Dahan dahan niyang nilapitan si Maureen. Nakapikit ito. Para itong bata na basta humiga na lang sa gilid. Pero hindi maitatanggi, na maganda talaga ito, lalo na ang kulay rosas nitong labi, na sa tuwing hinahalikan niya, ay para siyang nakakatikim ng prutas na matamis gaya ng peaches.
Yumuko siya upang buhatin ito at dalahin sa kama. Sumiksik pa itong mabuti sa kanyang mga braso na parang nilalamig. Tiningnan niya si Maureen. Ang amo ng mukha ng kanyang asawa. Inilapag niya ito sa kama. Aalis na sana siya ng bigla itong magsalita. “Siraulo ang asawa ko!” Binalikan niya ito, at tinitigan. Mukhang tulog na tulog pa ito. Nagsasalita habang nananaginip. Hinawakan niya ng kanang kamay ang kamay nito at tinapik tapik ang pisngi ng kanyang asawa. “Maureen?” tawag pa niya dito. Ngunit sadyang malalim na ang tulog nito. Natukso siyang halikan ito sa labi. Bigla itong nagising, at nagulat nong makita siya, “Anong ginagawa mo?” galit nitong sabi sa kanya, “matapos mong makipagdate sa kabit mo, katawan ko naman ang gusto mo? Mandiri ka nga!” singhal nito sa kanya. Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Tiningnan niya lang ito ng diretso, “Hindi ko siya kabit. Wag ka ngang mag imbento ng kwento!” “Buntis na siya, tapos, sasabihin mo, hindi mo siya kabit? Ano mo siya, tropa?” “Wag mo siyang sasaktan. Nananahimik lang siya.” sabi niya dito. “Ano namang palagay mo sa akin? Maraming galamay at kayang manakit? Sa payat kong ito, palagay mo kaya kong manakit ng tao?” tanong nito sa kanya. Halata ang galit sa kanyang boses. Hindi na lang niya ito sinagot, lalo lang hahaba ang usapan. “Kumusta ang tiyan mo?” “Kumusta ang tiyan ko? Wag kang umarte na concern ka! Nakuha mo nga akong iwanan noong mga panahong kailangang kailangan kita! Tapos ngayon, kukumustahin mo ako na parang napakabuti mong asawa? Woow, Zeus! Wow!” pinalakpakan pa siya ni Maureen. Bigla ang buhos ng luha ni Maureen, “Maghiwalay na tayo ,Zeus!” hindi na niya makayanan ang ginagawa sa kanya ni Zeus, kaya dumating na siya ng point ng buhay niya para sumuko. Nagulat si Zeus sa sinabi ni Maureen. Sa unang pagkakataon, tinawag siya nito sa totoo niyang pangalan. Matanda siya dito ng walong taon, at nakasanayan na ni Maureen na tawagin siyang kuya. At noong maging mag-asawa na sila, honey na ang tawag nito sa kanya. “Anong itinawag mo sakin?” tanong niya dito. “Zeus! At simula ngayon, tatawagin na kita sa pangalan mong iyan. Kaya Zeus, uulitin ko, maghiwalay na tayo!” matigas ang tinig nito, mukhang desidido nga na iwan siya. Simula noong magising si Maureen mula sa hospital na wala si Zeus sa tabi niya, napagdisisyunan na niyang palayain na talaga ito. Ni hindi man lang siya nito binantayan habang nakaconfine. Hinihintay na lang ata ng asawa niya ang kanyang pagkamatay. “Ano ulit sinabi mo, Maureen?’ waring hindi talaga makapaniwala si Zeus sa kanyang sinasabi. “Zeus, maghiwalay na tayo!” ang walang pusong lalaking ito ay dapat hindi minamahal at pinaglalaanan ng panahon. Tutal sinabi din naman nito sa kanya na kahit kailan hindi siya kayang mahalin ng kanyang asawa. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” hindi ito makapaniwala sa narinig buhat sa kanya. “Kung sinasabi mo lang yan, dahil iniisip mong hahabulin kita, nagkakamali ka Maureen, hindi ko iyon gagawin!” “Hindi ko iniisip na hahabulin mo ako or whatsoever! Hindi ko dapat inaaksaya ang kabataan ko sayo. Marami pa diyang iba, na maaaring mahalin ako sa paraang gusto ko, at hindi ako balewalain, gaya ng pambabalewala mo sa akin! Kaya ko namang magparaya.” “Baka nakakalimutan mo, Maureen, 2 years ago, ang iyong ama ang nagpapunta sayo sa aking kama upang pikutin ako! Tinatakot niya pa akong magtatawag siya ng mga reporter kapag hindi kita pinanagutan!” tugon nito sa kanya. Dalawang taon na ang nakakaraan ng mangyari iyon. Madami ng nakakaaway sa negosyo ang kanyang ama, dahil bumabagsak na iyon. Para maprotektahan siya nito, dapat mapunta siya sa pamilya nina Zeus, ang maging isang Acosta! At dahil natatakot ang kanyang ama na madamay siya sa mga nais magpabagsak dito, pinatulog siya nito ng hindi niya namamalayan, at pag gising niya, nasa tabi na siya ng lalaki, walang saplot. Bakas sa mantsang nasa kama na ginalaw siya nito. Dahil may lihim naman siyang pagmamahal sa lalaki, hindi niya hinadlangan ang kanyang tatay ng ipilit nitong pakasalan siya ng asawa. Pumayag naman ito sa kondisyon na hindi ipapaalam sa ibang tao ang kanilang pagsasama at pag iisang dibdib. Twenty years old lang siya ng mga panahong iyon, at bagong graduate. Naalala pa niya ang sinabi sa kanya ni Zeus noong unang gabi ng kanilang pagsasama bilang mag asawa. “Maureen, ibinigay ka na sa akin ng tatay mo, kaya dapat, lahat ng gusto ko, ay susundin mo, naiintindihan mo ba?” sabi nito sa kanya. “Masusunod po kuya,” nakatungo niyang sagot dito. “Anong kuya? Tanga ka ba?” sigaw nito sa kanya, “asawa mo ako, kaya hindi mo dapat ako tatawaging kuya, naiintindihan mo?” “So-sorry.. Tatandaan ko yan,” tanging naisagot na lamang niya dito. Sa pag- alala ng nakaraan, bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Hindi siya galit sa tatay niya, ng pilitin nitong ipakasal siya kay Zeus, dahil sa simula pa lang, alam na niya na nais lang ng kanyang ama, na maprotektahan siya. At ngayon, nakakulong na ang kanyang ama. “Alam kong nagagalit ka at hindi mo gustong pakasalan ako, kaya ngayon, pinapalaya na kita,” sabi niya dito. “Sige nga Maureen, paano mo masusuportahan ang sarili mo? Kung yung negosyong itinayo ninyo ng kaibigan mo ay hindi man lang kumikita ng salapi?” panunuya nito sa kanya. “Nag uumpisa pa lang kami. May negosyo bang kumita agad ng malaki kung nag uumpisa pa lang? Alam ko na ang mga gagawin ko, hindi mo na ako kailangan pang proteksiyunan! Kaya ko na ang sarili ko!” naiirita niyang sagot dito. “Ah, kaya pala gusto mo ng makipaghiwalay sakin, dahil hindi mo na ako kailangan, samantalang noong kailangan ako ng pamilya mo, hindi mo ako iniwan, at ngayong kaya mo na ang sarili mo, iiwanan mo na ako, ganun ba ang nais mong ipahiwatig sa akin, ha Maureen?” “Alam ko namang malaki ang kasalanan ni papa sayo. Pinagbabayaran na nga niya ang lahat. Saka sa loob ng mga panahong nagsasama tayo, naging sunod sunuran ako sayo! Isa pa, ayaw mo bang maging malaya?Ayaw mo bang panagutan ang babaeng iyon? Ayaw mo bang bigyan ng kumpletong pamilya ang batang dinadala niya?” “Wag mong pakialaman ang mga ginagawa ko,” malamig ang tinig na sabi nito sa kanya. Kahit kailan, hindi siya nagtanong tungkol sa mga ginagawa nito, dahil ayaw nito ng pinapakialaman. Napabuntung hininga na lang siya. Tatalikuran na sana niya ito, subalit hinila siya ng kanyang asawa pabalik sa kama. Bigla itong dumagan sa kanya at mariing hinawakan ang kanyang mga braso malapit sa kanyang mga tenga. “A-anong ginagawa mo?” bigla siyang nagpanic sa ikinilos nito. “Paulit ulit mong sinasabi at ipinaparamdam sa akin na mahal mo ako. Tapos ngayon, hahayaan mo lang akong mapunta sa iba? Talaga bang okay lang sayo na may iba akong babae? Tanggap mo ba yun, Maureen?” galit na tanong nito sa kanya. Magsisinungaling siya kapag sinabi niyang tanggap niya iyon, kaya sumagot siya ng naaayon sa kanyang puso, “Hindi.” Saka marahas siyang tumingin dito, “pero ngayon, tatanggapin ko na.”“Nagsisisi ka na ba ngayon? O ganyan lang talaga kababaw ang pagmamahal mo sa akin kaya hindi ko napapansin na maaari mo palang tanggapin sa sarili mo na mapupunta ako sa iba?” inis ang tono ng boses nito. Lalo pa siyang dinaganan ng lalaki. Halos hindi na siya makahinga sa ginagawa nito sa kanya, ngunit hindi iyon ang panahon, para magmakaawa siya dito. Kahit nanghihina, pinilit niya itong sagutin. “Nagsisisi akong minahal pa kita! At kahit kailan, hindi na kita papangaraping magustuhan ulit!” asik niya dito. Hindi siya deserve nito, lalo na ang kanyang pagmamahal, at pinagsisisihan niya ang lahat. Mahaba na angdalawang taon. Panahon na para sumuko. Bahagyang tumawa si Zeus, “mabuti naman. Kung hindi mo na ako mahal, mas maganda palang hindi kita lalo pakawalan. Alam mo kung bakit? Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalana niyo sa akin. Ang makapiling ako habang buhay, ay isang matinding pasakit para sayo!” “Dahil lang sa naisahan ka ng tatay ko, pati ako, hindi mo mapapatawad?”
“Ano?” nagulat siya sa tanong nito sa kanya. “May gusto ka ba kay Zeus? Iyon kasi ang sabi ng mga tao dito eh,” napatingin pa ito kay Zeus, “totoo ba?” Nag iba ang ekspresiyon ng mukha ni Zeus at waring naghihintay ng kanyang isasagot habang kumakain ito ng isda. “Hahaha,” pagak niyang tawa,”wala no!” tanggi niya sa tanong nito. “Wala?” si Shane naman ang nagulat sa kanyang isinagot. ‘Paano mangyayari iyon? Samantalang sabi sakin ni Rex, para daw itong aso na laging sumusunod kay Zeus saan man ito magpunta?’ “Bata pa kasi ako noon. Alam mo na, dala lang iyon ng aking kabataan. Mahilig kasi akong mag explore,” sagot ni Maureen kay Shane. “Bale, tiningnan ko lang kung ano ang mangyayari kung sakaling sumunod ako ng sumunod sa kanya. Wala lang yun no,” natatawa pa niyang sagot dito. Madalas siyang nagliliwaliw, at kapag hindi na niya alam kung paano siya uuwi, si Zeus ang tinatawagan niya. Minsan, dumadating ito, minsan ay hindi, pero ang assistant nitong si Mr. Jack ay inuutusan
“Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya. “Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?” “Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa tono ng kanyang pananalita. Hinablot niya ang papel, at nabasa ang nais ng babae. Ang dating bahay lang ng pamilya ni Maureen ang hinihiling nito, wala ng iba. Ni hindi ito humingi ng kahit magkano sa kanya. Kahit hindi ito humingi ng pera, pag uusapan pa rin sila ng ibang nakakakilala sa kanila. Agad niyang tinawagan si Maureen. “Ano itong isinend mo sa akin?” tanong niya dito. “Obvious naman na annulment papers yan, hindi ka ba nagbabasa?” mataray nitong sagot sa kanya. Kasalukuyan naman si Maureen na nagtitingin tingin sa mall. Inaya nito ang kaibigan na makapaglakwatsa. “Ang sinasabi ko, ay ang dahilan mo ng pakikipaghiwalay sa akin anong sinasabi mong hindi ko nameet ang expect
May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack. “Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “At bakit? Bahay ko iyan!” singhal niya sa mga ito, “anong karapatan ng Zeus na yan na hindi ako papasukin sa sarili kong pamamahay?” “Maureen!” Wala sana siyang balak lapitan ang lalaking ito, ngunit wala naman siyang choice. Naiinis niya itong pununtahan, saka siya pumasok sa kotse nito. Subalit doon pa lang, bigla na nitong hinablot ang kanyang kamay, at hinila siya pakandong dito. Naka skirt lang siya, kaya nag aalala siyang tumaas iyon at makita ang kanyang panty. “Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Asik niya dito. Hindi siya binitawan ng lalaki, bagkus, niyakap pa siya nito ng mahigpit,hawak hawak ang kanyang mga kamay. “Zeus, ano ba? nasasaktan ako!” nagpupumiglas niyang sawa
Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa kanya. “Nag pa-ads ka di ba?” “Hindi ako nagpopost ng ganyan! wala akong alam diyan!” pinatay na niya ang tawag na iyon. ‘Ang dami na talagang manloloko ngayon. Kung kailan bwesit na bwesit ako, saka naman may mga ganitong tatawag sa akin, mga sira ulo!’ Subalit segundo lang ang lumipas, may tumawag ulit sa kanya at nagtatanong ulit ng tungkol sa pera na ibabayad niya upang magkaanak. Maiksi talaga ang kanyang pasensiya, at hindi siya ipinanganak na may mahabang pisi. Inalam niya kung saan nakita ng mga ito ang sinasabing advertisement. Mukhang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat! Malinaw sa nasa advertisement ang kanyang numero. Hindi siya nagagalit, isa pa, may pagkakataon n
“Miss Laraza, pakihintay na lang muna si sir, may kameeting lang siya sa loob. Maya maya, matatapos na rin yun,” nakangiting bilin sa kanya ni Adelle.“Salamat,” tumayo siya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Lauren.After 10 minutes, may nakikita siyang pigura na papalapit sa pintuan ng opisina. Naamoy niya ang scent ng pabango niyon.Bumukas ang pinto, at nagsalubong ang mata nilang dalawa.“Ikaw?” hindi siya makapaniwala ng makilala kung sino ito.“Oh.. ikaw pala si Maureen. What a coincidence!” pagak pa itong tumawa.Ngayon niya biglang narealized kung sino ang kaharap, “ka-kayo po ba ang– ang president?”“Parang ako nga,” ngumiti ito at binuksan ng malaki ang pinto, “come in, have a sit.”“Ti-thank you sir,” nahihiya siyang naupo, “by the way, ito po pala ang mga designs ko,” iniabot niya dito ang kanyang drafts.“Wag mo na akong hinoho o pinopo ha, daig ko pa ang matandang binata eh,” saka ito maluwang na ngumiti. Tiningnan nito ang kanyang mga guhit, “ikaw ba ang gumawa ng lahat
Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang mata sa pag irap dito. Hindi niya mawari, kung bakit ang pakiramdam niya, lagi na lang sarcastic ang tono ng boses at pananalita ni Shane. Maganda nga itong babae, ngunit kung magsalita, daig pa ang batang inaagawan palagi ng candy. Hindi ito basta babae lang, alam nito magmanipula at magpasunod ng tao. Pero hindi iyon uubra sa kanya.Nang marinig ito ni Zeus, agad nalukot ang mukha nito. Kulang na lang ay kainin siya nito sa bawat sulyap na ibinibigay sa kanya.Hindi na siya nag aksaya ng panahon na tingnan ang asawa. Baka mamaya, magkasagutan na naman sila.“Bakit narito kayong lahat?” si Brix iyon. Ipinagpasalamat niya at nasanggahan siya ng katawan ng kanilang boss.“Zeus, si Sir Brix nga pala ang kasama ni Maureen na pumunta dito,” intrimitidang sabi ni Shane. Parang pinapalabas nito na magkadate sila ng kanilang boss.Sumimangot si Zeus ng malamang ito ang kasama ng kanyang asawa.‘Bakit naman mag aaksaya ng panahon ang Royal Group sa
At talagang mahinang nilalang pala ang tingin kay Maureen ni Zeus. Lagi nitong itinatatak sa kanyang isipan, na maganda lang siya, pero tanga siya. Hindi niya kayang protektahan ang kanyang sarili!Maraming galit sa kanyang ama, na nagnanais manakit sa kanya, subalit dahil asawa na siya ni Zeus, hindi siya magalaw ng mga iyon.Napangisi siya dito, “hindi ko kailangan ang pag aalala mo! Mas malala pa nga ang ginagawa mo sakin!”Nakatatak na sa isipan niya na niloko siya nito, at magkakaanak na ito sa iba. Wala na siyang maisip na sasabihin dito, kaya nilayasan na niya ang lalaki.Bago pa man siya makalabas ng corridor na iyon, biglang may nambuhos sa kanya ng kape. Hindi na iyon mainit, kaya hindi siya napaso.“Malandi ka! Bakit mo inaakit si Brix?” bunsol ni Roselle sa kanya kasama ang iba pang mga modelong kaibigan nito. Nakatingin ang mga ito sa kanya.Magsasalita pa lang sana siya, ng biglang hilahin ni Roselle ang kanyang buhok.”Ang kapal ng mukha mong malandi ka! Malandi ka pa sa