Share

Chapter 82

MAAGA akong nagising kinabukasan. Ni hindi ko nga alam kung may tulog ba talaga ako. Basta alam ko, madilim pa eh bumangon na ako.

Naghilamos at toothbrush lang ako dahil malamig pa ang panahon. Isinuot kong muli 'yong damit na suot ko noong araw na dalhin ako rito ni Francisco. Wala akong balak dalhin 'yong mga damit na binili niya para sa 'kin dito.

Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko siya sa sala. Nakatayo siya sa tabi ng bintana at nakasilip sa labas.

"Ano'ng oras tayo aalis?" sabik na tanong ko.

Lumingon siya sa aking blangko ang mukha.

"Hindi pa puwedeng magbangka ngayon."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "A-At bakit naman?"

"Kita mong umuulan pa. May bagyo yata. Malakas ang alon. Saka na lang 'pag hindi na masungit ang panahon."

Tumalikod na siya sa bintana at humakbang palapit sa akin. Tumigil siya saglit.

"Hindi kita niloloko. Tataob talaga tayo niyan." Lumagpas na siya sa akin at nagtungong kusina.

Napasilip din tuloy ako sa bintana. Aninag ko nga ang madilim na karagatan.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
reader
grbe Yung babae sobrang Makati.. hayyy sa true to life may gnyan ba tlga na babae, Yung sobrang laswa at mahalay mag isip at mahilig sa sex. grbe saan kaya nakakiha Ng hint Yung writer. hndi Naman sya cguru ganto. haha
goodnovel comment avatar
Lani Olaybar Barimbao
I love the story update pleasessss ...️...️......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status