Naka wheelchair si Prince sa graduation ni Phoebe, hindi man nito nasimulan ang event at hindi man siya nakasama sa kapatid sa pag-akyat sa stage ay naroon siya kasama si ate Mel para panuorin ang isa sa mahalagang event sa buhay ng kapatid.Ang mommy ni Angelie ang sumama rito sa entablado. Mabuti na lamang at napakabait ng pamilya ng mga ito sa kanilang magkapatid.Halos maiyak siya ng tawagin ang pangalan ng kapatid sa stage dahil isa itong honor student.“Guiron, Yara Phoebe C., Cum Laude.”Naroon si Thomas sa stage at siya ang nag-abot ng medalya para kay Phoebe. Napangit siya biglang tawagin ang pangalan ng dalaga. He wasn’t surprised that this young lady is both beauty and brain. Pasimple silang nagngitian dalawa.Mataas ang standard ng eskwelahan na pinapasukan ng kapatid kaya maswerte ka na kung mag Cum Laude ka. Laging Dean’s Lister ang kapatid at hindi ito nawala sa honor kahit noong high school ito. May tatlo pang tinawag na may latin honors pagtapos ng kapatid.Tumatakbo
Lunes. Nakatanggap si Phoebe ng tawag mula kay Mrs. Tolentino at pinagrereport siya nito sa Zeus. Natuwa naman siya sa balita kaya maaga siyang nagising at nagtungo sa kumpanya. Wala na sin si Thomas pag gising niya dahil may maaga daw itong meeting sa kliyente abroad. Wala naman alam ang mga kasama niya department tungkol sa scandal involved siya maliban kay Angelie. Nagtungo siya sa opisina ng company’s director. Marahan siyang kumatok saka binuksan iyon. Naroon sa loob si Mrs. Tolentino kausap ang Director na si Mr. Velasco, ngunit nagulat siya ng makita si Fiona roon. Tumaas ang kilay ng babae nang makita siya. “Oh wait. You’re taking part time at Preston Company right?” sita nito nang makilala siya. “You worked there Miss Guiron?” tanon ni Mr. Velasco. “Uh…O-opo nong nag i-intern po ako.” “Ah napakasipag mo naman pala, so what are you doing here?” tanong ni Fiona. “Did your boss know about this?” lumingon ito sa director. “Ah n-nagpaalam na po ako,” Tumango-tango ito. “M
Kinabukasan.Masakit ang katawan ni Phoebe pagkagising. Parang hinahatak pa din ng higaan ang katawan niya pero kailangan niyang pumasok. Pagbangon niya ay nalaglag ang kumot sa sahig saka niya napansin na nasa sofa pa din siya. Tahimik ang unit at wala na din ang sapatos ni Thomas.Nagkalat sa sahig ang mga damit nila kahapon. Kinuha niya ang polo ng binata at sinuot saka nagtungo sa kusina. Napakurap siya ng makita ang boquet of roses na nasa basurahan. Kinuha niya iyon at napabuntong-hininga. Sigurado siya na may nalaman na naman ito tungkol sa nakaraan niya. Bakit ba hindi siya simpleng lubayan ng pangit na nangyari sa buhay niya?Umiiyak ang isang empleyado na lumabas sa office ni Thomas. Habang ang iba halos ayaw ng pumasok sa loob upang dalhin ang report o papipirmahan sa binata. Masama na naman ang mood nito pagpasok na kahit si Albus ay hindi alam kung bakit.CEO’s OFFICEMadilim ang mukha ni Thomas habang binabasa ang mga sinubmit na report sa kanya. Naghihinagpis ang kaloob
Napabalikwas si Phoebe ng bangon nang marinig ang alarm ng phone niya. Naririnig niya din ang tunog ng shower, mukhang maaga nagising si Thomas. Tumayo siya at nagtungo sa kabilang banyo dala ang pamalit para maligo dahil madami daw silang tatapusin. Baka badmood pa din si Thomas at ayaw niyang sumabay dito umalis.Nagbibihis siya nang marinig niya ang pagsara ng unit. Nagpakawala siya ng hangin, hindi niya alam kung bakit galit ito sa kanya at hindi man lang siya nito kausapin. Pinagpatuloy niya pag-aayos ng sarili saka mabigat ang loob na umalis na din ng unit.Pagsakay niya ng elevator ay napahinto siya ng makita niya ang babaeng naghatid kay Thomas kagabi—si Gab. Dumerecho siya at hindi ito pinansin ng bigla itong magsalita.“I thought you have a unit at tenth floor? Why are you living with Thomas Preston?” tanong ng babae na hindi niya pa din pinansin.“I checked whether your saying the truth but…we found out that you don’t own any property here. Are you his mistress? A whore?” p
Pagkatapos ng trabaho ay dumerecho si Phoebe at Angelie sa bahay nila ng kapatid. Isang lingo na din mula ng nilibing ito ngunit parang ang hirap pa din tanggapin. Muli na namang tumulo ang luha niya habang nilalagay sa isang box ang mga damit ng kuya Prince niya. Napabuntong hininga na lamang si Angelie ng makita ang kaibigan.Tuwing pagtapos ng trabaho ay nagtutungo silang dalawa sa apartment para mag-ayos, dahil pinalilipat na siya ni Thomas sa unit nito.Nagpaalam na din si Ate Mel at Luna sa kanya.“Phee inom ka muna.” Inabot ni Anglie ang canned juice sa kaibigan.“Salamat.”Nakaupo silang dalawa sa sala habang minamasdan ang mga nakaempakeng gamit.Ang ilang gamit na hindi niya madadala sa unit ay napagdesisyonan niyang ipamigay na lamang. Walang kamag-anak nila ang dumalaw sa burol ng kapatid kaya lalong sumama ang loob niya sa mga ito.“Grabe din talaga yang mga kamag-anak nyo eh no? Matapos angkinin yung pera nila tito at tita, ganito ginawa sa inyo. Tsk.”“Ewan ko ba bakit
Blag!Umangat ang mukha ni Thomas sa nangahas na buksan ang pintuan ng opisina niya. Nakita niya ang isang babae na nakasuot ng maikling leather skirt at see-through na damit. Kitang-kita halos ang kaluluwa nito habang nakangisi itong lumalakad papalapit sa kanya. Huminto ng lagatok ng takong ng sapatos ni Fiona at hinagis niya ang envelope sa mesa ni Thomas. "What is this bullshit again?" malamig pa sa yelo na sabi niya sa babae. Umismid ito at naupo sa katabing silya. "Why don't you see it yourself, hon?" tumaas ang sulok ng labi ni Fiona. Walang ganang tiningnan niya ang laman ng envelope. Isang matalim na tingin ang sumalubong sa nagbubunying tingin ng babae.“Is that the kind of woman that you’re keeping ti replace me? Yeah, I admit that she’s younger than me, but not as fresh as me. I made a mistake, but that’s only once, unlike that girl who fucked tons of men!”Hindi inaasahan ni Fiona ang sumunod na kilos ni Thomas nang sunggaban siya nito at hawakan sa leeg.“T-Tomas!”
“Sebastian…” mahinang tawag ni Phoebe sa binata habang magkayap silang nakahiga.“Hmmm…” tiningnan niya si Thomas na nakapikit pa din. Bakit ba ang gwapo-gwapo nito. Tuloy, ang daming nagkakagusto dito.“A-Ayos ka lang ba?”“Huh?” namumungay na minulat ni Thomas ang mga mata.“Uh…si Fiona. Baka dahil sakin pumangit ang image mo.”“It’s my problem.” He smirked.“Pero…guguluhin ka niya at madaming pwedeng manghila sayo pababa.”“Yara…” he said impatiently. “I told you that’s my problem, I will deal with that. As long as I want to keep you, I will.”Napalunok si Phoebe sa sinabi nito. Paano kung ayaw na sa kanya ni Thomas? Mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa mga bisig nito. Nakaka-adik ang amoy ng binata. Paano na siya kung iwan na siya nito?“Stop worrying. I will definitely not getting back together with Fiona. I hate betrayal the most.” He said huskily and caressed her nape giving her a kiss again.Tulala si Phoebe kinabukasan sa trabaho, malalim pa din ang isip niya. Muli niyang
Ilang araw ng masakit ang katawan ni Phoebe at pakiramdam niya ay naoover fatigue na siya. Wala siyang magawa para pigilan si Thomas tuwing nais nitong makipag-s*x sa kanya. Kahit nakikiusap siya dito na itigil na ay mas lalo pa nitong pinarurusahan ang katawan niya.“Phoebe namumutla ka na ah. May sakit ka ba?” puna ni Cesar sa kanya isang araw pagpasok niya.“Ah, wala po, puyat lang Sir.” Sagot niya sa lalaki habang binababa ang bag.“Maghalf-day ka kaya muna mukhang napagod ka ng sobra sa ilang araw na overtime natin ah.” Muli nitong sabi.“Kaya ko naman Sir Cesar, iinom na lang ako ng gamot.”Maya-maya ay dumating si Angelie.“Phee!” kumunot ang noo nito paglapit sa kanya. “Anong nangyari sayo?”“See hindi lang ako ang nakapansin.” Muling sita ni Cesar. “Sabihan mo yang kaibigan mo Angelie, mukhang naover-work.” Ngumiti ito saka nagtungo sa desk.“Umuwi ka na kaya. Wala na naman tayo masyado gagawin today, kakatapos ng big project.” Nag-aalalang sabi ni Angelie.“Hmmm…kaya ko pa n
Few days ago… “Nasan ba tong babae na to?” asik ni Phoebe habang dahan-dahan pababa ng apartment ni Angelie. “Wala naman sa loob eh.” Nag ring ang phone niya. “Yaya Lita?” “Hija nasan ka ba? Hinahanap ka ni Sir Thomas.” “Pauwi na po, dumaan lang ako kay Angelie.” Nagpunta siya non sa kumpanya ni Mr. Llave at si Yaya Lita ang pansamantalang nagbabantay kay Pierre. Pagbaba niya ng apartment ay may nakita siyang pamilyar na sasakyan sa gilid ng building. Nilapitan niya iyon at laking gulat niya ng makitang tulog si Angelie at Clark sa loob ng sasakyan. Hindi siya agad nakagalaw. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata ang kaibigan. Napakurap-kurap ito at alam niyang bigla itong sumigaw ng makilala siya. “OMG! OMG! Anong ginawa mo sakin?” tanong niya kay Clark na nagising sa sigaw niya. Bumaba naman agad si Angelie ng sasakyan. “Pheobe…that man…that man…” “Arghhh…you reek of alcohol.” iwas niya sa kaibigan. “Exactly, Phoebe. At eksaktong nandon sila ng mga katrabaho niya
Maaliwalas ang bahay nang datnan nila. Four years ago ay pinapagawa pa lamang iyon ni Thomas. Ngayon ay buong-buo na ito. Siya ang pumili ng furnitures at appliance kahit nasa England sila at si Albus ang nag-asikaso non sa tulong nila Astrid at Angelie. “Welcome home!!!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan.“Hello Pierre! I’m your tita Angelie and this is Tita Astrid.” magiliw naman silang binati ng tatlong taong gulang na bata at agad nilang nahuli ang loob nito. Maya-maya lang ay kalaro na sila ni Pierre. Habang nagpapalit ng damit si Phoebe mula byahe ay narinig niya ang splash ng tubig at malakas na tawanan ng mga kaibigan. Pagsilip niya ay basang-basa na si Lloyd na umaahon sa pool. Malamang ay naitulak ito ng anak. “Got you uncle Lloyd!” tawa ng bata. Binuhat ito ni Thomas.“So you’re enjoying them?”“Yes dad.”“Why don't you change your clothes before you get wet too?”“Okay.” tango nito. Maya-maya ay dumating ang lolo at lola ni Pierre, kaagad naman sumalubong ang bata sa
“Do you really have to do this?” naiiyak na tanong ni Mrs. Annabelle sa anak. “Mom, you can go visit us anytime.” tinapik niya ang balikat ng mommy niya. Nag-eempake pa lamang sila ng gamit ay umiiyak na ito. “We can visit them anytime hon.” pang-aalo naman ng asawa niya. “We just have to help Albus here because this time he won’t be around our son.” dagdag ni Ben. Bakasyon lang dapat sa England ang balak ni Thomas para sa kanilang dalawa pero matapos malaman ang pinagdaraanang trauma ng asawa na dinagdagan pa ng negatibong balita ng OB ni Phoebe ay minabuti niyang asikasuhin ang papeles ni Phoebe. “It’s been only two months na kasama ka namin dito hija yet heto at aalis naman kayo ni Thomas.”“Babalik din naman po kami mom. Just stay healthy po.”“I wanted to see my apo habang nagbubuntis ka.”Natigilan si Phoebe. “Mom…” saway ni Thomas. Nasabi na din kasi niya sa mommy niya ang kondisyon ni Phoebe. “Okay, alright. We’ll be there pag meron na ha.”“Yes Mom.” niyakap niya ang m
Isang pribadong seremonya ang naganap sa loob ng bakuran ng mga Preston. Tanging pamilya, malalapit na kaibigan nila Thomas at Phoebe ang naroon. Kinuha pa nga nilang ninang at ninong sa kasal ang mga magulang ni Angelie. Si Albus ang best man at si Angelie ang maid of honor sa kasal nila. Hindi lalampas sa trenta ang mga naroon. Sa dami ng pinagdaanan nila ni Thomas at samu’t saring issues ay mas pinili na lamang nila ang tahimik na kasal, dahil kung tutuusin kung sino ang mga naroon ay sila din ang makakasama nila sa bagong yugto ng buhay nila. Aanhin mo ang madaming bisita at engrandeng kasal na alam ng halos ng buong Pilipinas kung sa huli ay hindi maayos ang pagsasama?Nang magsimulang umere ang bridal song ay bumilis ang tibok ng puso ni Thomas, alam naman niyang nasa area lang si Phoebe pero hindi mawala ang takot na baka hindi niya ito muling makita. Paano kung umatras na ito? Paano kung may dumakip na naman dito?Nahawakan niya ang dibdib at pilit inalis ang masasamang ima
Isang linggo ng hindi pumapasok si Thomas sa opisina, mabuti na lamang at naroon si Albus para i-represent ang kompanya.Nagpupunta-punta na lamang si yaya Lita sa condo dahil bumalik na ito sa villa. Malungkot na tinanaw ng yaya niya ang saradong silid nang matapos siyang maglinis sa kabuuan ng unit ng binata. Ibang-iba na ang itsura ng lugar kumpara nong naroon si Phoebe. Hindi nauubos ang upos ng sigarilyo na halos dumikit na sa bawat sulok ng lugar. Tila bar ang lugar dahil sa hindi nauubos na bote ng iba’t ibang alak ang nagkalat sa wine bar at sa kusina. Napabuntong hininga na lamang si yaya Lita. Matapos niyang tupiin at ayusin ang mga bagong nalabhan ay kumatok siya sa silid ni Thomas. “Hijo…Thomas, mauna na ako. Tawagan mo ako kung may ipapagawa ka dito ha.” ilang segundo siyang nakatayo sa labas ng silid ngunit walang tugon ang binata kaya nilisan na niya ang unit nito. Sunod-sunod ang buga niya ng sigarilyo, hindi niya gusto ang makapit na amoy non pero nasanay na siya
“Castillo, may bisita ka!” tawag ng pulis sa kanya. Dahan-dahan bumangon si Rafael sa sahig. Hinang-hina pa ang katawan niya mula sa pambubugbog sa kanya dalawang-araw na ang nakakalipas. “Dito.” utos sa kanya ng pulis, napatingin pa siya dito ng alanganin dahil hindi sa karaniwang lugar kung san naroon ang bisita siya nito tinuro.“Bilis.” Binuksan nito ang pinto at pumasok siya. Isang hindi inaasahang bisita ang nakita niya doon. “B-Benjamin?” aniya, puro pasa pa din ang mukha at namamaga pa ang isang mata niya.“Take a seat.” Parang robot na sumunod siya dito.“I…I just wanted to talk to you after I heard you’re one of the masterminds.” sabi ng tatay ni Thomas. “You’re the reason why my father died. You took our business na pinaghirapan niya.”“I’m sorry for what happened Raf, but it went through a process. You were at the right age at that time and now, a man whom I know can understand how business runs.”“Hindi mo siya binigyan ng chance!” galit na sabi niya. “I gave him s
“Doc! Doc!” tumakbo ang nurse patungo sa silid niya ng makitang nagkamalay ang pasyente nila. “Bakit? Is there something wrong?”“May malay na siya doc.” balita ng nurse. Agad siyang napatayo at lumabas sa study room niya. Tiningnan niyang mabuti ang response ng dalagang nakahiga sa kama.“Thank God!” napaupo si Drew sa tabi ni Phoebe ng makitang nagrerespond ito. “D-Drew…” mahinang sabi nito. “Yeah…ako nga…just take a rest okay. We’ll talk when you’re fine.” Tumingin lamang ito sa kanya at muling pumikit. *****Thomas’ Wedding Day…Hindi mapakali si Drew, alam niyan ngayon ang kasal ni Thomas. Alam niyang sobrang nasasaktan ngayon si Phoebe kaya’t kahit imposible ay pupuntahan niya ito sa condo. Sa di kalayuan ay natanaw niyang sumakay ito ng taxi, may kung anong nagtulak sa kanya para sundan iyon. Hanggang biglang bumilis ang takbo non at patungo sa kung saang lugar. Nakita niyang biglang napahiga si Phoebe sa taxi, kanina lamang ay nakaupo iyon. Kinabahan siya agad at lihim
“I’m sorry Mr. Preston, but my team checked underneath carefully pero–”“And you call yourself a professional, when you cannot find her?!” galit na sigaw niya. “Dude, my team is helping, don't worry.” tapik ni Lloyd sa kanya. Napalingon sila sa naghy-hysterical na babae palapit sa kanila. “Oh my God! Oh my God! Phoebe!” sigaw ni Angelie, sinalubong naman agad siya ni Astrid. “Lee…they’re looking for her.” pinunasan nito ang luha na nagsisimula na namang tumulo.“Kanina pa yan diba? Ano na Astrid?” hindi mapakali si Angelie. Nahagip ng mata niya si Thomas. “Ikaw! Ikaw! Kasalanan mo to eh. Kung pinalaya mo lang yung kaibigan ko hindi magkakaganito. Edi sana hindi siya papatayin ng obsessed na obsessed pabagsakin ka!” Hindi umimik si Thomas. Kahit siya ay sinisisi niya ang sarili sa nangyari. “Kasalanan mo to Preston! May gimik ka pa sa kasala niyo kunware edi sana diba pinaliwanag mo don sa kaibigan ko! Ano maibabalik mo ba siya?!” sigaw muli si Angelie, habang yakap siya ni Astr
Today is the big day for Fiona. Ilang oras na lamang ay Mrs. Fiona Alvarez-Preston na siya. “You are so gorgeous hija.” puri ng ginang sa kanya pagpasok sa bridal room. “Thank you tita.” “Call me mom, para na din kitang anak.” “Sure…mom.” ngumiti siya dito at niyakap ang babae. “Maiwan na kita at iche-check ko ang daddy niyo kung nakapag-ayos na din.” “Sige po.” Pagkalabas ng ginang ay sumunod na din ang make-up artist na nag-ayos sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Raf. “Hello, make sure na hindi ka na sasablay sa araw na ito ha. Wag mo akong bigyan ng sakit ng ulo sa mismong kasal ko.” “Relax, baka mamaya magka-wrinkles ka kakaisip jan.” “Tsk. Umayos ka Raf.” “Yeah.” tamad na tamad na sagot nito. “Sige na bye, I’ll meet you guys next week.” “Okay.” Pagkababa ng tawag ay may narinig siyang katok, bumukas ang pinto at sumilip si Anne. “Hey! Congrats Fiona!” bati nito sa kanya. “Thanks, akala ko hindi ka na darating.” “Ako pa ba? I’m the maid-of-