NAPATINGIN ako sa orasan. Pasado 12 na ng hatinggabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hawak ko pa rin ang cellphone na ibinigay ni Mike. Nagawa ko na rin ang pinagagawa niya. Nai-save ko na ang number niya.Pero parang may gusto pa akong gawin. Kanina ko pa talagang gustong gawin. Kaya lang, nahihiya ako. Baka kung ano'ng isipin niya.Huminga ako nang malalim. Iche-check mo lang naman kung tama 'yong number na ibinigay niya. Natampal ko ang sarili. Para akong tanga. Hindi, magpapasalamat ka pala dahil sa magandang phone na ibinigay niya.Nagpabiling-biling ako. Ano ba talaga?Bahala na!Question mark. Iyon ang i-s-in-end ko sa inbox niya. Para pa akong nakaramdam ng pagsisisi nang tuluyan na ngang mamarkahan 'yon ng Sent. Napatalukbong pa ako ng kumot. Kinakabahan, nae-excite at nangangamba kung sasagot ba siya o hindi. Dis oras na kasi ng gabi. Hala baka isipin no'n hindi ako makatulog kakaisip sa kaniya!Nasabunutan ko ang sarili. Masyado na ba akong obvious? Ano'ng gagawin ko eh a
HININTAY ko ang reply niya pero namuti lang ang mga mata ko. Ngunit maya't maya pa rin ang silip ko sa cellphone kahit nasa kalagitnaan pa ako ng klase sa pag-asang maalala niya rin ako. Only to feel disappointed dahil magtatanghali na pero wala man lang siyang miski anong update.Gusto ko sana mag-send ulit ng message kaso huwag na at baka wala siyang time. Baka isipin pang ako itong atat. I'll miss you raw, pero wala namang paramdam. "Hmmp! Imposible naman 'yon, pagdating niya ng airport, deretso eroplano siya agad. Hindi niya ba nabasa ang text ko?"Lumungkoy lang ako sa ibabaw ng mesa nang kinatanghalian. Wala akong ganang kumain. Naiinis ako. Tinulugan na nga ako kagabi tapos ngayon naman ganito.Hindi pa nga kami, wala na siyang time sa akin. Pa'no 'pag kami na? Para pa akong umiiyak sa isip ko. Hmmp! Ni hindi ko nga alam kung magiging kami. Wala naman siyang sinabi kung... kung "Hoy, babae, hindi ka ba sasabay?" Biglang balik ko sa huwisyo nang marinig ang boses ni Ma'am Alic
"TEKA! Teka, sandali!" mariing tutol ko. Aba hindi ako papayag na basta-basta lang niya akong ika-cancel. Matapos lahat ng effort ko?"Sand. I'm on a hurry-""Ano ba kasing problema? Bakit? Ano'ng nangyari?" Tumaas ang boses ko. Tumayo ako at dinampot ang sling bag ko. Lumabas na ako ng pinto. Aba! Bawal talaga akong i-cancel. Bumuntong-hininga siya. "I don't know how to tell you...""Kapag hindi tayo natuloy ngayon, tapusin na lang natin 'to. Ayoko nang pinangangakuan lang ako.""What?!" Napangiti ako nang marinig ang shocked niyang boses. Narinig ko pa siyang napabuga ng hangin. "Wait, Sandy. Can't you give me another time? Mag-e-explain ako-""Nandito na ako sa labas, naglalakad. Kung ayaw mo, eh 'di h'wag. It's now or never!" Walang excuse-excuse sa akin ngayon. 'Pag hindi niya ako pinili, isa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi siya seryoso sa akin.Matagal bago siya nakasagot. Nandoon na naman ang sunud-sunod niyang paghinga nang malalim."I'm sorry, Sand, but... Chloe needs me
TILA hindi maganda ang gising ko kinabukasan. Pagmulat pa lang ng mata ay wala akong excitement na naramdaman. Linggo ngayon at ang usapan ay magkikita ulit kami ni Mike. Pero kapag naaalala ko ang nangyari kagabi, nawawalan ako ng gana. Halik sa noo? Letse!Magsisimba ako ngayon. Sasama raw siya. Iyong pang-alas-singko ng umagang mass ang nakasanayan kong daluhan kaya bago mag 4:30 ay ayos na ako. "Good morning. Dito na ako." Tumawag pa talaga siya para sabihin 'yon. Pero hindi ako natutuwa sa kaniya. Tinawag-tawag niya akong Babe tapos pambatang halik ang ibibigay. Ano 'yon?Nakabusangot ako nang umalis ng apartment. Sa labas ay tanaw ko na nga ang kotse niya. Nakangiti siya nang salubungin ako. Hindi ko sana papansinin kaso ewan ko ba rito sa mga mata ko, biglang naakit tumingin sa kaniya. At itong puso ko bumilis ang pintig. Naamoy ko pa ang mahalimuyak niyang pabango. Itong mga paa ko para tuloy gustong tumakbo palapit sa kaniya, para mayakap siya ng mga bisig ko. Takte, agang-
NAPABITAW ako sa kaniya at bahagya siyang itinulak."K-Kasal agad?""Oo." Hinawakan niya pa ang baba ko at iniangat ang aking mukha. "O, bakit parang nawala ang tapang mo?"Napalunok ako at akmang mag-iiba ng tingin pero pinihit niya ang ulo ko."Ano? And what did you say again? Ang hirap kong...?"Napapikit ako. Nakakahiya. Ano ba'ng pumasok sa kukote ko at nasabi ko iyon? Anlandi kasi!"Yes!" malakas na sigaw ko habang nakapikit pa rin. Bahala na. Ang gusto ko lang ay ang matapos ang awkward moment na ito."Yes?""Yes, I will marry you. 'Di ba nagtatanong ka?"Matagal bago siya nakapagsalita kaya nagmulat na ako. "Sigurado ka?" Seryoso pa rin pala siyang nakatingin sa akin. Tumango ako. "O-Oo." 'Di ba't siya nga dapat ang tinatanong ko? Ang bilis ng desisyon niya. Wala pa kaming label pero kasal agad? Kanina niya lang ako tinawag na girlfriend. Pero ako kasi gusto ko siya. Alam ko 'yon sa sarili ko. Ilang gabi na ba akong hindi nakakatulog kakaisip sa kaniya? Kakapantasya kung an
"THIS is my life when I'm away, babe," sabi ni Mike habang bumababa na kami ng eroplano. "Now I know," sabi ko naman at tumingin pa ako sa kaniya. Inilibot ko ang mga mata ko na bahagyang nanlaki nang mabasa ko ang malalaking letrang nakapaskil sa taas ng airport kung saan kami nag-landing. Honolulu International Airport. Saglit ko pang hinalukay sa isip ko kung anong bansa ang may ganoong lugar. Pero naalala kong mahina nga pala ako sa geography kaya tinanong ko na lang sa kaniya."Aloha, my love. We're in Hawaii."PUMARA agad kami ng taxi para magpahatid sa na-booked niyang hotel. It was one sleepless night for Mike at humihingi muna siya ng pahinga. Na hindi ko naman tinutulan. Hindi kalayuan ang hotel kaya narating din namin agad.Habang naglalakad palapit sa front desk ay kung ano-ano na namang tumatakbo sa isip ko. Dala ni Mike ang maleta ko at ang traveling bag kung saan nakalagay ang mga gamit niya kaya hindi ako masyadong makakapit sa kaniya.May ipinakita lang siya mula sa
"WHERE have you been?" sa halip na sagutin ang tanong ko ay nagbalik-tanong pa si Francisco. Saglit siyang tumingin sa maletang hawak ko saka sa akin."Sabi ko, ano'ng ginagawa mo rito?" Pero wala akong balak sagutin 'yon. Pakialam ba niya? Pinilit kong makipagtagisan ng tingin sa kaniya ngunit unti-unting nanghihina ang loob ko. Bumalik na naman sa alaala ko ang sakit na dinulot niya three years ago. At parang nagbabadya pa ngang bumagsak ang mga luha ko. Hindi pa ako handang makita siya."I just came back..." Ang ikinaiinis ko pa, hindi man lang kababakasan ng kahit ano'ng guilt ang mga mata niya. Na parang wala siyang atraso sa akin. Na parang wala lang ang lahat. "Umalis ka na, wala akong pakialam." Binuksan ko pa ang pinto para sa kaniya. Nagbawi na ako ng tingin at sa peripheral vision ko na lang tiningnan kung kumikilos na ba siya o hindi.Matagal bago siya natinag sa kinauupuan niya ngunit hinintay ko iyon. Nanatiling tikom ang aking mga labi habang magkadikit sa loob ang ak
UNTI-UNTING bumilis ang mga hakbang ko nang makita si Mike na nag-aabang sa akin sa labas ng gate. Maaga ang uwi niya galing trabaho at pinangako niya ngang susunduin ako ngayon sa school. Kumapit agad ako sa braso niya nang magkalapit kami. "Bye, Ma'am Sandy!" Nagngingitian pa ang tatlo kong co-teachers na iniwan ko sa paglalakad. "Bye Mr. P.! Ingat kayo." Ngitian lang sila ni Mike."So how's the day, babe?" tanong ni Mike nang kami na lang dalawa ang magkasama. Naglalakad lang kami."Okay naman," tugon ko kahit sa totoo lang ay halos maghapon akong hindi natigil sa pag-iisip sa encounter na naganap sa amin ni Francisco kahapon."Buti naman. Eh 'yong sabi mong lock na pinagawa mo kahapon? Ayos na ba?"Tumango ako. "O-Oo. Okay na 'yon, w-walang problema...""Sigurado ka ba, babe? Are you okay?"Napansin niya marahil na panay ang libot ng mata ko sa paligid.Tumango ako. "O-Okay lang, babe. May naalala lang ako." "Dadalhin na kita sa bahay ngayon ah..." Natigilan ako."H-Huh?""Umuwi