Nagmamadaling itinigil ni Maureen ang kanyang pagpipinta, ng sabihin sa kanya ni aling Layda na dumating na ang kanyang asawang si Zeus. Agad niyang hinawi ang kurtina na nakatabing sa bintana kung saan tanaw niya ang kanilang garahe. Naroroon na ang isang magarang sasakyan, lulan ang kanyang asawa. Napakagwapo ng lalaking iyon. Mala- Adonis kung tumindig at maganda ang hubog ng katawan. Malamig ito kung tumingin, at hindi mo mababasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Magpapalit na sana muna siya ng damit, ng bumukas ang pinto, at iniluwa ang pigura ng kanyang asawa. Hindi siya agad makahuma, napatingin siya dito, habang kinakalas nito ang sariling kurbata. Kumakabog ang kanyang dibdib. Ilang araw nawala ang lalaki, at tuwing bumabalik ito, ginagamit siya nito sa marahas na paraan. Wala man lang kalambing lambing ang bawat halik nito. Daig pa niya ang nirewrestling sa kama. Nahihiya siyang isipin na kahit ganun ang ginagawa nito sa kanya, ay namimiss pa rin niya ang halik at pag ang
Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan ni Zeus noon. “May babae ng nagpapatibok ng kanyang puso matagal na. Nasa America lang siya ngayon. Marami kayong similarities nun. Kaya siguro tinanggap ka na rin niya.” Binalewala niya iyon, at inisip na lang na bahagi na lang iyon ng nakaraan ng kanyang asawa, walang wala iyon kumpara sa kanya. Parang nananaginip lang siya ngayon sa tagpong ito. Na mismong nakikita ng kanyang mga mata ang mga kaganapan. Sa sandaling iyon, nakita niya kung paano alalayan ng kanyang asawa ang babaeng iyon. Paano ito naging malambing at maalaga, na never nito ginawa sa kanya. Para siyang sinasaksak ng paulit- ulit sa puso. Sobrang sakit. Lalabas na sana ang mga ito, ng mahagip siya ng paningin ng lalaki, habang kasama niya si Aling Layda, na noon ay hindi rin makapagreact sa nakikita. Nagsalubong pa ang kilay nito pagkakita sa kanya. “Kilala mo?” tanong dito ng babaeng kasama nito. “Asawa ko,” sagot nito, saka malambing na sinabihan ang babae
Dahan dahan niyang nilapitan si Maureen. Nakapikit ito. Para itong bata na basta humiga na lang sa gilid. Pero hindi maitatanggi, na maganda talaga ito, lalo na ang kulay rosas nitong labi, na sa tuwing hinahalikan niya, ay para siyang nakakatikim ng prutas na matamis gaya ng peaches. Yumuko siya upang buhatin ito at dalahin sa kama. Sumiksik pa itong mabuti sa kanyang mga braso na parang nilalamig. Tiningnan niya si Maureen. Ang amo ng mukha ng kanyang asawa. Inilapag niya ito sa kama. Aalis na sana siya ng bigla itong magsalita. “Siraulo ang asawa ko!” Binalikan niya ito, at tinitigan. Mukhang tulog na tulog pa ito. Nagsasalita habang nananaginip. Hinawakan niya ng kanang kamay ang kamay nito at tinapik tapik ang pisngi ng kanyang asawa. “Maureen?” tawag pa niya dito. Ngunit sadyang malalim na ang tulog nito. Natukso siyang halikan ito sa labi. Bigla itong nagising, at nagulat nong makita siya, “Anong ginagawa mo?” galit nitong sabi sa kanya, “matapos mong makipagdate sa kabit
“Nagsisisi ka na ba ngayon? O ganyan lang talaga kababaw ang pagmamahal mo sa akin kaya hindi ko napapansin na maaari mo palang tanggapin sa sarili mo na mapupunta ako sa iba?” inis ang tono ng boses nito. Lalo pa siyang dinaganan ng lalaki. Halos hindi na siya makahinga sa ginagawa nito sa kanya, ngunit hindi iyon ang panahon, para magmakaawa siya dito. Kahit nanghihina, pinilit niya itong sagutin. “Nagsisisi akong minahal pa kita! At kahit kailan, hindi na kita papangaraping magustuhan ulit!” asik niya dito. Hindi siya deserve nito, lalo na ang kanyang pagmamahal, at pinagsisisihan niya ang lahat. Mahaba na angdalawang taon. Panahon na para sumuko. Bahagyang tumawa si Zeus, “mabuti naman. Kung hindi mo na ako mahal, mas maganda palang hindi kita lalo pakawalan. Alam mo kung bakit? Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalana niyo sa akin. Ang makapiling ako habang buhay, ay isang matinding pasakit para sayo!” “Dahil lang sa naisahan ka ng tatay ko, pati ako, hindi mo mapapatawad?”
“Ano?” nagulat siya sa tanong nito sa kanya. “May gusto ka ba kay Zeus? Iyon kasi ang sabi ng mga tao dito eh,” napatingin pa ito kay Zeus, “totoo ba?” Nag iba ang ekspresiyon ng mukha ni Zeus at waring naghihintay ng kanyang isasagot habang kumakain ito ng isda. “Hahaha,” pagak niyang tawa,”wala no!” tanggi niya sa tanong nito. “Wala?” si Shane naman ang nagulat sa kanyang isinagot. ‘Paano mangyayari iyon? Samantalang sabi sakin ni Rex, para daw itong aso na laging sumusunod kay Zeus saan man ito magpunta?’ “Bata pa kasi ako noon. Alam mo na, dala lang iyon ng aking kabataan. Mahilig kasi akong mag explore,” sagot ni Maureen kay Shane. “Bale, tiningnan ko lang kung ano ang mangyayari kung sakaling sumunod ako ng sumunod sa kanya. Wala lang yun no,” natatawa pa niyang sagot dito. Madalas siyang nagliliwaliw, at kapag hindi na niya alam kung paano siya uuwi, si Zeus ang tinatawagan niya. Minsan, dumadating ito, minsan ay hindi, pero ang assistant nitong si Mr. Jack ay inuutusan
“Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya. “Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?” “Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa tono ng kanyang pananalita. Hinablot niya ang papel, at nabasa ang nais ng babae. Ang dating bahay lang ng pamilya ni Maureen ang hinihiling nito, wala ng iba. Ni hindi ito humingi ng kahit magkano sa kanya. Kahit hindi ito humingi ng pera, pag uusapan pa rin sila ng ibang nakakakilala sa kanila. Agad niyang tinawagan si Maureen. “Ano itong isinend mo sa akin?” tanong niya dito. “Obvious naman na annulment papers yan, hindi ka ba nagbabasa?” mataray nitong sagot sa kanya. Kasalukuyan naman si Maureen na nagtitingin tingin sa mall. Inaya nito ang kaibigan na makapaglakwatsa. “Ang sinasabi ko, ay ang dahilan mo ng pakikipaghiwalay sa akin anong sinasabi mong hindi ko nameet ang expect
May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack. “Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “At bakit? Bahay ko iyan!” singhal niya sa mga ito, “anong karapatan ng Zeus na yan na hindi ako papasukin sa sarili kong pamamahay?” “Maureen!” Wala sana siyang balak lapitan ang lalaking ito, ngunit wala naman siyang choice. Naiinis niya itong pununtahan, saka siya pumasok sa kotse nito. Subalit doon pa lang, bigla na nitong hinablot ang kanyang kamay, at hinila siya pakandong dito. Naka skirt lang siya, kaya nag aalala siyang tumaas iyon at makita ang kanyang panty. “Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Asik niya dito. Hindi siya binitawan ng lalaki, bagkus, niyakap pa siya nito ng mahigpit,hawak hawak ang kanyang mga kamay. “Zeus, ano ba? nasasaktan ako!” nagpupumiglas niyang sawa
Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa kanya. “Nag pa-ads ka di ba?” “Hindi ako nagpopost ng ganyan! wala akong alam diyan!” pinatay na niya ang tawag na iyon. ‘Ang dami na talagang manloloko ngayon. Kung kailan bwesit na bwesit ako, saka naman may mga ganitong tatawag sa akin, mga sira ulo!’ Subalit segundo lang ang lumipas, may tumawag ulit sa kanya at nagtatanong ulit ng tungkol sa pera na ibabayad niya upang magkaanak. Maiksi talaga ang kanyang pasensiya, at hindi siya ipinanganak na may mahabang pisi. Inalam niya kung saan nakita ng mga ito ang sinasabing advertisement. Mukhang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat! Malinaw sa nasa advertisement ang kanyang numero. Hindi siya nagagalit, isa pa, may pagkakataon n