Share

10. Warned by my ex

Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang mata sa pag irap dito. Hindi niya mawari, kung bakit ang pakiramdam niya, lagi na lang sarcastic ang tono ng boses at pananalita ni Shane. Maganda nga itong babae, ngunit kung magsalita, daig pa ang batang inaagawan palagi ng candy. Hindi ito basta babae lang, alam nito magmanipula at magpasunod ng tao. Pero hindi iyon uubra sa kanya.

Nang marinig ito ni Zeus, agad nalukot ang mukha nito. Kulang na lang ay kainin siya nito sa bawat sulyap na ibinibigay sa kanya.

Hindi na siya nag aksaya ng panahon na tingnan ang asawa. Baka mamaya, magkasagutan na naman sila.

“Bakit narito kayong lahat?” si Brix iyon. Ipinagpasalamat niya at nasanggahan siya ng katawan ng kanilang boss.

“Zeus, si Sir Brix nga pala ang kasama ni Maureen na pumunta dito,” intrimitidang sabi ni Shane. Parang pinapalabas nito na magkadate sila ng kanilang boss.

Sumimangot si Zeus ng malamang ito ang kasama ng kanyang asawa.

‘Bakit naman mag aaksaya ng panahon ang Royal Group sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status