tawag ko sa katulong. Pero hindi siya mukhang katulong. Parang ina kung ituring siya ni France. Hindi rin ito tumatawag ng Sir. Iho lang. Sa akin naman Ineng, minsan Iha."Bakit, iha?"Nilinis ko muna ang bara sa lalamunan ko. "Nasaan ho si Francisco? B-Bakit wala pa siya?" Malapit na kasi mag-nine ng gabi pero wala pa ito. I'm just wondering kung ganito ba talaga ito. Late na umuwi."Bakit, iha, may kailangan ka ba sa kaniya?""Wala ho!" mabilis kong tugon. I just find this h
"GOOD morning, Ma'am!" Nangunot ang noo ko nang makita ang isang babaeng nurse sa harapan ko. Nasa ospital na ba ako ulit? Ibinalik ba ako ni Francisco?"Dahan-dahan, Ma'am," sabi pa niya nang napabalikwas ako ng bangon. Inalalayan pa akong umupo at sumandal sa headboard."S-Sino ka? B-Bakit---?" Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nandoon pa rin ako sa kuwarto ni Francisco. Nakangiting naglahad ng kamay ang babae. "Ako po si Nurse Jean. Kinuha ako ni Sir France para maging private nurse n'yo. I'm here to help and take good care of you until you're fully recovered, Ma'am. Ano nga palang itatawag ko sa inyo?""S-Sandy..." mahinang tugon ko. Ano namang pumasok sa kukote ng lalaking iyon at ikinuha pa ako ng nurse? Gusto niya ba akong gumaling agad para mapaalis na ako ora mismo?""Okay, Ma'am Sandy. Pinsan kayo ni Sir France, 'di ba?"Napamulagat ako."Pinsan?" Tumango ang babae. "Opo. Iyon ang sabi niya. Anyway, Ma'am, kain na muna kayo ng breakfast. Inom ng gamot and then iche-c
TATAWAGAN na lang daw ako...Pang-ilang kompanya na ang nagsabi niyon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang wala sa akin na hinahanap nila. I'm a licensed teacher. Kahit dalawang beses akong nag-take, at least pasado ako, lisensyado ako. Pero ayaw ko nang magturo. Kasi baka mapunta na naman ako sa school na mababa magpasahod. Kaya sa office ang ina-aplayan ko. Iyong iba sa call center. Karamihan kasi call center ang available rito sa Alabang. Kaso bagsak ako sa lahat ng interview. First time ko kasi nag-aplay sa mga ganitong klase ng korporasyon."Bahala na nga!" bulong ko. Nalula ako sa sobrang taas ng building na nasa harapan ko ngayon. Nakaawang pa ang mga labi ko habang nakatingala. Sino'ng mag-aakala na last week lang ay nanggaling ako sa tuktok na 'yon? Natulog at uminom ng champagne habang babad pa sa pool.Yeah, right. Nandito ako sa tapat ng kompanyang pag-aari ni Francisco. Naka-formal dress at bitbit ang mga requirements na isinauli niya sa akin the day na umalis ako. No cho
PARA pang nakakita ako ng multo pagkabalik ng ulirat ko. Una ko ba namang nasilayan ang matiim na mga mata ni Francisco. Nakatayo siya sa harapan ko at tila kanina pa nag-aabang sa paggising ko."A-Ano'ng nangyari?" maang ko.Seryoso pa rin ang kaniyang mukha. "Ako dapat ang nagtatanong niyan. Ano'ng nangyari sa 'yo? Bigla ka na lang hinimatay nang walang dahilan. Sinasadya mo ba 'yan para iwasan ako?" But instead of answering his questions, napalingon ako sa bintana sa tapat ng hinihigaan kong kama. Nasaan kaya ako? Hindi naman ito ang penthouse niya."T-Takpan mo!" napapalunok na utos ko sa kaniya. Ininguso ko ang bintana."What?" naningkit pa ang mga mata niya."Sabi ko, t-takpan mo 'yong bintana. Ibaba mo 'yong blinds."Nagsalubong ang mga kilay niya, pero paglaon sinunod din naman niya ako."Ano? May ipag-uutos ka pa?" Namaywang pa siya sa akin. Bad mood agad?Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard. "Oo. Ikuha mo ako ng tubig."Nanlaki ang mga mata niya. "Seriously?""
APPLE Street. Iyon ang sinabi niya kahapong kanto kung saan palagi siyang naghihintay ng masasakyang taxi. I know there's only one Apple Street in town. At kanina pa ako roon. Naubos ko nang lahat-lahat ang binili kong kape, wala pa rin siya. Ni anino niya walang paramdam. Wala ring text o reply. I want to call her but am I not going that far?Kagabi pa ako nag-iisip. Am I not over acting? Should I really let her in my life when in fact, hindi ko naman talaga siya kailangan? Hindi kaya nabibigla lang ako? What if lust lang pala ang totoong nararamdaman ko?After a few moments of thinking, dinampot ko rin ang cellphone kong nakapatong sa dashboard and call the number that was written on her resume."Hello?" Pero napalunok ako the moment I heard her voice. "Ms. Magbilao, especial announcement, I'm cancel---""Si Francisco ba 'to?" interrupt niya. Francisco talaga?I gasped. "Oo at ---""Naku! Pasensya na tinanghali ako ng gising. Huwag kang mag-alala, naglalakad na ako. Malapit na ako
NGAYON ang pinaka-official kong first day sa trabaho. Pagdating pa lang ni Francisco sa office, ibinigay niya sa akin agad itong makakapal na libro. Under training daw muna ako. Office management ang tema at ang sabi niya, basahin at pag-aralan ko raw muna ang mga 'yon bago ako mag-proceed sa trabaho ko. Ayaw niya raw ng papalpak-palpak at ng kailangan pang turuan. Tapos tatanungin niya raw ako at the end of the day kung may naintindihan ako sa mga binasa ko. Teacher-student lang ang peg?Iyong totoo, inaantok na ako. Ten pa lang iyon ng umaga at dalawang oras pa lang akong babad sa binabasa ko na sa totoo lang ay hindi ko naman talaga naiintindihan ay pakiramdam ko twenty-four hours na akong walang tulog. Sumasakit na ang sentido ko sumabay pa ang kumakalam kong tiyan. Tinapay at kape lang kasi ako kaninang umaga dahil na-late nga ako ng gising.Isa sa pinakanakakawindang na kailangan ko ring matutunan mula sa libro ay itong buwisit na steno. Akalain mo 'yon, paguhit-guhit lang, ilan
MAGHAHAPON na nang matapos ang meeting. Matapos ng insidenteng iyon ay nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Seryoso ang mga taong kasama ko habang nag-uusap tungkol sa mga bagay na tinatamad akong intindihin dahil nasa wikang Ingles. Paminsan-minsan sumusulyap ako kay Tom Cruise-lookalike kapag siya na ang nagsasalita. Ini-imagine ko kung totoo nga ang sinabi ni Francisco kung may asawa't anak na nga ito. Sana all na lang.Nang matapos ang meeting ay batid kong may magandang balita. Nakangiti nang bahagya si Francisco nang magpaalam sa mga ka-meeting. Pero nang mapatingin siya sa akin, bigla siyang napasimangot. Sinimangutan ko na lang din siya. Umalis na kami pagkuwan. Ako na saling-pusa, nakasunod lang sa dalawang lalaki na nag-uusap pa rin hanggang sa makasakay ulit kami ng kotse. "Go home now, Ms. Magbilao. Bukas na lang ulit," walang emosyong sabi ni Francisco pagtigil namin sa may parking lot ng kompanya niya."S-Sigurado ka? Three PM pa lang?" kunwa'y kaswal na maang ko."O
DAHIL sa nangyari, napasubo tuloy ako. Kailangan kong panindigan lahat ng sinabi ko. Kaya ko naman lahat eh, kaya kong matuto, kaya kong magpakaseryoso. Kaya lang, ito talaga ang pinakaproblema ko. Paano ako bababa? Paano ako uuwi? At paano ako papasok nang maaga bukas? At sa mga susunod pang araw. Alangan namang gawin ko talaga ang sinabi ko? Maghahagdan ako pababa't panaog? Jusko baka pagdating ko sa dulo lantang gulay na ako.Tumayo na ako sa mesa ko. Ewan ko rito kay Francisco nagbi-bisi-bisihan pa sa trabaho. Pinag-encode niya ako kuno maghapon. Bait-baitan naman ako.Pati tuloy pagtawag ko sa kaniya ng 'Sir France' natutunan ko. For me, hindi maganda pakinggan. Mas maganda pa rin ang Francisco, mas bagay sa kaniya. Mas masungit pakinggan.Paglabas ko ng office niya, nakita ko si Carlo, busy pa rin. Relaxed lang ang awra niya pero ang bilis ng type niya sa computer. Pigil ang hiningang naupo ako sa couch na halos kaharap niya."Yes, Ma'am? Pauwi ka na?" puna niya sa akin. Ito ang