“Castillo, may bisita ka!” tawag ng pulis sa kanya. Dahan-dahan bumangon si Rafael sa sahig. Hinang-hina pa ang katawan niya mula sa pambubugbog sa kanya dalawang-araw na ang nakakalipas. “Dito.” utos sa kanya ng pulis, napatingin pa siya dito ng alanganin dahil hindi sa karaniwang lugar kung san naroon ang bisita siya nito tinuro.“Bilis.” Binuksan nito ang pinto at pumasok siya. Isang hindi inaasahang bisita ang nakita niya doon. “B-Benjamin?” aniya, puro pasa pa din ang mukha at namamaga pa ang isang mata niya.“Take a seat.” Parang robot na sumunod siya dito.“I…I just wanted to talk to you after I heard you’re one of the masterminds.” sabi ng tatay ni Thomas. “You’re the reason why my father died. You took our business na pinaghirapan niya.”“I’m sorry for what happened Raf, but it went through a process. You were at the right age at that time and now, a man whom I know can understand how business runs.”“Hindi mo siya binigyan ng chance!” galit na sabi niya. “I gave him s
Isang linggo ng hindi pumapasok si Thomas sa opisina, mabuti na lamang at naroon si Albus para i-represent ang kompanya.Nagpupunta-punta na lamang si yaya Lita sa condo dahil bumalik na ito sa villa. Malungkot na tinanaw ng yaya niya ang saradong silid nang matapos siyang maglinis sa kabuuan ng unit ng binata. Ibang-iba na ang itsura ng lugar kumpara nong naroon si Phoebe. Hindi nauubos ang upos ng sigarilyo na halos dumikit na sa bawat sulok ng lugar. Tila bar ang lugar dahil sa hindi nauubos na bote ng iba’t ibang alak ang nagkalat sa wine bar at sa kusina. Napabuntong hininga na lamang si yaya Lita. Matapos niyang tupiin at ayusin ang mga bagong nalabhan ay kumatok siya sa silid ni Thomas. “Hijo…Thomas, mauna na ako. Tawagan mo ako kung may ipapagawa ka dito ha.” ilang segundo siyang nakatayo sa labas ng silid ngunit walang tugon ang binata kaya nilisan na niya ang unit nito. Sunod-sunod ang buga niya ng sigarilyo, hindi niya gusto ang makapit na amoy non pero nasanay na siya
Isang pribadong seremonya ang naganap sa loob ng bakuran ng mga Preston. Tanging pamilya, malalapit na kaibigan nila Thomas at Phoebe ang naroon. Kinuha pa nga nilang ninang at ninong sa kasal ang mga magulang ni Angelie. Si Albus ang best man at si Angelie ang maid of honor sa kasal nila. Hindi lalampas sa trenta ang mga naroon. Sa dami ng pinagdaanan nila ni Thomas at samu’t saring issues ay mas pinili na lamang nila ang tahimik na kasal, dahil kung tutuusin kung sino ang mga naroon ay sila din ang makakasama nila sa bagong yugto ng buhay nila. Aanhin mo ang madaming bisita at engrandeng kasal na alam ng halos ng buong Pilipinas kung sa huli ay hindi maayos ang pagsasama?Nang magsimulang umere ang bridal song ay bumilis ang tibok ng puso ni Thomas, alam naman niyang nasa area lang si Phoebe pero hindi mawala ang takot na baka hindi niya ito muling makita. Paano kung umatras na ito? Paano kung may dumakip na naman dito?Nahawakan niya ang dibdib at pilit inalis ang masasamang ima
“Do you really have to do this?” naiiyak na tanong ni Mrs. Annabelle sa anak. “Mom, you can go visit us anytime.” tinapik niya ang balikat ng mommy niya. Nag-eempake pa lamang sila ng gamit ay umiiyak na ito. “We can visit them anytime hon.” pang-aalo naman ng asawa niya. “We just have to help Albus here because this time he won’t be around our son.” dagdag ni Ben. Bakasyon lang dapat sa England ang balak ni Thomas para sa kanilang dalawa pero matapos malaman ang pinagdaraanang trauma ng asawa na dinagdagan pa ng negatibong balita ng OB ni Phoebe ay minabuti niyang asikasuhin ang papeles ni Phoebe. “It’s been only two months na kasama ka namin dito hija yet heto at aalis naman kayo ni Thomas.”“Babalik din naman po kami mom. Just stay healthy po.”“I wanted to see my apo habang nagbubuntis ka.”Natigilan si Phoebe. “Mom…” saway ni Thomas. Nasabi na din kasi niya sa mommy niya ang kondisyon ni Phoebe. “Okay, alright. We’ll be there pag meron na ha.”“Yes Mom.” niyakap niya ang m
Maaliwalas ang bahay nang datnan nila. Four years ago ay pinapagawa pa lamang iyon ni Thomas. Ngayon ay buong-buo na ito. Siya ang pumili ng furnitures at appliance kahit nasa England sila at si Albus ang nag-asikaso non sa tulong nila Astrid at Angelie. “Welcome home!!!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan.“Hello Pierre! I’m your tita Angelie and this is Tita Astrid.” magiliw naman silang binati ng tatlong taong gulang na bata at agad nilang nahuli ang loob nito. Maya-maya lang ay kalaro na sila ni Pierre. Habang nagpapalit ng damit si Phoebe mula byahe ay narinig niya ang splash ng tubig at malakas na tawanan ng mga kaibigan. Pagsilip niya ay basang-basa na si Lloyd na umaahon sa pool. Malamang ay naitulak ito ng anak. “Got you uncle Lloyd!” tawa ng bata. Binuhat ito ni Thomas.“So you’re enjoying them?”“Yes dad.”“Why don't you change your clothes before you get wet too?”“Okay.” tango nito. Maya-maya ay dumating ang lolo at lola ni Pierre, kaagad naman sumalubong ang bata sa
Few days ago… “Nasan ba tong babae na to?” asik ni Phoebe habang dahan-dahan pababa ng apartment ni Angelie. “Wala naman sa loob eh.” Nag ring ang phone niya. “Yaya Lita?” “Hija nasan ka ba? Hinahanap ka ni Sir Thomas.” “Pauwi na po, dumaan lang ako kay Angelie.” Nagpunta siya non sa kumpanya ni Mr. Llave at si Yaya Lita ang pansamantalang nagbabantay kay Pierre. Pagbaba niya ng apartment ay may nakita siyang pamilyar na sasakyan sa gilid ng building. Nilapitan niya iyon at laking gulat niya ng makitang tulog si Angelie at Clark sa loob ng sasakyan. Hindi siya agad nakagalaw. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata ang kaibigan. Napakurap-kurap ito at alam niyang bigla itong sumigaw ng makilala siya. “OMG! OMG! Anong ginawa mo sakin?” tanong niya kay Clark na nagising sa sigaw niya. Bumaba naman agad si Angelie ng sasakyan. “Pheobe…that man…that man…” “Arghhh…you reek of alcohol.” iwas niya sa kaibigan. “Exactly, Phoebe. At eksaktong nandon sila ng mga katrabaho niya
Nakakasilaw na flash ng camera ang bumungad kay Phoebe pagbaba ng sasakyan. Kumalat na sa lugar nila na siya ay nobya ng nag-iisang anak na lalaki ng isa sa mayayamang pamilya sa lugar nila. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at nakayuko lamang siya. Hindi siya sanay sa ganong senaryo. Isang malapad na kamay ang humawak sa bewang niya at nginitian siya ng nobyo. Kumabog na naman ang dibdib niya, napakagwa-“Phoebe! Phoebe! Gumising ka na jan male-late ka na sa school. Diba internship nyo na ngayon.” Tapik sa kanya ng kapatid na lalaki.Namumungay ang mga mata na tiningnan niya ang kapatid. “Hmmm...”“Sige na mauuna na ako sayo ha.” Paalam ng kapatid.Tumungo siya sa banyo para maghilamos. Panaginip lang pala. Ang hindi niya maintindihan bakit sa dinami-dami ng mapapanaginipan niya ay ang lalaking yon pa. Umirap na kinuha niya ang sepilyo ang nagsimula ng ayusin ang sarili para pumasok.Habang naglalakad papuntang sakayan ng bus, tumawag sa kanya ang Mommy Henry. Mommy Henry as is b
“Mr. Preston, are you sure you won’t stay at your mother’s house? They keep on telling me to persuade you.” Aniya ng matandang attorney ng pamilya.“Tell my mom and dad that I want my life the way I want. I’m not a baby anymore Mr. Legazpi. I just got home from Europe, but it’s not like I just came out from my mother’s womb.” Napipikon na sagot ng binata. Alam niyang nasabik ang mommy niya sa kanya pero ayaw niyang bine-baby siya neto.“Okay, I’ll tell your mother. Mauna na ako. Just call me if you need anything.”“Yeah. Tell me right away if my unit is ready to be occupied.” Sumandal siya sa upuan malapit sa bintana kung saan tanaw ang liwanag ng syudad.“Understood Mr. Preston. I’ll be off.”Napailing na lamang si Mr. Legazpi. Three years old ang binata ng mag-migrate ang pamilya nila sa UK dahil nais ng ama nito na naroon sila lalo pa’t maselan ang pagbubuntis ng mommy neto sa bunso sana niyang kapatid. Ngunit sa di sinasadyang pangyayari nakunan pa din ang ginang sa kabila ng high