"Papa, anong ibig mong sabihin na kailangan kong magpakasal? Gipit ka na ba at kailangan mo nang magbenta ng anak!?"
Hindi mapigilang sigaw ni Sunny nang marinig ang sinabi ng ama. Kakauwi niya lamang galing eskwelahan at ito agad ang bubungad sa kaniya? Hindi niya kailanman matatanggap ang balitang ito! Hindi siya papayag na magpakasal! "Aba, ayos! Hindi pa nga ako tapos sa kolehiyo, gusto niyo na akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto!?" Nang marinig ng ina ang sinabi ni Sunny, mabilis itong lumapit sa kaniya at tinapik ang balikat nito, para bang inaalo siya. "Anak, makinig ka naman sa amin ng papa mo. Kaya ka nga namin pinauwi para pag-usapan ang bagay na 'to." "Pag-usapan? Ano pa ba ang pag-uusapan, Mama? Tinanggap niyo na nga ang mga binigay na gamit sa pamamanhikan!" Galit na sabi ni Sunny habang dinuduro ang iba't ibang klaseng alahas, bulaklak, at mga pagkain sa hapag-kainan. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit tinanggap ng kaniyang ama ang proposal. Dahil ba gipit na sila sa pera!? Napahilamos na lamang si Sunny sa kaniyang mukha. Hindi niya matanggap ang balita, lalo na’t hindi niya kayang lunukin kung sino ang nag-alok ng kasal! Ang binatang Morris lang naman! Iniisip pa lang niya ay para na siyang nanghihina. Napaupo na lamang si Sunny nang maisip ang mga Morris. Ang Morris ay kilala bilang halimaw pagdating sa negosyo! Walang panama ang ibang mga nagmamay-ari ng negosyo sa kanila! Lahat, mapa-maliit o malaki, ay dinudurog nila. Kaya paano siya makakatanggi!? "Anak, magbihis ka na at mag-ayos dahil darating na ang mga Morris anumang oras," balita sa kaniya ng kaniyang ama. Napanganga na lamang si Sunny sa bagong hulog na impormasyon. At talagang hindi man lang siya binigyan ng oras para makapag-isip!? Walang nagawa si Sunny. Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at tulalang umakyat sa kaniyang kwarto upang palitan ang uniporme. Ano na ang kaniyang gagawin ngayon? Alam niya ang mangyayari sa pamilya nila kung sakaling tumanggi siya sa kasal na inalok ng mga Morris. Nakagat ni Sunny ang kaniyang labi at nahulog sa malalim na pag-iisip nang mapatingin siya sa kanang bahagi ng kaniyang kwarto. Kung hindi niya kayang tumanggi, siya na lamang ang gagawa ng paraan upang tumanggi ang mga Morris sa kaniya. Napangisi si Sunny sa kaniyang naisip. Isinagawa nito ang kaniyang plano at bumaba na ng dining room nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang ina. "Pasensya na po sa paghihintay. Magandang gabi po!" Maligayang bati ni Sunny sa mga bisita. Nagmano pa ito kay Mr. Morris, ang matandang business tycoon sa bansa. Inikot ni Sunny ang paningin sa dining room. Hindi nito mapigilang huminga nang malalim sa kaginhawaan nang makitang wala ang lalaking ipapakasal sa kaniya. Ang tanging nandoon lamang ay si Mr. Morris at ang pangatlong asawa nito na si Mrs. Morris. Mula sa pakikipagkuwentuhan ni Mr. Morris sa mga magulang ni Sunny, inangat nito ang kaniyang paningin sa kaniya. Hindi napigilan ni Mr. Morris na mapatitig kay Sunny, hindi ito makapaniwala sa nakikita. Isinuot pa nito ang itinanggal kaninang salamin upang kumpirmahin ang kaniyang nakikita. Paano ba naman, ang suot na damit ng dalaga ay sampung magkakapatong na T-shirt at isang malaking kulay itim na jacket upang magmukha itong mataba. Pinakapalan niya rin ang kaniyang kilay, nilagyan ng pulang marka ang mga pisngi upang magmukhang tigyawat, kumain ng tsokolate upang magkunwaring sira ang kaniyang ngipin, at ginuhitan ng lip liner ang kaniyang manipis na labi upang palakihin ito. Kung sino man ang tatanungin, siguradong mapapangitan ang lahat sa kaniyang anyo ngayon. Taliwas sa totoong itsura niya na manipis na kilay, mapula at manipis na labi, makinis at maliit na mukha, at balingkinitang katawan. Sigurado si Sunny na aayaw na ang mga Morris na ipakasal ang anak nila dito. Sino nga bang may gusto ng pangit na manugang? Wala! "Ito ba ang anak mo, Armando? Bakit ibang-iba sa litrato?" Tanong ni Mr. Morris sa mag-asawang Fajardo. Hindi mapigilang mapatingin ni Armando sa anak na ngayon ay patagong nakangisi at kasalukuyang nakaupo na sa upuan at nagsasandok ng makakain. "Diyos ko, Armando! Akala ko ba naman ay tunay mang tao! Isa ka palang manggagantso!" bulalas ni Mrs. Morris. "Manahimik ka, Evelyn," galit na suway ni Mr. Morris sa asawa. Hilaw na ngumiti si Armando kay Mr. Morris. "Pasensya na at niloko namin kayo sa litrato ng aking anak. Kung gusto niyo ay maaari pa naman nating kanselahin ang kasal. Ibabalik na lamang namin ang mga ginastos niyo sa pamamanhikan." Napaisip si Armando sa ginawa ng anak, parang may kung anong ginhawa ang dumaloy sa kaniya. Sa totoo lang, ayaw ni Armando ipakasal si Sunny sa mga Morris, ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya kung gaano makapangyarihan ang mga ito. Takot siyang kalabanin ang mga Morris dahil alam niya kung gaano na karami ang mga nadurog na negosyo ng mga ito. Nagpapasalamat siya na matalino ang kaniyang anak at nagmana sa kaniya. Hindi niya akalain na magagawa ni Sunny ang ganitong diskarte, na kahit sa kaniyang posisyon ay hindi niya naisip. Gusto man niyang umalma noon, tila napigilan siya ng takot, ngunit ngayon ay tila nabigyan siya ng pagkakataon para umatras sa maayos na paraan. Sunod-sunod na tumango si Sunny, sumasang-ayon sa gusto ng amang ibalik na lamang ang mga nagastos sa pamamanhikan ng mga Morris. "Huwag po kayong mag-alala, Mr. Morris, hindi po kami magtatanim ng galit sa inyo kung sakaling ikakansela niyo ang kasal," madramang sabi ni Sunny. Bahagya pa itong yumuko na tila'y nalulungkot sa mga pangyayari, ngunit sa isip-isip nito ay parang baliw siyang tumatawa sa kaniyang ginawa. Sigurado siyang tatanggi na sa kaniya ang pamilyang Morris dahil sa kaniyang anyo. Iyon ang inaakala niya. "Hindi, huwag na kayong mag-abalang ibalik ang mga nagastos dahil tanggap ko ang anak niyo. Tuloy ang kasal," nakangiting usal ni Mr. Morris. Nahulog ang panga ni Sunny sa pagkabigla. May problema ba sa mata ng matandang ito? Hindi nito napigilan at napatayo sa kaniyang kinauupuan. Lahat tuloy ay napatingin sa kaniya. "Ano!?""Maari na nating simulan ang pagpaplano, mukhang magandang araw ang ika-pitong buwan ng Mayo. Ano sa tingin niyo, Armando? Palome?" tanong ni Mr. Morris sa mag-asawang Fajardo. Tila'y gulat pa rin sa mga pangyayari, sunod-sunod na tumango ang mag-asawa at naawang napatingin sa anak nilang parang binagsakan ng langit at lupa. "Sunny," nag-aalalang tawag sa kaniya ng ina. Dahang-dahang bumalik sa pagkakaupo si Sunny at napapikit na lamang, tanggap na ang kaniyang tadhana. Hindi pa man nangyayari, parang pinagkait na sa kaniya ang kalayaan at ang kaniyang kabataan. Sinong mag-aakala na sa edad na bente ay mag-aasawa na siya? Kasalukuyan pa nga lang siyang nasa sekondarya ng kolehiyo! Hindi pa siya tapos mag-aral! Hindi niya lubos na matanggap na hindi umubra ang kaniyang plano! Sino ba kasing mag-aakalang tatanggapin ang mga Morris ang pangit na manugang? Bakit ba kasi siya ang napili? Sa dami ng ibang magagandang babae sa mundo! Sigurado, maraming gustong magpakasal sa pamilyang k
Mabilis ang tibok ng puso ni Sunny habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Suot niya ang kaniyang wedding gown na mismong mga Morris ang pumili. Sa isang tingin pa lang, alam mong mamahalin ito dahil sa napakagandang istilo at de-kalidad na tela. Ngunit sa kabila ng lahat, ramdam pa rin ni Sunny ang kaba at pagkadisgusto sa pamilyang Morris.Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may marinig siyang mga hakbang sa kaniyang likod. Hindi na siya nag-atubiling tumingin kung sino iyon dahil alam niya na agad kung sino ito base sa tunog ng mga yapak.“Sinasabi ko na nga ba, iba talaga ang dugo ng mga Fajardo,” masayang wika ni Mr. Morris. Tiningnan ito ni Sunny sa salamin at nakita ang malaki nitong ngiti habang siya’y pinagmamasdan.Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara noong huli silang magkita sa bahay ng mga Fajardo. Wala na ang mga tigyawat nito sa mukha, ang matabang katawan, makapal na kilay, at labi. Napalitan iyon ng isang napakagandang dalaga na hindi inaasahan
Kinakabahan man, pilit na tumingin si Sunny sa lalaking nasa kaniyang harapan. Siya na nga ba ang kaniyang mapapangasawa? Kilala niya ang lalaking ito. Hindi man sila nagkikita kahit na nasa iisang lungsod lamang sila, sikat ang pangalan nito. Siya ang panganay na anak ni Mr. Morris—Rowan Morris.Napalunok si Sunny habang tahimik na nakatingin sa lalaki sa dulo ng altar. Hindi niya maalis ang tingin dito, tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Pamilyar ang mukha nito, isang anyo na minsan lamang niyang masilayan sa mga pormal na pagtitipon ng kanilang pamilya. Hindi siya makapaniwala na ang ipapares pala sa kanya ay walang iba kundi ang bente otso anyos na anak ni Mr. Morris! Napakalaki ng agwat ng edad nilang dalawa.Sa halos ilang buwan ng paghahanda para sa kasal, buong akala niya’y ang pangalawang anak ang ipapakilala sa kanya—ang mas malapit sa kanyang edad. Ngunit ngayon, ibang tao ang nakatayo sa harapan niya. Ang misteryosong panganay na laging tahimik ngunit puno ng aw
Pagkatapos ng kasal, parang lantang gulay na nahiga sa kama si Sunny. Hindi na nito nagawang tanggalin ang kaniyang wedding gown at heels na suot-suot dahil sa sobrang pagod. Hindi niya akalaing ganito pala nakakapagod ang magpakasal! Hindi lang siya physically exhausted kundi mentally din! Hindi na namalayan ni Sunny na nakaidlip na pala ito, naalimpungatan lamang nang marinig ang marahas na pagbukas ng pintuan ng kwartong tinutuluyan niya. Agad na napabalikwas si Sunny at napatingin sa kung sino mang mapangahas na nagbukas ng pintuan. Nahulog ang kaniyang panga nang makita ang gwapo ngunit malamig na asawa. "Anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ni Sunny. Tumayo siya nang tuwid at inangat ang mabigat na gown para umurong sa dulo ng kwarto. "Anong ibig mong sabihing anong ginagawa ko rito? Kwarto ko 'to," sagot ni Rowan. Natameme si Sunny sa narinig at nilibot ng tingin ang sinasabing kwarto ni Rowan. Lahat ng nakikita niya ay kulay itim o puti lamang, mapa-gamit o dingdin
Galit na galit na naglakad si Sunny pababa ng malamig at madilim na pasilyo, mahigpit ang hawak sa tela ng mabigat niyang gown na parang doon niya idinadaan ang lahat ng inis niya. Wala siyang ideya kung saan siya patungo, pero ayaw na niyang manatili pa ng kahit isang segundo sa silid na iyon kasama si Rowan. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Paano naging ganun ka-gwapo pero sobrang bastos? Tumunog ang mga takong niya sa makinis na sahig, bawat pintong sinilip niya ay nakasara o mukhang kasing-lamig ng taong iniiwasan niya. Walang mapa ang mansyong ito, kaya parang daga siyang paikot-ikot sa isang labirinto. “Guest room, guest room,” inis niyang bulong sa sarili habang naglalakad, ang boses niya’y puno ng pigil na galit. “Dapat meron namang guest room sa sobrang laki ng mansyon na ‘to.” Pagkaraan ng ilang liko at nabigong paghahanap, napasandal siya sa isang pader, pinakakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Sumakit na ang paa niya mula sa oras ng paglalakad sa matata
Tahip ang paghinga ni Sunny habang pababa siya ng hagdanan. Nasayang lamang ang oras niya sa pakikipag-usap sa walang kwentang asawa!Pati pagkain niya ay nakaligtaan niya dahil lang sa walang kwentang batas na gusto ng impokritong 'yon! At mukhang may balak pa siyang takutin ng lalaki. As if naman magpapatakot siya dito. Sino ba siya sa tingin niya? Hindi naman siya si Mr. Morris!"Speaking of the devil," bulong ni Sunny nang makababa ito ng hagdan. Bumaling siya sa kasambahay na tahimik na naglilinis ng mga kagamitan.Sinitsitan niya ito at nilapitan. Yumuko naman ang kasambahay bilang pagbibigay-galang."Ano pong maitutulong ko sa inyo, Mrs. Morris?" tanong ng kasambahay. Umasim ang mukha ni Sunny sa narinig.Mrs. Morris, huh? Kadiri!"Naku, tawagin mo na lang akong Sunny! Ikaw ba, anong pangalan mo?""Ako po si Tina, Mrs. Morris," sagot ng kasambahay sa mabait na tono. Ngumiwi na lamang si Sunny, mukhang wala siyang
Kinaumagahan, abala si Rowan sa opisina niya. Tumawag siya ng meeting kasama ang kanyang sekretarya para sa mga detalye ng kasunduan.“Siguraduhing walang aberya sa negosyo ng Fajardo,” malamig niyang utos.“Opo, Sir,” sagot ng sekretarya. Halos mabitiwan ni Sunny ang kape na hawak nang marinig ang kaniyang pamilya, papasok sana ito ng opisina ni Rowan upang mag bigay ng kape dahil may istatanong sana ito ng marinig nito na binanggit ni Rowan ang mga Fajardo“Nasaan si Sunny? Siguraduhin mong hindi niya malalaman 'to.”Napuno ng maling akala ang isipan ni Sunny. Sa pagkakaintindi niya, tila pinag-uusapan ni Rowan ang mga Fajardo para alipustahin.Pigil ang kabang pinihit ni Sunny ang pintuan sa opisina ni Rowan at pumasok doon ng walang paalam."Ano na naman bang plano mo sa pamilya ko, Rowan?" Tanong nito sa lalaki.Gulantang na napatingin si Rowan at ang sekretarya sa kaniya.Tumigil si Rowan, nagtat
Pag-kapasok ng silid ay ibinagsak ni Sunny ang katawan sa kama saka tumingin sa kulay puting kisame. Hindi naman lingid sa kaalaman nito na ayaw sa kaniya ng mga tao dito sa bahay, hindi lang dahil sa tingin nila ay si Sunny mismo ang nag pumilit na mapakasal kay Rowan, ngunit dahil din siya ay hindi galing sa mayayaman na kagaya nila. Kung baga ang mga Morris ay nasa pinakatuktok, siya naman ay nasa gitna lamang. Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip. Wala rin naman siyang plano na makipag-close sa mga tao sa mansion, ngunit sana naman ay mag panggap sila tuwing kausap siya ng mga 'to! Lalong-lalo na ang asawa na kahit hindi mag salita ay alam mong may galit ito sa kaniya. Bukod kay Rowan, hindi maasahan si Mr. Morris dahil unang-una. Siya ang nag pumilit na maikasal ang dalawa. Kung ang asawa naman nito na si Mrs .Morris ay hindi rin, sa ilang beses nilang pagkikita sa malaking mansyon ay hindi tinatago ng babae ang disgusto sa kaniya nito. Napabuntong hininga na
Si Samuel mabilis na lumingon at itinuro si Celeste Borja, "Gusto mo talagang mamatay, ha?" Kinuha niya ang tungkod mula sa kamay ng kanyang lolo, lumapit kay Celeste, at walang pag-aalinlangang inihampas iyon sa ulo niya. Punong-puno ng galit si Samuel. Isa siyang lalaki, at doble ang lakas niya kumpara sa isang babae. Buong pwersa niyang inihataw ang tungkod sa ulo ni Celeste. Agad itong nakaramdam ng hilo, parang nawalan ng malay sa sobrang sakit. Binitiwan ni Samuel ang tungkod. Wala siyang pakialam sa sinasabing "hindi nananakit ng babae ang lalaki"—para sa kanya, walang kwenta ang mga ilusyonaryong pananalitang ganun. Walang babala, sinuntok niya si Celeste sa mukha. "Samuel! Ang ate ko si Celeste Borja! Pinatulan mo ako, hindi ka ba natatakot sa tito ko—argh!" Hindi pa natatapos ni Celeste ang sinasabi nang biglang inapakan ni Samuel ang mukha niya.Nagkagulo ang buong paaralan.Nagpatawag agad ng pulis dahil hindi na mahinto ang gulong nang nag-aaway na mga estudyante. Il
Pagkatapos niyang sabihin iyon, dahan-dahan niyang inilapag ang kanyang mamahaling bag sa mesa. Nilakihan niya pa ang kilos para siguradong mapansin ito ng lahat. "Eto, ang bag ko. Sa official website, 180,000 yuan ‘to. O ayan, may bago kayong topic na pwedeng pag-usapan. Huwag niyo nang ubusin ang oras niyo sa mga walang kwentang chismis. Pwede niyo rin pag-usapan itong bracelet ko, na nagkakahalaga ng 30 million yuan. Sige, halukayin niyo pa ang background ko, alamin niyo kung sino talaga ako at bakit ako mayaman." Nagulat ang buong klase. Tahimik silang nakatitig sa bag at bracelet niya. Hindi sila makapaniwala. Isang bag na 180,000 yuan? Isang bracelet na 30 million yuan?! Lalo pang lumawak ang mapanuksong ngiti ni Sunny. Nilibot niya ang tingin sa buong klase, at napansin niyang may isang tao na mas matindi ang galit sa kanya—si Celeste Borja. Habang nakangiti si Sunny, si Celeste naman ay halos bumutas ng mesa sa tindi ng tingin sa kanya. At nang magsalita ito, ramdam ang
Sa totoo lang, kanina pa siya nagtatampo sa asawa niya. Dahil panay ang pang-aasar nito sa kanya at panay rin ang halik nito, kaya naman nagtago siya sa gilid ng kama at niyakap ang unan. Pero sa kalagitnaan ng gabi, kahit tulog, kusa siyang bumalik sa bisig ng asawa niya. Napabangon si Rowan nang marinig ang nakakairitang tunog ng cellphone. Humarap naman si Sunny sa kanya at umungol, "Husband, woo woo, nakakainis, ikaw na sumagot." Pinulot ni Rowan ang cellphone at tiningnan ang caller. Sinagot niya ito at inilapit sa kanyang tainga. "Hello?" Sa kabilang linya, hindi agad nakapagsalita ang tumawag. Isang lalaking boses ang narinig niya mula sa cellphone ni Sunny. At sa sandaling iyon, kahit gusto niyang ipagtanggol si Sunny, hindi niya napigilan ang sariling magduda sa mga nabasa niya sa forum. Dali-dali niyang ibinaba ang tawag. Napakunot-noo si Rowan habang nakatitig sa cellphone. Dahil sa babala ni Annie, dali-daling bumalik sa sasakyan si Sunny at Samuel. Binuksan nila a
Isang Karaniwang Post, Isang Matinding EskandaloSa isang simpleng post, lumobo agad ang komento tungkol sa diumano'y pagiging "sugar baby" ni Sunny. Sa loob lamang ng tatlong oras, umabot na sa mahigit 30,000 ang mga komento sa tatlong nangungunang thread.Dahil sa dami ng taong nakikisali, bumagsak ang forum ng paaralan. Pero hindi iyon naging hadlang—may mga taong gumawa ng mahabang larawan ng buong usapan at ipinalaganap ito sa pribadong mga GC. Sa isang iglap, pumutok ang balita.Pati mga guro mula sa iba’t ibang departamento ay lihim na nagbabasa ng tsismis habang patuloy ang diskusyon ng mga estudyante sa madaling araw.Mas lalo pang lumaki ang iskandalo dahil si Sunny ay kilalang sikat sa kanilang unibersidad. Ang isyu niya ngayon ay natabunan pati ang dating eskandalo ni Celeste Borja.Isang Dilag sa DilimAlas-dos na ng madaling araw, pero gising pa rin si Celeste. Tinititigan niya ang kaniyang "obra maestra"—ang iskandalong siya mismo ang nagpasabog. Isang mapanuksong ngiti
Hapon na pala, at tila wala siyang nakita kanina.Matapos maligo, nawala na ang amoy ng snack street kay Mr. Morris. Busog na siya, pero parang may kulang pa rin. Gayunpaman, maganda ang mood niya, kaya naman bihirang pagkakataon na makipagkwentuhan siya sa anak at manugang.“Rowan, anong pangalan ng asawa mo sa phone mo?” tanong ni Mr. Morris.“Pusa.”“Ha? Kakaiba kayo. Karaniwan, ‘Asawa’ o ‘Sweetheart’ ang ginagamit ng iba, pero kayo—‘Pusa’ at ‘Malaking Tigre.’ Ang trendy niyo naman.”Napangiti si Rowan habang tiningnan ang misis niyang nakasiksik sa braso niya. “Ako pala ang Malaking Tigre?”Napakagat-labi si Sunny at nagkikindat na sumagot, “Ikaw kasi ang asawa ko. Sabi nila, ikaw ang hari ng business world. Eh, ang hari ng kagubatan, tigre, diba? Kaya~~ hehe, asawa, gusto mo ba ‘yung tawag ko sa’yo?”Tumaas ang kilay ni Rowan. “Mas gusto ko kapag tinatawag mo akong ‘Asawa.’”“Eh ‘di palitan mo rin ako sa phone mo, gawin mong ‘Asawa’~” lambing ni Sunny habang nakayakap sa braso ni
Biglang tumunog ang cellphone niya.Pagkakita sa caller ID, natawa siya. "Uncle, yung asawa mong nasa klase, tumatawag sakin."Napatingin si Rowan sa kanya. "Sagot mo, hands-free."Pinindot ni Samuel ang sagot at inilagay sa speaker."Hello? Ano yun?""Xiao Su! Wag kang umuwi ng maaga! Wag na wag! Maghanap ka ng milk tea o kumain ka ng skewers, kahit ano!" Mabilis at tarantang sabi ni Sunny."Busy sa trabaho ang asawa ko, pero kapag nauna kang umuwi tapos ako wala pa, siguradong magtatanong siya! Baka mahuli ako!"Tiningnan ni Samuel ang tiyuhin niya. Nagloloko sa labas ang asawa niya nang hindi nagpapaalam, pero bakit mukhang ang saya-saya pa rin niya?"Hello? Xiao Su? Samuel?" tawag ni Sunny sa kabilang linya. "Narinig mo ba ako?"Hindi pa siya sumasagot kaya nagtanong ulit si Sunny, "Nasaan ka?""Ah, narinig kita. Wala pa ako sa bahay," sagot ni Samuel."Okay, siguradohin mong huwag kang umuwi agad, ha."Napatingin si Rowan kay Samuel at tumango.Gets na ni Samuel ang ibig sabihin
Masiglang itinuro ni Samuel ang bintana, parang doon mismo pupunta si Sunny. “Ate, kailan ka pa nakakita ng tindero sa snack street na nagbibigay ng resibo? At isa pa, nakalimutan mo na bang pumunta ka roon nang palihim at hindi mo sinabi kay Uncle? May lakas ng loob ka bang hingin sa kanya ang bayad?”“...” Hindi nakaimik si Sunny.Biglang pumalakpak si Annie sa mesa habang tumatawa. “Nuan, mukhang ikaw ang lugi rito.”Pakiramdam ni Samuel ay sobrang talino niya, kaya hindi na siya sumama. Kaya pagkatapos ng klase, naghiwa-hiwalay sila sa tatlong direksyon.Si Sunny, bitbit ang kanyang bag, ay mabilis na lumabas sa west gate. Pagdating niya sa labas, napansin niya ang isang matandang lalaking nakatayo doon—maayos ang pananamit, puti na ang buhok pero puno ng sigla.Nakapamulsa ang mga kamay nito habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng Z University.Habang dumadaan ang mga estudyante, ngumiti siya nang may kasiyahan. “Lahat ng ‘to ay mga kaklase ni Nuan ko. Ang tatangkad, ang huh
Kapag may social event si Rowan Morris, palagi siyang tumatawag kay Sunny para sabihing, "Huwag mo na akong hintayin sa hapunan ngayong gabi. May dinner meeting ako."At tuwing umuuwi siya, tulog na ang maliit na asawa niya sa kama, pero laging may ilaw sa kwarto, parang palaging may naghihintay sa kanya.Lumipas ang mahigit isang buwan simula nang pumasok si Sunny sa eskwelahan, at unti-unti na niyang itinuring ang tahanan ng Morris family bilang sarili niyang tahanan. Wala na ang distansyang naramdaman niya noon.Sa tagal niyang nakatira roon, napagtanto niyang lahat ng nasa pamilya Morris ay nakakatuwa sa kanya-kanyang paraan.Noong una, inisip niyang si Mr. Morris ay seryoso, tradisyonal, at mahigpit. Pero habang tumatagal, natuklasan niyang isa lang pala siyang matandang bata—mas tumatanda, mas nagiging makulit. Madalas silang maglaro ng baraha, kumain ng meryenda, at magtsismisan ng kung ano-ano.Si Samuel noon ay parang siga sa bahay, pero simula nang lumipat si Rowan at Sunny
Dalawang katok. Walang sumagot.Dahan-dahang binuksan ni Sunny ang pinto nang bahagya, at nang makita niya ang malamig na ekspresyon ni Rowan sa loob, agad siyang kinabahan. Hindi pa man siya lumalapit, parang natakot na siya.Pero kahit takot, pinilit niyang maging matapang. Binuksan niya nang buo ang pinto, pumasok, at marahang isinara ito sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumapit kay Rowan, maliliit ang bawat hakbang. Nakatungo siya, nilalaro ang kanyang mga daliri, at marahang bumuntong-hininga bago nagsalita."Sorry, mahal..." mahina niyang sabi. "Hindi ko na naman nailagay ang sarili ko sa tamang posisyon kanina. Mali ako ulit."Nakaangat ang mood ni Rowan ngayon. Itinaas niya ang tingin at pinagmasdan ang asawa niyang parang batang nagso-sorry. "Hindi ka ba kanina lang galit na galit? Sige, ituloy mo lang."Umiling si Sunny nang mabilis. "Hindi, hindi! Hindi po ako galit."Tumaas ang kilay ni Rowan. "Ang paraan mo ng paghingi ng tawad, hindi ko gusto. Hindi kita mapapatawad."