Share

Chapter 75

NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni mama sa aming tatlo. Kay France, kay Mike at panghuli ay sa akin. Alam kong naguguluhan siya sa nangyayari at ibig magtanong.

Siniko ko si Mike. "Magandang araw ho," bati niya kay mama sabay nagmano. Nanatiling nakatayo sa likod si France ngunit walang pumupuna sa kaniya. Madaanan ko man ng mata ay parang wala akong nakita. Alam kong nang-uuyam siyang nakatitig sa akin.

"M-Magandang araw din, iho." Halatang nag-aalangan ang mama ko. Wala nga pala siyang alam na hiwalay na kami ni France. Ang hayop na 'to, ano'ng pinaggagawa sa buhay at... pinaayos itong bahay nang hindi ko alam?

"Ma, kailan pa pinaayos itong bahay?" Muli, hindi ko siya binigyan ng atensyon. Kahit kita ko sa gilid ng mga mata ko na umalis si Francisco at bumalik sa kusina. Nakapulupot ang mga braso ni Mike sa beywang ko.

"N-Noong isang taon pa 'to sinimulan. Ngayon lang natapos." Mailap din ang mga mata ni Mama.

"I-Isang taon pa?" Biglang gawi ng mga mata ko sa kusina.

"M-May isang lala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status