NAPASILIP ako sa ilalim ng kumot nang makarinig ng kaluskos sa pinto. Dumating na ang demonyo. Nagkunwari akong natutulog pero tinitingnan ko ang ginagawa niya. May dala siyang isang malaking plastic bag na inilapag niya sa gilid ng higaan ko. Tumingin pa siya sa gawi ko at ilang sandaling natigilan. Then kinuha niya ang mga pinagkainan ko. Napakamot pa siya sa ulo dahil iniwan ko talagang gulo-gulo iyon. Iyong mga mumo, inilagay ko sa heater na may laman pang tubig. Then 'yong plastic ng tinimpla kong kape ay ginupit-gupit ko nang pira-piraso. Ikinalat ko sa sahig.Nang makaalis siya ay saka ako bumangon. Curious na tiningnan ko ang dala niya. Mga damit? May mga bago ring underwear at bra? May toothbrush, may sanitary pads pa. May bagong sabon at shampoo. Aba! Naisip ako ng gago."Ano ba 'to?" dismayado namang bulalas ko nang tingnan ko ang size ng bra. 34B lang naman ako. Pero 'yong binili niya masyadong malaki. 40B? Tatlong pares 'yon kaya tiningnan ko pa 'yong iba. 36 at 38. Jusko
INIIWAS ko ang mga braso ko nang tangkain na naman iyong saklitin ni Francisco pagdating namin sa isla niya. Itinulak ko pa siya saka ako bumaba ng speed boat. Ni hindi ko siya nilingon. Halos takbuhin ko papuntang pinto ng bahay. Naka-lock at nasa kaniya ang susi kaya naghintay pa ako. Parehong hindi maipinta ang mga mukha namin. Kung galit siya, mas galit ako.Sinusian niya agad ang pinto at pabalyang binuksan iyon. "Pasok!" nakatiim na utos niya."Mauna ka!" sagot ko na bahagya pang dumistansya."Ang tigas talaga ng ulo mo-""Pa'no... t*ngina mo kase!" Itinulak ko siyang muli. Pumasok na nga lang ako pero hindi ko hinayaang mahawakan niya ako ulit. Bawat bagay na madaanan kong puwedeng ihagis, ibinabato ko sa kaniya."Ano ba? Ubos na mga gamit ko sa 'yo!" Lalong nanlisik ang mga mata niya."Magrereklamo ka, kung palayain mo na lang ako, gago!" Dumeretso ako sa kuwarto ko at ini-lock iyon. Binuhat ko pa 'yong bedside table at iniharang sa pinto. Sinubukan ko ring galawin ang aparado
MAAGA akong nagising kinabukasan. Ni hindi ko nga alam kung may tulog ba talaga ako. Basta alam ko, madilim pa eh bumangon na ako.Naghilamos at toothbrush lang ako dahil malamig pa ang panahon. Isinuot kong muli 'yong damit na suot ko noong araw na dalhin ako rito ni Francisco. Wala akong balak dalhin 'yong mga damit na binili niya para sa 'kin dito. Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko siya sa sala. Nakatayo siya sa tabi ng bintana at nakasilip sa labas."Ano'ng oras tayo aalis?" sabik na tanong ko. Lumingon siya sa aking blangko ang mukha."Hindi pa puwedeng magbangka ngayon." Nagsalubong ang mga kilay ko. "A-At bakit naman?""Kita mong umuulan pa. May bagyo yata. Malakas ang alon. Saka na lang 'pag hindi na masungit ang panahon."Tumalikod na siya sa bintana at humakbang palapit sa akin. Tumigil siya saglit."Hindi kita niloloko. Tataob talaga tayo niyan." Lumagpas na siya sa akin at nagtungong kusina. Napasilip din tuloy ako sa bintana. Aninag ko nga ang madilim na karagatan.
UMANGAT ang mga kamay ko, ngunit hindi para pigilan o itulak si Francisco, kundi para kumapit sa batok niya.Nanginginig pa ang mga labi ko nang tugunin ko ang halik niya. Alam kong mali itong gagawin namin pero gaya nga ng sinabi ko, hindi naman malalaman ni Mike. Sorry.. Pero.. mahirap tumanggi lalo na kung... gusto ko rin. Naibaba agad ni Francisco ang zipper ng pinahiram niyang jacket sa akin. Kikilos pa lang ako para tulungan siyang hubarin 'yon pero pinigilan niya ako. "Huwag na, itataas ko na lang," parang paos na sabi niya.Hindi na ako umimik at hinayaan ko na lang siya sa balak niyang gawin. Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Banayad lang at tumutunog pa. Impit akong napaungol. It didn't change. Nakakakiliti pa rin at nakakabaliw. Minsan literal akong natatawa 'pag nararamdaman ko sa balat ang pagtama ng mainit niyang hininga. Naramdaman ko pang parang sumisipsip siya roon."H-Huwag diyan, please?" pakiusap ko. Nakakahiya namang may makakita ng ebidensya. Okay sana kung sa
NAGISING akong may mabigat na nakadagan sa katawan ko. Medyo naduling pa ako nang pagmulat ko ay ang papalapit na mukha ni Francisco ang una kong nakita. Hindi ako nakapalag pa dahil hawak na niya ang aking mga kamay. "Good morning!" masuyo niyang bati matapos ng ilang segundo niyang halik sa mga labi ko. Napatingin ako sa orasan sa may tapat ng higaan ko. Sa pagkakatanda ko ay alas-nueve ako pumasok dito sa kuwarto para magbawi ng tulog. At mag-a-alas-diyes pa lang ngayon. Kaya pala medyo masakit sa ulo."B-Bakit ba? Natutulog 'yong tao eh!" late reaction ko. Sinubukan ko pang kumawala pero nakasiksik na siya sa gitna ng mga hita ko."Ang init agad ng ulo, naglalambing lang eh." Pinupog niya ng halik pati mukha ko. "T-Tigilan mo ako. H-Huwa-" Pero wala na, nahalikan na niya akong muli. Naramdaman ko rin ang masuyong pagdama niya sa katawan ko. Naitaas niya agad ang suot ko, nahubad, naitapon sa sahig. Lahat-lahat. Ang bilis ng mga kamay. Heto na naman siya. Binabaliw na naman ako.
SUMAMA ako hanggang sa detention center ng airport kahit ilang beses akong sinabihan ni Francisco na tumuloy na sa flight ko. Ayokong iwanan siyang mag-isa. Baka wala siyang kakilala rito. Kanino siya hihingi ng tulong? Tapos dadalhin ko pa 'tong cellphone niya. "Ang tigas talaga ng ulo mo," makailang ulit niyang sabi na ilang ulit ding naglabas-masok lang sa tainga ko. May bakal na nakapagitan sa aming dalawa. Nasa loob siya at nasa labas ako. Sandali kaming pinayagan ng bantay na magkausap."Hindi ako aalis," nakalabing tugon ko sa kaniya. Nag-aalala ako, sobra.Pero tinawanan niya lang ako. "Ano ba'ng problema mo? 'Di ba uwing-uwi ka na? Ba't ngayon umuurong ka?"Nagbanta ang mga mata kong parang iiyak. "S-Sabi mo kailangan mo ako.""What?"Napalunok ako. "T-Tatawagan ko na ba si Carlo? Kailangan mo ng assistant?" Hindi ko alam kung bakit tarantang-taranta rin ako."Carlo's not working for me anymore, mga ilang buwan na rin. Huwag mo nang istorbohin 'yong tao.""E-Eh, sino'ng tata
IT'S been a month since it happened at pinilit kong ibalik sa normal ang sistema at pamumuhay ko. Nakabalik pa rin ako sa school matapos tanggapin ng principal ang alibi ko nang halos dalawang linggo akong nawala. Sinabi kong nagkaroon ng emergency kaya biglaan ang pag-uwi ko sa probinsya. Kung paano ko ito nakumbinsi ay nagpapasalamat na lang ako. At buti na lang din hindi ipinaalam ni Mike sa publiko ang nangyari kung hindi ay tiyak pagtatampulan ako ng chismis."Pero iyon ba talaga ang totoong nangyari?" Ngunit sa tatlong kaibigang naimbitahan ko sa naudlot kong kasal ay hindi ako ligtas sa pagdududa."Noong araw ng kasal mo, halos mabaliw kakahanap sa 'yo si Mike. Pati kami halos masiraan na rin kakaisip kung ano'ng nangyari at bigla kang nawala. Ilang araw na ang nakalipas, palagi niya kaming pinupuntahan dito, nangungulit. Baka raw may alam kami. Hindi naman siya puwedeng magbintang nang walang ebidensya pero... may kinalaman ba si... France sa nangyari?"Sa loob ng halos apat
'I'll be waiting..' Mga katagang paulit-ulit na lumilitaw sa utak ko. Maaga pa lang, naghihintay na ako sa tawag ng warden. Nag-umagahan na pero halos hindi ko magalaw ang pagkain. I was so occupied by her thoughts. The way Sandy looked at me yesterday, the way she touched my hands, the way she checked on me and the way she talked na ramdam kong totoo siya sa lahat ng sinasabi niya.I didn't really expect so much from her. I wanted her to go on, leave and forget me because I'm aware how complicated man I am. But seeing her here yesterday out of the blue changed it all.Until now, nagsisisi ako na hindi ko sinabi ang totoo sa kaniya. I was overly confident that whatever happened I would always find a way para bumalik. But because of that single mistake, I ruined it all. It was true that I was already a married man when we met. To Kirsten, my two-year girlfriend. "France... I'm pregnant." Natigilan ako at nagkatinginan kami. Agad nilukob ng galit ang loob ko."What's the meaning of t