NAALIMPUNGATAN ako sa sunud-sunod na ring ng telepono. Nasa tabi lang pala ng ulunan ko. Doon sa kuwarto ni France.Matagal bago ko nasagot dahil nagdadalawang-isip pa ako. Baka isa na naman 'to sa mga ex ni France na manggugulo. Hay nako! Mang-aaway na talaga ako."H-Hello?" Pero sa huli ay sinagot ko pa rin. Maigi nang malaman ko kung may iba pa siyang babae maliban sa akin. Malilintikan talaga siya sa akin."Who's this? Nasaan ang kapatid ko?"Ngunit boses ng lalaki ang narinig ko. Arogante.Napalunok ako. Kapatid? Si Blue Eyes pa lang ang nakikilala kong kapatid ni France. At sa tono ng pananalita ng lalaki alam ko nang hindi ito si Blue Eyes. Iba ang timbre ng boses nito, medyo soft kumpara rito ngunit halatang may pagkamasungit."G-Girlfriend niya 'to. Nasa shower room pa siya eh," kiming tugon ko."Katukin mo. Sabihin mo urgent. Ayoko nang pinaghihintay ako."Nanlaki ang butas ng ilong ko. Aba. Ang bossy nito ah."Ano ba 'yong sasabihin mo? Puwede namang ako na ang magsabi." Pi
INIS na hinablot ko ang cellphone ni Francisco na kagabi pa niya pinagkakaabalahan. Sa sobrang busy niya kasi hindi na niya ako nabibigyan ng atensyon. Magkatabi kami, magkayakap pero busy siya sa pagcha-chat na hindi man lang pinakikita sa akin. Kung minsan may tatawagan. Naiinis ako dahil napapatawa at ngiti pa siya minsan."Sino ba 'to?" yamot na sabi ko. Pero hindi ko alam ang password niya kaya nonsense rin. "Wala 'yan. Hindi ako nambabae, baliw." Para maagaw sa akin ang cellphone ay hinalikan niya ako. He even touched my nips. Alam na alam ang weakness ko."E-Eh sino nga 'yan?" Inis pa rin ako."Bukas ko na sasabihin. Matulog ka na. Kailangan mo mag-beauty rest para fresh ka bukas." In-smack kiss niya pa ako. "Good night, baby."Maaga ang gising kinabukasan dahil isa-isa pa kaming inayusan ng make-up artist. Alas-diyes ang kasal pero mga alas-nueve ay ayos na ako. Nandoon na kami ni France sa pagdarausan ng kasal malapit sa beach at nakaupo na ako sa puwesto ko. Pero siya, busy
SA likod ako dumaan para hindi kami magpang-abutan. Buti't hindi naka-lock ang pinto. Konektado iyon sa kitchen kaya kunwari ay nagtitimpla ako ng kape. Sa ganoong sitwasyon niya ako naabutan."Please, make it two." Saglit ko lang siyang nilingon. Naupo siya sa upuan sa may dining table.Tahimik ko lang siyang sinunod at mayamaya nga ay ipinatong ko ang tasa ng kape sa may tapat niya. Maging ang sa akin ay dala ko rin. Napatda pa ako nang maramdamang ipinulupot niya ang isang kamay sa beywang ko."I'm sorry," pabulong niyang sabi habang nakatingin sa akin. "I should have done it before."Napakunot ang noo ko. Ang alin? At bakit siya nagso-sorry? Ano ang tinutukoy niya? Iyong pagpapakasal ba?"A-Ako dapat ang mag-sorry," kabadong tugon ko. "D-Demanding akong masyado. Hindi ako makapaghintay. Parang wala akong tiwala sa 'yo. A-Alam kong may ibang bagay ka ring pinoproblema at inaasikaso..." Iniisip ko ang mga narinig kanina. Ano kaya iyon? Tungkol saan? Galit siya kanina, pero ngayon ba
NAKATINGIN ako sa cake na naka-display sa may estante. Maliit lang 'yon at tama lang for four slices. May design kasing batang lalaki sa may gilid at kulay blue ang icing. Sobrang cute. Gusto ko sanang bilhin. Thirtieth birthday ng tukmol ngayon. Imagine that, ambilis ng panahon. Naalala ko pa noong nagpunta siya sa birthday celebration ng co-teacher ko na kasunuran niya lang pala ang birthday. Kung anu-anong nangyari, magiging kami rin pala.Binili ko nga ang cake. Eh kasi hindi ko naman alam kung ano'ng ireregalo ko sa kaniya. Kayang-kaya niya namang bilhin lahat ng nanaisin niya. Alangan din namang katawan ko eh matagal na niyang naangkin 'to. Kaya ito na lang cake. Para at least may malalamon ako kapag nagutom ako ng madaling araw. Alam kong hindi siya mahilig sa matamis at titikim lang siya nito kaya sa akin din ito mapupunta. Wala rin naman akong talent na puwedeng ipakita sa kaniya. Pero siguro naman maa-appreciate niya ito kahit papa'no. At least may mahihipan siyang candle ma
PERO hindi ko alam kung paano ako nakahabol at nakahagip agad ng taxi. Ang alam ko, wala akong sinayang na sandali. Tumakbo ako para habulin ang kaniyang sasakyan. Mabuti't hindi masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya at medyo may kadiliman ang kalsada. Medyo malapit din sa highway at saktong papadaan ang isang taksing halos magpabunggo na ako nang aking parahin.Nababaliw na yata ako. Desperada. Ni wala man lang akong dalang pera nang mga sandaling 'yon. Nakapantulog pa ako at tsinelas na pambahay lang ang suot. Gulo-gulo rin ang buhok, pawis na pawis, naghahabol ng hininga. "Manong, pakisundan n'yo nga ang sasakyang 'yon, bilis!" bossy ko pang utos sa driver. Tutok na tutok ang mga mata ko sa sasakyan ni Francisco. Saan ang punta mong hayop ka at hindi ka man lang nagsabi sa akin? Tinatanong kita kagabi kung aalis ka ba ulit pero sinabi mo, hindi. T*ngin*, ano 'to?"Bilisan n'yo, baka makalayo!" sigaw kong muli nang mapansin kong medyo lumalaki na ang agwat namin. Hindi ko pinansi
HUMAKBANG ako nang paurong nang magtangkang lumapit sa akin si Francisco. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata. Para akong nauupos na kandila. Ni hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Galit na galit ako pero walang salitang ibig manulas mula sa aking bibig."Sandy..." Lalo lang akong nanghina nang pati pangalan ko sa malamig na tono na lang din niya binanggit. "Paano mo nalaman? Magpapaliwanang ak-""H-Huwag na. N-Nakita at alam ko na, ano pang kailangan mong ipaliwanag? H-Huwag kang mag-alala, alam ko naman kung ano'ng dapat gawin. H-Hindi ako... m-manggugulo sa inyo.." Nangangatal pa nga ang boses ko habang nagsasalita. Tumalikod na ako dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang muling pagtutubig ng aking mga mata. Pinahid ko agad gamit ang aking kamay, pero hindi napigilan ang hikbi. Hahakbang na bali ako patawid ng kalsada nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na dumantay sa aking balat."No, Sandy. I have to-""Sabing huwag na nga eh!" Pilit kong inilabas
THERE'S a rainbow always after the rain.Paulit-ulit na itinatak ko sa isip. Na sa kabila ng kalungkutan ay may nakaabang namang ligaya at kasiyahan. Iyon ang isa sa mga ginawa kong motivation para maka-move on. Para palubagin na rin ang loob ko, pagaanin at unti-unting paghilumin ang puso. Minsan nagbabasa ako ng mga motivational books para mas lalong patatagin ang loob ko. Natuto na rin akong magsimba tuwing araw ng Linggo. Manalangin gabi-gabi. At kapag weekends, lumalabas-labas na rin ako ng bahay. Jogging, minsan tumatambay sa park. At tuwing araw naman ng sahod ay nakiki-hang-out with my co-teacher friends.In short, natuto akong makibagay sa mundo at hindi lang mag-focus sa iisang tao.It's been almost three years since it happened. Wala na akong balita sa kaniya at wala na ring balak makibalita pa. I didn't leave my apartment. Five years rental fee pala ang binayaran noon ni Francisco kay Aling Beth kaya sobrang nanghinayang akong layasan. Hindi ko na raw 'yon mare-refund dahi
WALA rin akong nagawa nang sumabay siya sa akin nang magpasya na akong bumalik sa apartment. Panay ang kausap niya sa 'kin. Tanong nang tanong tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko sa buhay."So, wala ka na pala sa Essentrix, saan ka na nagwo-work ngayon?" tanong niya na naman. Naiilang na nga ako dahil parang sinasadya niyang bagalan ang paglalakad. Halos kalahating oras na ang nakalilipas, hindi pa kami nakakarating sa apartment."Sa.. St. Achilles-""Memorial School?" parang gulat pang dugtong niya. "Oo-""As?"Hindi ko alam kung ano'ng espesyal sa school na 'yon para sa kaniya pero nakangiti at napangiti pa siyang lalo no'ng sinabi kong nagtuturo ako roon. "Kailan pa? It really surprised me. Teacher ka pala?" Na-o-OA-yan na nga ako sa reaksyon niya."Three years ago rin. Saglit lang naman akong nag-work sa Essentrix." Pero pinilit ko pa ring maging casual.Tumango siya. "I see, I see. Ako ba? Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa buhay ko?"Napataas ang dalawang kilay ko. Talaga l
FOUR years later."BILISAN mo na! Andaming reklamo!" Konting-konti na lang talaga, masusugod ko na ang lalaking ito. Napakakupad kumilos. Halatang sinasadya. Alam nang may hinahabol ako."Nalaglag nga ang wallet ko. Pinulot ko pa.""Alam mong ito iyong pinakahihintay ko tapos andami mong pasaring. Bilis na!" Nagtatakbo ako at hinabol naman ako ni Francisco. Akay-akay ko ang aming kambal. Nagpabili pa kasi ng ice cream sa daddy nila, sabi ko mamaya na, pero dinalihan ako ng iyak. Ito namang isa, antagal-tagal bumili. Sinabing sumingit na lang, pumila-pila pa. "Bullshit!" Ayun na nga. Muntik nang madapa, nakapalampa. "Mommy, Daddy dropped the ice cream!" umiiyak na sabi ni Karlize. "The other one is mine!" pang-aasar naman ng isa sa kakambal. Bumitaw si Kristoff sa akin at nilapitan ang ama. Kinuha sa kamay nito ang isang ice cream na hindi nadisgrasya ni France."Mommy!" Tuloy ang iyak ni Karlize.Pero ako, sa ibang bagay nakatingin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nagkukum
1 YEAR later..."NAKAKAINIS ka talaga! Dito na naman tayo!" nakasimangot na himutok ko paglabas namin ng airport. Actually, kagabi pa ako nagrereklamo. Pero hindi ako pinapakinggan ng aking asawa. Panay sabi na sumama na lang daw ako kasama ang aming kambal. Tig-isa kaming may buhat kina Karlize at Kristoff. At nagsama kami ng isang assistant para may magdala naman ng maleta. "Dapat nga dati pa kita dinala ulit dito," kalmadong tugon ng tukmol.Lalo akong napasimangot sa sinabi niya. "Andaming bansa, Francisco. Bakit dito ulit?"India."I promise next time, sa ibang bansa na talaga tayo. But right now, may mahalaga tayong taong kikitain dito. Trust me."Sumakay na kami ng taxi. Habang nasa biyahe ay abala siya sa cellphone niya. Hindi na lang ako kumibo at inasikaso na lang ang mga bata. Mayamaya, tumigil na kami sa tapat ng isang mataas na building. "Remember that time, baby, noong isinama kita rito?" ani France pagkakababa namin ng taxi. Napatingala naman ako. Paano ko malilimuta
"CONGRATULATIONS! It's a baby girl!" masayang anunsiyo ng sonologist."Yes!" Ngiting tagumpay na napasuntok pa ako sa ere. Hinampas ko pa ang balikat ni France na nasa tabi ko lang. "Pa'no ba 'yan? Panalo ako sa pustahan."Nang-uuyam siyang tumingin sa akin. "Saglit lang, I still have another card." Nakangising bumaling ito sa sonologist. "What about the other one?"Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng other one?Nangingiti naman habang nakatingin sa monitor ang sonologist habang pinaiikot-ikot sa tiyan ko ang object na gamit para makita ang loob ng sinapupunan ko."The other one is a boy. Congratulations for having a fratenal twins!"Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa aking mga labi. Shocked! A-Ano'ng fraternal twins? "A-Ano hong kambal? Ano'ng girl at boy? Iisang baby lang ang laman ng tiyan ko!" histerikal ko pang sabi sa sonologist."I'm sorry, baby." Agad ginagap ni France ang isa kong kamay. "But it's true. Kambal ang anak natin. I'm sorry, I convinced the doctor na huwag munang i
FOUR months after...Hinintay ko talaga 'to. Sabi ko kay Francisco itaong ika-fifth month ng tiyan ko ang kasal namin. Aba sabi niya kasi 'pag at least five months na ang tiyan ko puwede na ulit. Hindi 'yon nawala sa isip ko. Halos bilangin ko nga ang mga araw na dumaraan. Nitong mga nakaraan, sinusubukan ko pa ring makiusap sa kaniya, pero ayaw niya talaga. Sabi ko kahit once a month, ayaw pa rin. Nag-research na nga ako lahat-lahat. Kahit ipinakita ko na sa kaniya na okay lang basta hindi maselan ang pagbubuntis ay ayaw talaga. Pero minsan napapaisip ako. How about him? Alam kong hindi niya kaya 'yong tiisin ng ganoon katagal. Not unless, may pinagdedepositohan siya.Pero minsan, nakikita ko siya sa madaling araw. 'Yong 'pag akala niyang tulog na ako. Babangon siya at pupunta sa CR at inaabot siya ng halos isang oras doon bago lumabas. Minsan nga nakakatulugan ko na lang ang paghihintay. Pero isang beses tinangka ko siyang pasukin kaya lang ni-lock niya ang pinto. Nang tanungin ko s
"GOOD morning!" Ang matamis na halik sa labi ni France ang gumising sa akin. Agad akong napamulat nang maamoy ang mabango niyang katawan. Bagong ligo."B-Baby..." namamaos na anas ko nang muli niya akong gawaran ng marubdob na halik sa labi. Tinugon ko siya nang puno ng pananabik. Mahigpit pa akong kumapit sa batok niya para mas maging malalim ang aming halik. Lalo akong nanabik nang maramdaman ang dahan-dahang paglapat niya ng katawan sa akin."I'm sorry about last night. 'Yong totoo, hindi ko rin kayang magtiis. I want you too," bulong niya pa sa tainga ko na mas nagpabaliw sa akin. "Ang sabi ko naman kasi sa 'yo puwede pa eh. Nagpapaniwala ka sa doktor na 'yon," segunda ko pa. "That's why I'm sorry. Gusto kong palagi kang maligaya."Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ako na ang nangunang maghubad sa sarili ko. Dahil wala siyang ibang suot nang mga sandaling iyon maliban sa nakatapis na tuwalya sa ibabang bahagi ay naging mabilis ang lahat. Ramdam na ramdam ko kung gaano katigas
"OY, ano'ng ginagawa mo diyan?" nakapameywang na tanong ni Francisco.Napaangat ako ng tingin. "W-Wala, may sinisilip lang ako."Na-miss ko kasi ang office niya. Ilang taon din akong hindi nakatungtong doon. Curious lang din naman kasi ako kung sino na ang tumatao. So hindi na pala talaga siya. I wonder, ano na kayang pagkakaabalahan niya sa buhay? Tatambay-tambay na lang din ba?"Tara na! May makakita pa sa 'yo diyan!"Umakyat na nga ako ng hagdan. Inabot niya ang kamay ko nang malapit na ako sa dulo. Hinila niya pa ako pataas. May mga kinuha lang siyang ibang gamit sa penthouse kaya nandito kami ngayon. I miss this place too. Naalala ko noon patakbo-takbo pa ako rito no'ng may dumating siyang hindi inaasahang 'buwisita'. I wonder where they are now too. Kapag may nanggulo ulit talaga, mananapak na ako."Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo akala ko kung saan ka na nagpunta," sabi pa niya."So saan na tayo pupulutin nito? Saan tayo titira?" tanong ko."Ikaw, kung saan mo gusto-""T
"THANK you," bahagyang nakangiti kong sabi sa babaeng receptionist nang ibigay na niya sa akin ang susi. Bitbit ang mga pinamili ko ay nagderetso na ako sa elevator para puntahan ang room na nakalaan para sa akin. Pagpasok sa kuwarto ay agad kong inilapag sa mesa ang mga plastik na dala ko. Dali-dali akong nahilata sa malambot na kama. It was such a tiring day. Pero magaan sa pakiramdam.DUMISTANSYA ako kay Mike nang magtangka siyang lumapit sa akin. Kung dati ay may kakaiba akong nararamdaman sa presensya niya, ngayon ay tila wala na."So you went all the way here for him?" malungkot na wika ni Mike. Naglakad-lakad kami hanggang sa kung saan makaabot ang mga paa namin. Tutal parehas naman kaming walang alam sa lugar na 'yon. Hanggang sa may nakita kaming park na medyo malapit sa plaza. Napasinghap ako. "O-Oo..." nakatungo kong tugon. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya dahil sa guilt na nararamdaman ko. And I feel so sorry for him. "P-Paano mo nalaman?" tanong ko."I saw
'I'll be waiting..' Mga katagang paulit-ulit na lumilitaw sa utak ko. Maaga pa lang, naghihintay na ako sa tawag ng warden. Nag-umagahan na pero halos hindi ko magalaw ang pagkain. I was so occupied by her thoughts. The way Sandy looked at me yesterday, the way she touched my hands, the way she checked on me and the way she talked na ramdam kong totoo siya sa lahat ng sinasabi niya.I didn't really expect so much from her. I wanted her to go on, leave and forget me because I'm aware how complicated man I am. But seeing her here yesterday out of the blue changed it all.Until now, nagsisisi ako na hindi ko sinabi ang totoo sa kaniya. I was overly confident that whatever happened I would always find a way para bumalik. But because of that single mistake, I ruined it all. It was true that I was already a married man when we met. To Kirsten, my two-year girlfriend. "France... I'm pregnant." Natigilan ako at nagkatinginan kami. Agad nilukob ng galit ang loob ko."What's the meaning of t
IT'S been a month since it happened at pinilit kong ibalik sa normal ang sistema at pamumuhay ko. Nakabalik pa rin ako sa school matapos tanggapin ng principal ang alibi ko nang halos dalawang linggo akong nawala. Sinabi kong nagkaroon ng emergency kaya biglaan ang pag-uwi ko sa probinsya. Kung paano ko ito nakumbinsi ay nagpapasalamat na lang ako. At buti na lang din hindi ipinaalam ni Mike sa publiko ang nangyari kung hindi ay tiyak pagtatampulan ako ng chismis."Pero iyon ba talaga ang totoong nangyari?" Ngunit sa tatlong kaibigang naimbitahan ko sa naudlot kong kasal ay hindi ako ligtas sa pagdududa."Noong araw ng kasal mo, halos mabaliw kakahanap sa 'yo si Mike. Pati kami halos masiraan na rin kakaisip kung ano'ng nangyari at bigla kang nawala. Ilang araw na ang nakalipas, palagi niya kaming pinupuntahan dito, nangungulit. Baka raw may alam kami. Hindi naman siya puwedeng magbintang nang walang ebidensya pero... may kinalaman ba si... France sa nangyari?"Sa loob ng halos apat