"AKIN nga asawa babae nabangga. Kaya ako dala kaniya bahay.""Saan nga ang patunay mong asawa mo 'yon?" naiirita nang tanong ko. Kanina pa itong Intsik na ito. Ang kulit-kulit. Paulit-ulit na kami ng usapan wala namang pinatutunguhan."Basta nga ako asawa. Usap na kami Belinda uuwi ko babae sa bahay.""Belinda? Sino bang Belinda? Kung wala kang maipakita sa aking marriage contract n'yo, wala kang karapatan sa babaeng 'yon." Lumipat ang tingin ko sa doktor na kanina pa nakikinig sa usapan namin. "Doc, I'll take full responsibility. Ako ang nakadisgrasya sa babae kaya ako muna ang magsisilbing guardian niya habang wala pang napuntang pamilya niya rito. I don't trust these two." Saka ko saglit na ibinalik ang tingin sa mag-amang singkit. "Ikaw ayaw maniwala. Gusto mo pakulong kita!" Dinuro at pinagbantaan pa ako ng mas bata. Ngunit imbes na matakot ay lalong lumakas ang loob ko."Sige. Nang magkasubukan tayo. Kayang-kaya kitang ipatapon pabalik sa bansa mo. Akala mo natatakot ako sa 'yo
I WAS still wondering what had just happened last night. Napalunok ako nang madatnan ang babae pagbukas ko ng pinto ng kuwarto. She was fast sleeping. I stood beside the bed while watching her. Alas-dos na ng hapon pero himbing na himbing pa rin ito sa pagkakatulog.So this woman was being chased again. This time, mga Intsik naman. Matatanda. Claiming that she's the wife. Pero buti na lang at ako ang unang nakakita sa kaniya. I immediately called a private doctor and sent the hospital a request na kung puwede ay dito na lang siya gagamutin. Marahil kung hindi kilala ang pamilya ko ay hindi maga-grant ang special request ko na iyon. I wonder what's this woman's issue this time. Ironically, our paths crossed again."Uminom na siya ng gamot," sabi ni Aling Citas sa akin. Tumango lang ako. "If she ever tries to leave or escape, please huwag n'yong papayagan. Give her all the necessities she needs," sabi ko bago ako tumalikod."Bakit? Aalis ka, iho?"Tumigil ako sandali."Doon muna ako s
DINNER time na at ako lang mag-isa ang kumakain sa hapag. Gusto ko sanang sumabay sa akin si Aling Citas pero ayaw niya. May sariling oras daw siya ng pagkain niya.Kung tutuusin napakasuwerte ko. Sino ba namang mayaman ang magpapatuloy sa isang hamak na kagaya ko tapos dito pa sa isang penthouse? Coincidence lang kaya ang nangyari? O deja vu talaga. Sa ikalawang pagkakataon iniligtas na naman ako ni Francisco. So dapat ba sa ikalawang pagkakataon din may mangyayari sa 'min? Luh! That's too much."Aling Citas," tawag ko sa katulong. Pero hindi siya mukhang katulong. Parang ina kung ituring siya ni France. Hindi rin ito tumatawag ng Sir. Iho lang. Sa akin naman Ineng, minsan Iha."Bakit, iha?"Nilinis ko muna ang bara sa lalamunan ko. "Nasaan ho si Francisco? B-Bakit wala pa siya?" Malapit na kasi mag-nine ng gabi pero wala pa ito. I'm just wondering kung ganito ba talaga ito. Late na umuwi."Bakit, iha, may kailangan ka ba sa kaniya?""Wala ho!" mabilis kong tugon. I just find this h
"GOOD morning, Ma'am!" Nangunot ang noo ko nang makita ang isang babaeng nurse sa harapan ko. Nasa ospital na ba ako ulit? Ibinalik ba ako ni Francisco?"Dahan-dahan, Ma'am," sabi pa niya nang napabalikwas ako ng bangon. Inalalayan pa akong umupo at sumandal sa headboard."S-Sino ka? B-Bakit---?" Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nandoon pa rin ako sa kuwarto ni Francisco. Nakangiting naglahad ng kamay ang babae. "Ako po si Nurse Jean. Kinuha ako ni Sir France para maging private nurse n'yo. I'm here to help and take good care of you until you're fully recovered, Ma'am. Ano nga palang itatawag ko sa inyo?""S-Sandy..." mahinang tugon ko. Ano namang pumasok sa kukote ng lalaking iyon at ikinuha pa ako ng nurse? Gusto niya ba akong gumaling agad para mapaalis na ako ora mismo?""Okay, Ma'am Sandy. Pinsan kayo ni Sir France, 'di ba?"Napamulagat ako."Pinsan?" Tumango ang babae. "Opo. Iyon ang sabi niya. Anyway, Ma'am, kain na muna kayo ng breakfast. Inom ng gamot and then iche-c
TATAWAGAN na lang daw ako...Pang-ilang kompanya na ang nagsabi niyon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang wala sa akin na hinahanap nila. I'm a licensed teacher. Kahit dalawang beses akong nag-take, at least pasado ako, lisensyado ako. Pero ayaw ko nang magturo. Kasi baka mapunta na naman ako sa school na mababa magpasahod. Kaya sa office ang ina-aplayan ko. Iyong iba sa call center. Karamihan kasi call center ang available rito sa Alabang. Kaso bagsak ako sa lahat ng interview. First time ko kasi nag-aplay sa mga ganitong klase ng korporasyon."Bahala na nga!" bulong ko. Nalula ako sa sobrang taas ng building na nasa harapan ko ngayon. Nakaawang pa ang mga labi ko habang nakatingala. Sino'ng mag-aakala na last week lang ay nanggaling ako sa tuktok na 'yon? Natulog at uminom ng champagne habang babad pa sa pool.Yeah, right. Nandito ako sa tapat ng kompanyang pag-aari ni Francisco. Naka-formal dress at bitbit ang mga requirements na isinauli niya sa akin the day na umalis ako. No cho
PARA pang nakakita ako ng multo pagkabalik ng ulirat ko. Una ko ba namang nasilayan ang matiim na mga mata ni Francisco. Nakatayo siya sa harapan ko at tila kanina pa nag-aabang sa paggising ko."A-Ano'ng nangyari?" maang ko.Seryoso pa rin ang kaniyang mukha. "Ako dapat ang nagtatanong niyan. Ano'ng nangyari sa 'yo? Bigla ka na lang hinimatay nang walang dahilan. Sinasadya mo ba 'yan para iwasan ako?" But instead of answering his questions, napalingon ako sa bintana sa tapat ng hinihigaan kong kama. Nasaan kaya ako? Hindi naman ito ang penthouse niya."T-Takpan mo!" napapalunok na utos ko sa kaniya. Ininguso ko ang bintana."What?" naningkit pa ang mga mata niya."Sabi ko, t-takpan mo 'yong bintana. Ibaba mo 'yong blinds."Nagsalubong ang mga kilay niya, pero paglaon sinunod din naman niya ako."Ano? May ipag-uutos ka pa?" Namaywang pa siya sa akin. Bad mood agad?Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard. "Oo. Ikuha mo ako ng tubig."Nanlaki ang mga mata niya. "Seriously?""
APPLE Street. Iyon ang sinabi niya kahapong kanto kung saan palagi siyang naghihintay ng masasakyang taxi. I know there's only one Apple Street in town. At kanina pa ako roon. Naubos ko nang lahat-lahat ang binili kong kape, wala pa rin siya. Ni anino niya walang paramdam. Wala ring text o reply. I want to call her but am I not going that far?Kagabi pa ako nag-iisip. Am I not over acting? Should I really let her in my life when in fact, hindi ko naman talaga siya kailangan? Hindi kaya nabibigla lang ako? What if lust lang pala ang totoong nararamdaman ko?After a few moments of thinking, dinampot ko rin ang cellphone kong nakapatong sa dashboard and call the number that was written on her resume."Hello?" Pero napalunok ako the moment I heard her voice. "Ms. Magbilao, especial announcement, I'm cancel---""Si Francisco ba 'to?" interrupt niya. Francisco talaga?I gasped. "Oo at ---""Naku! Pasensya na tinanghali ako ng gising. Huwag kang mag-alala, naglalakad na ako. Malapit na ako
NGAYON ang pinaka-official kong first day sa trabaho. Pagdating pa lang ni Francisco sa office, ibinigay niya sa akin agad itong makakapal na libro. Under training daw muna ako. Office management ang tema at ang sabi niya, basahin at pag-aralan ko raw muna ang mga 'yon bago ako mag-proceed sa trabaho ko. Ayaw niya raw ng papalpak-palpak at ng kailangan pang turuan. Tapos tatanungin niya raw ako at the end of the day kung may naintindihan ako sa mga binasa ko. Teacher-student lang ang peg?Iyong totoo, inaantok na ako. Ten pa lang iyon ng umaga at dalawang oras pa lang akong babad sa binabasa ko na sa totoo lang ay hindi ko naman talaga naiintindihan ay pakiramdam ko twenty-four hours na akong walang tulog. Sumasakit na ang sentido ko sumabay pa ang kumakalam kong tiyan. Tinapay at kape lang kasi ako kaninang umaga dahil na-late nga ako ng gising.Isa sa pinakanakakawindang na kailangan ko ring matutunan mula sa libro ay itong buwisit na steno. Akalain mo 'yon, paguhit-guhit lang, ilan