SA tapat ng isang ospital pumarada ang sasakyan ni Francisco. Mula nang umalis kami sa penthouse, hindi pa kami nag-uusap. Nagmamadali siya. Kanina ko pa gusto magtanong kung saan ang punta namin kaso mainit ang ulo niya. Habang nasa biyahe kami panay tawag niya kung kani-kanino pero wala namang sumasagot sa kaniya. Kapag nabu-buwisit na siya itatapon niya sa sahig ng kotse ang cellphone niya. Tapos ako ang ginagawang tagapulot.Atat din siyang bumaba ng sasakyan. Pinapasunod niya ako nang madalian. Napaangat naman ang tingin ko sa kabuan ng ospital. Jusmiyo, pagkataas din.Sino kaya ang pupuntahan ng hinayupak? Patakbo akong humabol sa kaniya dahil sobrang bilis at lalaki ng mga hakbang niya. Nakaabang pa ang kamay ko sa kaniya upang makakapit man lang sa suot niyang suit. Pero palagi akong bitin. Nang malapit na kami sa elevator, saka lamang niya ako naisipang lingunin. Kinuha niya ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Nasubsob pa ako sa likod ng balikat niya. Balak ko pa sanang
ABOT-LANGIT ang ngiti ko nang nasa store na kami. Kinukurot-kurot ko pa ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lang ako. Pero hindi! Totoo itong nangyayari. Nangingintab pa ang mga mata ko at hindi ko alam kung saan ako babaling. Nasa harapan ko na ang mga dream phones ko. Ibibili talaga ako ni Francisco?"Bilisan mo mamili at babalik pa tayong office," sabi pa niya na nasa likuran ko lang.Tiningala ko siya saglit. "Sandali lang, nag-iisip pa nga 'yong tao." Nagmimini-maynimo pa ako sa utak ko. Pinag-iisipan ko kung 'yong made in America ba o Korea. Parehas naman kasing maganda. Siyempre iyong pinaka-latest ang pipiliin ko. Barya lang naman ito sa kaniya for sure. "Ito na lang!" sabi ko. Gusto ko 'tong flip. Mas astig tingnan. Nag-selfie pa ako at naglaan pa ng ilang minuto kakakutkot sa loob habang ipinapaliwanag sa akin ng staff ang mga special features ng phone. "Gusto ko 'to katulad nung kay Carlo." Pinili ko 'yong pinakamahal ang presyo. Iyon talaga ang basehan ko, wala akong
"HOY!" Nasa bungad na ng pinto si Francisco nang mabalik ako sa huwisyo. "Yes?" kalmado niyang tanong na parang wala lang sa kaniya ang ginawa."N-Nakakailan ka na, ha? H-Hindi na ako natutuwa..." Napalunok ako. Mas awkward pala iyong ganitong kinokompronta ko siya. Iba ang pumapasok sa isip ko. Tumingin lang siya sa 'kin nang makahulugan, may bahagyang ngisi sa mga labi. "Mamaya babalik ako.""A-Anong babalik? Huwag ka nang babalik. Hindi naman kita pinapunta rito." Dapat pala itinuloy ko na lang ang plano kong mag-jogging. Eh 'di sana walang naabutan ang asungot na 'to. Ini-lock ko ang pinto pagkaalis niya. Bumalik siya, hindi naman siya makakapasok.Ang aga-aga pumunta ng walanghiya rito. Quarter to six pa lang ng umaga. Siguro walang magawa sa buhay? Andami ngang pera, mag-isa naman sa malaking bahay.Humilata akong muli sa kama. Nakatingin lang ako sa puting kisame. Matutulog lang ba ako ulit maghapon? Parang ang boring din ng buhay ko. Kapag wala akong pasok nandito lang ako l
"I CHANGED my mind, dito na lang pala tayo," I said over the phone. Nakahanda na bali ang mga hahakutin ko. Champagnes and cognacs. Antagal nang naka-stack ang mga ito sa bahay, regalo pa sa akin noong mga nakaraang birthday ko kaso hindi ko naman nagagalaw. Tanging si Sandy lang ang nakabawas sa mga naka-display na champagne when she stayed here before. I'm not really fond of drinking."Bakit? Pumayag ba akong makipag-shots sa 'yo in the first place? Wala pa akong sinasabi nagdesisyon ka agad. Diyan ka na lang. Huwag ka na babalik dito!""I'm on my way!" I immediately grabbed my car keys and left. "Ano gusto mong pulutan? Order na lang tayo?" Wala si Aling Citas dahil day off niya 'pag Sabado. Walang magluluto. When I reached the ground floor tinakbo ko agad kung saan naka-park ang kotse ko. Kailangan kong magmadali. Or else kung saan na naman magpupunta ang babaeng ito."Umalis ako kaya wala ka nang aabutan sa bahay. Bye."Just like what I have thought. Damn! Kung saang lupalop na n
NAKAUPO lang ako sa sofa habang pinagmamasdan si Francisco na naghahanda ng pag-iinuman namin. Desperado talaga ang gago, lahat yata ng bote ng alak na pinatatago-tago niya inihain niya roon. Baliw na. Hindi ko alam kung anong eksaktong tumatakbo sa isip niya pero isang bagay lang ang alam ko, hindi dapat ako matalo. Or else, may kahihinatnan ako.Pero naisip ko, baliw din ako eh. Bakit ko pinatos ang hamon niya? Pero talagang desperada lang din akong makuha ang sahod ko. Pati mga requirements ko. Kaya sasakyan ko na lang ang trip ng siraulong ito tsaka ako sisibat. "Ano? Tapos na ba?" maang ko habang nakamasid sa mga ginawa niya. Andami niyang pulutang pina-deliver. Isang bucket ng fried chicken, grilled liempo, two boxes of large pizzas, chicken wings with different sauces at kung ano-ano pa. Hindi yata inuman ang hanap nito kundi foodtrip. Natakam naman ako."Hmmm... wait!" Sa tagal niya akong pinaghintay hindi pa pala tapos? Lumabas siya ng silid. Pero bumalik din pagkuwan dala a
MONDAY. Nagmulat akong may ngiti agad sa mga labi. Nag-inat-inat pa matapos i-check ang oras sa phone. 9AM. Walang text, chat o missed call akong na-received. Walang katok sa pinto, wala kahit isang hint na may nag-trespassing sa apartment ko. In short, pinanindigan nga ni Francisco ang pagkapanalo ko. Yes, I won the game.Pangisi-ngisi pa ako habang nagkukutkot sa files ng cellphone ko. Marami akong scandal na nai-record. Scandal ni Francisco.I'm never gonna dance again, guilty feet have got no rhythm... Pagkarinig ko pa lang sa kanta ay napabunghalit na ako ng tawa. Sumasayaw-sayaw pa siya habang kinakanta niya iyon. Ako naman ay nasa isang tabi at panay ang hagalpak ng tawa habang kinukuhanan siya ng video. May pagkakataon pa ngang humaharap siya sa akin at kunwaring nang-aakit. Lasing na lasing siya na hindi niya alam ang kaniyang ginagawa. At ang mas halos ikaluka ko pa kakatawa ay ang boses niya. Jusko! Hiyang-hiya akong kumanta sa harap niya eh mas malala pa pala ang boses niy
HINATAK niya ako nang hindi ako agad nakakilos. Binuksan niya ang pinto ng front seat at pilit akong pinaupo roon. Napasulyap na lang ako kay Carlo na noon ay walang nagawa kung hindi pagmasdan kami ni Francisco. 'Di nagtagal, sumakay at pinaandar na rin ng huli ang sasakyan."Seatbelt mo," paalala niya sa akin. Kahit hindi pa ako masyadong nakaka-cope up sa kaniyang ginawa ay sinunod ko na rin ang sinabi niya."Ano ba'ng problema mo?" sa wakas ay nanulas din sa bibig ko."You..." mahinang tugon niya."A-Ako? B-Bakit?" Buti pa siya pinoproblema ako, mantalang ako wala namang nakikitang problema sa sarili ko.Saglit niya akong tiningnan. "Look at you, basang-basa ka."Nagkibit-balikat ako. "Eh inagaw ng jowa mo 'yong payong ko eh.""Jowa?" Naningkit ang mga mata niya."Hmmp! Kunwari pa kayo."Pinilit ko siyang ihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Carlo. May pamahiin kasi ang matatanda. Pagkagaling daw sa sementeryo matapos makipaglibing ay kailangan lumaktaw sa pinagsigaan ng mga
MAYA'T maya ko mino-monitor ang temperature niya. Natatakot na ako dahil hindi talaga bumababa sa 38 degrees celsius. Nakailang punas na ako sa kaniya at pangalawang beses na niyang umiinom ng gamot. Gusto ko nang tawagan si Carlo para humingi ng tulong dalhin ito sa ospital pero ewan ko, inuunahan ako ng takot at kaba. "Ui, okay ka pa ba?" Sinusubukan ko siyang kausapin. Nakahiga na ako sa tabi niya at pinagmamasdan lang siya. Nanginginig pa rin siya kahit balot na balot na ang kaniyang katawan. Kapag nalalaglag ang bimpo sa noo niya, ibinabalik ko iyon. Hindi ako mapakaling panay din ang sapo sa leeg niya. Kung puwede lang paghatian namin ang init niya ginawa ko na. Pero hindi! Hindi ako concerned sa kaniya. Ayaw ko lang may mangyaring masama sa kaniya dahil takot akong mapagbuntunan ng galit ng pamilya niya. At saka hindi ko naman kasalanan ito, siya ang may kagagawan nito."S-Sandy..." Naalarma ako nang marinig ko siyang magsalita. Binanggit niya ang pangalan ko...?"B-Bakit?" n