THERE'S a rainbow always after the rain.Paulit-ulit na itinatak ko sa isip. Na sa kabila ng kalungkutan ay may nakaabang namang ligaya at kasiyahan. Iyon ang isa sa mga ginawa kong motivation para maka-move on. Para palubagin na rin ang loob ko, pagaanin at unti-unting paghilumin ang puso. Minsan nagbabasa ako ng mga motivational books para mas lalong patatagin ang loob ko. Natuto na rin akong magsimba tuwing araw ng Linggo. Manalangin gabi-gabi. At kapag weekends, lumalabas-labas na rin ako ng bahay. Jogging, minsan tumatambay sa park. At tuwing araw naman ng sahod ay nakiki-hang-out with my co-teacher friends.In short, natuto akong makibagay sa mundo at hindi lang mag-focus sa iisang tao.It's been almost three years since it happened. Wala na akong balita sa kaniya at wala na ring balak makibalita pa. I didn't leave my apartment. Five years rental fee pala ang binayaran noon ni Francisco kay Aling Beth kaya sobrang nanghinayang akong layasan. Hindi ko na raw 'yon mare-refund dahi
WALA rin akong nagawa nang sumabay siya sa akin nang magpasya na akong bumalik sa apartment. Panay ang kausap niya sa 'kin. Tanong nang tanong tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko sa buhay."So, wala ka na pala sa Essentrix, saan ka na nagwo-work ngayon?" tanong niya na naman. Naiilang na nga ako dahil parang sinasadya niyang bagalan ang paglalakad. Halos kalahating oras na ang nakalilipas, hindi pa kami nakakarating sa apartment."Sa.. St. Achilles-""Memorial School?" parang gulat pang dugtong niya. "Oo-""As?"Hindi ko alam kung ano'ng espesyal sa school na 'yon para sa kaniya pero nakangiti at napangiti pa siyang lalo no'ng sinabi kong nagtuturo ako roon. "Kailan pa? It really surprised me. Teacher ka pala?" Na-o-OA-yan na nga ako sa reaksyon niya."Three years ago rin. Saglit lang naman akong nag-work sa Essentrix." Pero pinilit ko pa ring maging casual.Tumango siya. "I see, I see. Ako ba? Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa buhay ko?"Napataas ang dalawang kilay ko. Talaga l
NAGMAMADALI akong naglakad papasok. Balak ko sanang dumeretso agad sa table ko. Agang-aga parang matsi-tsismis na naman ako."Luka, sino 'yon?" Nangunguna pa sa pagtatanong si Ma'am Alice na matandang dalaga pa rin. As usual, ang pinaka-ususera."Wala 'yon." Dumeretso lang ako ng lakad. Ngunit sinundan pa rin ako kasama ang mga alperes niya. "Asus! Ikaw talaga! Kunwari ka pa!" "Monday na Monday, chismis agad ang inaatupag n'yo!"Naupo agad ako sa desk ko at inilabas agad ang laptop ko. Kunwari bisi-bisihan ako."So 'yon na ba ang bagong kapalit ni Sir France? Ayiehh! Habulin ka talaga ng guwapo!" si Ma'am Mildred."Che! Nagtanong lang ng dereksyon 'yong tao eh." Pinandilatan ko pa ng mata."Ayan. Hindi tuloy nakagawa ng lesson plan si Sandy, kakaisip 'yan kay new suitor." Nangingintab pa ang mga mata ni Ma'am Annie.Alam nila. Alam nilang wala na kami ni France. Pero hindi ko sinabi ang tunay na kuwento. Ang sabi ko lang, hindi ako tanggap ng magulang. Mukha namang kinagat nila ang
NAPATINGIN ako sa orasan. Pasado 12 na ng hatinggabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hawak ko pa rin ang cellphone na ibinigay ni Mike. Nagawa ko na rin ang pinagagawa niya. Nai-save ko na ang number niya.Pero parang may gusto pa akong gawin. Kanina ko pa talagang gustong gawin. Kaya lang, nahihiya ako. Baka kung ano'ng isipin niya.Huminga ako nang malalim. Iche-check mo lang naman kung tama 'yong number na ibinigay niya. Natampal ko ang sarili. Para akong tanga. Hindi, magpapasalamat ka pala dahil sa magandang phone na ibinigay niya.Nagpabiling-biling ako. Ano ba talaga?Bahala na!Question mark. Iyon ang i-s-in-end ko sa inbox niya. Para pa akong nakaramdam ng pagsisisi nang tuluyan na ngang mamarkahan 'yon ng Sent. Napatalukbong pa ako ng kumot. Kinakabahan, nae-excite at nangangamba kung sasagot ba siya o hindi. Dis oras na kasi ng gabi. Hala baka isipin no'n hindi ako makatulog kakaisip sa kaniya!Nasabunutan ko ang sarili. Masyado na ba akong obvious? Ano'ng gagawin ko eh a
HININTAY ko ang reply niya pero namuti lang ang mga mata ko. Ngunit maya't maya pa rin ang silip ko sa cellphone kahit nasa kalagitnaan pa ako ng klase sa pag-asang maalala niya rin ako. Only to feel disappointed dahil magtatanghali na pero wala man lang siyang miski anong update.Gusto ko sana mag-send ulit ng message kaso huwag na at baka wala siyang time. Baka isipin pang ako itong atat. I'll miss you raw, pero wala namang paramdam. "Hmmp! Imposible naman 'yon, pagdating niya ng airport, deretso eroplano siya agad. Hindi niya ba nabasa ang text ko?"Lumungkoy lang ako sa ibabaw ng mesa nang kinatanghalian. Wala akong ganang kumain. Naiinis ako. Tinulugan na nga ako kagabi tapos ngayon naman ganito.Hindi pa nga kami, wala na siyang time sa akin. Pa'no 'pag kami na? Para pa akong umiiyak sa isip ko. Hmmp! Ni hindi ko nga alam kung magiging kami. Wala naman siyang sinabi kung... kung "Hoy, babae, hindi ka ba sasabay?" Biglang balik ko sa huwisyo nang marinig ang boses ni Ma'am Alic
"TEKA! Teka, sandali!" mariing tutol ko. Aba hindi ako papayag na basta-basta lang niya akong ika-cancel. Matapos lahat ng effort ko?"Sand. I'm on a hurry-""Ano ba kasing problema? Bakit? Ano'ng nangyari?" Tumaas ang boses ko. Tumayo ako at dinampot ang sling bag ko. Lumabas na ako ng pinto. Aba! Bawal talaga akong i-cancel. Bumuntong-hininga siya. "I don't know how to tell you...""Kapag hindi tayo natuloy ngayon, tapusin na lang natin 'to. Ayoko nang pinangangakuan lang ako.""What?!" Napangiti ako nang marinig ang shocked niyang boses. Narinig ko pa siyang napabuga ng hangin. "Wait, Sandy. Can't you give me another time? Mag-e-explain ako-""Nandito na ako sa labas, naglalakad. Kung ayaw mo, eh 'di h'wag. It's now or never!" Walang excuse-excuse sa akin ngayon. 'Pag hindi niya ako pinili, isa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi siya seryoso sa akin.Matagal bago siya nakasagot. Nandoon na naman ang sunud-sunod niyang paghinga nang malalim."I'm sorry, Sand, but... Chloe needs me
TILA hindi maganda ang gising ko kinabukasan. Pagmulat pa lang ng mata ay wala akong excitement na naramdaman. Linggo ngayon at ang usapan ay magkikita ulit kami ni Mike. Pero kapag naaalala ko ang nangyari kagabi, nawawalan ako ng gana. Halik sa noo? Letse!Magsisimba ako ngayon. Sasama raw siya. Iyong pang-alas-singko ng umagang mass ang nakasanayan kong daluhan kaya bago mag 4:30 ay ayos na ako. "Good morning. Dito na ako." Tumawag pa talaga siya para sabihin 'yon. Pero hindi ako natutuwa sa kaniya. Tinawag-tawag niya akong Babe tapos pambatang halik ang ibibigay. Ano 'yon?Nakabusangot ako nang umalis ng apartment. Sa labas ay tanaw ko na nga ang kotse niya. Nakangiti siya nang salubungin ako. Hindi ko sana papansinin kaso ewan ko ba rito sa mga mata ko, biglang naakit tumingin sa kaniya. At itong puso ko bumilis ang pintig. Naamoy ko pa ang mahalimuyak niyang pabango. Itong mga paa ko para tuloy gustong tumakbo palapit sa kaniya, para mayakap siya ng mga bisig ko. Takte, agang-
NAPABITAW ako sa kaniya at bahagya siyang itinulak."K-Kasal agad?""Oo." Hinawakan niya pa ang baba ko at iniangat ang aking mukha. "O, bakit parang nawala ang tapang mo?"Napalunok ako at akmang mag-iiba ng tingin pero pinihit niya ang ulo ko."Ano? And what did you say again? Ang hirap kong...?"Napapikit ako. Nakakahiya. Ano ba'ng pumasok sa kukote ko at nasabi ko iyon? Anlandi kasi!"Yes!" malakas na sigaw ko habang nakapikit pa rin. Bahala na. Ang gusto ko lang ay ang matapos ang awkward moment na ito."Yes?""Yes, I will marry you. 'Di ba nagtatanong ka?"Matagal bago siya nakapagsalita kaya nagmulat na ako. "Sigurado ka?" Seryoso pa rin pala siyang nakatingin sa akin. Tumango ako. "O-Oo." 'Di ba't siya nga dapat ang tinatanong ko? Ang bilis ng desisyon niya. Wala pa kaming label pero kasal agad? Kanina niya lang ako tinawag na girlfriend. Pero ako kasi gusto ko siya. Alam ko 'yon sa sarili ko. Ilang gabi na ba akong hindi nakakatulog kakaisip sa kaniya? Kakapantasya kung an
FOUR years later."BILISAN mo na! Andaming reklamo!" Konting-konti na lang talaga, masusugod ko na ang lalaking ito. Napakakupad kumilos. Halatang sinasadya. Alam nang may hinahabol ako."Nalaglag nga ang wallet ko. Pinulot ko pa.""Alam mong ito iyong pinakahihintay ko tapos andami mong pasaring. Bilis na!" Nagtatakbo ako at hinabol naman ako ni Francisco. Akay-akay ko ang aming kambal. Nagpabili pa kasi ng ice cream sa daddy nila, sabi ko mamaya na, pero dinalihan ako ng iyak. Ito namang isa, antagal-tagal bumili. Sinabing sumingit na lang, pumila-pila pa. "Bullshit!" Ayun na nga. Muntik nang madapa, nakapalampa. "Mommy, Daddy dropped the ice cream!" umiiyak na sabi ni Karlize. "The other one is mine!" pang-aasar naman ng isa sa kakambal. Bumitaw si Kristoff sa akin at nilapitan ang ama. Kinuha sa kamay nito ang isang ice cream na hindi nadisgrasya ni France."Mommy!" Tuloy ang iyak ni Karlize.Pero ako, sa ibang bagay nakatingin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nagkukum
1 YEAR later..."NAKAKAINIS ka talaga! Dito na naman tayo!" nakasimangot na himutok ko paglabas namin ng airport. Actually, kagabi pa ako nagrereklamo. Pero hindi ako pinapakinggan ng aking asawa. Panay sabi na sumama na lang daw ako kasama ang aming kambal. Tig-isa kaming may buhat kina Karlize at Kristoff. At nagsama kami ng isang assistant para may magdala naman ng maleta. "Dapat nga dati pa kita dinala ulit dito," kalmadong tugon ng tukmol.Lalo akong napasimangot sa sinabi niya. "Andaming bansa, Francisco. Bakit dito ulit?"India."I promise next time, sa ibang bansa na talaga tayo. But right now, may mahalaga tayong taong kikitain dito. Trust me."Sumakay na kami ng taxi. Habang nasa biyahe ay abala siya sa cellphone niya. Hindi na lang ako kumibo at inasikaso na lang ang mga bata. Mayamaya, tumigil na kami sa tapat ng isang mataas na building. "Remember that time, baby, noong isinama kita rito?" ani France pagkakababa namin ng taxi. Napatingala naman ako. Paano ko malilimuta
"CONGRATULATIONS! It's a baby girl!" masayang anunsiyo ng sonologist."Yes!" Ngiting tagumpay na napasuntok pa ako sa ere. Hinampas ko pa ang balikat ni France na nasa tabi ko lang. "Pa'no ba 'yan? Panalo ako sa pustahan."Nang-uuyam siyang tumingin sa akin. "Saglit lang, I still have another card." Nakangising bumaling ito sa sonologist. "What about the other one?"Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng other one?Nangingiti naman habang nakatingin sa monitor ang sonologist habang pinaiikot-ikot sa tiyan ko ang object na gamit para makita ang loob ng sinapupunan ko."The other one is a boy. Congratulations for having a fratenal twins!"Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa aking mga labi. Shocked! A-Ano'ng fraternal twins? "A-Ano hong kambal? Ano'ng girl at boy? Iisang baby lang ang laman ng tiyan ko!" histerikal ko pang sabi sa sonologist."I'm sorry, baby." Agad ginagap ni France ang isa kong kamay. "But it's true. Kambal ang anak natin. I'm sorry, I convinced the doctor na huwag munang i
FOUR months after...Hinintay ko talaga 'to. Sabi ko kay Francisco itaong ika-fifth month ng tiyan ko ang kasal namin. Aba sabi niya kasi 'pag at least five months na ang tiyan ko puwede na ulit. Hindi 'yon nawala sa isip ko. Halos bilangin ko nga ang mga araw na dumaraan. Nitong mga nakaraan, sinusubukan ko pa ring makiusap sa kaniya, pero ayaw niya talaga. Sabi ko kahit once a month, ayaw pa rin. Nag-research na nga ako lahat-lahat. Kahit ipinakita ko na sa kaniya na okay lang basta hindi maselan ang pagbubuntis ay ayaw talaga. Pero minsan napapaisip ako. How about him? Alam kong hindi niya kaya 'yong tiisin ng ganoon katagal. Not unless, may pinagdedepositohan siya.Pero minsan, nakikita ko siya sa madaling araw. 'Yong 'pag akala niyang tulog na ako. Babangon siya at pupunta sa CR at inaabot siya ng halos isang oras doon bago lumabas. Minsan nga nakakatulugan ko na lang ang paghihintay. Pero isang beses tinangka ko siyang pasukin kaya lang ni-lock niya ang pinto. Nang tanungin ko s
"GOOD morning!" Ang matamis na halik sa labi ni France ang gumising sa akin. Agad akong napamulat nang maamoy ang mabango niyang katawan. Bagong ligo."B-Baby..." namamaos na anas ko nang muli niya akong gawaran ng marubdob na halik sa labi. Tinugon ko siya nang puno ng pananabik. Mahigpit pa akong kumapit sa batok niya para mas maging malalim ang aming halik. Lalo akong nanabik nang maramdaman ang dahan-dahang paglapat niya ng katawan sa akin."I'm sorry about last night. 'Yong totoo, hindi ko rin kayang magtiis. I want you too," bulong niya pa sa tainga ko na mas nagpabaliw sa akin. "Ang sabi ko naman kasi sa 'yo puwede pa eh. Nagpapaniwala ka sa doktor na 'yon," segunda ko pa. "That's why I'm sorry. Gusto kong palagi kang maligaya."Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ako na ang nangunang maghubad sa sarili ko. Dahil wala siyang ibang suot nang mga sandaling iyon maliban sa nakatapis na tuwalya sa ibabang bahagi ay naging mabilis ang lahat. Ramdam na ramdam ko kung gaano katigas
"OY, ano'ng ginagawa mo diyan?" nakapameywang na tanong ni Francisco.Napaangat ako ng tingin. "W-Wala, may sinisilip lang ako."Na-miss ko kasi ang office niya. Ilang taon din akong hindi nakatungtong doon. Curious lang din naman kasi ako kung sino na ang tumatao. So hindi na pala talaga siya. I wonder, ano na kayang pagkakaabalahan niya sa buhay? Tatambay-tambay na lang din ba?"Tara na! May makakita pa sa 'yo diyan!"Umakyat na nga ako ng hagdan. Inabot niya ang kamay ko nang malapit na ako sa dulo. Hinila niya pa ako pataas. May mga kinuha lang siyang ibang gamit sa penthouse kaya nandito kami ngayon. I miss this place too. Naalala ko noon patakbo-takbo pa ako rito no'ng may dumating siyang hindi inaasahang 'buwisita'. I wonder where they are now too. Kapag may nanggulo ulit talaga, mananapak na ako."Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo akala ko kung saan ka na nagpunta," sabi pa niya."So saan na tayo pupulutin nito? Saan tayo titira?" tanong ko."Ikaw, kung saan mo gusto-""T
"THANK you," bahagyang nakangiti kong sabi sa babaeng receptionist nang ibigay na niya sa akin ang susi. Bitbit ang mga pinamili ko ay nagderetso na ako sa elevator para puntahan ang room na nakalaan para sa akin. Pagpasok sa kuwarto ay agad kong inilapag sa mesa ang mga plastik na dala ko. Dali-dali akong nahilata sa malambot na kama. It was such a tiring day. Pero magaan sa pakiramdam.DUMISTANSYA ako kay Mike nang magtangka siyang lumapit sa akin. Kung dati ay may kakaiba akong nararamdaman sa presensya niya, ngayon ay tila wala na."So you went all the way here for him?" malungkot na wika ni Mike. Naglakad-lakad kami hanggang sa kung saan makaabot ang mga paa namin. Tutal parehas naman kaming walang alam sa lugar na 'yon. Hanggang sa may nakita kaming park na medyo malapit sa plaza. Napasinghap ako. "O-Oo..." nakatungo kong tugon. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya dahil sa guilt na nararamdaman ko. And I feel so sorry for him. "P-Paano mo nalaman?" tanong ko."I saw
'I'll be waiting..' Mga katagang paulit-ulit na lumilitaw sa utak ko. Maaga pa lang, naghihintay na ako sa tawag ng warden. Nag-umagahan na pero halos hindi ko magalaw ang pagkain. I was so occupied by her thoughts. The way Sandy looked at me yesterday, the way she touched my hands, the way she checked on me and the way she talked na ramdam kong totoo siya sa lahat ng sinasabi niya.I didn't really expect so much from her. I wanted her to go on, leave and forget me because I'm aware how complicated man I am. But seeing her here yesterday out of the blue changed it all.Until now, nagsisisi ako na hindi ko sinabi ang totoo sa kaniya. I was overly confident that whatever happened I would always find a way para bumalik. But because of that single mistake, I ruined it all. It was true that I was already a married man when we met. To Kirsten, my two-year girlfriend. "France... I'm pregnant." Natigilan ako at nagkatinginan kami. Agad nilukob ng galit ang loob ko."What's the meaning of t
IT'S been a month since it happened at pinilit kong ibalik sa normal ang sistema at pamumuhay ko. Nakabalik pa rin ako sa school matapos tanggapin ng principal ang alibi ko nang halos dalawang linggo akong nawala. Sinabi kong nagkaroon ng emergency kaya biglaan ang pag-uwi ko sa probinsya. Kung paano ko ito nakumbinsi ay nagpapasalamat na lang ako. At buti na lang din hindi ipinaalam ni Mike sa publiko ang nangyari kung hindi ay tiyak pagtatampulan ako ng chismis."Pero iyon ba talaga ang totoong nangyari?" Ngunit sa tatlong kaibigang naimbitahan ko sa naudlot kong kasal ay hindi ako ligtas sa pagdududa."Noong araw ng kasal mo, halos mabaliw kakahanap sa 'yo si Mike. Pati kami halos masiraan na rin kakaisip kung ano'ng nangyari at bigla kang nawala. Ilang araw na ang nakalipas, palagi niya kaming pinupuntahan dito, nangungulit. Baka raw may alam kami. Hindi naman siya puwedeng magbintang nang walang ebidensya pero... may kinalaman ba si... France sa nangyari?"Sa loob ng halos apat