“Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya.
“Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?” “Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa tono ng kanyang pananalita. Hinablot niya ang papel, at nabasa ang nais ng babae. Ang dating bahay lang ng pamilya ni Maureen ang hinihiling nito, wala ng iba. Ni hindi ito humingi ng kahit magkano sa kanya. Kahit hindi ito humingi ng pera, pag uusapan pa rin sila ng ibang nakakakilala sa kanila. Agad niyang tinawagan si Maureen. “Ano itong isinend mo sa akin?” tanong niya dito. “Obvious naman na annulment papers yan, hindi ka ba nagbabasa?” mataray nitong sagot sa kanya. Kasalukuyan naman si Maureen na nagtitingin tingin sa mall. Inaya nito ang kaibigan na makapaglakwatsa. “Ang sinasabi ko, ay ang dahilan mo ng pakikipaghiwalay sa akin anong sinasabi mong hindi ko nameet ang expectations ng sexual desire mo? Nababaliw ka na ba?” naiirita niyang sabi dito. “Inuuwian mo ako, minsan lang sa loob ng isang buwan. Kaya hindi mo nameet ang sexual desire na gusto ko,” mapang asar pa nitong sagot sa kanya. “So, ibig mong sabihin, nakukulangan ka pa sa performance ko? Ilang beses ba ang gusto mo ha? Pitong beses sa isang gabi?” naiirita talaga siya sa idinahilan nito. “Yeah.. parang hindi ka ganoon kagaling para sa akin. Mahina na ang iyong tuhod. Saka parang hindi naman ganoon katigas ang iyong alaga, so, tama, nakukulangan ako sa performance mo,” napahagikhik pa ito sa kabilang linya na mas lalong nagdulot ng kanyang pagkairita. “Humanda ka sakin mamayang gabi pag uwi ko! Sisiguraduhin kong hindi ka makakabangon bukas!” inis niyang sagot dito. ‘Ito ba ang nais niya? Ang makipaghiwalay? Nababaliw na ata ang babaeng ito!’ “Hindi na kailangan,” sagot nito, “hindi na ako babalik sa bahay mo. Pirmahan mo na lang iyan, para makapag move on na tayong dalawa ng mapayapa.” Sa kanyang narinig buhat sa babae, lalo lang siyang nairita dito,”sigurado ka bang hihiwalayan kita?” “Sinabi ko na sayo, maghiwalay na tayo!” mataas na ang tono ng boses ni Maureen, “hindi mo naman ako trinato ng tama, simula pa sa umpisa. At ano? Lolokohin mo lang pala ako sa kabila ng pagiging submissive wife ko? Kapag hindi mo yan pinirmahan, ipagkakalat ko, na asawa mo ako, at nambababae ka. Alam mo naman kapag kilalang tao ang invove sa tsismis, pinagpipyestahan! Bahala na kung kaninong buhay ang masisira dito, sayo o sa akin!” “Malakas na ang loob mong takutin ako ngayon, Maureen!” sinusubukan talaga nito ang kanyang pasensiya. “Oo, tinatakot kita!” inis na rin si Maureen. ‘Sa haba ng panahon na inaksaya ko sa lalaking ito, naging mahina ako noon. Nagpakaduwag. Kaya ngayon, hindi na ako papayag na maging sunud sunuran!’ Malaki ang naitulong sa kanya ni Zeus. Subalit dumating na talaga siya sa kanyang boiling point. “Kapag pinirmahan mo yan, matatapos na ang ating pagsasama. Maaasikaso mo na ng maayos si Shane. Tratuhin mo siya ng tama, buntis pa naman siya. Saka wag mong gagawing malungkot ang buhay niya, gaya ng ginawa mo sa buhay ko.” Napangiti siya sa sinasabi nito, “naaawa ka ba sa kanya, o ginagawa mo lang siyang rason upang takasan ako?” “Wag ka ng maraming sinasabi diyan Zeus. Pirmahan mo na yan, ayoko ng makisama sa katulad mong manloloko,” pinagpatayan na siya ng cellphone ni Maureen. Maya maya pa, sunod sunod ang mensaheng dumarating sa kanya mula sa isang banko. Sunod sunod ang mga binabayaran ni Maureen. Iba’t ibang klase ng kagamitan. Doon niya naisip na seryoso nga ito sa pakikipaghiwalay sa kanya. “Mr. Jack, i-check mo nga kung pumunta si Maureen sa kanilang bahay sa Cavite,” utos niya sa kanyang assistant. “Masusunod sir,” nagmamadali itong lumabas ng kanyang opisina. Hindi niya akalaing ganoon pala kaseryoso si Maureen sa pakikipaghiwalay sa kanya. Ang akala niya ay hindi nito siya kayang iwanan. Ilang minuto pa ang lumipas, bumalik na rin si Mr. Jack. “Sir, naroroon nga daw po ang inyong asawa. Nag hired siya ng mga tagalinis sa kanilang bahay,” pagbabalita nito sa kanya. Plano pala talaga ng kanyang asawa na lumipat na ng bahay. Naiinis siyang ginusot ang hawak na annulment papers at itinapon iyon sa sahig. Dalawang taon na ang nakakaraan, ng kailanganing ibenta ng pamilya ni Maureen ang ilan nilang ari arian kasama na ang bahay ng mga iyon sa Cavite na bagong pagawa. Nakiusap sa kanya ang asawa, na bilhin niya ang bahay na iyon, na hindi naman niya akalaing magagamit nito, upang may matirahan itong bahay kapag sila ay naghiwalay. Mukhang naisahan na naman siya, noong una ay ng tatay, ngayon naman ay yung anak. “Tawagan mo ang banko, ipasuspend mo ang card ng aking asawa,” utos niya kay Mr. Jack. SAMANTALA.. “Bumili pa tayo ng mga gamit. Alam mo ba, ayun sa balita, binilhan daw ng asawa mo ang kabit niya ng mansiyon. Alam mo kung magkano? 100 million pesos ang halaga!” pagbabalita kay Maureen ng kaibigan, “kaya dapat, makinabang ka muna sa pera ng asawa mo bago kayo maghiwalay ng tuluyan.” Tama ang kanyang kaibigan. Dapat naman nga, makinabang siya dito. At dahil hindi na siya babalik sa bahay ni Zeus, kailangan niyang bumili ng mga bagong damit. Pumili siya ng ilang pirasong damit saka bags at sapatos. Umabot din ng isang million ang kanyang babayaran. “Good morning Mam,” iniabot niya sa cashier ang kanyang card. Tumunog iyon, “Mam, declined po ang card niyo, mukhang may limit lang po ang card niyo.” Hindi siya makapaniwala. Paanong madedeclined iyon? Personal card iyon ng kanyang asawa, at imposibleng magkalimit iyon! “Bes.. hindi kaya, si Zeus ang may kagagawan kaya nadeclined ang card mo?” sabi sa kanya ni Ruby. Marami na siyang napamili, at malamang, lahat ng transaction history ay pumasok sa number ng kanyang asawa. Agad niyang tinawagan ang banko. “Mam, si Mr. Acosta po ang nagpablocked ng inyong card. Bago po yan ma-unblocked, kailangang tawagan po muna natin ang asawa niyo,” sagot sa kanya ng banko. Bwesit! Inis na inis siya at nagpupuyos ang kanyang kalooban! Ang walanghiyang yun, nakuha pang bawiin ang karapatang ibinigay sa kanya! “Yung asawa mo talaga, abnormal! Napaka generous niya sa kabit niya, tapos ikaw, ayaw pagastusin! May sayad na talaga ang lalaking iyon,” wika ni Ruby. “A-anong gagawin ko?” tanong niya sa kaibigan. “Wag mo na lang bilihin iyang mga damit. Buti nga nabayaran na natin ang mga furniture. Tatawagan ko si Aling Layda para ayusin ang mga gamit mo doon at ilagay sa iyong luggage. Tapos, ipadala natin sa bahay mo, di ba? Kailangan mo ng mamuhay ng naaayon sa iyong kagustuhan.” paalala sa kanya ni Ruby. Tama. Mamumuhay siya ng masaya sa kanyang bahay sa Cavite. Magagawa na niya ang kanyang mga gusto. Makakapagparty na ulit sila ng kanyang kaibigan. Mag iingay sila at mag ienjoy! Umuwi na lang sila sa kanyang bahay. Madilim na ng mga sandaling iyon. Siya na lang ang bumaba ng sasakyan, dahil may date pa ang kanyang kaibigan. “Salamat Bes, sa pagsama sa akin ngayong araw,” hinalikan niya ito sa pisngi. “Wala yun,” nakangiti nitong sagot, “paano ba yan? Kailangan ko na munang umalis. Iiwanan na muna kita ha, see you bukas.” “Salamat,” kinawayan niya pa ito. Pagpasok niya sa loob, napansin niya ang isang magarang sasakyan, na nakaparada doon sa may bakanteng lote na malapit sa garahe. Nakatayo sa gilid nito at nakasandal si Zeus. Lumingon ito sa kanya ng marinig ang kanyang mga yabag. Ang mga mata nito ay nang-uusig, na animo may kasalanan siya dito.May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack. “Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “At bakit? Bahay ko iyan!” singhal niya sa mga ito, “anong karapatan ng Zeus na yan na hindi ako papasukin sa sarili kong pamamahay?” “Maureen!” Wala sana siyang balak lapitan ang lalaking ito, ngunit wala naman siyang choice. Naiinis niya itong pununtahan, saka siya pumasok sa kotse nito. Subalit doon pa lang, bigla na nitong hinablot ang kanyang kamay, at hinila siya pakandong dito. Naka skirt lang siya, kaya nag aalala siyang tumaas iyon at makita ang kanyang panty. “Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Asik niya dito. Hindi siya binitawan ng lalaki, bagkus, niyakap pa siya nito ng mahigpit,hawak hawak ang kanyang mga kamay. “Zeus, ano ba? nasasaktan ako!” nagpupumiglas niyang sawa
Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa kanya. “Nag pa-ads ka di ba?” “Hindi ako nagpopost ng ganyan! wala akong alam diyan!” pinatay na niya ang tawag na iyon. ‘Ang dami na talagang manloloko ngayon. Kung kailan bwesit na bwesit ako, saka naman may mga ganitong tatawag sa akin, mga sira ulo!’ Subalit segundo lang ang lumipas, may tumawag ulit sa kanya at nagtatanong ulit ng tungkol sa pera na ibabayad niya upang magkaanak. Maiksi talaga ang kanyang pasensiya, at hindi siya ipinanganak na may mahabang pisi. Inalam niya kung saan nakita ng mga ito ang sinasabing advertisement. Mukhang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat! Malinaw sa nasa advertisement ang kanyang numero. Hindi siya nagagalit, isa pa, may pagkakataon n
“Miss Laraza, pakihintay na lang muna si sir, may kameeting lang siya sa loob. Maya maya, matatapos na rin yun,” nakangiting bilin sa kanya ni Adelle.“Salamat,” tumayo siya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Lauren.After 10 minutes, may nakikita siyang pigura na papalapit sa pintuan ng opisina. Naamoy niya ang scent ng pabango niyon.Bumukas ang pinto, at nagsalubong ang mata nilang dalawa.“Ikaw?” hindi siya makapaniwala ng makilala kung sino ito.“Oh.. ikaw pala si Maureen. What a coincidence!” pagak pa itong tumawa.Ngayon niya biglang narealized kung sino ang kaharap, “ka-kayo po ba ang– ang president?”“Parang ako nga,” ngumiti ito at binuksan ng malaki ang pinto, “come in, have a sit.”“Ti-thank you sir,” nahihiya siyang naupo, “by the way, ito po pala ang mga designs ko,” iniabot niya dito ang kanyang drafts.“Wag mo na akong hinoho o pinopo ha, daig ko pa ang matandang binata eh,” saka ito maluwang na ngumiti. Tiningnan nito ang kanyang mga guhit, “ikaw ba ang gumawa ng lahat
Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang mata sa pag irap dito. Hindi niya mawari, kung bakit ang pakiramdam niya, lagi na lang sarcastic ang tono ng boses at pananalita ni Shane. Maganda nga itong babae, ngunit kung magsalita, daig pa ang batang inaagawan palagi ng candy. Hindi ito basta babae lang, alam nito magmanipula at magpasunod ng tao. Pero hindi iyon uubra sa kanya.Nang marinig ito ni Zeus, agad nalukot ang mukha nito. Kulang na lang ay kainin siya nito sa bawat sulyap na ibinibigay sa kanya.Hindi na siya nag aksaya ng panahon na tingnan ang asawa. Baka mamaya, magkasagutan na naman sila.“Bakit narito kayong lahat?” si Brix iyon. Ipinagpasalamat niya at nasanggahan siya ng katawan ng kanilang boss.“Zeus, si Sir Brix nga pala ang kasama ni Maureen na pumunta dito,” intrimitidang sabi ni Shane. Parang pinapalabas nito na magkadate sila ng kanilang boss.Sumimangot si Zeus ng malamang ito ang kasama ng kanyang asawa.‘Bakit naman mag aaksaya ng panahon ang Royal Group sa
At talagang mahinang nilalang pala ang tingin kay Maureen ni Zeus. Lagi nitong itinatatak sa kanyang isipan, na maganda lang siya, pero tanga siya. Hindi niya kayang protektahan ang kanyang sarili!Maraming galit sa kanyang ama, na nagnanais manakit sa kanya, subalit dahil asawa na siya ni Zeus, hindi siya magalaw ng mga iyon.Napangisi siya dito, “hindi ko kailangan ang pag aalala mo! Mas malala pa nga ang ginagawa mo sakin!”Nakatatak na sa isipan niya na niloko siya nito, at magkakaanak na ito sa iba. Wala na siyang maisip na sasabihin dito, kaya nilayasan na niya ang lalaki.Bago pa man siya makalabas ng corridor na iyon, biglang may nambuhos sa kanya ng kape. Hindi na iyon mainit, kaya hindi siya napaso.“Malandi ka! Bakit mo inaakit si Brix?” bunsol ni Roselle sa kanya kasama ang iba pang mga modelong kaibigan nito. Nakatingin ang mga ito sa kanya.Magsasalita pa lang sana siya, ng biglang hilahin ni Roselle ang kanyang buhok.”Ang kapal ng mukha mong malandi ka! Malandi ka pa sa
Gipit siya ngayon, at mas kailangan niya ng pera!Nagulat naman si Roselle sa kanyang demand.“Bakit? Wala ka bang pera? Akala ko ba, mayaman ka?” pang aasar niya dito, “mukhang wala kang maiilabas na pera ngayon ah.”Subalit sadyang mayabang si Roselle, “sinong may sabing hindi ako maglalabas ng pera/ magkano ang kailangan mo? Saka anong number mo?”Binuksan agad niya ang kanyang bar code,” 50, 000? Kaya mo ba?” talagang plano niya itong inisin. Sa katulad ni Roselle, di baleng maubos ang pera, makapagyabang lang.“Ayan na, nagsent na!” nakasimangot nitong sabi sa kanya. “Wag mong sasabihing hindi kita binayaran ha! Madaming nakakasaksi!”“Okay,” nagningning ang kanyang mga mata, ng makita ang pera sa kanyang Gcash. Makabuluhan naman pala ang kanyang pagpapasampal, nagkapera pa siya. Kailangang kailangan niya ito, dahil medyo kinakapos siya ngayon.Lumipad ang kanyang mata, sa kabuuan ni Zeus. Titig na titig ito sa kanya. Ngunit hindi na niya hinayaang makalapit pa ito sa kanya, kaag
Naiilang talaga siya sa kanilang posisyon, subalit ang mga paparazzi ay patuloy na sumusunod sa kanila, at kumukuha ng mga larawan. Natatakot siyang baka mamaya, ma-spot-tan sila ng mga ito, na maging dahilan ng scandal kay Zeus. Kahit paano, mahalaga pa rin naman sa kanya ang reputasyon nito.“Wag kang mag- alala,” hinawakan ni Zeus ang kamay niyang nanlalamig. Mahigpit ang pagkakahawak at pagkakayakap nito sa kanya. Ang kanyang kaba, ay napalitan ng pagkaaligaga, dahil sa labis na pagkakadikit ng kanilang mga katawan.“Ze-Zeus–” nais sana niya lumayo dito, dahil pakiramdam niya ay wala ng hangin na pumapasok sa kanyang katawan.“Ssssh.. Wag ka na lang magsalita,” lalo lang siyang kinilabutan, ng pisilin ni Zeus ang kanyang dibdib at marahang minamasahe. Namumula na siya sa labis na hiya.Dahil sa bilis ng kanilang sasakyan, hindi maiiwasang mapadaan sila sa malalalim na lubak, gaya ngayon. Lumipad sila sa kinauupuan nila. Napahiga siya at si Zeus naman ay nakadagan sa kanya.“Aah!!
GABI na ng makabalik siya sa kanilang bahay. Nakita siya ni Aling Layda at agad na sinalubong.“Sir, tumawag ang tauhan sa mansiyon, isama mo daw doon ang asawa mo sa Sabado sabi ng lolo mo.”“Okay,” tatalikod na sana siya, ngunit naalala niya si Maureen, “kumain na ba ang aking asawa?”“Hindi ko naman siya nakita ngayong araw, sir,” sagot ng matanda sa kanya.Nagmamadali siyang umakyat sa kanilang kwarto. Wala na ang mga aklat nito sa lamesa. Ang ibang damit nito ay wala rin. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Tuluyan na ba talaga siyang nilayasan ni Maureen?SAMANTALA….Kumakain sina Maureen at Ruby sa kanilang studio na may kasamang konting inuman. Bumili sila ng ilang boteng beer. Pinag uusapan nila ang tungkol sa alok ng Royal sa kanila.“Totoo ba? Mismong ang presidente ng royal ang may gustong kumuha sa atin para sa bago nilang luxury brand?” hindi makapaniwala si Ruby sa sinabi niya dito.“Hindi pa rin nga ako makapaniwala, na parang ang dali nilang makapagdisisyon, na tayo ag