SA likod ako dumaan para hindi kami magpang-abutan. Buti't hindi naka-lock ang pinto. Konektado iyon sa kitchen kaya kunwari ay nagtitimpla ako ng kape. Sa ganoong sitwasyon niya ako naabutan."Please, make it two." Saglit ko lang siyang nilingon. Naupo siya sa upuan sa may dining table.Tahimik ko lang siyang sinunod at mayamaya nga ay ipinatong ko ang tasa ng kape sa may tapat niya. Maging ang sa akin ay dala ko rin. Napatda pa ako nang maramdamang ipinulupot niya ang isang kamay sa beywang ko."I'm sorry," pabulong niyang sabi habang nakatingin sa akin. "I should have done it before."Napakunot ang noo ko. Ang alin? At bakit siya nagso-sorry? Ano ang tinutukoy niya? Iyong pagpapakasal ba?"A-Ako dapat ang mag-sorry," kabadong tugon ko. "D-Demanding akong masyado. Hindi ako makapaghintay. Parang wala akong tiwala sa 'yo. A-Alam kong may ibang bagay ka ring pinoproblema at inaasikaso..." Iniisip ko ang mga narinig kanina. Ano kaya iyon? Tungkol saan? Galit siya kanina, pero ngayon ba
NAKATINGIN ako sa cake na naka-display sa may estante. Maliit lang 'yon at tama lang for four slices. May design kasing batang lalaki sa may gilid at kulay blue ang icing. Sobrang cute. Gusto ko sanang bilhin. Thirtieth birthday ng tukmol ngayon. Imagine that, ambilis ng panahon. Naalala ko pa noong nagpunta siya sa birthday celebration ng co-teacher ko na kasunuran niya lang pala ang birthday. Kung anu-anong nangyari, magiging kami rin pala.Binili ko nga ang cake. Eh kasi hindi ko naman alam kung ano'ng ireregalo ko sa kaniya. Kayang-kaya niya namang bilhin lahat ng nanaisin niya. Alangan din namang katawan ko eh matagal na niyang naangkin 'to. Kaya ito na lang cake. Para at least may malalamon ako kapag nagutom ako ng madaling araw. Alam kong hindi siya mahilig sa matamis at titikim lang siya nito kaya sa akin din ito mapupunta. Wala rin naman akong talent na puwedeng ipakita sa kaniya. Pero siguro naman maa-appreciate niya ito kahit papa'no. At least may mahihipan siyang candle ma
PERO hindi ko alam kung paano ako nakahabol at nakahagip agad ng taxi. Ang alam ko, wala akong sinayang na sandali. Tumakbo ako para habulin ang kaniyang sasakyan. Mabuti't hindi masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya at medyo may kadiliman ang kalsada. Medyo malapit din sa highway at saktong papadaan ang isang taksing halos magpabunggo na ako nang aking parahin.Nababaliw na yata ako. Desperada. Ni wala man lang akong dalang pera nang mga sandaling 'yon. Nakapantulog pa ako at tsinelas na pambahay lang ang suot. Gulo-gulo rin ang buhok, pawis na pawis, naghahabol ng hininga. "Manong, pakisundan n'yo nga ang sasakyang 'yon, bilis!" bossy ko pang utos sa driver. Tutok na tutok ang mga mata ko sa sasakyan ni Francisco. Saan ang punta mong hayop ka at hindi ka man lang nagsabi sa akin? Tinatanong kita kagabi kung aalis ka ba ulit pero sinabi mo, hindi. T*ngin*, ano 'to?"Bilisan n'yo, baka makalayo!" sigaw kong muli nang mapansin kong medyo lumalaki na ang agwat namin. Hindi ko pinansi
HUMAKBANG ako nang paurong nang magtangkang lumapit sa akin si Francisco. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata. Para akong nauupos na kandila. Ni hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Galit na galit ako pero walang salitang ibig manulas mula sa aking bibig."Sandy..." Lalo lang akong nanghina nang pati pangalan ko sa malamig na tono na lang din niya binanggit. "Paano mo nalaman? Magpapaliwanang ak-""H-Huwag na. N-Nakita at alam ko na, ano pang kailangan mong ipaliwanag? H-Huwag kang mag-alala, alam ko naman kung ano'ng dapat gawin. H-Hindi ako... m-manggugulo sa inyo.." Nangangatal pa nga ang boses ko habang nagsasalita. Tumalikod na ako dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang muling pagtutubig ng aking mga mata. Pinahid ko agad gamit ang aking kamay, pero hindi napigilan ang hikbi. Hahakbang na bali ako patawid ng kalsada nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na dumantay sa aking balat."No, Sandy. I have to-""Sabing huwag na nga eh!" Pilit kong inilabas
THERE'S a rainbow always after the rain.Paulit-ulit na itinatak ko sa isip. Na sa kabila ng kalungkutan ay may nakaabang namang ligaya at kasiyahan. Iyon ang isa sa mga ginawa kong motivation para maka-move on. Para palubagin na rin ang loob ko, pagaanin at unti-unting paghilumin ang puso. Minsan nagbabasa ako ng mga motivational books para mas lalong patatagin ang loob ko. Natuto na rin akong magsimba tuwing araw ng Linggo. Manalangin gabi-gabi. At kapag weekends, lumalabas-labas na rin ako ng bahay. Jogging, minsan tumatambay sa park. At tuwing araw naman ng sahod ay nakiki-hang-out with my co-teacher friends.In short, natuto akong makibagay sa mundo at hindi lang mag-focus sa iisang tao.It's been almost three years since it happened. Wala na akong balita sa kaniya at wala na ring balak makibalita pa. I didn't leave my apartment. Five years rental fee pala ang binayaran noon ni Francisco kay Aling Beth kaya sobrang nanghinayang akong layasan. Hindi ko na raw 'yon mare-refund dahi
WALA rin akong nagawa nang sumabay siya sa akin nang magpasya na akong bumalik sa apartment. Panay ang kausap niya sa 'kin. Tanong nang tanong tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko sa buhay."So, wala ka na pala sa Essentrix, saan ka na nagwo-work ngayon?" tanong niya na naman. Naiilang na nga ako dahil parang sinasadya niyang bagalan ang paglalakad. Halos kalahating oras na ang nakalilipas, hindi pa kami nakakarating sa apartment."Sa.. St. Achilles-""Memorial School?" parang gulat pang dugtong niya. "Oo-""As?"Hindi ko alam kung ano'ng espesyal sa school na 'yon para sa kaniya pero nakangiti at napangiti pa siyang lalo no'ng sinabi kong nagtuturo ako roon. "Kailan pa? It really surprised me. Teacher ka pala?" Na-o-OA-yan na nga ako sa reaksyon niya."Three years ago rin. Saglit lang naman akong nag-work sa Essentrix." Pero pinilit ko pa ring maging casual.Tumango siya. "I see, I see. Ako ba? Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa buhay ko?"Napataas ang dalawang kilay ko. Talaga l
NAGMAMADALI akong naglakad papasok. Balak ko sanang dumeretso agad sa table ko. Agang-aga parang matsi-tsismis na naman ako."Luka, sino 'yon?" Nangunguna pa sa pagtatanong si Ma'am Alice na matandang dalaga pa rin. As usual, ang pinaka-ususera."Wala 'yon." Dumeretso lang ako ng lakad. Ngunit sinundan pa rin ako kasama ang mga alperes niya. "Asus! Ikaw talaga! Kunwari ka pa!" "Monday na Monday, chismis agad ang inaatupag n'yo!"Naupo agad ako sa desk ko at inilabas agad ang laptop ko. Kunwari bisi-bisihan ako."So 'yon na ba ang bagong kapalit ni Sir France? Ayiehh! Habulin ka talaga ng guwapo!" si Ma'am Mildred."Che! Nagtanong lang ng dereksyon 'yong tao eh." Pinandilatan ko pa ng mata."Ayan. Hindi tuloy nakagawa ng lesson plan si Sandy, kakaisip 'yan kay new suitor." Nangingintab pa ang mga mata ni Ma'am Annie.Alam nila. Alam nilang wala na kami ni France. Pero hindi ko sinabi ang tunay na kuwento. Ang sabi ko lang, hindi ako tanggap ng magulang. Mukha namang kinagat nila ang
NAPATINGIN ako sa orasan. Pasado 12 na ng hatinggabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hawak ko pa rin ang cellphone na ibinigay ni Mike. Nagawa ko na rin ang pinagagawa niya. Nai-save ko na ang number niya.Pero parang may gusto pa akong gawin. Kanina ko pa talagang gustong gawin. Kaya lang, nahihiya ako. Baka kung ano'ng isipin niya.Huminga ako nang malalim. Iche-check mo lang naman kung tama 'yong number na ibinigay niya. Natampal ko ang sarili. Para akong tanga. Hindi, magpapasalamat ka pala dahil sa magandang phone na ibinigay niya.Nagpabiling-biling ako. Ano ba talaga?Bahala na!Question mark. Iyon ang i-s-in-end ko sa inbox niya. Para pa akong nakaramdam ng pagsisisi nang tuluyan na ngang mamarkahan 'yon ng Sent. Napatalukbong pa ako ng kumot. Kinakabahan, nae-excite at nangangamba kung sasagot ba siya o hindi. Dis oras na kasi ng gabi. Hala baka isipin no'n hindi ako makatulog kakaisip sa kaniya!Nasabunutan ko ang sarili. Masyado na ba akong obvious? Ano'ng gagawin ko eh a