MONDAY. Nagmulat akong may ngiti agad sa mga labi. Nag-inat-inat pa matapos i-check ang oras sa phone. 9AM. Walang text, chat o missed call akong na-received. Walang katok sa pinto, wala kahit isang hint na may nag-trespassing sa apartment ko. In short, pinanindigan nga ni Francisco ang pagkapanalo ko. Yes, I won the game.Pangisi-ngisi pa ako habang nagkukutkot sa files ng cellphone ko. Marami akong scandal na nai-record. Scandal ni Francisco.I'm never gonna dance again, guilty feet have got no rhythm... Pagkarinig ko pa lang sa kanta ay napabunghalit na ako ng tawa. Sumasayaw-sayaw pa siya habang kinakanta niya iyon. Ako naman ay nasa isang tabi at panay ang hagalpak ng tawa habang kinukuhanan siya ng video. May pagkakataon pa ngang humaharap siya sa akin at kunwaring nang-aakit. Lasing na lasing siya na hindi niya alam ang kaniyang ginagawa. At ang mas halos ikaluka ko pa kakatawa ay ang boses niya. Jusko! Hiyang-hiya akong kumanta sa harap niya eh mas malala pa pala ang boses niy
HINATAK niya ako nang hindi ako agad nakakilos. Binuksan niya ang pinto ng front seat at pilit akong pinaupo roon. Napasulyap na lang ako kay Carlo na noon ay walang nagawa kung hindi pagmasdan kami ni Francisco. 'Di nagtagal, sumakay at pinaandar na rin ng huli ang sasakyan."Seatbelt mo," paalala niya sa akin. Kahit hindi pa ako masyadong nakaka-cope up sa kaniyang ginawa ay sinunod ko na rin ang sinabi niya."Ano ba'ng problema mo?" sa wakas ay nanulas din sa bibig ko."You..." mahinang tugon niya."A-Ako? B-Bakit?" Buti pa siya pinoproblema ako, mantalang ako wala namang nakikitang problema sa sarili ko.Saglit niya akong tiningnan. "Look at you, basang-basa ka."Nagkibit-balikat ako. "Eh inagaw ng jowa mo 'yong payong ko eh.""Jowa?" Naningkit ang mga mata niya."Hmmp! Kunwari pa kayo."Pinilit ko siyang ihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Carlo. May pamahiin kasi ang matatanda. Pagkagaling daw sa sementeryo matapos makipaglibing ay kailangan lumaktaw sa pinagsigaan ng mga
MAYA'T maya ko mino-monitor ang temperature niya. Natatakot na ako dahil hindi talaga bumababa sa 38 degrees celsius. Nakailang punas na ako sa kaniya at pangalawang beses na niyang umiinom ng gamot. Gusto ko nang tawagan si Carlo para humingi ng tulong dalhin ito sa ospital pero ewan ko, inuunahan ako ng takot at kaba. "Ui, okay ka pa ba?" Sinusubukan ko siyang kausapin. Nakahiga na ako sa tabi niya at pinagmamasdan lang siya. Nanginginig pa rin siya kahit balot na balot na ang kaniyang katawan. Kapag nalalaglag ang bimpo sa noo niya, ibinabalik ko iyon. Hindi ako mapakaling panay din ang sapo sa leeg niya. Kung puwede lang paghatian namin ang init niya ginawa ko na. Pero hindi! Hindi ako concerned sa kaniya. Ayaw ko lang may mangyaring masama sa kaniya dahil takot akong mapagbuntunan ng galit ng pamilya niya. At saka hindi ko naman kasalanan ito, siya ang may kagagawan nito."S-Sandy..." Naalarma ako nang marinig ko siyang magsalita. Binanggit niya ang pangalan ko...?"B-Bakit?" n
"GAGO!" pigil ang tawang sambit ko sabay sabunot sa buhok ni Francisco."Bakit ba?" natatawang saad niya habang inaamoy ang thermometer na kahuhugot niya pa lang mula sa kili-kili ko. "Mabango nga eh parang -- Aray!" Sinabunutan ko siyang muli."Kung wala kang matinong gagawin dito, lumayas-layas ka na. Dapat talaga tumawag na ako ng funeraria nang na-embalsamo ka nang buwisit ka." Nasa gitna ako ng inis, hiya at tuwa. Inis dahil sa pambu-bully niya, hiya dahil sa amoy ko at tuwa dahil sa kaniyang presensya. Ayos na rin na nandito siya at least may nauutusan ako kahit papa'no. Lalo na ngayon, malakas ang signal ng bagyo, anytime soon mawawalan ng kuryente."Thirty-seven point five, medyo mataas pa," seryoso nang sabi niya sabay sapo sa leeg at noo ko. "Okay na 'yan. Mawawala rin 'yan." Hindi naman kasi ako maindahin sa sakit ko."Punasan din kita --""Ayoko!""Hindi puwedeng hindi." Nakahanda na pala sa tabi niya ang planggana at bimpo. Wala tuloy akong nagawa lalo na nang simulan na
"GOODBYE, Ma'am Sandy! See you tomorrow!""Goodbye, Johard! See you tomorrow din!" Nakangiti pa ako habang kumakaway sa nagpaalam kong estudyante. Nakasakay na siya't lahat-lahat sa kanilang sasakyan ay kumakaway pa rin siya sa akin. Bagay na nagdulot ng lubusang saya sa puso ko. Ito talaga ang gusto kong gawin, ang magturo't makisalamuha sa mga bata. Noong una ayaw ko, pero nang maglaon ay nagustuhan ko rin. Maraming pasaway pero pag nakikita ko naman silang natututo at masaya sa klase ko, masaya na rin ako. Bitbit ang mga ginawa kong learning materials kinagabihan ay naglakad na ako pauwi. It's been another long day. Mahigit isang linggo na rin akong nagtuturo sa private school na 'yon. Okay naman. Mabait ang mga co-teachers ko, pati mga head at principal. They welcomed me like a new member of the family. Mababait din naman ang mga estudyante. May klase ako sa Grades one and two, ilang section din. Okay na rin ang starting salary na 16k a month at least malapit lang sa tinitirahan
HINDI ko alam kung paano ako bababa. I mean, alam ko pero naiilang ako sa mga makakakita. Pinagbuksan pa talaga ako ni Francisco ng pinto. Nakaabang pa ang kamay niya para abutin ko. Inihatid niya ako sa school ngayon. Gamit pa ang bagong biling sasakyan niya. Ilang ulit akong tumanggi pero ilang beses niya rin akong kinulit. Ang aga-aga pa niyang nagising.Nahihiya ako dahil baka isipin ng mga co-teachers at estudyante ko na mayaman ako -- o may mayamang nobyo. Siyempre, hindi naman totoo 'yon. Yaman lang, oo, pero relasyon wala. Alam din kasi ng mga katrabaho ko na single ako. Ewan ko sa mga 'yon pati personal life kailangan ikukuwento ko. Ayokong maging tampulan ng chismis kung sakali."Ano na?" untag niya sa akin. Ilang segundo na pala akong palingon-lingon sa paligid. Sa huli, hinarap ko na lang ang hiya ko at nakatungong bumaba ng sasakyan. Hindi ko inabot ang kaniyang kamay."Huwag mo akong susunduin mamaya ah. May lakad ako," sabi ko bago ako tumalikod assuming na susunduin n
KAMUNTIKAN pa akong madapa kakatakbo. Paulit-ulit na tinatawag ni Francisco ang pangalan ko pero tuloy-tuloy lang ko. Kung puwede lang hubarin ko itong heels na suot ko para mabilis akong makalayo, ginawa ko na. Ayaw kong makita ang kaniyang pagmumukha. Masapak ko lang siya."Ikaw naman, sinasakyan ko lang ang mga katrabaho mo eh, masyado kang seryoso," sabi pa niya sa medyo paliit nang boses. Marahil tumigil na kakahabol sa 'kin. Saka lang ako lumingon. "Letse ka. Kailan ka kaya titigil kakagulo sa buhay ko? Pati ba naman sa birthday ng co-teacher ko, magkakalat ka?" gigil na sabi ko.Muli siyang humakbang at hinayaan ko naman siyang makalapit sa akin. Parang trip kong suntukin sa mukha. Hiyang-hiya talaga ako kanina."'Pag sinagot mo na ako," nakangising tugon niya. Pero hindi niya alam, nakahanda na ang kamay ko para sa panga niya. "What was that for?!" gulantang pang tanong niya nang sumayad ang kamao ko sa balat niya. Buti na lang medyo madilim sa kinaroroonan namin at hindi niy
"UHMMM.." Hindi ko alam kung bakit malakas na ungol ang unang kumawala sa bibig ko nang bumalik na ang aking ulirat. Hindi lang basta ungol dahil nakakapit pa ako nang mahigpit sa bedsheet, habang paliyad-liyad ang katawan. Later that I noticed, may tao palang nakadapa at nakasubsob sa ibabang bahagi ko. Bukang-buka pa ang aking mga hita habang damang-dama ko ang malamig niyang bibig na tila gutom na gutom na pinaglalaruan ang bahagi kong iyon. Late reaction pa ako ng pagtulak sa kaniya. Putrages, tirik na tirik pa ang ilaw."Walanghiya ka! Rapist!" sigaw ko saka siya sunud-sunod pang pinagsisipa. Dinampot ko agad ang kumot at itinakip sa aking katawan. "G-Gising ka na?!" kunwari pa ay gulantang na tanong ni Francisco. Agad siyang lumapit ulit sa akin. Parang balewala ang pagsipa ko sa kaniya. Hinawakan niya ako sa pisngi, sa may sintido. "Okay na ba ang pakiramdam mo? Hindi ka na nahihilo?" usisa pa niya."Lumayo ka sa 'kin. Kunwari ka pang demonyo ka!" Kinakapa-kapa ko ang aking sa