“Ano?” nagulat siya sa tanong nito sa kanya.
“May gusto ka ba kay Zeus? Iyon kasi ang sabi ng mga tao dito eh,” napatingin pa ito kay Zeus, “totoo ba?” Nag iba ang ekspresiyon ng mukha ni Zeus at waring naghihintay ng kanyang isasagot habang kumakain ito ng isda. “Hahaha,” pagak niyang tawa,”wala no!” tanggi niya sa tanong nito. “Wala?” si Shane naman ang nagulat sa kanyang isinagot. ‘Paano mangyayari iyon? Samantalang sabi sakin ni Rex, para daw itong aso na laging sumusunod kay Zeus saan man ito magpunta?’ “Bata pa kasi ako noon. Alam mo na, dala lang iyon ng aking kabataan. Mahilig kasi akong mag explore,” sagot ni Maureen kay Shane. “Bale, tiningnan ko lang kung ano ang mangyayari kung sakaling sumunod ako ng sumunod sa kanya. Wala lang yun no,” natatawa pa niyang sagot dito. Madalas siyang nagliliwaliw, at kapag hindi na niya alam kung paano siya uuwi, si Zeus ang tinatawagan niya. Minsan, dumadating ito, minsan ay hindi, pero ang assistant nitong si Mr. Jack ay inuutusan ni Zeus upang sunduin siya at iuwi sa bahay. Kaya noon, naiisip niyang may pag asa talaga ang pagsasama nila ni Zeus. Dahil alam niyang concern ito sa kanya. “Ah, ganun pala yun,” sabi ni Shane, so, Zeus, binibiro ka lang pala ni Maureen noon. Akala mo ba, totoong may pagtingin siya sayo?” “Hindi no, ano ako, tanga?” sagot ni Zeus na nakasimangot na naman. Nagulat siya sa isinagot ni Zeus. Magmula ng makulong ang kanyang ama, at ang tito na niya ang namahala ng kanilang kompanya, madalas nitong sabihin na dapat maging mabuti siyang asawa kay Zeus. Pero ngayon, parang naniniwala na si Zeus na sinungaling siya at nagpakasal lang siya dito ng dahil sa pera. Mali na naman ang move na ginawa niya. ‘Tanga ka talagang mag isip Maureen!’ sigaw ng kanyang isipan. “Enjoy na lang kayo pagkain, busog na ko,” tumayo na siya. Hindi na niya hinintay na sumagot ang mga ito, ngunit hindi inaasahan ni Maureen ang pagsunod sa kanya ni Shane. Binuksan na niya ang kanilang kwarto, ng mapansing kasunod na niya si Shane, “ may kailangan ka ba, Shane?” “Ito ba ang kwarto niyo ni Zeus?” bahagya pa itong sumilip sa loob, “ang ganda.” “Shane, may itatanong ako,” naglakas na siya ng loob na itanong ang nais niya. “Ano yun?” iginagala pa rin nito ang mata sa loob ng kwarto nila. “Yang ipinagbubuntis mo ba ay– ay anak niyo ni Zeus?” nagkabikig ang kanyang lalamunan sa tanong na iyon. “Ha?” napatingin ito sa kanya, saka tumayo ng maayos at hinimas ang titan,”o-oo..” “Bakit hindi na lang kayo magsama? Isang mahusay at gwapong negosyante, saka isang talented at magandang babae. Perfect match kayo.” “Ha? Pa-paano ka? Kasal kayo, hindi ba?” nag- aalala ang boses ni Shane. “Maghihiwalay na naman kami,” mapait niyang sagot dito,”isa pa, wala naman kaming pagmamahal sa isa’t- isa eh.” “Talaga?” nagliwanag ang mukha ni Shane sa sinabi niya. “Oo, hindi mo na ako kailangang intindihin pa. Wala naman kaming special connection ni Zeus.” Isa pa, sinabi naman sa kanya ni Zeus na kahit kailan, hindi siya matututunang mahalin ng kanyang asawa. Tinalikuran na niya si Shane. Pumasok na siya sa kanilang kwarto, at uminom ng gamot. Tinawagan na niya si Ruby, para ipagpagawa siya ng annulment papers. Pagbaba niya, wala na doon si Shane, ngunit naroroon si Zeus, may kausap sa telepono. Mababatid sa hitsura nito ang ma- otoridad na nilalang! Nagkunwari siyang hindi niya ito nakita at dire diretso siyang lumabas ng bahay. “Sandali!” pigil nito sa kanya. Tumigil siya saglit para lingunin ito, “bakit?” “At saan mo balak pumunta? May sakit ka hindi ba?” “Papasok na ko sa trabaho!” “Hindi ka maaaring umalis!” “Wag mo na nga akong pakialaman! Hindi nga ako nakikialam sayo!” inis niyang sagot dito. “Simula ngayon, hindi na ako makikinig sayo. Gagawin ko kung ano ang gusto ko! Aalis na ako sa bahay na ito!” Noon pa man, pasaway na talaga siya. Ngunit nung maikasal siya kay Zeus, na akala niyang mamahalin siya, naging masunurin na lang siyang asawa. Pero iba na ngayon, gusto na niyang magpakatotoo. “Bago ka makaalis dito, dapat, may malilipatan ka ng bahay. Sino namang magpapaupa sayo, kapag sinabi ko sa mga tao na wag ka nilang tatanggapin?” pananakot nito sa kanya. “Pinipigilan mo ba ako? Gusto mo akong ikulong sa bahay mo?” naniningkit ang kanyang mga mata pagtingin dito. “Next week, isara mo na yang walang kwenta niyong studio, at pumunta ka sa opisina ko. Ikaw ang kukunin kong personal secretary ko!” utos nito sa kanya. “Nag aral ako ng arts and design. Kita mo ba? Hayaan mong magamit ko ang pinag aralan ko! Ano namang nalalaman ko sa pagiging secretary no!” inirapan niya ito ng matindi. Matagal ng alam ni Zeus ang gusto niyang gawin. At napag usapan nila ni Ruby na mag invest ng tig isang milyon para sa business na itatayo nila. Wala siyang ganoon kalaking pera, kaya nanghingi siya sa kanyang asawa. Akala nito ay bibili lang siya ng alahas, ngunit nagulat ito at nainis ng malamang nagtayo sila ng kaibigan ng studio. Tapos ngayon, sa kabila ng kanyang paghihirap, nais nitong ipasara agad agad ang kanyang business? “Hindi bagay sayo ang maging designer, kaya isarado mo na ang studio mo agad. Nag aaksaya ka lang ng panahon diyan!” asik nito sa kanya. “Hindi bagay sakin? Nakita mo na ba ang mga designs na ginagawa ko? Hindi naman, di ba?” umaahon ang inis sa kanyang dibdib. “Hindi ko naman kailangang tingnan ang mga ginagawa mo,” malamig ang tono nito,” ngayon, kung gusto mo ng trabaho, sa akin ka pumunta, at maging personal kitang sekretarya. Walang ibang bagay na trabaho sayo, maliban diyan.” “So, para sayo, wala akong karapatang mangarap? At hanggang pagiging sekretarya mo lang ang maaari kong gawin, ganon ba?” naiirita niyang sagot dito, “wag mo akong diktahan sa mga gusto kong gawin. Gawin mo na lang din kung ano ang gusto mo!” Matagal niya iyong pinangarap. Pinagpupuyatan pa niya ang lahat, tapos sasabihan lang siya ng lalaking ito na hindi iyon bagay sa kanya? Ang ikinakainis pa niya, sinisira nito ang kanyang diskarte! Hindi siya papayag. Tinalikuran na niya ito at nagtungo na siya sa garahe. “At aalis ka talaga?” sita sa kanya ni Zeus. Sinusundan siya nito, ngunit hindi na niya pinapansin ang lalaki. “Saan kayo pupunta, Mam?” hinarangan siya ni Mr. Jack, ang assistant ni Zeus, “ihahatid ko kayo.” “Wag na! Kaya kong mag isa!” inis niyang sabi dito. “Mam, ayaw pumayag ni sir na umalis kayo, makakaalis lang kayo, kung ako ang maghahatid sa inyo kung saan kayo pupunta,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “Oh, sige, sa studio tayo,” sagot niya dito. Ipinagbukas siya ng pinto ni Mr. Jack. Hindi na niya muli pang tiningnan ang kanyang asawa.Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan si Ruby. “Nasaan ka bes?” tanong niya dito. “Nasa studio ako.” “Papunta na ako diyan. Yung ipinapakuha ko sayong documents, nakuha mo ba?’ “Oo, narito sa akin. Sasalubungin kita kapag malapit ka na dito.” “Sige, salamat.” Agad niyang natanawan sa labas ang kaibigan, hawak ang isang brown envelope. Agad niya itong nilapitan pagkababa niya ng sasakyan. “Ito na ba yun?” tanong niya dito. “Oo. Pirmahan mo na diyan sa mga may pangalan mo,” inabutan siya ni Ruby ng ballpen. Matapos pirmahan, ibinalik niya kiyon sa envelope, at ibinigay niya kay Mr. Jack. “Pakidala nito sa boss mo,” sabi niya dito. “Pero mam, hindi ako maaaring umalis dito, babantayan ko kayo,” tanggi nito. “Ano namang mangyayari sa akin dito sa studio ko? Importante yan. Dalahin mo na agad sa kanya.” utos niya dito. “Pero mam..” ayaw nitong umalis sa harapan nila. “Bingi ka ba?” tanong dito ni Ruby, “dadalhin mo yan doon, o ipopost ko sa internet na mag asawa sila?” Nagulat pa ito sa sinabi ni Ruby, at mabibigat ang mga paang humakbang palayo. Sinunod na lang nito ang kanyang kagustuhan. PAGDATING ni Mr. Jack sa studio, abala si Zeus sa mga pinipirmahang dokumento. Agad siyang napatingin sa kanyang assistant. “Nasaan na ang asawa ko?” hindi na siya nag abalang mag angat ng paningin. “Nasa studio na siya sir,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “Okay na ba ang kanyang tiyan?” tanong niya dito. “Mukhang okay na naman. Maayos naman siya nong maihatid ko,” tugon nito. “Siyanga pala sir, may ipinapabigay sa inyo si Mam,” iniabot nito sa kanya ang isang envelope. Nangunot ang kanyang noo, pagkakita doon, “basahin mo nga kung ano yan.” “Yes sir!” binuksan nito ang envelope, at nawindang sa malalaking letra na naroroon. Annulment papers! “Oh, ano? Bakit hindi mo pa basahin yan? Naghihintay ako,” nakayuko siya at hindi nakita ang ekpresyon ng mukha ng kanyang kaharap.“Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya. “Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?” “Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa tono ng kanyang pananalita. Hinablot niya ang papel, at nabasa ang nais ng babae. Ang dating bahay lang ng pamilya ni Maureen ang hinihiling nito, wala ng iba. Ni hindi ito humingi ng kahit magkano sa kanya. Kahit hindi ito humingi ng pera, pag uusapan pa rin sila ng ibang nakakakilala sa kanila. Agad niyang tinawagan si Maureen. “Ano itong isinend mo sa akin?” tanong niya dito. “Obvious naman na annulment papers yan, hindi ka ba nagbabasa?” mataray nitong sagot sa kanya. Kasalukuyan naman si Maureen na nagtitingin tingin sa mall. Inaya nito ang kaibigan na makapaglakwatsa. “Ang sinasabi ko, ay ang dahilan mo ng pakikipaghiwalay sa akin anong sinasabi mong hindi ko nameet ang expect
May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack. “Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “At bakit? Bahay ko iyan!” singhal niya sa mga ito, “anong karapatan ng Zeus na yan na hindi ako papasukin sa sarili kong pamamahay?” “Maureen!” Wala sana siyang balak lapitan ang lalaking ito, ngunit wala naman siyang choice. Naiinis niya itong pununtahan, saka siya pumasok sa kotse nito. Subalit doon pa lang, bigla na nitong hinablot ang kanyang kamay, at hinila siya pakandong dito. Naka skirt lang siya, kaya nag aalala siyang tumaas iyon at makita ang kanyang panty. “Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Asik niya dito. Hindi siya binitawan ng lalaki, bagkus, niyakap pa siya nito ng mahigpit,hawak hawak ang kanyang mga kamay. “Zeus, ano ba? nasasaktan ako!” nagpupumiglas niyang sawa
Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa kanya. “Nag pa-ads ka di ba?” “Hindi ako nagpopost ng ganyan! wala akong alam diyan!” pinatay na niya ang tawag na iyon. ‘Ang dami na talagang manloloko ngayon. Kung kailan bwesit na bwesit ako, saka naman may mga ganitong tatawag sa akin, mga sira ulo!’ Subalit segundo lang ang lumipas, may tumawag ulit sa kanya at nagtatanong ulit ng tungkol sa pera na ibabayad niya upang magkaanak. Maiksi talaga ang kanyang pasensiya, at hindi siya ipinanganak na may mahabang pisi. Inalam niya kung saan nakita ng mga ito ang sinasabing advertisement. Mukhang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat! Malinaw sa nasa advertisement ang kanyang numero. Hindi siya nagagalit, isa pa, may pagkakataon n
“Miss Laraza, pakihintay na lang muna si sir, may kameeting lang siya sa loob. Maya maya, matatapos na rin yun,” nakangiting bilin sa kanya ni Adelle.“Salamat,” tumayo siya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Lauren.After 10 minutes, may nakikita siyang pigura na papalapit sa pintuan ng opisina. Naamoy niya ang scent ng pabango niyon.Bumukas ang pinto, at nagsalubong ang mata nilang dalawa.“Ikaw?” hindi siya makapaniwala ng makilala kung sino ito.“Oh.. ikaw pala si Maureen. What a coincidence!” pagak pa itong tumawa.Ngayon niya biglang narealized kung sino ang kaharap, “ka-kayo po ba ang– ang president?”“Parang ako nga,” ngumiti ito at binuksan ng malaki ang pinto, “come in, have a sit.”“Ti-thank you sir,” nahihiya siyang naupo, “by the way, ito po pala ang mga designs ko,” iniabot niya dito ang kanyang drafts.“Wag mo na akong hinoho o pinopo ha, daig ko pa ang matandang binata eh,” saka ito maluwang na ngumiti. Tiningnan nito ang kanyang mga guhit, “ikaw ba ang gumawa ng lahat
Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang mata sa pag irap dito. Hindi niya mawari, kung bakit ang pakiramdam niya, lagi na lang sarcastic ang tono ng boses at pananalita ni Shane. Maganda nga itong babae, ngunit kung magsalita, daig pa ang batang inaagawan palagi ng candy. Hindi ito basta babae lang, alam nito magmanipula at magpasunod ng tao. Pero hindi iyon uubra sa kanya.Nang marinig ito ni Zeus, agad nalukot ang mukha nito. Kulang na lang ay kainin siya nito sa bawat sulyap na ibinibigay sa kanya.Hindi na siya nag aksaya ng panahon na tingnan ang asawa. Baka mamaya, magkasagutan na naman sila.“Bakit narito kayong lahat?” si Brix iyon. Ipinagpasalamat niya at nasanggahan siya ng katawan ng kanilang boss.“Zeus, si Sir Brix nga pala ang kasama ni Maureen na pumunta dito,” intrimitidang sabi ni Shane. Parang pinapalabas nito na magkadate sila ng kanilang boss.Sumimangot si Zeus ng malamang ito ang kasama ng kanyang asawa.‘Bakit naman mag aaksaya ng panahon ang Royal Group sa
At talagang mahinang nilalang pala ang tingin kay Maureen ni Zeus. Lagi nitong itinatatak sa kanyang isipan, na maganda lang siya, pero tanga siya. Hindi niya kayang protektahan ang kanyang sarili!Maraming galit sa kanyang ama, na nagnanais manakit sa kanya, subalit dahil asawa na siya ni Zeus, hindi siya magalaw ng mga iyon.Napangisi siya dito, “hindi ko kailangan ang pag aalala mo! Mas malala pa nga ang ginagawa mo sakin!”Nakatatak na sa isipan niya na niloko siya nito, at magkakaanak na ito sa iba. Wala na siyang maisip na sasabihin dito, kaya nilayasan na niya ang lalaki.Bago pa man siya makalabas ng corridor na iyon, biglang may nambuhos sa kanya ng kape. Hindi na iyon mainit, kaya hindi siya napaso.“Malandi ka! Bakit mo inaakit si Brix?” bunsol ni Roselle sa kanya kasama ang iba pang mga modelong kaibigan nito. Nakatingin ang mga ito sa kanya.Magsasalita pa lang sana siya, ng biglang hilahin ni Roselle ang kanyang buhok.”Ang kapal ng mukha mong malandi ka! Malandi ka pa sa
Gipit siya ngayon, at mas kailangan niya ng pera!Nagulat naman si Roselle sa kanyang demand.“Bakit? Wala ka bang pera? Akala ko ba, mayaman ka?” pang aasar niya dito, “mukhang wala kang maiilabas na pera ngayon ah.”Subalit sadyang mayabang si Roselle, “sinong may sabing hindi ako maglalabas ng pera/ magkano ang kailangan mo? Saka anong number mo?”Binuksan agad niya ang kanyang bar code,” 50, 000? Kaya mo ba?” talagang plano niya itong inisin. Sa katulad ni Roselle, di baleng maubos ang pera, makapagyabang lang.“Ayan na, nagsent na!” nakasimangot nitong sabi sa kanya. “Wag mong sasabihing hindi kita binayaran ha! Madaming nakakasaksi!”“Okay,” nagningning ang kanyang mga mata, ng makita ang pera sa kanyang Gcash. Makabuluhan naman pala ang kanyang pagpapasampal, nagkapera pa siya. Kailangang kailangan niya ito, dahil medyo kinakapos siya ngayon.Lumipad ang kanyang mata, sa kabuuan ni Zeus. Titig na titig ito sa kanya. Ngunit hindi na niya hinayaang makalapit pa ito sa kanya, kaag
Naiilang talaga siya sa kanilang posisyon, subalit ang mga paparazzi ay patuloy na sumusunod sa kanila, at kumukuha ng mga larawan. Natatakot siyang baka mamaya, ma-spot-tan sila ng mga ito, na maging dahilan ng scandal kay Zeus. Kahit paano, mahalaga pa rin naman sa kanya ang reputasyon nito.“Wag kang mag- alala,” hinawakan ni Zeus ang kamay niyang nanlalamig. Mahigpit ang pagkakahawak at pagkakayakap nito sa kanya. Ang kanyang kaba, ay napalitan ng pagkaaligaga, dahil sa labis na pagkakadikit ng kanilang mga katawan.“Ze-Zeus–” nais sana niya lumayo dito, dahil pakiramdam niya ay wala ng hangin na pumapasok sa kanyang katawan.“Ssssh.. Wag ka na lang magsalita,” lalo lang siyang kinilabutan, ng pisilin ni Zeus ang kanyang dibdib at marahang minamasahe. Namumula na siya sa labis na hiya.Dahil sa bilis ng kanilang sasakyan, hindi maiiwasang mapadaan sila sa malalalim na lubak, gaya ngayon. Lumipad sila sa kinauupuan nila. Napahiga siya at si Zeus naman ay nakadagan sa kanya.“Aah!!