NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni mama sa aming tatlo. Kay France, kay Mike at panghuli ay sa akin. Alam kong naguguluhan siya sa nangyayari at ibig magtanong. Siniko ko si Mike. "Magandang araw ho," bati niya kay mama sabay nagmano. Nanatiling nakatayo sa likod si France ngunit walang pumupuna sa kaniya. Madaanan ko man ng mata ay parang wala akong nakita. Alam kong nang-uuyam siyang nakatitig sa akin."M-Magandang araw din, iho." Halatang nag-aalangan ang mama ko. Wala nga pala siyang alam na hiwalay na kami ni France. Ang hayop na 'to, ano'ng pinaggagawa sa buhay at... pinaayos itong bahay nang hindi ko alam?"Ma, kailan pa pinaayos itong bahay?" Muli, hindi ko siya binigyan ng atensyon. Kahit kita ko sa gilid ng mga mata ko na umalis si Francisco at bumalik sa kusina. Nakapulupot ang mga braso ni Mike sa beywang ko."N-Noong isang taon pa 'to sinimulan. Ngayon lang natapos." Mailap din ang mga mata ni Mama."I-Isang taon pa?" Biglang gawi ng mga mata ko sa kusina. "M-May isang lala
SABI ko naman kay Mike, hindi na kailangan nito. Pero ang mama niya raw ang nagplano para mai-announce raw sa ibang relatives nila ang nalalabi naming pagpapakasal. Ito na nga 'yong engagement party na sinabi ni France no'ng nakaraan.I was wearing a green silk dress. Manipis ang strap, hindi naman masyadong hapit sa katawan. Hanggang kalahati ng binti ang haba at may partner na silver stilleto. Kinulot ang mahaba ko nang buhok."How can I resist staring at you, babe? You're more than beautiful," bulong sa akin ni Mike habang bumababa kami sa hagdan.Napangiti ako at bahagyang kinurot siya sa tagiliran. "Nang-uuto ka na naman."Medyo marami na ang bisita sa baba. Alanganin pa ako nang makitang pinagtitinginan kami ng mga kamag-anak niyang ngayon ko pa lang makikilala. Ngunit naibsan din ang kabang 'yon nang ipulupot ni Mike ang braso sa beywang ko at ngumiti sa akin. Parang sinasabi ng kaniyang mga mata na siya'ng bahala sa akin.Hindi naman talaga iyon masasabing magarbong party. Di
DAYS passed at naging abala na nga kami sa pag-aasikaso para sa kasal. It would be a church wedding kaya puspusan ang paghahanda.They even hired a professional bridal gown maker para sa isusuot ko para sa araw na iyon. Almost two weeks akong hindi nakapasok sa school. Noon ko lang din nalaman na pati pala wedding ceremony ay kailangang pagpraktisan o i-rehearse. I should have been excited para sa pagsapit ng espesyal na araw na hinihintay namin ni Mike. Pero paano ba kung palagi kong nakikita si Francisco everytime may aasikasuhin kami about the wedding? Palagi siyang present lalo na noong nagre-rehearse na kami sa simbahan. Wala naman siyang role doon dahil ang pinsang si Raf ang kinuha ni Mike bilang bestman niya. Madalas nandoon lang siya sa isang sulok at nanonood sa amin. Palagi tuloy akong lutang at nawawalan ng gana sa ginagawa. Ni-request ko na nga kay Mike na sabihan itong huwag nang pupunta pero kahit nakailang sabi na, parang wala raw pakialam.Gusto ko sanang komprontahin
SUNUD-SUNOD akong naubo nang maalimpungatan dahil sa usok na nalanghap kong tumama sa aking mukha."Sorry..." Kahit kalahati pa lang ang nauubos ay pinatay na ni Francisco hinihithit na sigarilyo. Dinukdok niya sa ashtray na nakapatong sa side table. Nakatalikod siyang naupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga.Napabalikwas ako ng bangon. "B-Bakit- N-Nasaan ako?" Histerikal kong nilibot ng mata ang buong paligid. Nasa ibang kuwarto na ako, hindi pamilyar sa akin. Sa labas ng bintana ay kitang-kita ko ang mataas na sikat ng araw."Napasarap ang tulog mo. Kumain ka na..." instead ay kalmado niyang sabi saka tumayo at humakbang palapit ng pinto."A-Ano 'tong ginawa mo? Kasal namin ngayon ni Mike!" gigil na sigaw ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba o magwawala sa galit. Umahon ako sa kama at lumapit sa kaniya. Gusto ko siyang sampalin, suntukin - saktan... "Demonyo ka talaga! Bakit ba ayaw mo akong maging masaya?" Pero nasalag niya ang mga kamay kong dadapo sana sa dibdib niya. He held
GABI na pero hindi pa rin ako lumalabas ng aking kuwarto. Nakatulog na lang ako kanina kakaisip kay Mike. Gusto kong umalis dito. Tatakas ako.Kaya lang iniisip ko, paano? Sumasakit pa 'tong paa ko, "Buwisit!"Wala man lang din akong cellphone, walang pera. Wala kahit ano.Kailangan ko ng escape plan siguro? Dahil alam kong hindi naman madadala ang hayop na 'yon sa pakiusapan. Nagwawala na nga ako kanina, wala man lang pakialam. Sa tingin ko kahit sunugin ko 'tong bahay niya, hindi siya manghihinayang. Sandamakmak ang pera ng puta, alam kong kayang-kaya niyang magpagawa kahit ilang ganito. Naalarma ako nang marinig ko ang pag-click ng pinto. Itatago ko bali ang sarili ko pero huli na. Nakita na ako ng demonyo at basta-basta na lang pumasok sa loob. Sanay na sanay talagang manghimasok nang walang pasabi."Bakit?" inunahan ko na ng tanong. "Buti naman gising ka na." Inirapan ko siya."So?""Kumain ka na."Iyan pa ang ikinaiinis ko. Ang mga 'kidnapper' 'di ba, malulupit sa mga dinuduk
NAPASILIP ako sa ilalim ng kumot nang makarinig ng kaluskos sa pinto. Dumating na ang demonyo. Nagkunwari akong natutulog pero tinitingnan ko ang ginagawa niya. May dala siyang isang malaking plastic bag na inilapag niya sa gilid ng higaan ko. Tumingin pa siya sa gawi ko at ilang sandaling natigilan. Then kinuha niya ang mga pinagkainan ko. Napakamot pa siya sa ulo dahil iniwan ko talagang gulo-gulo iyon. Iyong mga mumo, inilagay ko sa heater na may laman pang tubig. Then 'yong plastic ng tinimpla kong kape ay ginupit-gupit ko nang pira-piraso. Ikinalat ko sa sahig.Nang makaalis siya ay saka ako bumangon. Curious na tiningnan ko ang dala niya. Mga damit? May mga bago ring underwear at bra? May toothbrush, may sanitary pads pa. May bagong sabon at shampoo. Aba! Naisip ako ng gago."Ano ba 'to?" dismayado namang bulalas ko nang tingnan ko ang size ng bra. 34B lang naman ako. Pero 'yong binili niya masyadong malaki. 40B? Tatlong pares 'yon kaya tiningnan ko pa 'yong iba. 36 at 38. Jusko
INIIWAS ko ang mga braso ko nang tangkain na naman iyong saklitin ni Francisco pagdating namin sa isla niya. Itinulak ko pa siya saka ako bumaba ng speed boat. Ni hindi ko siya nilingon. Halos takbuhin ko papuntang pinto ng bahay. Naka-lock at nasa kaniya ang susi kaya naghintay pa ako. Parehong hindi maipinta ang mga mukha namin. Kung galit siya, mas galit ako.Sinusian niya agad ang pinto at pabalyang binuksan iyon. "Pasok!" nakatiim na utos niya."Mauna ka!" sagot ko na bahagya pang dumistansya."Ang tigas talaga ng ulo mo-""Pa'no... t*ngina mo kase!" Itinulak ko siyang muli. Pumasok na nga lang ako pero hindi ko hinayaang mahawakan niya ako ulit. Bawat bagay na madaanan kong puwedeng ihagis, ibinabato ko sa kaniya."Ano ba? Ubos na mga gamit ko sa 'yo!" Lalong nanlisik ang mga mata niya."Magrereklamo ka, kung palayain mo na lang ako, gago!" Dumeretso ako sa kuwarto ko at ini-lock iyon. Binuhat ko pa 'yong bedside table at iniharang sa pinto. Sinubukan ko ring galawin ang aparado
MAAGA akong nagising kinabukasan. Ni hindi ko nga alam kung may tulog ba talaga ako. Basta alam ko, madilim pa eh bumangon na ako.Naghilamos at toothbrush lang ako dahil malamig pa ang panahon. Isinuot kong muli 'yong damit na suot ko noong araw na dalhin ako rito ni Francisco. Wala akong balak dalhin 'yong mga damit na binili niya para sa 'kin dito. Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko siya sa sala. Nakatayo siya sa tabi ng bintana at nakasilip sa labas."Ano'ng oras tayo aalis?" sabik na tanong ko. Lumingon siya sa aking blangko ang mukha."Hindi pa puwedeng magbangka ngayon." Nagsalubong ang mga kilay ko. "A-At bakit naman?""Kita mong umuulan pa. May bagyo yata. Malakas ang alon. Saka na lang 'pag hindi na masungit ang panahon."Tumalikod na siya sa bintana at humakbang palapit sa akin. Tumigil siya saglit."Hindi kita niloloko. Tataob talaga tayo niyan." Lumagpas na siya sa akin at nagtungong kusina. Napasilip din tuloy ako sa bintana. Aninag ko nga ang madilim na karagatan.