HUMAKBANG ako nang paurong nang magtangkang lumapit sa akin si Francisco. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata. Para akong nauupos na kandila. Ni hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Galit na galit ako pero walang salitang ibig manulas mula sa aking bibig."Sandy..." Lalo lang akong nanghina nang pati pangalan ko sa malamig na tono na lang din niya binanggit. "Paano mo nalaman? Magpapaliwanang ak-""H-Huwag na. N-Nakita at alam ko na, ano pang kailangan mong ipaliwanag? H-Huwag kang mag-alala, alam ko naman kung ano'ng dapat gawin. H-Hindi ako... m-manggugulo sa inyo.." Nangangatal pa nga ang boses ko habang nagsasalita. Tumalikod na ako dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang muling pagtutubig ng aking mga mata. Pinahid ko agad gamit ang aking kamay, pero hindi napigilan ang hikbi. Hahakbang na bali ako patawid ng kalsada nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na dumantay sa aking balat."No, Sandy. I have to-""Sabing huwag na nga eh!" Pilit kong inilabas
THERE'S a rainbow always after the rain.Paulit-ulit na itinatak ko sa isip. Na sa kabila ng kalungkutan ay may nakaabang namang ligaya at kasiyahan. Iyon ang isa sa mga ginawa kong motivation para maka-move on. Para palubagin na rin ang loob ko, pagaanin at unti-unting paghilumin ang puso. Minsan nagbabasa ako ng mga motivational books para mas lalong patatagin ang loob ko. Natuto na rin akong magsimba tuwing araw ng Linggo. Manalangin gabi-gabi. At kapag weekends, lumalabas-labas na rin ako ng bahay. Jogging, minsan tumatambay sa park. At tuwing araw naman ng sahod ay nakiki-hang-out with my co-teacher friends.In short, natuto akong makibagay sa mundo at hindi lang mag-focus sa iisang tao.It's been almost three years since it happened. Wala na akong balita sa kaniya at wala na ring balak makibalita pa. I didn't leave my apartment. Five years rental fee pala ang binayaran noon ni Francisco kay Aling Beth kaya sobrang nanghinayang akong layasan. Hindi ko na raw 'yon mare-refund dahi
WALA rin akong nagawa nang sumabay siya sa akin nang magpasya na akong bumalik sa apartment. Panay ang kausap niya sa 'kin. Tanong nang tanong tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko sa buhay."So, wala ka na pala sa Essentrix, saan ka na nagwo-work ngayon?" tanong niya na naman. Naiilang na nga ako dahil parang sinasadya niyang bagalan ang paglalakad. Halos kalahating oras na ang nakalilipas, hindi pa kami nakakarating sa apartment."Sa.. St. Achilles-""Memorial School?" parang gulat pang dugtong niya. "Oo-""As?"Hindi ko alam kung ano'ng espesyal sa school na 'yon para sa kaniya pero nakangiti at napangiti pa siyang lalo no'ng sinabi kong nagtuturo ako roon. "Kailan pa? It really surprised me. Teacher ka pala?" Na-o-OA-yan na nga ako sa reaksyon niya."Three years ago rin. Saglit lang naman akong nag-work sa Essentrix." Pero pinilit ko pa ring maging casual.Tumango siya. "I see, I see. Ako ba? Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa buhay ko?"Napataas ang dalawang kilay ko. Talaga l
NAGMAMADALI akong naglakad papasok. Balak ko sanang dumeretso agad sa table ko. Agang-aga parang matsi-tsismis na naman ako."Luka, sino 'yon?" Nangunguna pa sa pagtatanong si Ma'am Alice na matandang dalaga pa rin. As usual, ang pinaka-ususera."Wala 'yon." Dumeretso lang ako ng lakad. Ngunit sinundan pa rin ako kasama ang mga alperes niya. "Asus! Ikaw talaga! Kunwari ka pa!" "Monday na Monday, chismis agad ang inaatupag n'yo!"Naupo agad ako sa desk ko at inilabas agad ang laptop ko. Kunwari bisi-bisihan ako."So 'yon na ba ang bagong kapalit ni Sir France? Ayiehh! Habulin ka talaga ng guwapo!" si Ma'am Mildred."Che! Nagtanong lang ng dereksyon 'yong tao eh." Pinandilatan ko pa ng mata."Ayan. Hindi tuloy nakagawa ng lesson plan si Sandy, kakaisip 'yan kay new suitor." Nangingintab pa ang mga mata ni Ma'am Annie.Alam nila. Alam nilang wala na kami ni France. Pero hindi ko sinabi ang tunay na kuwento. Ang sabi ko lang, hindi ako tanggap ng magulang. Mukha namang kinagat nila ang
NAPATINGIN ako sa orasan. Pasado 12 na ng hatinggabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hawak ko pa rin ang cellphone na ibinigay ni Mike. Nagawa ko na rin ang pinagagawa niya. Nai-save ko na ang number niya.Pero parang may gusto pa akong gawin. Kanina ko pa talagang gustong gawin. Kaya lang, nahihiya ako. Baka kung ano'ng isipin niya.Huminga ako nang malalim. Iche-check mo lang naman kung tama 'yong number na ibinigay niya. Natampal ko ang sarili. Para akong tanga. Hindi, magpapasalamat ka pala dahil sa magandang phone na ibinigay niya.Nagpabiling-biling ako. Ano ba talaga?Bahala na!Question mark. Iyon ang i-s-in-end ko sa inbox niya. Para pa akong nakaramdam ng pagsisisi nang tuluyan na ngang mamarkahan 'yon ng Sent. Napatalukbong pa ako ng kumot. Kinakabahan, nae-excite at nangangamba kung sasagot ba siya o hindi. Dis oras na kasi ng gabi. Hala baka isipin no'n hindi ako makatulog kakaisip sa kaniya!Nasabunutan ko ang sarili. Masyado na ba akong obvious? Ano'ng gagawin ko eh a
HININTAY ko ang reply niya pero namuti lang ang mga mata ko. Ngunit maya't maya pa rin ang silip ko sa cellphone kahit nasa kalagitnaan pa ako ng klase sa pag-asang maalala niya rin ako. Only to feel disappointed dahil magtatanghali na pero wala man lang siyang miski anong update.Gusto ko sana mag-send ulit ng message kaso huwag na at baka wala siyang time. Baka isipin pang ako itong atat. I'll miss you raw, pero wala namang paramdam. "Hmmp! Imposible naman 'yon, pagdating niya ng airport, deretso eroplano siya agad. Hindi niya ba nabasa ang text ko?"Lumungkoy lang ako sa ibabaw ng mesa nang kinatanghalian. Wala akong ganang kumain. Naiinis ako. Tinulugan na nga ako kagabi tapos ngayon naman ganito.Hindi pa nga kami, wala na siyang time sa akin. Pa'no 'pag kami na? Para pa akong umiiyak sa isip ko. Hmmp! Ni hindi ko nga alam kung magiging kami. Wala naman siyang sinabi kung... kung "Hoy, babae, hindi ka ba sasabay?" Biglang balik ko sa huwisyo nang marinig ang boses ni Ma'am Alic
"TEKA! Teka, sandali!" mariing tutol ko. Aba hindi ako papayag na basta-basta lang niya akong ika-cancel. Matapos lahat ng effort ko?"Sand. I'm on a hurry-""Ano ba kasing problema? Bakit? Ano'ng nangyari?" Tumaas ang boses ko. Tumayo ako at dinampot ang sling bag ko. Lumabas na ako ng pinto. Aba! Bawal talaga akong i-cancel. Bumuntong-hininga siya. "I don't know how to tell you...""Kapag hindi tayo natuloy ngayon, tapusin na lang natin 'to. Ayoko nang pinangangakuan lang ako.""What?!" Napangiti ako nang marinig ang shocked niyang boses. Narinig ko pa siyang napabuga ng hangin. "Wait, Sandy. Can't you give me another time? Mag-e-explain ako-""Nandito na ako sa labas, naglalakad. Kung ayaw mo, eh 'di h'wag. It's now or never!" Walang excuse-excuse sa akin ngayon. 'Pag hindi niya ako pinili, isa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi siya seryoso sa akin.Matagal bago siya nakasagot. Nandoon na naman ang sunud-sunod niyang paghinga nang malalim."I'm sorry, Sand, but... Chloe needs me
TILA hindi maganda ang gising ko kinabukasan. Pagmulat pa lang ng mata ay wala akong excitement na naramdaman. Linggo ngayon at ang usapan ay magkikita ulit kami ni Mike. Pero kapag naaalala ko ang nangyari kagabi, nawawalan ako ng gana. Halik sa noo? Letse!Magsisimba ako ngayon. Sasama raw siya. Iyong pang-alas-singko ng umagang mass ang nakasanayan kong daluhan kaya bago mag 4:30 ay ayos na ako. "Good morning. Dito na ako." Tumawag pa talaga siya para sabihin 'yon. Pero hindi ako natutuwa sa kaniya. Tinawag-tawag niya akong Babe tapos pambatang halik ang ibibigay. Ano 'yon?Nakabusangot ako nang umalis ng apartment. Sa labas ay tanaw ko na nga ang kotse niya. Nakangiti siya nang salubungin ako. Hindi ko sana papansinin kaso ewan ko ba rito sa mga mata ko, biglang naakit tumingin sa kaniya. At itong puso ko bumilis ang pintig. Naamoy ko pa ang mahalimuyak niyang pabango. Itong mga paa ko para tuloy gustong tumakbo palapit sa kaniya, para mayakap siya ng mga bisig ko. Takte, agang-