Share

Chapter 37

Naka wheelchair si Prince sa graduation ni Phoebe, hindi man nito nasimulan ang event at hindi man siya nakasama sa kapatid sa pag-akyat sa stage ay naroon siya kasama si ate Mel para panuorin ang isa sa mahalagang event sa buhay ng kapatid.

Ang mommy ni Angelie ang sumama rito sa entablado. Mabuti na lamang at napakabait ng pamilya ng mga ito sa kanilang magkapatid.

Halos maiyak siya ng tawagin ang pangalan ng kapatid sa stage dahil isa itong honor student.

“Guiron, Yara Phoebe C., Cum Laude.”

Naroon si Thomas sa stage at siya ang nag-abot ng medalya para kay Phoebe. Napangit siya biglang tawagin ang pangalan ng dalaga. He wasn’t surprised that this young lady is both beauty and brain. Pasimple silang nagngitian dalawa.

Mataas ang standard ng eskwelahan na pinapasukan ng kapatid kaya maswerte ka na kung mag Cum Laude ka. Laging Dean’s Lister ang kapatid at hindi ito nawala sa honor kahit noong high school ito. May tatlo pang tinawag na may latin honors pagtapos ng kapatid.

Tumatakbo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status