Share

Chapter 29

Hindi mapakali si Phoebe sa trabaho dahil laman ng isip niya si Prince. Ayaw siya payagan ni Thomas na pumunta ng ospital dahil kay Drew. Hindi niya din naman masuway ang lalaki dahil natatakot siya pwede nitong gawin sa kanya.

Nang break nila ang agad niyang tinawagan si ate Mel.

“Hello ate Mel, pasensya ka na kung naabala ko pagpapahinga mo ha. Hindi ko kasi alam ang phone number ni Luna.”

“Hija…” mahinahon na tawag sa kanya ng babae.

“Naku sorry po talaga, sige po mamaya na lang ako tatawag pag nasa ospital na kayo.”

“Phoebe alam na ng kapatid mo.”

“Po? Ang alin po?” napakunot-noo naman siya nang hindi nakuha agad ang sinabi ng kausap.

“Si Prince…alam na niyang si Sir Thomas ang nasa likod ng mga ito…at-at ang relasyon mo sa kanya.”

Parang nabingi si Phoebe sa mga sinabi ni ate Mel. Paano? Kailan? Alam ba talaga nito ang lahat?

“Ate Mel naman, pano naman malalaman ni kuya yun? Si Drew! Sigurado ako si Drew!”

“H-Hindi hija…n-narinig niya kayo noong nasa loob kayo ng ICU, nakausap ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status