DAHIL sa nangyari, napasubo tuloy ako. Kailangan kong panindigan lahat ng sinabi ko. Kaya ko naman lahat eh, kaya kong matuto, kaya kong magpakaseryoso. Kaya lang, ito talaga ang pinakaproblema ko. Paano ako bababa? Paano ako uuwi? At paano ako papasok nang maaga bukas? At sa mga susunod pang araw. Alangan namang gawin ko talaga ang sinabi ko? Maghahagdan ako pababa't panaog? Jusko baka pagdating ko sa dulo lantang gulay na ako.Tumayo na ako sa mesa ko. Ewan ko rito kay Francisco nagbi-bisi-bisihan pa sa trabaho. Pinag-encode niya ako kuno maghapon. Bait-baitan naman ako.Pati tuloy pagtawag ko sa kaniya ng 'Sir France' natutunan ko. For me, hindi maganda pakinggan. Mas maganda pa rin ang Francisco, mas bagay sa kaniya. Mas masungit pakinggan.Paglabas ko ng office niya, nakita ko si Carlo, busy pa rin. Relaxed lang ang awra niya pero ang bilis ng type niya sa computer. Pigil ang hiningang naupo ako sa couch na halos kaharap niya."Yes, Ma'am? Pauwi ka na?" puna niya sa akin. Ito ang
"LECHE ka!" naiinis na bulalas ko. Sabi ko na nananadya lang ito eh. Paano na naman ako nito? Wala na akong ibang paraan."Are you swearing at me, Ms. Magbilao?" tanong niya na akala mo walang alam kung bakit nagkakaganito ako."Oo!" Naiinis na kinuha ko mula sa bag ang company ID ko na pinagawa niya. "O, sa 'yo na 'to! Ayaw ko na. Hindi na ako papasok bukas. I quit!"Ibinato ko iyon sa kaniya saka ako nag-walk out. Pamartsa akong naglakad palayo. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng fire exit, hinubad ko ang suot kong heels. Sinadya kong ipakita iyon sa kaniya para konsensyahin siya. Kung may konsensya man siya. Padabog ko ring isinalya pasara ang pinto. Unti-unti nang dumadaloy ang luha ko habang binabagtas pababa ang bawat baitang ng hagdan.Tototohanin ko na talaga ang sinabi kong quit! Hindi na magbabago ang isip ko. Mula ngayong mga oras na 'to, iwawaksi ko na siya sa isipan ko. Hindi na ako papadala sa mga tingin niya. Hindi na ako magpapa-hypnotized! Kakalimutan ko na ang nangya
MAGANDA ang naging gising ko ng mga sumunod na araw. Madalas, alas nueve na ako nagigising. Pa- cellphone-cellphone lang, nood TV habang nakahilata pa rin maghapon. Kakain kung kailan gusto. Magluluto para sa sarili, kung minsan o-order ng foods online. Malaki-laki pa naman ang natitira sa pera ko. Kaya next week ko pa balak mag-apply. Gusto ko muna i-enjoy ang moment ko mag-isa. Ngayon lang ako nagising nang stressed-free.Um-order pa ako ng mini-videoke online. Excited na akong buksan at i-try iyon. Aminado ako na sintunado ako kumanta pero mahilig ako sa music. At masaya ako marinig ang boses ko. Siyempre self-support.Isinara ko ang mga bintana. Pati mga kurtina inayos ko. Wala dapat kahit anong masisilip sa loob mula sa labas. Ni-locked ko rin ang pinto. Mula sa maliit at secondhand ref na nabili ko, naglabas ako ng ilang beer in cans. Nagbukas ng ilang malalaking sitsirya at pinaghalo-halo sa isang malalim na plato at inilapag sa ibaba ng kama ko sa kuwarto. Sumalampak ako roon
DALI-DALI akong pumasok sa loob at inayos ang mga kalat ko. Pinagsama-sama ko lahat sa isang malaking plastik iyong mga in can at plastic ng mga sitsirya. Itinapon ko agad sa basurahan."Grabe! Nakailang in can ka?" mangha pang tanong ni Francisco nang makita ang bitbit ko kanina."Siyam, bakit?"Mulagat siyang tumingin sa akin. "Seriously?" Inismiran ko siya. "Ano naman?"Umiling siya. "Wala naman. Pinahahanga mo lang ako. May problema ka ba? Puwede mo naman i-share sa akin. Huwag mong solohin at ...""Talagang may problema ako. Malaki. Ikaw!""Ano ba'ng ginawa kong masama...?" Kunwari pa. Hindi ko siya sinagot. Inirapan ko lang. Nanatili akong nakatayo at nakasandal sa pader sa tabi ng ref. Nakabantay sa kaniya. Ayokong lumapit dahil hindi ako mapakali. Nawala na talaga totally ang amats ko. Sa lakas ba naman ng dating ng lalaking ito pati langit nangalit."Puwede ka namang umupo. Bahay mo 'to," halatang ilang ding sabi niya.Umismid akong muli. "H'wag na tayong magpaligoy-ligoy
SO akala niya natakot na niya ako no'n? Bakit naman ako matatakot sa sinabi niya? Bakit ako susunod sa pinag-uutos niya? Kung ayaw niyang ibalik ang requirements ko eh 'di huwag. Puwede ko siyang ireklamo kapag hindi niya talaga iyon ibinigay sa akin. Tingin niya patatalo ako sa kaniya? No way!Sunud-sunod ang katok sa pinto. Iyon ang inaabangan ko kanina pa. Sakto alas-siyete na ng umaga. Hindi talaga ako nag-asikaso. Ni hindi ako nag-toothbrush, hindi nagsuklay at lalong hindi pa naligo. Gusto kong datnan niya ako sa ganitong sitwasyon nang malaman niyang hindi na talaga ako interesado sa pagtatrabaho sa kaniya. Kasalukuyan akong nagse-cellphone habang nagkakape.Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ko sinagot ang kumakatok. Hinintay ko muna talagang magdabog na siya para lalong mainis."Buti naman at gising ka na!" bungad sa akin ni Aling Beth. Nawala ang ngisi sa labi ko sa pag-aakalang iyong damuho na ang dumating."Bakit ho?" tanong ko."Sinusumpong kasi ako ng sakit ko, may
NASA taas na ako nang dumating si Francisco. Actually kanina pa dahil medyo tanghali na niyon. Mag-a-alas nueve na. Nakadukwang na ako sa mesa ko at nagkunwaring may ginagawa nang madatnan niya. Alam kong nakatayo siya sa harap ko dahil aninag ko siya sa peripheral eyes ko pero hindi pa rin ako nag-angat ng tingin. Hanggang sa may ibinagsak siya sa ibabaw ng table ko. Napasigaw ako sa gulat."Ano ba?!" Napasimangot ako. Jusmiyo makakapal na libro na naman. Pababasahin niya ba ako ulit?"Paano ka nakaakyat?" Walang emosyong kababakasan sa kaniyang mukha."K-Kay Carlo..." Yes. Nasa taxi pa lang ako in-inform ko na ang assistant niya. Eh mabait si Angel Baby, pinagkaabalahan talaga akong sunduin sa baba. Ambagal-bagal niya kasi ayan tuloy naiwan."Ahhh... So kaya iniwan mo 'ko? Maglalandian kayo. Ano'ng ginawa n'yo habang wala ako?" Bahagya pang napaawang ang mga labi ko. Tarantado na 'to pinag-iisipan pa yata ako nang masama?"Nag-kiss kami," kagat-labing sabi ko. "Ano?" Nanlisik na n
LUMAGPAS nang kaunti ang sasakyan ni Francisco sa tapat ng Apple Street kung saan ako bumababa palagi. Maraming tao sa tinigilan namin. Malapit sa may barangay hall.Nang bumaba siya, saka lang din ako bumaba. Dala niya ang puting bulaklak. Maingat ang pagkakahawak niya. Noon ko lang na-realized na bulaklak na pampatay pala iyon. Siya ang nauunang naglalakad at nakasunod lang ako sa kaniya. Iniisip ko kung sino ang dadalawin namin. I mean niya. Marunong din palang makiramay ang isang 'to. Hanggang sa nakita ko sa tarpaulin kung sino ang patay. Iyong barangay captain pala sa amin.Nakaburol siya sa medyo may kalakihang bahay. May second floor. Bahagya pa akong tumungo nang mapansing nagtitinginan sa amin ang lahat ng nakakakita."Sir!"Saka lang ako napaangat ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napatda pa ako nang makita si Carlo. "Ma'am Sandy..." bati niya rin sa akin nang makita ako. "Dito na kayo maupo." Binigyan niya kami ng tig-isang upuan ni Francisco. Malapit
WALA naman akong napansing kahina-hinalang bagay nang pauwi na ako. Panay linga ko sa paligid at wala naman ang sasakyan ni Francisco. Paano niya kaya ako nakita eh antagal kong pinalipas ang pag-alis niya? Sigurado akong wala na siya nang mga oras na 'yon. Bumalik ba siya? Para saan? Kung 'di ba naman may saltik, pakialam niya ba sa buhay ko?Malapit na ako sa apartment ko nang tumawag siya ulit."Ano ba? Nakakabulahaw ka na hah! Masyado mo nang pinakikialaman ang buhay ko. Hindi na 'ko natutuwa!" sabi ko at wala akong pakialam kung may nakarinig mang lamang lupa sa akin. Ang mahalaga ako lang ang taong naroon at nakakarinig sa sarili ko."May hinahanap ako. Wala ka bang extra kumot?" malumanay pa niyang sabi.Kumot?"A-Anong kumot?" Ano'ng kumot ang pinagsasabi ng walanghiyang ito? Binilisan ko pa tuloy lalo ang paglalakad ko. Kulang na lang lumipad ako patungong pintuan ng tinutuluyan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang pagpihit ko sa doorknob ay naka-locked pa rin ito. "Ewan ko sa
FOUR years later."BILISAN mo na! Andaming reklamo!" Konting-konti na lang talaga, masusugod ko na ang lalaking ito. Napakakupad kumilos. Halatang sinasadya. Alam nang may hinahabol ako."Nalaglag nga ang wallet ko. Pinulot ko pa.""Alam mong ito iyong pinakahihintay ko tapos andami mong pasaring. Bilis na!" Nagtatakbo ako at hinabol naman ako ni Francisco. Akay-akay ko ang aming kambal. Nagpabili pa kasi ng ice cream sa daddy nila, sabi ko mamaya na, pero dinalihan ako ng iyak. Ito namang isa, antagal-tagal bumili. Sinabing sumingit na lang, pumila-pila pa. "Bullshit!" Ayun na nga. Muntik nang madapa, nakapalampa. "Mommy, Daddy dropped the ice cream!" umiiyak na sabi ni Karlize. "The other one is mine!" pang-aasar naman ng isa sa kakambal. Bumitaw si Kristoff sa akin at nilapitan ang ama. Kinuha sa kamay nito ang isang ice cream na hindi nadisgrasya ni France."Mommy!" Tuloy ang iyak ni Karlize.Pero ako, sa ibang bagay nakatingin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nagkukum
1 YEAR later..."NAKAKAINIS ka talaga! Dito na naman tayo!" nakasimangot na himutok ko paglabas namin ng airport. Actually, kagabi pa ako nagrereklamo. Pero hindi ako pinapakinggan ng aking asawa. Panay sabi na sumama na lang daw ako kasama ang aming kambal. Tig-isa kaming may buhat kina Karlize at Kristoff. At nagsama kami ng isang assistant para may magdala naman ng maleta. "Dapat nga dati pa kita dinala ulit dito," kalmadong tugon ng tukmol.Lalo akong napasimangot sa sinabi niya. "Andaming bansa, Francisco. Bakit dito ulit?"India."I promise next time, sa ibang bansa na talaga tayo. But right now, may mahalaga tayong taong kikitain dito. Trust me."Sumakay na kami ng taxi. Habang nasa biyahe ay abala siya sa cellphone niya. Hindi na lang ako kumibo at inasikaso na lang ang mga bata. Mayamaya, tumigil na kami sa tapat ng isang mataas na building. "Remember that time, baby, noong isinama kita rito?" ani France pagkakababa namin ng taxi. Napatingala naman ako. Paano ko malilimuta
"CONGRATULATIONS! It's a baby girl!" masayang anunsiyo ng sonologist."Yes!" Ngiting tagumpay na napasuntok pa ako sa ere. Hinampas ko pa ang balikat ni France na nasa tabi ko lang. "Pa'no ba 'yan? Panalo ako sa pustahan."Nang-uuyam siyang tumingin sa akin. "Saglit lang, I still have another card." Nakangising bumaling ito sa sonologist. "What about the other one?"Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng other one?Nangingiti naman habang nakatingin sa monitor ang sonologist habang pinaiikot-ikot sa tiyan ko ang object na gamit para makita ang loob ng sinapupunan ko."The other one is a boy. Congratulations for having a fratenal twins!"Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa aking mga labi. Shocked! A-Ano'ng fraternal twins? "A-Ano hong kambal? Ano'ng girl at boy? Iisang baby lang ang laman ng tiyan ko!" histerikal ko pang sabi sa sonologist."I'm sorry, baby." Agad ginagap ni France ang isa kong kamay. "But it's true. Kambal ang anak natin. I'm sorry, I convinced the doctor na huwag munang i
FOUR months after...Hinintay ko talaga 'to. Sabi ko kay Francisco itaong ika-fifth month ng tiyan ko ang kasal namin. Aba sabi niya kasi 'pag at least five months na ang tiyan ko puwede na ulit. Hindi 'yon nawala sa isip ko. Halos bilangin ko nga ang mga araw na dumaraan. Nitong mga nakaraan, sinusubukan ko pa ring makiusap sa kaniya, pero ayaw niya talaga. Sabi ko kahit once a month, ayaw pa rin. Nag-research na nga ako lahat-lahat. Kahit ipinakita ko na sa kaniya na okay lang basta hindi maselan ang pagbubuntis ay ayaw talaga. Pero minsan napapaisip ako. How about him? Alam kong hindi niya kaya 'yong tiisin ng ganoon katagal. Not unless, may pinagdedepositohan siya.Pero minsan, nakikita ko siya sa madaling araw. 'Yong 'pag akala niyang tulog na ako. Babangon siya at pupunta sa CR at inaabot siya ng halos isang oras doon bago lumabas. Minsan nga nakakatulugan ko na lang ang paghihintay. Pero isang beses tinangka ko siyang pasukin kaya lang ni-lock niya ang pinto. Nang tanungin ko s
"GOOD morning!" Ang matamis na halik sa labi ni France ang gumising sa akin. Agad akong napamulat nang maamoy ang mabango niyang katawan. Bagong ligo."B-Baby..." namamaos na anas ko nang muli niya akong gawaran ng marubdob na halik sa labi. Tinugon ko siya nang puno ng pananabik. Mahigpit pa akong kumapit sa batok niya para mas maging malalim ang aming halik. Lalo akong nanabik nang maramdaman ang dahan-dahang paglapat niya ng katawan sa akin."I'm sorry about last night. 'Yong totoo, hindi ko rin kayang magtiis. I want you too," bulong niya pa sa tainga ko na mas nagpabaliw sa akin. "Ang sabi ko naman kasi sa 'yo puwede pa eh. Nagpapaniwala ka sa doktor na 'yon," segunda ko pa. "That's why I'm sorry. Gusto kong palagi kang maligaya."Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ako na ang nangunang maghubad sa sarili ko. Dahil wala siyang ibang suot nang mga sandaling iyon maliban sa nakatapis na tuwalya sa ibabang bahagi ay naging mabilis ang lahat. Ramdam na ramdam ko kung gaano katigas
"OY, ano'ng ginagawa mo diyan?" nakapameywang na tanong ni Francisco.Napaangat ako ng tingin. "W-Wala, may sinisilip lang ako."Na-miss ko kasi ang office niya. Ilang taon din akong hindi nakatungtong doon. Curious lang din naman kasi ako kung sino na ang tumatao. So hindi na pala talaga siya. I wonder, ano na kayang pagkakaabalahan niya sa buhay? Tatambay-tambay na lang din ba?"Tara na! May makakita pa sa 'yo diyan!"Umakyat na nga ako ng hagdan. Inabot niya ang kamay ko nang malapit na ako sa dulo. Hinila niya pa ako pataas. May mga kinuha lang siyang ibang gamit sa penthouse kaya nandito kami ngayon. I miss this place too. Naalala ko noon patakbo-takbo pa ako rito no'ng may dumating siyang hindi inaasahang 'buwisita'. I wonder where they are now too. Kapag may nanggulo ulit talaga, mananapak na ako."Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo akala ko kung saan ka na nagpunta," sabi pa niya."So saan na tayo pupulutin nito? Saan tayo titira?" tanong ko."Ikaw, kung saan mo gusto-""T
"THANK you," bahagyang nakangiti kong sabi sa babaeng receptionist nang ibigay na niya sa akin ang susi. Bitbit ang mga pinamili ko ay nagderetso na ako sa elevator para puntahan ang room na nakalaan para sa akin. Pagpasok sa kuwarto ay agad kong inilapag sa mesa ang mga plastik na dala ko. Dali-dali akong nahilata sa malambot na kama. It was such a tiring day. Pero magaan sa pakiramdam.DUMISTANSYA ako kay Mike nang magtangka siyang lumapit sa akin. Kung dati ay may kakaiba akong nararamdaman sa presensya niya, ngayon ay tila wala na."So you went all the way here for him?" malungkot na wika ni Mike. Naglakad-lakad kami hanggang sa kung saan makaabot ang mga paa namin. Tutal parehas naman kaming walang alam sa lugar na 'yon. Hanggang sa may nakita kaming park na medyo malapit sa plaza. Napasinghap ako. "O-Oo..." nakatungo kong tugon. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya dahil sa guilt na nararamdaman ko. And I feel so sorry for him. "P-Paano mo nalaman?" tanong ko."I saw
'I'll be waiting..' Mga katagang paulit-ulit na lumilitaw sa utak ko. Maaga pa lang, naghihintay na ako sa tawag ng warden. Nag-umagahan na pero halos hindi ko magalaw ang pagkain. I was so occupied by her thoughts. The way Sandy looked at me yesterday, the way she touched my hands, the way she checked on me and the way she talked na ramdam kong totoo siya sa lahat ng sinasabi niya.I didn't really expect so much from her. I wanted her to go on, leave and forget me because I'm aware how complicated man I am. But seeing her here yesterday out of the blue changed it all.Until now, nagsisisi ako na hindi ko sinabi ang totoo sa kaniya. I was overly confident that whatever happened I would always find a way para bumalik. But because of that single mistake, I ruined it all. It was true that I was already a married man when we met. To Kirsten, my two-year girlfriend. "France... I'm pregnant." Natigilan ako at nagkatinginan kami. Agad nilukob ng galit ang loob ko."What's the meaning of t
IT'S been a month since it happened at pinilit kong ibalik sa normal ang sistema at pamumuhay ko. Nakabalik pa rin ako sa school matapos tanggapin ng principal ang alibi ko nang halos dalawang linggo akong nawala. Sinabi kong nagkaroon ng emergency kaya biglaan ang pag-uwi ko sa probinsya. Kung paano ko ito nakumbinsi ay nagpapasalamat na lang ako. At buti na lang din hindi ipinaalam ni Mike sa publiko ang nangyari kung hindi ay tiyak pagtatampulan ako ng chismis."Pero iyon ba talaga ang totoong nangyari?" Ngunit sa tatlong kaibigang naimbitahan ko sa naudlot kong kasal ay hindi ako ligtas sa pagdududa."Noong araw ng kasal mo, halos mabaliw kakahanap sa 'yo si Mike. Pati kami halos masiraan na rin kakaisip kung ano'ng nangyari at bigla kang nawala. Ilang araw na ang nakalipas, palagi niya kaming pinupuntahan dito, nangungulit. Baka raw may alam kami. Hindi naman siya puwedeng magbintang nang walang ebidensya pero... may kinalaman ba si... France sa nangyari?"Sa loob ng halos apat