Share

63. Ang kakaibang damdamin ni Royce.

"Pero hiwalay na tayo!" sabi ni Maureen kay Zeus.

Tumingin si Zeus sa kanya, malamlam ang mga mata nito, "kahit na maghiwalay pa tayo, ikaw pa rin ang asawa ko."

Napaisip siya bigla. May lugar kaya siya sa puso ng lalaki kaya ganoon ang pahayag nito sa kanya?

Habang inaalipin siya ng katanungan na iyon, narinig nila ang boses ni Royce na nasa ibaba, "Zeus.. narito ako sa ibaba.."

Pumasok na si Royce sa bakuran habang sumisigaw.

Nang marinig ni Zeus ang boses ni Royce, nanlamig ang ekspresyon ng mukha nito, "magpahinga ka lang muna dito," bilin nito saka siya dinampian ng halik sa labi.

Nararamdaman ni Maureen ang tila bigat ng paghinga ni Zeus. Nag alala siya bigla at hinawakan ito sa laylayan ng damit, "anong balak mong gawin?"

"Huwag kang mag-alala, matulog ka ng maayos."

Hinawakan ni Zeus ang kanyang kamay at kinumutan siya bago ito tuluyang umalis.

Nananatiling basa pa rin ang mga mata ni Maureen. Natatakot na baka may mangyari, tiniis niya ang sakit sa kanyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status