"Four hundred lahat, Ma'am," sabi ng bartender slash cashier sa akin. Tatlong maliliit na bote ng beer four hundred pesos agad? Sana pala sa tindahan na lang ako bumili, konti na lang ang idadagdag ko makakatatlong mucho pa ako."Okay! Keep the change," pangiti-ngiti kong sabi sa lalaki. Bahagya itong ngumiti. Na-gets ang joke ko. Sakto lang kasi ang binayad ko. Walang sukli. "Thank you, Ma'am! Ingat kayo," sabi pa niya sa akin. Ni hindi man lang ako nalasing. Sa bagay, teenager pa lang ako, umiinom na talaga ako ng alak. Napabarkada kasi ako dati. Pero nakuha ko pa ring magtapos ng pag-aaral. Sa isang state university lang iyon kaya halos wala akong binayaran. I checked my phone. Maaga pa ang alas-diyes. Ayaw ko pang lumabas sa lugar na 'yon dahil tila nagsisimula pa lang mag-enjoy ang mga tao. Maingay na music, inuman, sayawan, ito yata ang kailangan ko nang mga oras na ito. Makalimot at magliwaliw."Hi, Miss! Wanna dance?" tanong ng isang lalaki sa akin. May bitbit itong baso ng
Last Updated : 2022-12-26 Read more