Laking pasalamat ni Phoebe dahil hindi umabot sa kapatid niya ang iskandalong kinasangkutan dahil kung hindi ay baka mas lalo lumala ang sitwasyon nito.“Phoebe hindi pa ata ako makaka-attend ng graduation mo. Hindi pa kaya ng katawan ko, pero susubukan ko.” Sabi ng kuya Prince niya isang araw na dumalaw siya dito.Isang lingo na lamang ang graduation na nila.“Ang mahalaga magpagaling ka kuya, madami pang mas exciting na event na pwedeng mangyari sa atin.” Sagot naman niya at tinabihan ang kapatid.Mejo nakakalakad na naman kahit paano ang kuya niya ngunit giniit ni Thomas na sa ospital na lamang muna ito mag-stay for a complete recovery. Pag daw bumuti ang pakiramdam ni Prince ay maaari na itong ibyahe abroad para sa mas magandang gamutan ayon sa doctor nito. Hindi nadin nila nilipat si Prince kahit masama ang loob ni Thomas dahil magaling ang doctor na nag-aasikaso sa lalaki.“Hi kuya Prince!” magiliw na bati ni Angelie pagpasok sa silid.Napalingon silang magkapatid sa biglang pag
Ilang oras bago ang graduation ball ay nagmumukmok lamang si Phoebe sa unit ni Thomas. Panay ang kulit sa kanya ni Angelie pero iisang sagot lamang ang binibigay niya sa kaibigan.Phoebe: Hindi pwede, ayoko mag-away kami ni Sebastian.Kahit gustong-gusto niya sumali ay wala naman siyang lakas ng loob suwayin ito. Mabuti na din iyon para hindi siya pag-usapan ng mga kaklase. Hindi kasi basta-basat huhupa ang ganong eskandalo.Nagtungo siya sa living room upang abalahin ang sarili sa panunuod nang tumunog ang door bell, nagulat siya ng makita niya ang staff na nag-assist sa kanya noon sa department store kasama ang dalawang professional make-up artist. Binati siya ng mga ito saka tinulak paloob ng unit ang mga dalang gowns.“T-Teka miss ano yan?” taking-taka na tanong niya.“Pinadadala po ni Mr. Preston, pumili na raw kayo Mam ng gusto niyo para sa graduation ball, bagong dating po ito sa shop customized ng iba’t ibang designer. Mr. Olivar will pick you up in two hours according to Mr.
Naka wheelchair si Prince sa graduation ni Phoebe, hindi man nito nasimulan ang event at hindi man siya nakasama sa kapatid sa pag-akyat sa stage ay naroon siya kasama si ate Mel para panuorin ang isa sa mahalagang event sa buhay ng kapatid.Ang mommy ni Angelie ang sumama rito sa entablado. Mabuti na lamang at napakabait ng pamilya ng mga ito sa kanilang magkapatid.Halos maiyak siya ng tawagin ang pangalan ng kapatid sa stage dahil isa itong honor student.“Guiron, Yara Phoebe C., Cum Laude.”Naroon si Thomas sa stage at siya ang nag-abot ng medalya para kay Phoebe. Napangit siya biglang tawagin ang pangalan ng dalaga. He wasn’t surprised that this young lady is both beauty and brain. Pasimple silang nagngitian dalawa.Mataas ang standard ng eskwelahan na pinapasukan ng kapatid kaya maswerte ka na kung mag Cum Laude ka. Laging Dean’s Lister ang kapatid at hindi ito nawala sa honor kahit noong high school ito. May tatlo pang tinawag na may latin honors pagtapos ng kapatid.Tumatakbo
Lunes. Nakatanggap si Phoebe ng tawag mula kay Mrs. Tolentino at pinagrereport siya nito sa Zeus. Natuwa naman siya sa balita kaya maaga siyang nagising at nagtungo sa kumpanya. Wala na sin si Thomas pag gising niya dahil may maaga daw itong meeting sa kliyente abroad. Wala naman alam ang mga kasama niya department tungkol sa scandal involved siya maliban kay Angelie. Nagtungo siya sa opisina ng company’s director. Marahan siyang kumatok saka binuksan iyon. Naroon sa loob si Mrs. Tolentino kausap ang Director na si Mr. Velasco, ngunit nagulat siya ng makita si Fiona roon. Tumaas ang kilay ng babae nang makita siya. “Oh wait. You’re taking part time at Preston Company right?” sita nito nang makilala siya. “You worked there Miss Guiron?” tanon ni Mr. Velasco. “Uh…O-opo nong nag i-intern po ako.” “Ah napakasipag mo naman pala, so what are you doing here?” tanong ni Fiona. “Did your boss know about this?” lumingon ito sa director. “Ah n-nagpaalam na po ako,” Tumango-tango ito. “M
Kinabukasan.Masakit ang katawan ni Phoebe pagkagising. Parang hinahatak pa din ng higaan ang katawan niya pero kailangan niyang pumasok. Pagbangon niya ay nalaglag ang kumot sa sahig saka niya napansin na nasa sofa pa din siya. Tahimik ang unit at wala na din ang sapatos ni Thomas.Nagkalat sa sahig ang mga damit nila kahapon. Kinuha niya ang polo ng binata at sinuot saka nagtungo sa kusina. Napakurap siya ng makita ang boquet of roses na nasa basurahan. Kinuha niya iyon at napabuntong-hininga. Sigurado siya na may nalaman na naman ito tungkol sa nakaraan niya. Bakit ba hindi siya simpleng lubayan ng pangit na nangyari sa buhay niya?Umiiyak ang isang empleyado na lumabas sa office ni Thomas. Habang ang iba halos ayaw ng pumasok sa loob upang dalhin ang report o papipirmahan sa binata. Masama na naman ang mood nito pagpasok na kahit si Albus ay hindi alam kung bakit.CEO’s OFFICEMadilim ang mukha ni Thomas habang binabasa ang mga sinubmit na report sa kanya. Naghihinagpis ang kaloob
Napabalikwas si Phoebe ng bangon nang marinig ang alarm ng phone niya. Naririnig niya din ang tunog ng shower, mukhang maaga nagising si Thomas. Tumayo siya at nagtungo sa kabilang banyo dala ang pamalit para maligo dahil madami daw silang tatapusin. Baka badmood pa din si Thomas at ayaw niyang sumabay dito umalis.Nagbibihis siya nang marinig niya ang pagsara ng unit. Nagpakawala siya ng hangin, hindi niya alam kung bakit galit ito sa kanya at hindi man lang siya nito kausapin. Pinagpatuloy niya pag-aayos ng sarili saka mabigat ang loob na umalis na din ng unit.Pagsakay niya ng elevator ay napahinto siya ng makita niya ang babaeng naghatid kay Thomas kagabi—si Gab. Dumerecho siya at hindi ito pinansin ng bigla itong magsalita.“I thought you have a unit at tenth floor? Why are you living with Thomas Preston?” tanong ng babae na hindi niya pa din pinansin.“I checked whether your saying the truth but…we found out that you don’t own any property here. Are you his mistress? A whore?” p
Pagkatapos ng trabaho ay dumerecho si Phoebe at Angelie sa bahay nila ng kapatid. Isang lingo na din mula ng nilibing ito ngunit parang ang hirap pa din tanggapin. Muli na namang tumulo ang luha niya habang nilalagay sa isang box ang mga damit ng kuya Prince niya. Napabuntong hininga na lamang si Angelie ng makita ang kaibigan.Tuwing pagtapos ng trabaho ay nagtutungo silang dalawa sa apartment para mag-ayos, dahil pinalilipat na siya ni Thomas sa unit nito.Nagpaalam na din si Ate Mel at Luna sa kanya.“Phee inom ka muna.” Inabot ni Anglie ang canned juice sa kaibigan.“Salamat.”Nakaupo silang dalawa sa sala habang minamasdan ang mga nakaempakeng gamit.Ang ilang gamit na hindi niya madadala sa unit ay napagdesisyonan niyang ipamigay na lamang. Walang kamag-anak nila ang dumalaw sa burol ng kapatid kaya lalong sumama ang loob niya sa mga ito.“Grabe din talaga yang mga kamag-anak nyo eh no? Matapos angkinin yung pera nila tito at tita, ganito ginawa sa inyo. Tsk.”“Ewan ko ba bakit
Blag!Umangat ang mukha ni Thomas sa nangahas na buksan ang pintuan ng opisina niya. Nakita niya ang isang babae na nakasuot ng maikling leather skirt at see-through na damit. Kitang-kita halos ang kaluluwa nito habang nakangisi itong lumalakad papalapit sa kanya. Huminto ng lagatok ng takong ng sapatos ni Fiona at hinagis niya ang envelope sa mesa ni Thomas. "What is this bullshit again?" malamig pa sa yelo na sabi niya sa babae. Umismid ito at naupo sa katabing silya. "Why don't you see it yourself, hon?" tumaas ang sulok ng labi ni Fiona. Walang ganang tiningnan niya ang laman ng envelope. Isang matalim na tingin ang sumalubong sa nagbubunying tingin ng babae.“Is that the kind of woman that you’re keeping ti replace me? Yeah, I admit that she’s younger than me, but not as fresh as me. I made a mistake, but that’s only once, unlike that girl who fucked tons of men!”Hindi inaasahan ni Fiona ang sumunod na kilos ni Thomas nang sunggaban siya nito at hawakan sa leeg.“T-Tomas!”