"Maari na nating simulan ang pagpaplano, mukhang magandang araw ang ika-pitong buwan ng Mayo. Ano sa tingin niyo, Armando? Palome?" tanong ni Mr. Morris sa mag-asawang Fajardo.
Tila'y gulat pa rin sa mga pangyayari, sunod-sunod na tumango ang mag-asawa at naawang napatingin sa anak nilang parang binagsakan ng langit at lupa. "Sunny," nag-aalalang tawag sa kaniya ng ina. Dahang-dahang bumalik sa pagkakaupo si Sunny at napapikit na lamang, tanggap na ang kaniyang tadhana. Hindi pa man nangyayari, parang pinagkait na sa kaniya ang kalayaan at ang kaniyang kabataan. Sinong mag-aakala na sa edad na bente ay mag-aasawa na siya? Kasalukuyan pa nga lang siyang nasa sekondarya ng kolehiyo! Hindi pa siya tapos mag-aral! Hindi niya lubos na matanggap na hindi umubra ang kaniyang plano! Sino ba kasing mag-aakalang tatanggapin ang mga Morris ang pangit na manugang? Bakit ba kasi siya ang napili? Sa dami ng ibang magagandang babae sa mundo! Sigurado, maraming gustong magpakasal sa pamilyang kagaya nila dahil mayaman sila at successful sa buhay! Kaya bakit ang pamilya namin? Hanggang matapos ang hapunan, tulala lamang si Sunny. Panay sulyap ng mga magulang nito sa kaniya, ngunit hindi nito matuunan ng pansin ang dalawa dahil sa pinaghalong emosyon na nadarama. "Huwag ka mag-alala, anak. Gagawa kami ng papa mo ng paraan para hindi matuloy ang kasal," pampalubag-loob ng ina ni Sunny. Nakaalis na ang mga Morris at sila ay nasa sala na ulit, taimtim na nag-iisip kung ano nga ba ang mabuting gawin. Huminga ito ng malalim, saka tinignan ang dalawang magulang. Siguradong hindi gusto ng mag-asawang Fajardo na ipakasal ang kanilang nag-iisang unico hija sa mga Morris. Kahit gaano pa makapangyarihan ang mga ito, naniniwala ang mag-asawa na kung gaano ka makapangyarihan, ganoon din kahirap at delikado ang buhay mo. At isa pa, gusto ng mga Morris ipakasal si Sunny sa panganay na anak ni Alexander Morris, na walong taon ang agwat sa kaniya! Sinong baliw na magulang ang papayag sa ganon? "Anak, kung ayaw mo talaga, hindi ka namin pipilitin. Mas importante ang kalayaan mo at kaligayahan mo sa amin ng mama mo. Wala akong pakealam sa salapi, ang mahalaga ay maayos ang buhay mo. Aanhin namin ang pera kung naghihirap ang prinsesa namin?" sabi ng kaniyang ama. Hindi napigilan ni Sunny ang maluha sa sinabi ng mga magulang. Tumakbo ito papalapit sa kanila at niyakap ang mga ito. "Mama, papa." Kung hindi siya papayag sa kasal, ano na lamang ang mangyayari sa kanila? Hindi siya puwedeng maging makasarili, kailangan niya ring isipin ang mga magulang at kapatid nitong nagpakahirap itaguyod ang pamilyang ito at ang negosyong binuo nila ng ilang taon. Hindi niya hahayaang mapunta sa wala ang ilang taon nilang pagsusumikap. --- Sa kabilang banda… Tahimik lamang na nagta-trabaho si Rowan nang marinig nito ang pag-bukas-sara ng pintuan sa kaniyang opisina. Saglit niyang inangat ang paningin sa taong dumating at muling itinuon ang pansin sa mga papeles na nasa kaniyang harapan. "Anong ginagawa mo rito?" maikling tanong ni Rowan sa Ama habang sinusuri ang mga papeles. Tahimik na nilagay ni Mr. Morris ang kulay kayumangging envelope sa kaniyang lamesa saka ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Ano 'yan?" "Bakit hindi mo basahin?" malamig na tugon ng Ama. Bumuntong hininga na lamang si Rowan at binuksan ang envelope saka iyon binasa. "May magpapakasal? Congrats." Parang walang interes na sabi nito, saka binaba ang envelope at pinulot ang iniwang papeles at isa-isa itong pinirmahan. "Ikaw ay nasa bente-otso na. Nasa wastong gulang ka na para magpakasal, Rowan." Natigil sa pagsusulat ng pirma si Rowan at napaangat ng tingin sa Ama. Kinuha ni Mr. Morris ang tsaa sa kaniyang harapan at sumimot doon bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Maayos na ang lahat. Magpapakasal ka na sa darating na Mayo." "Anong ibig mong sabihin?" "Nakahanap na ako ng magiging asawa mo, Rowan. Ang pangalan niya ay Sunny. Galing siya sa pamilyang Fajardo. Bente taong gulang. Nakausap ko na ang mga magulang niya at sumang-ayon sila sa kasal," paliwanag ng ama nito sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang tumitig sa ama. Sino ito para magdesisyon sa kaniyang buhay? "Bakit hindi si Noah ang ipares mo sa babae? Tutal ay nagkakalapit lang sila ng edad?" kunot-noong tanong nito sa ama. "Huwag mo kong simulan, Rowan!" pagbabantang ito sa anak. Sa tuwing napag-uusapan ang pangalawang anak, hindi nito maiwasan at palaging umiinit ang ulo ni Mr. Morris. Paano ba naman kasi, napakasuwail ng lalaking iyon at hindi marunong makinig at rumespeto sa kaniya! Lahat ng sasabihin ng ama ay kakalabanin nito! "Kung ayaw mo siya pag-usapan, bakit ikaw ang nagdedesisyon kung sino at kailan ako magpapakasal!?" hindi mapigilang sigaw ni Rowan, tila nawawala na sa kontrol ang kaniyang galit. Hindi niya na napigilan ang bigat ng damdaming matagal na niyang kinikimkim laban sa kaniyang ama. "Rowan!" malakas na sigaw ng ama, puno ng awtoridad. Hindi nito nagustuhan ang ginawang pagsagot ng anak. Tahimik ang kaniyang buhay at gusto niyang mag-focus sa negosyo. Ayaw niyang magdagdag ng sakit ng ulo! Bakit kailangan pang makialam ng ama sa isang bagay na malinaw namang wala siyang interes? "Pumunta na ako sa kanila para mamanhikan. Pumayag na ang mga magulang ni Sunny. At sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal kayo sa ikapito ng Mayo! Tapos ang usapan!" madiin at malamig na saad ng ama, na para bang wala nang espasyo para sa kahit anong diskusyon. Hindi napigilan ni Rowan na mapailing, puno ng frustration ang kaniyang mukha. "Hindi ako papayag! Alam mo ang prioridad ko!" bulyaw niya pabalik. Para sa kaniya, mas importante ang pagbuo ng pangalan sa negosyo kaysa pakikipaglaro sa kahibangan ng kaniyang ama. Tinignan lamang siya ng masama ng ama saka ito dumuro, ang daliri nito halos tumama na sa kaniyang dibdib. "Makinig ka sa mga sinasabi ko! Huwag ka nang gumaya sa kapatid mong sakit sa ulo!" Napahilamos na lamang si Rowan sa kaniyang mukha, pinipilit pigilan ang init ng ulo. Wala siyang magagawa. Kilala niya ang Ama niya, kapag sinabi nito, iyon ang masusunod. Wala nang espasyo para sa pag-aalinlangan o pagtanggi. Ang hindi niya lubos maintindihan ay kung paano napapayag ang mga Fajardo na ikasal ang anak nila sa estrangherong kagaya niya? Kahit anong anggulo niya tingnan, wala siyang nakikitang magandang dahilan para sa desisyong iyon. Natawa na lamang siya sa naisip. Sino nga bang tatanggi sa mga Morris? Kadikit ng apelyidong Morris ang pera, kapangyarihan, at impluwensiya. Kaya imposible na tumanggi ang mga iyon! Ngayon pa lamang, masama na ang tingin niya sa babaeng ipinares sa kaniya ng ama. Isang mapagsamantala—iyan lang ang nakikita niya kay Sunny. "Maghanda ka na sa nalalapit na buwan, Rowan," mariing bilin ng ama bago ito tuluyang tumalikod at iniwan siyang nagngingitngit sa galit at inis.Mabilis ang tibok ng puso ni Sunny habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Suot niya ang kaniyang wedding gown na mismong mga Morris ang pumili. Sa isang tingin pa lang, alam mong mamahalin ito dahil sa napakagandang istilo at de-kalidad na tela. Ngunit sa kabila ng lahat, ramdam pa rin ni Sunny ang kaba at pagkadisgusto sa pamilyang Morris.Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may marinig siyang mga hakbang sa kaniyang likod. Hindi na siya nag-atubiling tumingin kung sino iyon dahil alam niya na agad kung sino ito base sa tunog ng mga yapak.“Sinasabi ko na nga ba, iba talaga ang dugo ng mga Fajardo,” masayang wika ni Mr. Morris. Tiningnan ito ni Sunny sa salamin at nakita ang malaki nitong ngiti habang siya’y pinagmamasdan.Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara noong huli silang magkita sa bahay ng mga Fajardo. Wala na ang mga tigyawat nito sa mukha, ang matabang katawan, makapal na kilay, at labi. Napalitan iyon ng isang napakagandang dalaga na hindi inaasahan
Kinakabahan man, pilit na tumingin si Sunny sa lalaking nasa kaniyang harapan. Siya na nga ba ang kaniyang mapapangasawa? Kilala niya ang lalaking ito. Hindi man sila nagkikita kahit na nasa iisang lungsod lamang sila, sikat ang pangalan nito. Siya ang panganay na anak ni Mr. Morris—Rowan Morris.Napalunok si Sunny habang tahimik na nakatingin sa lalaki sa dulo ng altar. Hindi niya maalis ang tingin dito, tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Pamilyar ang mukha nito, isang anyo na minsan lamang niyang masilayan sa mga pormal na pagtitipon ng kanilang pamilya. Hindi siya makapaniwala na ang ipapares pala sa kanya ay walang iba kundi ang bente otso anyos na anak ni Mr. Morris! Napakalaki ng agwat ng edad nilang dalawa.Sa halos ilang buwan ng paghahanda para sa kasal, buong akala niya’y ang pangalawang anak ang ipapakilala sa kanya—ang mas malapit sa kanyang edad. Ngunit ngayon, ibang tao ang nakatayo sa harapan niya. Ang misteryosong panganay na laging tahimik ngunit puno ng aw
Pagkatapos ng kasal, parang lantang gulay na nahiga sa kama si Sunny. Hindi na nito nagawang tanggalin ang kaniyang wedding gown at heels na suot-suot dahil sa sobrang pagod. Hindi niya akalaing ganito pala nakakapagod ang magpakasal! Hindi lang siya physically exhausted kundi mentally din! Hindi na namalayan ni Sunny na nakaidlip na pala ito, naalimpungatan lamang nang marinig ang marahas na pagbukas ng pintuan ng kwartong tinutuluyan niya. Agad na napabalikwas si Sunny at napatingin sa kung sino mang mapangahas na nagbukas ng pintuan. Nahulog ang kaniyang panga nang makita ang gwapo ngunit malamig na asawa. "Anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ni Sunny. Tumayo siya nang tuwid at inangat ang mabigat na gown para umurong sa dulo ng kwarto. "Anong ibig mong sabihing anong ginagawa ko rito? Kwarto ko 'to," sagot ni Rowan. Natameme si Sunny sa narinig at nilibot ng tingin ang sinasabing kwarto ni Rowan. Lahat ng nakikita niya ay kulay itim o puti lamang, mapa-gamit o dingdin
Galit na galit na naglakad si Sunny pababa ng malamig at madilim na pasilyo, mahigpit ang hawak sa tela ng mabigat niyang gown na parang doon niya idinadaan ang lahat ng inis niya. Wala siyang ideya kung saan siya patungo, pero ayaw na niyang manatili pa ng kahit isang segundo sa silid na iyon kasama si Rowan. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Paano naging ganun ka-gwapo pero sobrang bastos? Tumunog ang mga takong niya sa makinis na sahig, bawat pintong sinilip niya ay nakasara o mukhang kasing-lamig ng taong iniiwasan niya. Walang mapa ang mansyong ito, kaya parang daga siyang paikot-ikot sa isang labirinto. “Guest room, guest room,” inis niyang bulong sa sarili habang naglalakad, ang boses niya’y puno ng pigil na galit. “Dapat meron namang guest room sa sobrang laki ng mansyon na ‘to.” Pagkaraan ng ilang liko at nabigong paghahanap, napasandal siya sa isang pader, pinakakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Sumakit na ang paa niya mula sa oras ng paglalakad sa matata
Tahip ang paghinga ni Sunny habang pababa siya ng hagdanan. Nasayang lamang ang oras niya sa pakikipag-usap sa walang kwentang asawa!Pati pagkain niya ay nakaligtaan niya dahil lang sa walang kwentang batas na gusto ng impokritong 'yon! At mukhang may balak pa siyang takutin ng lalaki. As if naman magpapatakot siya dito. Sino ba siya sa tingin niya? Hindi naman siya si Mr. Morris!"Speaking of the devil," bulong ni Sunny nang makababa ito ng hagdan. Bumaling siya sa kasambahay na tahimik na naglilinis ng mga kagamitan.Sinitsitan niya ito at nilapitan. Yumuko naman ang kasambahay bilang pagbibigay-galang."Ano pong maitutulong ko sa inyo, Mrs. Morris?" tanong ng kasambahay. Umasim ang mukha ni Sunny sa narinig.Mrs. Morris, huh? Kadiri!"Naku, tawagin mo na lang akong Sunny! Ikaw ba, anong pangalan mo?""Ako po si Tina, Mrs. Morris," sagot ng kasambahay sa mabait na tono. Ngumiwi na lamang si Sunny, mukhang wala siyang
Kinaumagahan, abala si Rowan sa opisina niya. Tumawag siya ng meeting kasama ang kanyang sekretarya para sa mga detalye ng kasunduan.“Siguraduhing walang aberya sa negosyo ng Fajardo,” malamig niyang utos.“Opo, Sir,” sagot ng sekretarya. Halos mabitiwan ni Sunny ang kape na hawak nang marinig ang kaniyang pamilya, papasok sana ito ng opisina ni Rowan upang mag bigay ng kape dahil may istatanong sana ito ng marinig nito na binanggit ni Rowan ang mga Fajardo“Nasaan si Sunny? Siguraduhin mong hindi niya malalaman 'to.”Napuno ng maling akala ang isipan ni Sunny. Sa pagkakaintindi niya, tila pinag-uusapan ni Rowan ang mga Fajardo para alipustahin.Pigil ang kabang pinihit ni Sunny ang pintuan sa opisina ni Rowan at pumasok doon ng walang paalam."Ano na naman bang plano mo sa pamilya ko, Rowan?" Tanong nito sa lalaki.Gulantang na napatingin si Rowan at ang sekretarya sa kaniya.Tumigil si Rowan, nagtat
Pag-kapasok ng silid ay ibinagsak ni Sunny ang katawan sa kama saka tumingin sa kulay puting kisame. Hindi naman lingid sa kaalaman nito na ayaw sa kaniya ng mga tao dito sa bahay, hindi lang dahil sa tingin nila ay si Sunny mismo ang nag pumilit na mapakasal kay Rowan, ngunit dahil din siya ay hindi galing sa mayayaman na kagaya nila. Kung baga ang mga Morris ay nasa pinakatuktok, siya naman ay nasa gitna lamang. Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip. Wala rin naman siyang plano na makipag-close sa mga tao sa mansion, ngunit sana naman ay mag panggap sila tuwing kausap siya ng mga 'to! Lalong-lalo na ang asawa na kahit hindi mag salita ay alam mong may galit ito sa kaniya. Bukod kay Rowan, hindi maasahan si Mr. Morris dahil unang-una. Siya ang nag pumilit na maikasal ang dalawa. Kung ang asawa naman nito na si Mrs .Morris ay hindi rin, sa ilang beses nilang pagkikita sa malaking mansyon ay hindi tinatago ng babae ang disgusto sa kaniya nito. Napabuntong hininga na
Kinabukasan. Habang tahimik na kumakain ng agahan si Sunny nang may inabot sa kanyang isang palanggana ng tubig. Nag-tatakha niyang tinignan kung saan nanggaling 'yon. Hindi niya maintindihan kung para saan ito. Pinanood siya ni Evelyn na may halong panunuya. "Ang mga galing sa maliliit na pamilya, talagang iba kung umasal. Kahit simpleng bagay, hindi alam. Ni wala bang TV sa inyo? Kung meron man, nanonood ka ba?" Kumunot ang kaniyang noo, ano na naman bang palabas ang gustong mangyari ni Mrs. Morris? Sa ilalim ng panlalait ni Evelyn, mahigpit na pinigil ni Sunny ang sarili. "Mawalang galang na po, Mrs. Morris. Ano po ba ang maitutulong ko?" "Anong maitutulong mo? Ang daming gawaing bahay dito, bakit kaysa humilata at kumain lamang sa isang buong araw ay hindi ka tumulong sa mga kasambahay? Hindi ka ba nahihiya? Ikaw lang ang walang ginagawa rito."
Sa wakas, sumuko si Rowan sa ideya na isama ang kanyang asawa sa pulong. Kung ang batang si Sunny ay magsasalita tungkol sa ginawa ni Samuel, tiyak na ibubunyag nito ang mga bagay na hindi niya nais marinig ng iba.Habang iniisip ni Rowan ang tungkol dito, unti-unti siyang ngumiti. Alam niyang hindi kayang magalit ni Sunny ng matagal. Masyado itong malambot para sa ganoong klaseng sitwasyon. Kung magdesisyon man silang lumipat, tiyak niyang mahihirapan ang asawa sa bagong paligid. Mas maganda nang manatili sa bahay na ito para maayos nila ang kanilang problema habang nananatili sa piling ng pamilya.Isa pa, natutuwa siya sa presensya ng asawa sa gabi. Ang bango nito ay kakaiba, hindi tulad ng mga mahal na pabango na amoy kemikal, kundi isang natural na halimuyak na tila nagmumula sa kalooban. Ang samyo ni Sunny ang paborito niyang amoy, isang bagay na tila nagpapatahimik sa kanyang puso sa kabila ng lahat ng ingay sa paligid.Habang dumadalo siya sa pulong ng pamilya, mas magaan ang k
Tumayo si Evelyn, itinuro si Samuel, at mariing sinabi, "Rowan, Sunny, wag muna kayong umalis. Tulungan niyo akong disiplinahin ang batang ito!" Ang boses niya’y puno ng determinasyon na hindi maaring bale-walain.Napatingin si Sunny sa asawa at biglang nanigas sa kinauupuan. Ang salitang “hindi muna aalis” ay tila tumatak sa kanyang isip at nag-iwan ng kaba sa kanyang dibdib. Halata sa mukha ni Sunny ang kaba, ngunit nagawa pa rin niyang umupo nang maayos, tuwid ang likod at parang nag-iipon ng lakas ng loob.Si Samuel naman ay nanatiling nakaupo sa sahig, parang kuting na napagalitan, at iniiwasan ang titig ng lahat ng tao. Sa loob-loob niya, alam niyang wala siyang kawala sa galit ng buong pamilya.Nagkibit-balikat si Sunny habang mahigpit na hawak ang braso ni Rowan. "Hindi, ate, may bahay na ang asawa ko. Kailangan na naming umalis ngayon," sabi niya habang hinahatak si Rowan papunta sa pintuan.Ngunit si Rowan, na nakaupo sa sofa, ay hindi gumalaw. Hinayaan lamang niya ang malii
Kinabukasan.Nagising si Sunny mula sa malambot na kama. Nag-inat siya nang komportable, sabay sabing, "Ang tagal na simula nung huli akong nakatulog nang ganito kaayos."Paglingon niya sa kanan, diretsong napunta siya sa mga bisig ng isang lalaki. Napapikit siya nang bahagya, at unti-unting tumingala para tingnan ang lalaking nakayakap sa kanya.Kumurap siya.At kumurap ulit.Rowan: "Hindi ba okay ang mga mata mo o hindi mo lang ako makilala?""Pumikit ka nga."Nagulat si Rowan. Aba? Wala man lang reaksyon si Sunny nang makita siya sa unang pagkakataon pagkagising. Parang inasahan na niya ang eksenang matutulog sila at magigising nang magkasama.Napangiti si Rowan, nagiging sobrang kumpiyansa sa sarili. Pumikit siya, nag-aabang sa kung anong gagawin ni Sunny.Tahimik si Sunny ng tatlong segundo. Pagkalipas ng ilang saglit, mabilis siyang gumulong pababa ng kama at tumakbo papunta sa banyo nang kasing bilis ng pagtakas ni Samuel kahapon.Naputol ang katahimikan sa tunog ng pinto ng ba
“Hindi ka ba naiilang kapag hindi kita hinahawakan?” May bahid ng panunukso ang boses ni Rowan, ngunit ang mga mata niyang madilim ay parang nagmamasid sa reaksyon ni Sunny.Napakunot ang noo ni Sunny. “Ha? Bakit naman ako maiilang?” sagot niya, halatang litong-lito.Ibinaba ni Rowan ang tingin niya, at sadyang dumapo ang mga mata niya sa dibdib ni Sunny. Hindi ito basta tingin lang; para bang sinisipat niya ang bawat kurba ng dalaga. Napatingin si Sunny sa sarili niya at napakunot muli ang noo.“Ding...”Bago pa man siya makapagtanong, bumangga ang mga noo nila.“Araay!” Napahaplos si Sunny sa kanyang noo. Ngunit nang itaas niya ang ulo para magreklamo, aksidente namang nagtagpo ang mga labi nila.Napatigil si Sunny, nanlalaki ang mga mata. Para bang tumigil ang mundo niya. Tahimik, walang iniisip, pero ang tibok ng puso niya ay parang dumadagundong sa kanyang pandinig.Si Rowan, tila kalmado pa rin. Hindi siya umatras. Sa halip, pinagmasdan niya ang mukha ni Sunny nang malapitan. An
Umupo si Sunny sa tabi ni Rowan habang naka-pout ang labi nito. Sa ganitong pagkakataon, mas mabuti nang manatili siyang malapit sa asawa.Hindi na niya ininda ang sakit ng kanyang kamay, ang mas mahalaga ay makaalis sila agad. "Rowan, na-check na ang buhok ni Samuel at wala namang problema. Pwede na ba tayong umalis?"Tahimik na pinakinggan ni Rowan ang paraan ng pagtawag sa kanya ng asawa. Bigla itong naging pormal, hindi na "asawa."Kapag kailangan siya, ang tawag ay "asawa."Kapag hindi, "Rowan" na lang.Hindi niya alam pero may kung anong pang hihinayang ang naramdaman niya, hindi niya talaga maintindihan si Sunny. Paminsan ay malambing pero madalas parang mag kaibigan lamang sila ng asawa.Napakunot ang kanyang noo, at ang kaniyang lalamunan ay bahagyang gumalaw. "Tama si Dad. Hindi ligtas magbiyahe sa gabi."Sa isang simpleng sagot, nakatakdang manatili si Sunny sa Morris Family ng isa pang gabi.Pakiramdam ni Sunny, bumagsak ang langit sa tinalupa ng marinig iyon sa asawa.Ba
Lumapit si Evelyn Morris, nag-aalala ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Rowan, sinabi mo kanina na gusto mong hanapan ng asawa si Samuel. Pero kung aahitin mo ang buhok niya, naku, baka wala nang magkagusto sa kanya. Paano na ang plano mo na maghanap ng asawa para sa kanya?”"Mag-aasawa ako?" Nagulat si Samuel at halos hindi makapaniwala sa narinig. Ang kanyang mga mata ay nanlaki, at tila napako siya sa kinatatayuan. Nanginginig ang kanyang boses nang magtanong, “Uncle, ano po ang ibig n'yong sabihin? Mag-aasawa ako?”Sa gilid, mabilis na lumapit si Sunny kay Rowan, hawak-hawak ang kanyang braso na para bang hindi siya mapakali. "Hon, sino ang asawa ni Samuel? Sabihin mo na!" Tanong ni Sunny, kitang-kita ang kislap ng curiosity sa kanyang mga mata.Muling kumunot ang noo ni Rowan, tila hindi natutuwa sa paraan ng pagtawag ng kanyang asawa sa kanya. "Ano ang tawag mo sa akin?""Mr. Morris? Rowan? Mahal? Ano ba talaga ang gusto mo? Sige na, sabihin mo na kung sino ang asawa ni Samuel!”
Kanina pa pigil na tumatawa si Sunhy habang kuda naman ng kuda si Rowan. Panay ang puna nito sa kaniyang tattoo at ngayon naman ang napansin nito ay ang bago nitong kulay na buhok, napailing na lamang si Sunny habang kinakausap ng asawa ang dating deskmate.Sa loob ng malawak na mansion ng Morris family, tahimik na nag-aalmusal ang lahat. Ngunit tila may tensyon na nararamdaman sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Si Rowan Morris, ang itinuturing na haligi ng pamilya, ay nakaupo sa kanyang upuan at seryosong tinitingnan ang kanyang pamangkin, si Samuel. Ang dahilan ng tensyon? Ang bagong kulay ng buhok ni Samuel—isang matingkad na kayumanggi na labis na ikinagulat ng lahat, lalo na ni Rowan."I want to see your hair black within three hours," madiin na sabi ni Rowan, ang boses niya’y malamig ngunit puno ng awtoridad."Okay, I understand," mahinang sagot ni Samuel, halos hindi magawang tumingin nang diretso sa kanyang tiyuhin.Mabilis na sumabat si Evelyn Morris, ang ina ni Samuel,
Sa ilalim ng tirik na araw, nag-uusap sina Sunny at Samuel sa likod ng bahay ng Morris family. Nagbubulungan ang dalawa, tila may mga lihim na pinag-uusapan. “Samuel, sigurado ka ba sa narinig mo?” tanong ni Sunny, habang nakayuko at halos magdikit ang kanilang mga ulo.Napatakip ng bibig si Sunny sa narinig, hindi niya inaakala na may ganitong lihim pala ang asawa niya.bumungisngis siya, para itong bumalik sa pagiging highschool na mahilig sa mga kwela na nakinig lamang sa mga kapwa studyante.Naalala niya dati na lagi silang suki ni Samuel sa mga kwento sa kanilang skwelehan. Sila lagi ang puno't dulo ng mga chismis noon.Hindi aakalain ni Sunny na muling mauulit ang mga kwentuhan nila ni Samuel.Akalain mo nga naman, bilog talaga ang mundo. “Oo, narinig ko mismo si Grandpa. Pero huwag mong sasabihin kahit kanino, ha? Sinabi ko lang ito sa’yo dahil asawa ka na ng uncle ko,” sagot ni Samuel habang bumubulong. Ngumiti si Sunny at tumango. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko ikakalat a
Habang nakatayo si Samuel at nakita si Sunny, para siyang isang batang nakakita ng multo. Hindi niya mapigilang tumili, parang groundhog na tila natakot nang todo. Ngumiti si Sunny nang napakaliwanag, na parang walang nangyari. "Kumusta, deskmate," sabi niya. Nagulat ang lahat ng nasa kwarto. Ang kanilang mga mata ay lumipat kay Sunny at kay Samuel. Maging si Rowan, ang asawa ni Sunny, ay hindi makapaniwala. Paano naging magka-desk si Sunny at ang kanyang pamangkin? Sa mata ni Samuel, si Sunny ay ang babaeng bersyon ng kanyang Uncle Rowan—parehong nakakatakot, parehong dominante. Hindi niya sukat akalain na ang kanyang pinaka-nakakatakot na uncle ay biglaang nagpakasal sa babaeng kinatatakutan niya mula pa noong bata siya. Sa kanyang takot, mabilis siyang bumaling at tinangkang tumakas mula sa lugar na iyon. Ngunit bago pa man siya makalabas, magkasabay siyang tinawag nina Sunny at Rowan, "Bumalik ka rito!" Nagkatinginan ang mag-asawa matapos nito, at napansin ni Samuel ang