APPLE Street. Iyon ang sinabi niya kahapong kanto kung saan palagi siyang naghihintay ng masasakyang taxi. I know there's only one Apple Street in town. At kanina pa ako roon. Naubos ko nang lahat-lahat ang binili kong kape, wala pa rin siya. Ni anino niya walang paramdam. Wala ring text o reply. I want to call her but am I not going that far?Kagabi pa ako nag-iisip. Am I not over acting? Should I really let her in my life when in fact, hindi ko naman talaga siya kailangan? Hindi kaya nabibigla lang ako? What if lust lang pala ang totoong nararamdaman ko?After a few moments of thinking, dinampot ko rin ang cellphone kong nakapatong sa dashboard and call the number that was written on her resume."Hello?" Pero napalunok ako the moment I heard her voice. "Ms. Magbilao, especial announcement, I'm cancel---""Si Francisco ba 'to?" interrupt niya. Francisco talaga?I gasped. "Oo at ---""Naku! Pasensya na tinanghali ako ng gising. Huwag kang mag-alala, naglalakad na ako. Malapit na ako
NGAYON ang pinaka-official kong first day sa trabaho. Pagdating pa lang ni Francisco sa office, ibinigay niya sa akin agad itong makakapal na libro. Under training daw muna ako. Office management ang tema at ang sabi niya, basahin at pag-aralan ko raw muna ang mga 'yon bago ako mag-proceed sa trabaho ko. Ayaw niya raw ng papalpak-palpak at ng kailangan pang turuan. Tapos tatanungin niya raw ako at the end of the day kung may naintindihan ako sa mga binasa ko. Teacher-student lang ang peg?Iyong totoo, inaantok na ako. Ten pa lang iyon ng umaga at dalawang oras pa lang akong babad sa binabasa ko na sa totoo lang ay hindi ko naman talaga naiintindihan ay pakiramdam ko twenty-four hours na akong walang tulog. Sumasakit na ang sentido ko sumabay pa ang kumakalam kong tiyan. Tinapay at kape lang kasi ako kaninang umaga dahil na-late nga ako ng gising.Isa sa pinakanakakawindang na kailangan ko ring matutunan mula sa libro ay itong buwisit na steno. Akalain mo 'yon, paguhit-guhit lang, ilan
MAGHAHAPON na nang matapos ang meeting. Matapos ng insidenteng iyon ay nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Seryoso ang mga taong kasama ko habang nag-uusap tungkol sa mga bagay na tinatamad akong intindihin dahil nasa wikang Ingles. Paminsan-minsan sumusulyap ako kay Tom Cruise-lookalike kapag siya na ang nagsasalita. Ini-imagine ko kung totoo nga ang sinabi ni Francisco kung may asawa't anak na nga ito. Sana all na lang.Nang matapos ang meeting ay batid kong may magandang balita. Nakangiti nang bahagya si Francisco nang magpaalam sa mga ka-meeting. Pero nang mapatingin siya sa akin, bigla siyang napasimangot. Sinimangutan ko na lang din siya. Umalis na kami pagkuwan. Ako na saling-pusa, nakasunod lang sa dalawang lalaki na nag-uusap pa rin hanggang sa makasakay ulit kami ng kotse. "Go home now, Ms. Magbilao. Bukas na lang ulit," walang emosyong sabi ni Francisco pagtigil namin sa may parking lot ng kompanya niya."S-Sigurado ka? Three PM pa lang?" kunwa'y kaswal na maang ko."O
DAHIL sa nangyari, napasubo tuloy ako. Kailangan kong panindigan lahat ng sinabi ko. Kaya ko naman lahat eh, kaya kong matuto, kaya kong magpakaseryoso. Kaya lang, ito talaga ang pinakaproblema ko. Paano ako bababa? Paano ako uuwi? At paano ako papasok nang maaga bukas? At sa mga susunod pang araw. Alangan namang gawin ko talaga ang sinabi ko? Maghahagdan ako pababa't panaog? Jusko baka pagdating ko sa dulo lantang gulay na ako.Tumayo na ako sa mesa ko. Ewan ko rito kay Francisco nagbi-bisi-bisihan pa sa trabaho. Pinag-encode niya ako kuno maghapon. Bait-baitan naman ako.Pati tuloy pagtawag ko sa kaniya ng 'Sir France' natutunan ko. For me, hindi maganda pakinggan. Mas maganda pa rin ang Francisco, mas bagay sa kaniya. Mas masungit pakinggan.Paglabas ko ng office niya, nakita ko si Carlo, busy pa rin. Relaxed lang ang awra niya pero ang bilis ng type niya sa computer. Pigil ang hiningang naupo ako sa couch na halos kaharap niya."Yes, Ma'am? Pauwi ka na?" puna niya sa akin. Ito ang
"LECHE ka!" naiinis na bulalas ko. Sabi ko na nananadya lang ito eh. Paano na naman ako nito? Wala na akong ibang paraan."Are you swearing at me, Ms. Magbilao?" tanong niya na akala mo walang alam kung bakit nagkakaganito ako."Oo!" Naiinis na kinuha ko mula sa bag ang company ID ko na pinagawa niya. "O, sa 'yo na 'to! Ayaw ko na. Hindi na ako papasok bukas. I quit!"Ibinato ko iyon sa kaniya saka ako nag-walk out. Pamartsa akong naglakad palayo. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng fire exit, hinubad ko ang suot kong heels. Sinadya kong ipakita iyon sa kaniya para konsensyahin siya. Kung may konsensya man siya. Padabog ko ring isinalya pasara ang pinto. Unti-unti nang dumadaloy ang luha ko habang binabagtas pababa ang bawat baitang ng hagdan.Tototohanin ko na talaga ang sinabi kong quit! Hindi na magbabago ang isip ko. Mula ngayong mga oras na 'to, iwawaksi ko na siya sa isipan ko. Hindi na ako papadala sa mga tingin niya. Hindi na ako magpapa-hypnotized! Kakalimutan ko na ang nangya
MAGANDA ang naging gising ko ng mga sumunod na araw. Madalas, alas nueve na ako nagigising. Pa- cellphone-cellphone lang, nood TV habang nakahilata pa rin maghapon. Kakain kung kailan gusto. Magluluto para sa sarili, kung minsan o-order ng foods online. Malaki-laki pa naman ang natitira sa pera ko. Kaya next week ko pa balak mag-apply. Gusto ko muna i-enjoy ang moment ko mag-isa. Ngayon lang ako nagising nang stressed-free.Um-order pa ako ng mini-videoke online. Excited na akong buksan at i-try iyon. Aminado ako na sintunado ako kumanta pero mahilig ako sa music. At masaya ako marinig ang boses ko. Siyempre self-support.Isinara ko ang mga bintana. Pati mga kurtina inayos ko. Wala dapat kahit anong masisilip sa loob mula sa labas. Ni-locked ko rin ang pinto. Mula sa maliit at secondhand ref na nabili ko, naglabas ako ng ilang beer in cans. Nagbukas ng ilang malalaking sitsirya at pinaghalo-halo sa isang malalim na plato at inilapag sa ibaba ng kama ko sa kuwarto. Sumalampak ako roon
DALI-DALI akong pumasok sa loob at inayos ang mga kalat ko. Pinagsama-sama ko lahat sa isang malaking plastik iyong mga in can at plastic ng mga sitsirya. Itinapon ko agad sa basurahan."Grabe! Nakailang in can ka?" mangha pang tanong ni Francisco nang makita ang bitbit ko kanina."Siyam, bakit?"Mulagat siyang tumingin sa akin. "Seriously?" Inismiran ko siya. "Ano naman?"Umiling siya. "Wala naman. Pinahahanga mo lang ako. May problema ka ba? Puwede mo naman i-share sa akin. Huwag mong solohin at ...""Talagang may problema ako. Malaki. Ikaw!""Ano ba'ng ginawa kong masama...?" Kunwari pa. Hindi ko siya sinagot. Inirapan ko lang. Nanatili akong nakatayo at nakasandal sa pader sa tabi ng ref. Nakabantay sa kaniya. Ayokong lumapit dahil hindi ako mapakali. Nawala na talaga totally ang amats ko. Sa lakas ba naman ng dating ng lalaking ito pati langit nangalit."Puwede ka namang umupo. Bahay mo 'to," halatang ilang ding sabi niya.Umismid akong muli. "H'wag na tayong magpaligoy-ligoy
SO akala niya natakot na niya ako no'n? Bakit naman ako matatakot sa sinabi niya? Bakit ako susunod sa pinag-uutos niya? Kung ayaw niyang ibalik ang requirements ko eh 'di huwag. Puwede ko siyang ireklamo kapag hindi niya talaga iyon ibinigay sa akin. Tingin niya patatalo ako sa kaniya? No way!Sunud-sunod ang katok sa pinto. Iyon ang inaabangan ko kanina pa. Sakto alas-siyete na ng umaga. Hindi talaga ako nag-asikaso. Ni hindi ako nag-toothbrush, hindi nagsuklay at lalong hindi pa naligo. Gusto kong datnan niya ako sa ganitong sitwasyon nang malaman niyang hindi na talaga ako interesado sa pagtatrabaho sa kaniya. Kasalukuyan akong nagse-cellphone habang nagkakape.Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ko sinagot ang kumakatok. Hinintay ko muna talagang magdabog na siya para lalong mainis."Buti naman at gising ka na!" bungad sa akin ni Aling Beth. Nawala ang ngisi sa labi ko sa pag-aakalang iyong damuho na ang dumating."Bakit ho?" tanong ko."Sinusumpong kasi ako ng sakit ko, may