WALA naman akong napansing kahina-hinalang bagay nang pauwi na ako. Panay linga ko sa paligid at wala naman ang sasakyan ni Francisco. Paano niya kaya ako nakita eh antagal kong pinalipas ang pag-alis niya? Sigurado akong wala na siya nang mga oras na 'yon. Bumalik ba siya? Para saan? Kung 'di ba naman may saltik, pakialam niya ba sa buhay ko?Malapit na ako sa apartment ko nang tumawag siya ulit."Ano ba? Nakakabulahaw ka na hah! Masyado mo nang pinakikialaman ang buhay ko. Hindi na 'ko natutuwa!" sabi ko at wala akong pakialam kung may nakarinig mang lamang lupa sa akin. Ang mahalaga ako lang ang taong naroon at nakakarinig sa sarili ko."May hinahanap ako. Wala ka bang extra kumot?" malumanay pa niyang sabi.Kumot?"A-Anong kumot?" Ano'ng kumot ang pinagsasabi ng walanghiyang ito? Binilisan ko pa tuloy lalo ang paglalakad ko. Kulang na lang lumipad ako patungong pintuan ng tinutuluyan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang pagpihit ko sa doorknob ay naka-locked pa rin ito. "Ewan ko sa
HINDI ko alam kung bakit imbes na mahiya dahil pinagtitinginan kami ng mga empleyado ay parang proud na proud pa ako. Iyong tapang ng babaeng kaaway ko kanina biglang nawala, napalitan ng kahihiyan. Hindi niya alam kung paano tatakpan ang sarili niya. Punit kung punit talaga ang damit niya. "Ano'ng kaguluhan ang pinaggagawa n'yong dalawa? Bakit kayo nagsabunutan sa banyo?" paasik na tanong Miss Minchin pagpasok pa lang naming tatlo sa loob ng opisina niya.Nag-react agad ang isa. "Kasalanan niya itong lahat, Ma'am Chavez. Siya ang nanguna. She hit me first!" Marahil kung sawa lang ang babaeng ito, matagal na akong nilamon sa sobrang inis. Kitang-kita ko iyon sa hitsura niya."Wow, ha? Ikaw nga itong unang nagwisik sa akin ng alcohol sa mukha. Kung sa 'yo ko kaya gawin 'yon? Tingnan natin kung hindi manggigil.""Well, kasalanan mo 'yon! Kinakausap ka nang maayos, bastos ka sumagot. Baguhan ka lang dito, attitude ka kaagad!"Napapantastikuhan pa akong natawa. "Excuse me? Sa pagkakaala
MAGHAPON ang lumipas na hindi ko siya pinapansin. Breaktime, naka-ubob lang ako sa mesa ko. Inaaya niya akong kumain pero hindi ko siya kinikibo. Hindi ako nakakaramdam ng gutom kapag masama ang loob ko.Hinihintay ko na lang sumapit ang alas-singko. Nakapag-ayos na ako ulit ng sarili ko. Inimis ko ring maigi ang mesa ko at sinigurong walang maiiwang bakas ko roon."Where do you want to go?"Nagulat pa ako sa tanong niya nang nasa elevator na kami. Pero mas nagulat ako nang ipulupot niya ang braso niya sa beywang ko. Dapat ako ang kakapit sa kaniya at hindi siya. Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero bigla na niyang pinindot ang number one. Sa gitla ko pa ay napakapit ako sa kaniya. Bagay na napansin kong parang ikinatuwa niya. Kaya nang huminto na ang elevator ay patulak ko siyang inilayo sa sarili ko.Hindi ko sinagot ang tanong niya. Naglakad agad ako palayo."Sandy..." tawag niya pa sa pangalan ko. Pero hindi ko siya nilingon kahit pa nga nagsisimula nang tambulin sa kaba ang
"O." May inabot siya sa aking cute na paper bag. Plain white."A-Ano 'to?" nagtataka namang tanong ko."Buksan mo na lang.""Okay."Pero inilapag ko lang iyon sa table ko at hindi pinakialaman. Mamaya na lang siguro.Naroon na kami ngayon sa office niya at kararating lang namin. Sinundo niya ako ulit. Agang-aga inaantok ako.Umakyat na siya ulit sa taas. Ganoon naman lagi. Susunduin niya ako nang maaga tapos tsaka pa lang siya mag-aayos pagdating namin sa office. Bababa siya minsan alas-nueve na. Kaya tuloy may panahon akong umidlip. Wala naman akong ginagawa sa office niya maliban kung may bilin o utos siya. Pero hangga't wala siya, wala rin akong ginagawa.Padukwang na ako sa mesa ko nang tumunog ang telepono sa tabi ko. Medyo kinabahan pa nga ako dahil first time may tumawag doon na ako ang sasagot. Usually kasi si Francisco talaga ang kumakausap sa caller, at kung dati naman ay si Carlo dahil connected iyon sa table niya sa labas. Hindi ko nga alam kung ano'ng purpose ng teleponon
SA tapat ng isang ospital pumarada ang sasakyan ni Francisco. Mula nang umalis kami sa penthouse, hindi pa kami nag-uusap. Nagmamadali siya. Kanina ko pa gusto magtanong kung saan ang punta namin kaso mainit ang ulo niya. Habang nasa biyahe kami panay tawag niya kung kani-kanino pero wala namang sumasagot sa kaniya. Kapag nabu-buwisit na siya itatapon niya sa sahig ng kotse ang cellphone niya. Tapos ako ang ginagawang tagapulot.Atat din siyang bumaba ng sasakyan. Pinapasunod niya ako nang madalian. Napaangat naman ang tingin ko sa kabuan ng ospital. Jusmiyo, pagkataas din.Sino kaya ang pupuntahan ng hinayupak? Patakbo akong humabol sa kaniya dahil sobrang bilis at lalaki ng mga hakbang niya. Nakaabang pa ang kamay ko sa kaniya upang makakapit man lang sa suot niyang suit. Pero palagi akong bitin. Nang malapit na kami sa elevator, saka lamang niya ako naisipang lingunin. Kinuha niya ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Nasubsob pa ako sa likod ng balikat niya. Balak ko pa sanang
ABOT-LANGIT ang ngiti ko nang nasa store na kami. Kinukurot-kurot ko pa ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lang ako. Pero hindi! Totoo itong nangyayari. Nangingintab pa ang mga mata ko at hindi ko alam kung saan ako babaling. Nasa harapan ko na ang mga dream phones ko. Ibibili talaga ako ni Francisco?"Bilisan mo mamili at babalik pa tayong office," sabi pa niya na nasa likuran ko lang.Tiningala ko siya saglit. "Sandali lang, nag-iisip pa nga 'yong tao." Nagmimini-maynimo pa ako sa utak ko. Pinag-iisipan ko kung 'yong made in America ba o Korea. Parehas naman kasing maganda. Siyempre iyong pinaka-latest ang pipiliin ko. Barya lang naman ito sa kaniya for sure. "Ito na lang!" sabi ko. Gusto ko 'tong flip. Mas astig tingnan. Nag-selfie pa ako at naglaan pa ng ilang minuto kakakutkot sa loob habang ipinapaliwanag sa akin ng staff ang mga special features ng phone. "Gusto ko 'to katulad nung kay Carlo." Pinili ko 'yong pinakamahal ang presyo. Iyon talaga ang basehan ko, wala akong
"HOY!" Nasa bungad na ng pinto si Francisco nang mabalik ako sa huwisyo. "Yes?" kalmado niyang tanong na parang wala lang sa kaniya ang ginawa."N-Nakakailan ka na, ha? H-Hindi na ako natutuwa..." Napalunok ako. Mas awkward pala iyong ganitong kinokompronta ko siya. Iba ang pumapasok sa isip ko. Tumingin lang siya sa 'kin nang makahulugan, may bahagyang ngisi sa mga labi. "Mamaya babalik ako.""A-Anong babalik? Huwag ka nang babalik. Hindi naman kita pinapunta rito." Dapat pala itinuloy ko na lang ang plano kong mag-jogging. Eh 'di sana walang naabutan ang asungot na 'to. Ini-lock ko ang pinto pagkaalis niya. Bumalik siya, hindi naman siya makakapasok.Ang aga-aga pumunta ng walanghiya rito. Quarter to six pa lang ng umaga. Siguro walang magawa sa buhay? Andami ngang pera, mag-isa naman sa malaking bahay.Humilata akong muli sa kama. Nakatingin lang ako sa puting kisame. Matutulog lang ba ako ulit maghapon? Parang ang boring din ng buhay ko. Kapag wala akong pasok nandito lang ako l
"I CHANGED my mind, dito na lang pala tayo," I said over the phone. Nakahanda na bali ang mga hahakutin ko. Champagnes and cognacs. Antagal nang naka-stack ang mga ito sa bahay, regalo pa sa akin noong mga nakaraang birthday ko kaso hindi ko naman nagagalaw. Tanging si Sandy lang ang nakabawas sa mga naka-display na champagne when she stayed here before. I'm not really fond of drinking."Bakit? Pumayag ba akong makipag-shots sa 'yo in the first place? Wala pa akong sinasabi nagdesisyon ka agad. Diyan ka na lang. Huwag ka na babalik dito!""I'm on my way!" I immediately grabbed my car keys and left. "Ano gusto mong pulutan? Order na lang tayo?" Wala si Aling Citas dahil day off niya 'pag Sabado. Walang magluluto. When I reached the ground floor tinakbo ko agad kung saan naka-park ang kotse ko. Kailangan kong magmadali. Or else kung saan na naman magpupunta ang babaeng ito."Umalis ako kaya wala ka nang aabutan sa bahay. Bye."Just like what I have thought. Damn! Kung saang lupalop na n