“Nagsisisi ka na ba ngayon? O ganyan lang talaga kababaw ang pagmamahal mo sa akin kaya hindi ko napapansin na maaari mo palang tanggapin sa sarili mo na mapupunta ako sa iba?” inis ang tono ng boses nito. Lalo pa siyang dinaganan ng lalaki.
Halos hindi na siya makahinga sa ginagawa nito sa kanya, ngunit hindi iyon ang panahon, para magmakaawa siya dito. Kahit nanghihina, pinilit niya itong sagutin. “Nagsisisi akong minahal pa kita! At kahit kailan, hindi na kita papangaraping magustuhan ulit!” asik niya dito. Hindi siya deserve nito, lalo na ang kanyang pagmamahal, at pinagsisisihan niya ang lahat. Mahaba na angdalawang taon. Panahon na para sumuko. Bahagyang tumawa si Zeus, “mabuti naman. Kung hindi mo na ako mahal, mas maganda palang hindi kita lalo pakawalan. Alam mo kung bakit? Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalana niyo sa akin. Ang makapiling ako habang buhay, ay isang matinding pasakit para sayo!” “Dahil lang sa naisahan ka ng tatay ko, pati ako, hindi mo mapapatawad?” nagpupumiglas siya mula sa pagkakahawak nito. “Ayoko ng naiisahan ako! Walang dapat manlamang sa akin. Kaya pagbabayaran mo ang lahat ng ito, habang buhay!” saka siya iniwan nito at pabalibag na isinarado ang pintuan. Naupo siya sa kama at hindi makapaniwala sa narinig buhat sa lalaki. Siya ang nais nitong pagbayarin sa ginawa dito ng kanyang ama. At pagbabayaran niya iyon habang siya ay nabubuhay! KINABUKASAN.. Nagising si Maureen sa maliwanag na sikat ng araw na sumisilip sa kurtina ng kanyang kwarto. Kung gaano kaliwanag ang sinag na iyon, ganun naman kadilim ang kanyang nararamdaman. Biglang sumakit ang kanyang tiyan. “Aaah..” napahawak pa siya dito, “kailangan ko ng bumangon at kumain para makainom ako ng gamot.” Bumaba siya upang makapag almusal. Agad siyang sinalubong ni Aling Layda. “Mam, gumawa ako ng soup para sa iyong tiyan. Maganda ito upang mainitan ang iyong sikmura,” nakangiti nitong bati sa kanya. “Salamat,” naupo siya at tinikman ang ibinigay nito sa kanya. Masaya siyang pinapanood ng matanda. Nakakakain na kasi siya ng maayos ngayon. Hinawakan pa nito ang kanyang noo, “mukhang okay ka na ah.” Maya maya pa, napatingin sila sa pinto ng marinig nila ang mga boses na nagtatawanan at nagkukwentuhan. Si Zeus, kasama ang babae nitong si Shane! Napatigil siya sa pagkain at pinanood ang mga ito, ‘bwesit na lalaki ito, ayaw makipaghiwalay pero iniuwi dito ang kabit niya! Napakawalanghiya talaga!’ “Aling Layda, maghain na kayo,” malambing nitong utos sa matanda. Wala namang nagawa ang katulong kundi ang sumunod. Parang wala siya doon, matapos maghain ng matanda. Parang ang dalawang ito lang ang nasa lugar na iyon. “Kumain ka ng isada, maganda ito sa baby,” binigyan nito ng pagkain si Shane. “Salamat,” sagot ni Shane. Nahihiya pa itong tumingin sa kanya, “nakakahiya naman, nandiyan ang asawa mo..” “Okay lang yan sa kanya,” malambing na sagot nito sa babae. Naninikip ang kanyang dibdib sa nakikita niya. Sa bagay, dapat, tinatanggap na niya ang mga ganitong bagay dahil kabayaran ito sa mga kasalanan nila sa kanyang asawa. “Mrs. Acosta, pasensiya ka na ha. Ganito talaga kalambing si Zeus sakin noon pa mang mga bata pa kami, lalo na noong malaman niyang nagdadalang tao na ako,” mlambing na sabi sa kanya ni Shane. “Wag mo akong tawaging Mrs. Acosta,” saway niya dito. Hindi na siya natutuwang mabansagang asawa ni Zeus. “Bakit naman?” tumigil ito pagkain, “hindi ba kayo oaky na dalawa?” At may gana pa talagang magtanong ang babaeng ito sa kanya kung hindi sila okay. Hindi nagsalita si Zeus. Hindi niya rin naman alam kung ano ang isasagot sa babaeng ito. “Hindi naman talaga kami okay,” tugon na lamang niya, “basta na lang kami nagpakasal kahit hindi namin mahal ang isa’t isa.” Biglang napatingin sa kanya si Zeus. Inirapan lang niya ito. Wari namang nababasa ni Shane na may issue sa pagitan nilang mag asawa. “Ahm.. pakiabot na lang sakin ng gulay, Maureen” sabi nito sa kanya, “hindi kasi kumakain ng gulay si Zeus, gusto ko lang matikman niya yan, para kung sakali man, at magustuhan niya, makakakain na siya ng masustansiyang pagkain.” “Bakit hindi ikaw ang kumuha? May yaya ka bang katabi kapag kumakain ka?” panunuya niya dito, “wala ka bang kamay para abutin yan?” “Ah- eh-, ikaw kasi ang mas malapit. Saka sa America, sanay akong sa mga hotel kumakain. May mga waiter doon na nagsisilbi.” “Pwes, hindi mo ako waiter,” nakasimangot niyang sagot dito. Si Zeus na lang ang tumayo at kinuha ang pagkain na nais ni Shane. “Mag isa lang din kasi akong kumakain lagi, dahil sa trabaho, kaya hindi ako sanay ng may ganitong hain sa hapag,” malungkot pa nitong sabi, na parang nagpapaawa sa kanyang asawa. “Shane, ang galing mo kaya. Napaka hard working mo,” pagkocomfort dito ni Zeus. “Salamat,” nginitian pa nito si Zeus, “tikman mo ito oh, masarap yan. Enseladang labanos. Maganda ito sa katawan.” “Sige nga, masubukan nga yan,” pinanood pa niya ito habang kinakain ang gulay na inialok dito ni Shane. Inubos na niya ang kanyang soup. Tiningnan niya ng may pang uuyam si Zeus. Natatandaan pa niya noon, nang igawa niya ito ng rice ball na may kasamang gulay. Inalok niya itong kainin iyon habang mainit pa. “Kuya, tikman mo itong ginawa ko. Masarap kainin ito tuwing umaga.” alok niya dito. Ibiaabot pa niya ang isang canister na may lamang pagkain. “Hindi ako kumakain ng pagkaing hinawakan na ng iba,” saka niya ako iniwan ng walang kaabog abog. Ang alaalang iyon ang isa sa nagpapasikip ng kanyang dibdib, lalo pa at nakikita niya kung paano kainin ng lalaking ito ang pagkaing ibinigay ni Shane. Para na lang siyang palamuti doon, habang pinapanood ang dalawa sa kabilang bahagi ng lamesa. “Masarap hindi ba?” tanong ni Shane kay Zeus, na marahang kinakain ang gulay na iyon. “Hmmm.. masarap nga,” malambing na sagot nito kay Shane. “Sabi ko sayo eh. Noong mga bata pa tayo, hindi ka talaga kumakain ng gulay. Kaya pinipilit pa kita hindi ba?” nangalumbaba pa ito sa harapan ni Zeus. “Oh? Ang tagal na noon ah, natatandaan mo pa rin? Ang talas talaga ng memorya mo ha,” pinisil pa ni Zeus ang pisngi ng babaeng kaharap. “Siyempre naman! Natatandaan ko pa ang lahat. Naaalala mo pa ba, noong nakakatanggap ka ng mga award? Madaming tao, lalo na ang mga kaklase nating babae ang gustong magcongratulate sayo. Sikat na sikat ka sa school natin,” nakangiting kwento ni Shane. “Sobra naman yan, hindi ba masyadong exaggerated naman niyan,” natatawa pang sabi ng lalaki. Ang mga ngiting iyon ay hindi pa niya nakikita magmula noong maging mag asawa sila. Lalo lang siyang nakakaramdam ng inis dito. “Oo kaya.. Sabi nga ng mama ko, may taste daw talaga ako sa lalaki, dahil ikaw ang nagustuhan ko,” parang kinikilig pa ito. ‘Yun ba ang hindi kabit? Harap harapang umaamin?’ inis niyang sabi sa sarili. Nawawalan na siya ng ganang kumain. Napatingin pa sa kanya si Zeus habang humihigop ng kape. Waring tinitingnan nito ang kanyang reaction. Malamig lang siyang tumingin sa lalaki, saka niya ito inirapan. Napansin naman iyon ni Shane. “Pasensiya ka na Maureen. Bata pa lang kasi kami, magkasama na kami ni Zeus. Hindi ko lang mapigilang alalahanin ang aming nakaraan,” napapahiyang sabi nito sa kanya. Hindi na niya ito tinugon. Pinilit na lang niyang tapusin ang kanyang pagkain at baka masuka pa siya sa kanyang mga naririnig. Ngunit hindi pa pala doon natatapos ang kwento ni Shane. Ikinuwento pa nito ang kanilang romance noong kabataan nila. At nalaman niya, na hinadlangan pala ng lolo ni Zeus ang kanilang relasyon kaya sila naghiwalay. Wala naman siyang pakialam sa ikinukwento nito. Tiningnan niya ng masama si Zeus, baka makakaramdam ito na ayaw na niyang makinig sa ikinukwento ng kabit nito, at maiisipan nitong patigilin na sa pagsasalita si Shane. Subalit parang walang plano ang lalaki. Inienjoy pa nito ang pakikinig sa kwento ng ex nito na ngayon ay ginawa pa nitong kabit. Naiinis siya. Parang gusto pa ata nitong maikwento ni Shane pati ang ginagawa nilang dalawa sa kama. Gusto na lang niya itong batuhin ng plato upang manahimik na lamang. Timping timpi na siya. “Ikaw, Maureen? May gusto ka ba kay Zeus?” tanong sa kanya ni Shane.“Ano?” nagulat siya sa tanong nito sa kanya. “May gusto ka ba kay Zeus? Iyon kasi ang sabi ng mga tao dito eh,” napatingin pa ito kay Zeus, “totoo ba?” Nag iba ang ekspresiyon ng mukha ni Zeus at waring naghihintay ng kanyang isasagot habang kumakain ito ng isda. “Hahaha,” pagak niyang tawa,”wala no!” tanggi niya sa tanong nito. “Wala?” si Shane naman ang nagulat sa kanyang isinagot. ‘Paano mangyayari iyon? Samantalang sabi sakin ni Rex, para daw itong aso na laging sumusunod kay Zeus saan man ito magpunta?’ “Bata pa kasi ako noon. Alam mo na, dala lang iyon ng aking kabataan. Mahilig kasi akong mag explore,” sagot ni Maureen kay Shane. “Bale, tiningnan ko lang kung ano ang mangyayari kung sakaling sumunod ako ng sumunod sa kanya. Wala lang yun no,” natatawa pa niyang sagot dito. Madalas siyang nagliliwaliw, at kapag hindi na niya alam kung paano siya uuwi, si Zeus ang tinatawagan niya. Minsan, dumadating ito, minsan ay hindi, pero ang assistant nitong si Mr. Jack ay inuutusan
“Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya. “Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?” “Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa tono ng kanyang pananalita. Hinablot niya ang papel, at nabasa ang nais ng babae. Ang dating bahay lang ng pamilya ni Maureen ang hinihiling nito, wala ng iba. Ni hindi ito humingi ng kahit magkano sa kanya. Kahit hindi ito humingi ng pera, pag uusapan pa rin sila ng ibang nakakakilala sa kanila. Agad niyang tinawagan si Maureen. “Ano itong isinend mo sa akin?” tanong niya dito. “Obvious naman na annulment papers yan, hindi ka ba nagbabasa?” mataray nitong sagot sa kanya. Kasalukuyan naman si Maureen na nagtitingin tingin sa mall. Inaya nito ang kaibigan na makapaglakwatsa. “Ang sinasabi ko, ay ang dahilan mo ng pakikipaghiwalay sa akin anong sinasabi mong hindi ko nameet ang expect
May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack. “Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “At bakit? Bahay ko iyan!” singhal niya sa mga ito, “anong karapatan ng Zeus na yan na hindi ako papasukin sa sarili kong pamamahay?” “Maureen!” Wala sana siyang balak lapitan ang lalaking ito, ngunit wala naman siyang choice. Naiinis niya itong pununtahan, saka siya pumasok sa kotse nito. Subalit doon pa lang, bigla na nitong hinablot ang kanyang kamay, at hinila siya pakandong dito. Naka skirt lang siya, kaya nag aalala siyang tumaas iyon at makita ang kanyang panty. “Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Asik niya dito. Hindi siya binitawan ng lalaki, bagkus, niyakap pa siya nito ng mahigpit,hawak hawak ang kanyang mga kamay. “Zeus, ano ba? nasasaktan ako!” nagpupumiglas niyang sawa
Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa kanya. “Nag pa-ads ka di ba?” “Hindi ako nagpopost ng ganyan! wala akong alam diyan!” pinatay na niya ang tawag na iyon. ‘Ang dami na talagang manloloko ngayon. Kung kailan bwesit na bwesit ako, saka naman may mga ganitong tatawag sa akin, mga sira ulo!’ Subalit segundo lang ang lumipas, may tumawag ulit sa kanya at nagtatanong ulit ng tungkol sa pera na ibabayad niya upang magkaanak. Maiksi talaga ang kanyang pasensiya, at hindi siya ipinanganak na may mahabang pisi. Inalam niya kung saan nakita ng mga ito ang sinasabing advertisement. Mukhang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat! Malinaw sa nasa advertisement ang kanyang numero. Hindi siya nagagalit, isa pa, may pagkakataon n
“Miss Laraza, pakihintay na lang muna si sir, may kameeting lang siya sa loob. Maya maya, matatapos na rin yun,” nakangiting bilin sa kanya ni Adelle.“Salamat,” tumayo siya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Lauren.After 10 minutes, may nakikita siyang pigura na papalapit sa pintuan ng opisina. Naamoy niya ang scent ng pabango niyon.Bumukas ang pinto, at nagsalubong ang mata nilang dalawa.“Ikaw?” hindi siya makapaniwala ng makilala kung sino ito.“Oh.. ikaw pala si Maureen. What a coincidence!” pagak pa itong tumawa.Ngayon niya biglang narealized kung sino ang kaharap, “ka-kayo po ba ang– ang president?”“Parang ako nga,” ngumiti ito at binuksan ng malaki ang pinto, “come in, have a sit.”“Ti-thank you sir,” nahihiya siyang naupo, “by the way, ito po pala ang mga designs ko,” iniabot niya dito ang kanyang drafts.“Wag mo na akong hinoho o pinopo ha, daig ko pa ang matandang binata eh,” saka ito maluwang na ngumiti. Tiningnan nito ang kanyang mga guhit, “ikaw ba ang gumawa ng lahat
Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang mata sa pag irap dito. Hindi niya mawari, kung bakit ang pakiramdam niya, lagi na lang sarcastic ang tono ng boses at pananalita ni Shane. Maganda nga itong babae, ngunit kung magsalita, daig pa ang batang inaagawan palagi ng candy. Hindi ito basta babae lang, alam nito magmanipula at magpasunod ng tao. Pero hindi iyon uubra sa kanya.Nang marinig ito ni Zeus, agad nalukot ang mukha nito. Kulang na lang ay kainin siya nito sa bawat sulyap na ibinibigay sa kanya.Hindi na siya nag aksaya ng panahon na tingnan ang asawa. Baka mamaya, magkasagutan na naman sila.“Bakit narito kayong lahat?” si Brix iyon. Ipinagpasalamat niya at nasanggahan siya ng katawan ng kanilang boss.“Zeus, si Sir Brix nga pala ang kasama ni Maureen na pumunta dito,” intrimitidang sabi ni Shane. Parang pinapalabas nito na magkadate sila ng kanilang boss.Sumimangot si Zeus ng malamang ito ang kasama ng kanyang asawa.‘Bakit naman mag aaksaya ng panahon ang Royal Group sa
At talagang mahinang nilalang pala ang tingin kay Maureen ni Zeus. Lagi nitong itinatatak sa kanyang isipan, na maganda lang siya, pero tanga siya. Hindi niya kayang protektahan ang kanyang sarili!Maraming galit sa kanyang ama, na nagnanais manakit sa kanya, subalit dahil asawa na siya ni Zeus, hindi siya magalaw ng mga iyon.Napangisi siya dito, “hindi ko kailangan ang pag aalala mo! Mas malala pa nga ang ginagawa mo sakin!”Nakatatak na sa isipan niya na niloko siya nito, at magkakaanak na ito sa iba. Wala na siyang maisip na sasabihin dito, kaya nilayasan na niya ang lalaki.Bago pa man siya makalabas ng corridor na iyon, biglang may nambuhos sa kanya ng kape. Hindi na iyon mainit, kaya hindi siya napaso.“Malandi ka! Bakit mo inaakit si Brix?” bunsol ni Roselle sa kanya kasama ang iba pang mga modelong kaibigan nito. Nakatingin ang mga ito sa kanya.Magsasalita pa lang sana siya, ng biglang hilahin ni Roselle ang kanyang buhok.”Ang kapal ng mukha mong malandi ka! Malandi ka pa sa
Gipit siya ngayon, at mas kailangan niya ng pera!Nagulat naman si Roselle sa kanyang demand.“Bakit? Wala ka bang pera? Akala ko ba, mayaman ka?” pang aasar niya dito, “mukhang wala kang maiilabas na pera ngayon ah.”Subalit sadyang mayabang si Roselle, “sinong may sabing hindi ako maglalabas ng pera/ magkano ang kailangan mo? Saka anong number mo?”Binuksan agad niya ang kanyang bar code,” 50, 000? Kaya mo ba?” talagang plano niya itong inisin. Sa katulad ni Roselle, di baleng maubos ang pera, makapagyabang lang.“Ayan na, nagsent na!” nakasimangot nitong sabi sa kanya. “Wag mong sasabihing hindi kita binayaran ha! Madaming nakakasaksi!”“Okay,” nagningning ang kanyang mga mata, ng makita ang pera sa kanyang Gcash. Makabuluhan naman pala ang kanyang pagpapasampal, nagkapera pa siya. Kailangang kailangan niya ito, dahil medyo kinakapos siya ngayon.Lumipad ang kanyang mata, sa kabuuan ni Zeus. Titig na titig ito sa kanya. Ngunit hindi na niya hinayaang makalapit pa ito sa kanya, kaag