TILA hindi maganda ang gising ko kinabukasan. Pagmulat pa lang ng mata ay wala akong excitement na naramdaman. Linggo ngayon at ang usapan ay magkikita ulit kami ni Mike. Pero kapag naaalala ko ang nangyari kagabi, nawawalan ako ng gana. Halik sa noo? Letse!Magsisimba ako ngayon. Sasama raw siya. Iyong pang-alas-singko ng umagang mass ang nakasanayan kong daluhan kaya bago mag 4:30 ay ayos na ako. "Good morning. Dito na ako." Tumawag pa talaga siya para sabihin 'yon. Pero hindi ako natutuwa sa kaniya. Tinawag-tawag niya akong Babe tapos pambatang halik ang ibibigay. Ano 'yon?Nakabusangot ako nang umalis ng apartment. Sa labas ay tanaw ko na nga ang kotse niya. Nakangiti siya nang salubungin ako. Hindi ko sana papansinin kaso ewan ko ba rito sa mga mata ko, biglang naakit tumingin sa kaniya. At itong puso ko bumilis ang pintig. Naamoy ko pa ang mahalimuyak niyang pabango. Itong mga paa ko para tuloy gustong tumakbo palapit sa kaniya, para mayakap siya ng mga bisig ko. Takte, agang-
NAPABITAW ako sa kaniya at bahagya siyang itinulak."K-Kasal agad?""Oo." Hinawakan niya pa ang baba ko at iniangat ang aking mukha. "O, bakit parang nawala ang tapang mo?"Napalunok ako at akmang mag-iiba ng tingin pero pinihit niya ang ulo ko."Ano? And what did you say again? Ang hirap kong...?"Napapikit ako. Nakakahiya. Ano ba'ng pumasok sa kukote ko at nasabi ko iyon? Anlandi kasi!"Yes!" malakas na sigaw ko habang nakapikit pa rin. Bahala na. Ang gusto ko lang ay ang matapos ang awkward moment na ito."Yes?""Yes, I will marry you. 'Di ba nagtatanong ka?"Matagal bago siya nakapagsalita kaya nagmulat na ako. "Sigurado ka?" Seryoso pa rin pala siyang nakatingin sa akin. Tumango ako. "O-Oo." 'Di ba't siya nga dapat ang tinatanong ko? Ang bilis ng desisyon niya. Wala pa kaming label pero kasal agad? Kanina niya lang ako tinawag na girlfriend. Pero ako kasi gusto ko siya. Alam ko 'yon sa sarili ko. Ilang gabi na ba akong hindi nakakatulog kakaisip sa kaniya? Kakapantasya kung an
"THIS is my life when I'm away, babe," sabi ni Mike habang bumababa na kami ng eroplano. "Now I know," sabi ko naman at tumingin pa ako sa kaniya. Inilibot ko ang mga mata ko na bahagyang nanlaki nang mabasa ko ang malalaking letrang nakapaskil sa taas ng airport kung saan kami nag-landing. Honolulu International Airport. Saglit ko pang hinalukay sa isip ko kung anong bansa ang may ganoong lugar. Pero naalala kong mahina nga pala ako sa geography kaya tinanong ko na lang sa kaniya."Aloha, my love. We're in Hawaii."PUMARA agad kami ng taxi para magpahatid sa na-booked niyang hotel. It was one sleepless night for Mike at humihingi muna siya ng pahinga. Na hindi ko naman tinutulan. Hindi kalayuan ang hotel kaya narating din namin agad.Habang naglalakad palapit sa front desk ay kung ano-ano na namang tumatakbo sa isip ko. Dala ni Mike ang maleta ko at ang traveling bag kung saan nakalagay ang mga gamit niya kaya hindi ako masyadong makakapit sa kaniya.May ipinakita lang siya mula sa
"WHERE have you been?" sa halip na sagutin ang tanong ko ay nagbalik-tanong pa si Francisco. Saglit siyang tumingin sa maletang hawak ko saka sa akin."Sabi ko, ano'ng ginagawa mo rito?" Pero wala akong balak sagutin 'yon. Pakialam ba niya? Pinilit kong makipagtagisan ng tingin sa kaniya ngunit unti-unting nanghihina ang loob ko. Bumalik na naman sa alaala ko ang sakit na dinulot niya three years ago. At parang nagbabadya pa ngang bumagsak ang mga luha ko. Hindi pa ako handang makita siya."I just came back..." Ang ikinaiinis ko pa, hindi man lang kababakasan ng kahit ano'ng guilt ang mga mata niya. Na parang wala siyang atraso sa akin. Na parang wala lang ang lahat. "Umalis ka na, wala akong pakialam." Binuksan ko pa ang pinto para sa kaniya. Nagbawi na ako ng tingin at sa peripheral vision ko na lang tiningnan kung kumikilos na ba siya o hindi.Matagal bago siya natinag sa kinauupuan niya ngunit hinintay ko iyon. Nanatiling tikom ang aking mga labi habang magkadikit sa loob ang ak
UNTI-UNTING bumilis ang mga hakbang ko nang makita si Mike na nag-aabang sa akin sa labas ng gate. Maaga ang uwi niya galing trabaho at pinangako niya ngang susunduin ako ngayon sa school. Kumapit agad ako sa braso niya nang magkalapit kami. "Bye, Ma'am Sandy!" Nagngingitian pa ang tatlo kong co-teachers na iniwan ko sa paglalakad. "Bye Mr. P.! Ingat kayo." Ngitian lang sila ni Mike."So how's the day, babe?" tanong ni Mike nang kami na lang dalawa ang magkasama. Naglalakad lang kami."Okay naman," tugon ko kahit sa totoo lang ay halos maghapon akong hindi natigil sa pag-iisip sa encounter na naganap sa amin ni Francisco kahapon."Buti naman. Eh 'yong sabi mong lock na pinagawa mo kahapon? Ayos na ba?"Tumango ako. "O-Oo. Okay na 'yon, w-walang problema...""Sigurado ka ba, babe? Are you okay?"Napansin niya marahil na panay ang libot ng mata ko sa paligid.Tumango ako. "O-Okay lang, babe. May naalala lang ako." "Dadalhin na kita sa bahay ngayon ah..." Natigilan ako."H-Huh?""Umuwi
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni mama sa aming tatlo. Kay France, kay Mike at panghuli ay sa akin. Alam kong naguguluhan siya sa nangyayari at ibig magtanong. Siniko ko si Mike. "Magandang araw ho," bati niya kay mama sabay nagmano. Nanatiling nakatayo sa likod si France ngunit walang pumupuna sa kaniya. Madaanan ko man ng mata ay parang wala akong nakita. Alam kong nang-uuyam siyang nakatitig sa akin."M-Magandang araw din, iho." Halatang nag-aalangan ang mama ko. Wala nga pala siyang alam na hiwalay na kami ni France. Ang hayop na 'to, ano'ng pinaggagawa sa buhay at... pinaayos itong bahay nang hindi ko alam?"Ma, kailan pa pinaayos itong bahay?" Muli, hindi ko siya binigyan ng atensyon. Kahit kita ko sa gilid ng mga mata ko na umalis si Francisco at bumalik sa kusina. Nakapulupot ang mga braso ni Mike sa beywang ko."N-Noong isang taon pa 'to sinimulan. Ngayon lang natapos." Mailap din ang mga mata ni Mama."I-Isang taon pa?" Biglang gawi ng mga mata ko sa kusina. "M-May isang lala
SABI ko naman kay Mike, hindi na kailangan nito. Pero ang mama niya raw ang nagplano para mai-announce raw sa ibang relatives nila ang nalalabi naming pagpapakasal. Ito na nga 'yong engagement party na sinabi ni France no'ng nakaraan.I was wearing a green silk dress. Manipis ang strap, hindi naman masyadong hapit sa katawan. Hanggang kalahati ng binti ang haba at may partner na silver stilleto. Kinulot ang mahaba ko nang buhok."How can I resist staring at you, babe? You're more than beautiful," bulong sa akin ni Mike habang bumababa kami sa hagdan.Napangiti ako at bahagyang kinurot siya sa tagiliran. "Nang-uuto ka na naman."Medyo marami na ang bisita sa baba. Alanganin pa ako nang makitang pinagtitinginan kami ng mga kamag-anak niyang ngayon ko pa lang makikilala. Ngunit naibsan din ang kabang 'yon nang ipulupot ni Mike ang braso sa beywang ko at ngumiti sa akin. Parang sinasabi ng kaniyang mga mata na siya'ng bahala sa akin.Hindi naman talaga iyon masasabing magarbong party. Di
DAYS passed at naging abala na nga kami sa pag-aasikaso para sa kasal. It would be a church wedding kaya puspusan ang paghahanda.They even hired a professional bridal gown maker para sa isusuot ko para sa araw na iyon. Almost two weeks akong hindi nakapasok sa school. Noon ko lang din nalaman na pati pala wedding ceremony ay kailangang pagpraktisan o i-rehearse. I should have been excited para sa pagsapit ng espesyal na araw na hinihintay namin ni Mike. Pero paano ba kung palagi kong nakikita si Francisco everytime may aasikasuhin kami about the wedding? Palagi siyang present lalo na noong nagre-rehearse na kami sa simbahan. Wala naman siyang role doon dahil ang pinsang si Raf ang kinuha ni Mike bilang bestman niya. Madalas nandoon lang siya sa isang sulok at nanonood sa amin. Palagi tuloy akong lutang at nawawalan ng gana sa ginagawa. Ni-request ko na nga kay Mike na sabihan itong huwag nang pupunta pero kahit nakailang sabi na, parang wala raw pakialam.Gusto ko sanang komprontahin
FOUR years later."BILISAN mo na! Andaming reklamo!" Konting-konti na lang talaga, masusugod ko na ang lalaking ito. Napakakupad kumilos. Halatang sinasadya. Alam nang may hinahabol ako."Nalaglag nga ang wallet ko. Pinulot ko pa.""Alam mong ito iyong pinakahihintay ko tapos andami mong pasaring. Bilis na!" Nagtatakbo ako at hinabol naman ako ni Francisco. Akay-akay ko ang aming kambal. Nagpabili pa kasi ng ice cream sa daddy nila, sabi ko mamaya na, pero dinalihan ako ng iyak. Ito namang isa, antagal-tagal bumili. Sinabing sumingit na lang, pumila-pila pa. "Bullshit!" Ayun na nga. Muntik nang madapa, nakapalampa. "Mommy, Daddy dropped the ice cream!" umiiyak na sabi ni Karlize. "The other one is mine!" pang-aasar naman ng isa sa kakambal. Bumitaw si Kristoff sa akin at nilapitan ang ama. Kinuha sa kamay nito ang isang ice cream na hindi nadisgrasya ni France."Mommy!" Tuloy ang iyak ni Karlize.Pero ako, sa ibang bagay nakatingin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nagkukum
1 YEAR later..."NAKAKAINIS ka talaga! Dito na naman tayo!" nakasimangot na himutok ko paglabas namin ng airport. Actually, kagabi pa ako nagrereklamo. Pero hindi ako pinapakinggan ng aking asawa. Panay sabi na sumama na lang daw ako kasama ang aming kambal. Tig-isa kaming may buhat kina Karlize at Kristoff. At nagsama kami ng isang assistant para may magdala naman ng maleta. "Dapat nga dati pa kita dinala ulit dito," kalmadong tugon ng tukmol.Lalo akong napasimangot sa sinabi niya. "Andaming bansa, Francisco. Bakit dito ulit?"India."I promise next time, sa ibang bansa na talaga tayo. But right now, may mahalaga tayong taong kikitain dito. Trust me."Sumakay na kami ng taxi. Habang nasa biyahe ay abala siya sa cellphone niya. Hindi na lang ako kumibo at inasikaso na lang ang mga bata. Mayamaya, tumigil na kami sa tapat ng isang mataas na building. "Remember that time, baby, noong isinama kita rito?" ani France pagkakababa namin ng taxi. Napatingala naman ako. Paano ko malilimuta
"CONGRATULATIONS! It's a baby girl!" masayang anunsiyo ng sonologist."Yes!" Ngiting tagumpay na napasuntok pa ako sa ere. Hinampas ko pa ang balikat ni France na nasa tabi ko lang. "Pa'no ba 'yan? Panalo ako sa pustahan."Nang-uuyam siyang tumingin sa akin. "Saglit lang, I still have another card." Nakangising bumaling ito sa sonologist. "What about the other one?"Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng other one?Nangingiti naman habang nakatingin sa monitor ang sonologist habang pinaiikot-ikot sa tiyan ko ang object na gamit para makita ang loob ng sinapupunan ko."The other one is a boy. Congratulations for having a fratenal twins!"Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa aking mga labi. Shocked! A-Ano'ng fraternal twins? "A-Ano hong kambal? Ano'ng girl at boy? Iisang baby lang ang laman ng tiyan ko!" histerikal ko pang sabi sa sonologist."I'm sorry, baby." Agad ginagap ni France ang isa kong kamay. "But it's true. Kambal ang anak natin. I'm sorry, I convinced the doctor na huwag munang i
FOUR months after...Hinintay ko talaga 'to. Sabi ko kay Francisco itaong ika-fifth month ng tiyan ko ang kasal namin. Aba sabi niya kasi 'pag at least five months na ang tiyan ko puwede na ulit. Hindi 'yon nawala sa isip ko. Halos bilangin ko nga ang mga araw na dumaraan. Nitong mga nakaraan, sinusubukan ko pa ring makiusap sa kaniya, pero ayaw niya talaga. Sabi ko kahit once a month, ayaw pa rin. Nag-research na nga ako lahat-lahat. Kahit ipinakita ko na sa kaniya na okay lang basta hindi maselan ang pagbubuntis ay ayaw talaga. Pero minsan napapaisip ako. How about him? Alam kong hindi niya kaya 'yong tiisin ng ganoon katagal. Not unless, may pinagdedepositohan siya.Pero minsan, nakikita ko siya sa madaling araw. 'Yong 'pag akala niyang tulog na ako. Babangon siya at pupunta sa CR at inaabot siya ng halos isang oras doon bago lumabas. Minsan nga nakakatulugan ko na lang ang paghihintay. Pero isang beses tinangka ko siyang pasukin kaya lang ni-lock niya ang pinto. Nang tanungin ko s
"GOOD morning!" Ang matamis na halik sa labi ni France ang gumising sa akin. Agad akong napamulat nang maamoy ang mabango niyang katawan. Bagong ligo."B-Baby..." namamaos na anas ko nang muli niya akong gawaran ng marubdob na halik sa labi. Tinugon ko siya nang puno ng pananabik. Mahigpit pa akong kumapit sa batok niya para mas maging malalim ang aming halik. Lalo akong nanabik nang maramdaman ang dahan-dahang paglapat niya ng katawan sa akin."I'm sorry about last night. 'Yong totoo, hindi ko rin kayang magtiis. I want you too," bulong niya pa sa tainga ko na mas nagpabaliw sa akin. "Ang sabi ko naman kasi sa 'yo puwede pa eh. Nagpapaniwala ka sa doktor na 'yon," segunda ko pa. "That's why I'm sorry. Gusto kong palagi kang maligaya."Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ako na ang nangunang maghubad sa sarili ko. Dahil wala siyang ibang suot nang mga sandaling iyon maliban sa nakatapis na tuwalya sa ibabang bahagi ay naging mabilis ang lahat. Ramdam na ramdam ko kung gaano katigas
"OY, ano'ng ginagawa mo diyan?" nakapameywang na tanong ni Francisco.Napaangat ako ng tingin. "W-Wala, may sinisilip lang ako."Na-miss ko kasi ang office niya. Ilang taon din akong hindi nakatungtong doon. Curious lang din naman kasi ako kung sino na ang tumatao. So hindi na pala talaga siya. I wonder, ano na kayang pagkakaabalahan niya sa buhay? Tatambay-tambay na lang din ba?"Tara na! May makakita pa sa 'yo diyan!"Umakyat na nga ako ng hagdan. Inabot niya ang kamay ko nang malapit na ako sa dulo. Hinila niya pa ako pataas. May mga kinuha lang siyang ibang gamit sa penthouse kaya nandito kami ngayon. I miss this place too. Naalala ko noon patakbo-takbo pa ako rito no'ng may dumating siyang hindi inaasahang 'buwisita'. I wonder where they are now too. Kapag may nanggulo ulit talaga, mananapak na ako."Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo akala ko kung saan ka na nagpunta," sabi pa niya."So saan na tayo pupulutin nito? Saan tayo titira?" tanong ko."Ikaw, kung saan mo gusto-""T
"THANK you," bahagyang nakangiti kong sabi sa babaeng receptionist nang ibigay na niya sa akin ang susi. Bitbit ang mga pinamili ko ay nagderetso na ako sa elevator para puntahan ang room na nakalaan para sa akin. Pagpasok sa kuwarto ay agad kong inilapag sa mesa ang mga plastik na dala ko. Dali-dali akong nahilata sa malambot na kama. It was such a tiring day. Pero magaan sa pakiramdam.DUMISTANSYA ako kay Mike nang magtangka siyang lumapit sa akin. Kung dati ay may kakaiba akong nararamdaman sa presensya niya, ngayon ay tila wala na."So you went all the way here for him?" malungkot na wika ni Mike. Naglakad-lakad kami hanggang sa kung saan makaabot ang mga paa namin. Tutal parehas naman kaming walang alam sa lugar na 'yon. Hanggang sa may nakita kaming park na medyo malapit sa plaza. Napasinghap ako. "O-Oo..." nakatungo kong tugon. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya dahil sa guilt na nararamdaman ko. And I feel so sorry for him. "P-Paano mo nalaman?" tanong ko."I saw
'I'll be waiting..' Mga katagang paulit-ulit na lumilitaw sa utak ko. Maaga pa lang, naghihintay na ako sa tawag ng warden. Nag-umagahan na pero halos hindi ko magalaw ang pagkain. I was so occupied by her thoughts. The way Sandy looked at me yesterday, the way she touched my hands, the way she checked on me and the way she talked na ramdam kong totoo siya sa lahat ng sinasabi niya.I didn't really expect so much from her. I wanted her to go on, leave and forget me because I'm aware how complicated man I am. But seeing her here yesterday out of the blue changed it all.Until now, nagsisisi ako na hindi ko sinabi ang totoo sa kaniya. I was overly confident that whatever happened I would always find a way para bumalik. But because of that single mistake, I ruined it all. It was true that I was already a married man when we met. To Kirsten, my two-year girlfriend. "France... I'm pregnant." Natigilan ako at nagkatinginan kami. Agad nilukob ng galit ang loob ko."What's the meaning of t
IT'S been a month since it happened at pinilit kong ibalik sa normal ang sistema at pamumuhay ko. Nakabalik pa rin ako sa school matapos tanggapin ng principal ang alibi ko nang halos dalawang linggo akong nawala. Sinabi kong nagkaroon ng emergency kaya biglaan ang pag-uwi ko sa probinsya. Kung paano ko ito nakumbinsi ay nagpapasalamat na lang ako. At buti na lang din hindi ipinaalam ni Mike sa publiko ang nangyari kung hindi ay tiyak pagtatampulan ako ng chismis."Pero iyon ba talaga ang totoong nangyari?" Ngunit sa tatlong kaibigang naimbitahan ko sa naudlot kong kasal ay hindi ako ligtas sa pagdududa."Noong araw ng kasal mo, halos mabaliw kakahanap sa 'yo si Mike. Pati kami halos masiraan na rin kakaisip kung ano'ng nangyari at bigla kang nawala. Ilang araw na ang nakalipas, palagi niya kaming pinupuntahan dito, nangungulit. Baka raw may alam kami. Hindi naman siya puwedeng magbintang nang walang ebidensya pero... may kinalaman ba si... France sa nangyari?"Sa loob ng halos apat