May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack.
“Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “At bakit? Bahay ko iyan!” singhal niya sa mga ito, “anong karapatan ng Zeus na yan na hindi ako papasukin sa sarili kong pamamahay?” “Maureen!” Wala sana siyang balak lapitan ang lalaking ito, ngunit wala naman siyang choice. Naiinis niya itong pununtahan, saka siya pumasok sa kotse nito. Subalit doon pa lang, bigla na nitong hinablot ang kanyang kamay, at hinila siya pakandong dito. Naka skirt lang siya, kaya nag aalala siyang tumaas iyon at makita ang kanyang panty. “Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Asik niya dito. Hindi siya binitawan ng lalaki, bagkus, niyakap pa siya nito ng mahigpit,hawak hawak ang kanyang mga kamay. “Zeus, ano ba? nasasaktan ako!” nagpupumiglas niyang saway dito. “Di ba, sabi mo, hindi ko naiibigay ang pleasure na gusto mo kapag nag sesex tayo? Ngayon, Mrs. Acosta, ngayong gabi mismo, patutunayan ko sayo, na kaya kitang paligayahin hanggang sumuko ka!” ipinilit siyang iharap nito. “Bitiwan mo nga ako! maghihiwalay na tayo, wala kang karapatang gawin sa akin ito! saka hindi na ako si Mrs. Acosta!” pakiramdam niya ay nababastos na siya ng lalaking ito, dahil hindi na siya makagalaw habang nakakandong siya dito. “Di ba, pinagbibintangan mo akong hindi ko kayang masatisfy ang iyong sexual desire? na wala akong silbi sa kama? well, patutunayan ko sayo, na nagkakamali ka! Ilang round ba ang gusto mo? pito gabi-gabi ha?” naiiritang sagot nito sa kanya. “Tumigil ka nga..” namumula niyang sabi, “bitiwan mo ako, para makapag usap tayo ng maayos!” “Para ano? ipamukha mo pa rin sa akin na hindi kita kayang paligayahin sa kama? ganun ba?” pang uuyang na tanong nito sa kanya. Grabe ang hitsura ni Zeus, mukha itong mangangain ng buhay na tao! Pinakalma niya ang kanyang sarili. Huminga siya ng malalim. Dapat, hindi siya magpanic sa mga ganitong klase ng pagkakataon. “Mag-usap tayo ng maayos, Zeus, yun bang friendly talk lang. For once, wag muna tayong magbangayan,” mahinahon niyang pakiusap dito. “Okay,” binitawan na siya nito, at inayos ang sariling damit. Nakahinga siya ng maluwag at nagmamadaling umupo sa kabilang side ng upuan. Agad niyang binuksan ang pinto, para madali siyang makatakas kung saka-sakali. “Kung binabalak mong takasan ako, alam mong kaya kitang hulihin, naiintindihan mo?” nababasa ata nito ang binabalak niya. “Hindi kita tatakasan, gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin, nasosuffocate kasi ako,” pagdadahilan niya dito. “Zeus, bakit mo ipina locked ang bahay?” “Bahay ko yan, gagawin ko kung ano ang gusto ko,” nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya. “Pero sabi mo sa akin noon, ibibigay mo ito sa akin,” nakasimangot niyang sabi dito. Tiningnan siya ng lalaki, at inalala nito kung kailan niya iyon sinabi kay Maureen. Anim na buwan na ang nakakaraan.. Pinuntahan siya ni Maureen sa study room niya. Nakasuot ito ng sexy na pantulog. Nagulat pa siya sa presensiya ng babae, dahil abala siya sa kanyang binabasa. “Kuya.. baka naman pwede mong bilhin yung bahay na ipinatayo ng aming pamilya, iyong nasa Cavite?” naupo pa ito sa kanyang hita at ipinulupot ang braso sa kanyang leeg, “sige na.. gusto ko kasi ang bahay na iyon.” Hindi niya mapigilang matukso dito, lalo na at nakikita niya ang maamong mukha at magandang katawan ng asawa niya. Simula noon, na obsessed na siya kay Maureen. Hinahanap hanap ito ng kanyang katawan. “Okay, bibilhin ko iyon para sayo..” tugon niya dito, kapalit ang isang mainit na sandali. “Naalala mo na ba?” tanong ni Maureen kay Zeus. “Sa akin pa rin iyan nakapangalan,” sagot ni Zeus sa kanya. “Sobra ka na! matagal tayong naging mag asawa, tapos ngayong maghihiwalay na tayo, ayaw mo man lang ibigay sa akin kahit iyang bahay na yan?” inis niyang sabi dito. Sobrang poot ang kanyang nararamdaman. Dalawang taon.. dalawang taon niya itong pinaligaya sa kama, tapos ang kapal ng mukhang gipitin siya? “Bakit? usapan ba natin na maghihiwalay tayo? sinabi ko ba sayong hihiwalayan kita?” malamig ang tinig nito, na parang siya pa ang may kasalanan ng lahat. “Hindi ko itinatanong ang opinyon mo, ang sabi ko, gusto ko ng makipaghiwalay sayo! wala akong pakialam kung ayaw mo, o gusto mo!” asik niya dito. ‘ang kapal naman ng mukha nitong sabihan ako ng ganun matapos niyang makabuntis ng iba? iba din talaga ang lalaking ito.. magaling! Matapos mambuntis, pati ako, gusto pang kabayuhin!? anong palagay niya sa akin? aso!’ “Talaga bang gusto mong makipaghiwalay? Kung sigurado ka na, wala na tayong dapat pag usapan tungkol sa bahay na iyan, hatiin natin,” tiningnan siya nito ng wala man lang emosyon. “Anong ibig mong sabihin?” nangunot ang kanyang noo sa sinabi nito, “balak mong ibenta ang bahay?” “Kanino ba ang bahay na iyan? sino ang bumili? kanino nakapangalan? di ba, sa akin?” mayabang nitong sagot sa kanya. Mukhang wala ng patutunguhan ang kanilang usapan. Napapagod na siyang makipagtalo sa kanyang asawa. “Isara mo na ang pinto, at uuwi na tayo,” sabi nito na ang akala ay sumusuko na siya. Mahinahon ang boses nito, na halatang nangungumbinsi. Tatawa tawa siya, saka tuluyang lumabas ng sasakyan. Hindi siya magpapatalo sa lalaking ito. Pagod na siya na lagi itong i-please! “Maureen!” tawag nito sa kanya. “Eh di, ibenta mo kung gusto mo!” tuloy tuloy siyang lumayo dito, na hindi alam ang patutunguhan. “Wag mong pagsisisihan ito, Maureen!” pahabol pa nitong sabi sa kanya. Tiningnan niya ito ,saka nginisihan, “hindi ako magsisisi, alam mo ang pinagsisisihan ko? ay ang makasal sayo!” iniwan na niya ito ng tuluyan. Malamig ang gabing iyon. Nag iisa siyang naglalakad sa kalsada. Tinawagan niya ang kaibigang si Ruby. Nanonood daw ang mga ito ng sine. Ayaw naman niyang maabala sila, kaya sinabihan na lang niya na mag enjoy. Maganda ang relasyon nina Ruby at ng nobyo nito. Plano na rin nila ang magpakasal. Kaya hindi na niya sinabi dito ang nangyari. Bigla niyang naalala ang kanyang ama. Pero ayaw naman niya itong dalawin na bad mood siya, saka na lang niya ito pupuntahan kapag okay na siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, hanggang mapadako ang kanyang paningin sa advertisement na nakapaskil sa may poste. Nag ooffer iyon ng malaking pera upang magkaanak lang. Naalala niya bigla si Zeus. “Ano? magiging masaya na lang siya sa ginawa niya sa akin? huh, dapat ko siyang magantihan!” Kinuha niya ang kanyang cellphone at idenial ang numerong naroroon, “hello? dito ba nagpapa advertise kung gustong magkaanak? oo, para sa tatlong araw na advertisement ang gusto ko, pakisulat ng number na kokontakin,” ibinigay niya ang numero ng kanyang asawa. Matapos iyon ay nagbayad siya ng seventy five thousand para doon. May laman pa naman kahit paano ang kanyang Gcash na kaya pa siyang pakainin sa loob ng ilang buwan. “Makakaganti na ko sayong bwesit ka!” minura niya ang picture ni Zeus na nasa kanyang gallery. NAKAUWI na si Zeus sa kanilang bahay. Hindi na niya iyon namalayan, kung hindi pa siya sinabihan ni Mr. Jack. “Sir, narito na tayo sa bahay,” pukaw nito sa kanya. Nag angat siya ng paningin. Madilim ang kabahayan. Ang mga kasambahay nila ay sa maid’s quarter natutulog na nasa labas ng bahay. Lalabas na sana siya ng sasakyan, ng magsalita ulit si Mr. Jack. “Sir, yung Star Necklace na napanalunan niyo sa bid noong isang buwan ay dumating na.” “Sige, dalahin mo sa opisina bukas,” tinalikuran na niya ito. Nakaramdam siya ng kahungkagan,ng buksan niya ang pinto. Wala na ang matitinis na boses ni Maureen, na noon ay laging sumasalubong sa kanya. Madilim ang pasilyo ng bahay patungo sa kwarto. Walang kabuhay buhay, parang napakalungkot doon ngayon. Para na iyong haunted house, na anumang oras ay may lalabas na multo. Bigla siyang nakaramdam na parang may kulang sa bahay na iyon. Hindi siya mapakali.Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa kanya. “Nag pa-ads ka di ba?” “Hindi ako nagpopost ng ganyan! wala akong alam diyan!” pinatay na niya ang tawag na iyon. ‘Ang dami na talagang manloloko ngayon. Kung kailan bwesit na bwesit ako, saka naman may mga ganitong tatawag sa akin, mga sira ulo!’ Subalit segundo lang ang lumipas, may tumawag ulit sa kanya at nagtatanong ulit ng tungkol sa pera na ibabayad niya upang magkaanak. Maiksi talaga ang kanyang pasensiya, at hindi siya ipinanganak na may mahabang pisi. Inalam niya kung saan nakita ng mga ito ang sinasabing advertisement. Mukhang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat! Malinaw sa nasa advertisement ang kanyang numero. Hindi siya nagagalit, isa pa, may pagkakataon n
“Miss Laraza, pakihintay na lang muna si sir, may kameeting lang siya sa loob. Maya maya, matatapos na rin yun,” nakangiting bilin sa kanya ni Adelle.“Salamat,” tumayo siya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Lauren.After 10 minutes, may nakikita siyang pigura na papalapit sa pintuan ng opisina. Naamoy niya ang scent ng pabango niyon.Bumukas ang pinto, at nagsalubong ang mata nilang dalawa.“Ikaw?” hindi siya makapaniwala ng makilala kung sino ito.“Oh.. ikaw pala si Maureen. What a coincidence!” pagak pa itong tumawa.Ngayon niya biglang narealized kung sino ang kaharap, “ka-kayo po ba ang– ang president?”“Parang ako nga,” ngumiti ito at binuksan ng malaki ang pinto, “come in, have a sit.”“Ti-thank you sir,” nahihiya siyang naupo, “by the way, ito po pala ang mga designs ko,” iniabot niya dito ang kanyang drafts.“Wag mo na akong hinoho o pinopo ha, daig ko pa ang matandang binata eh,” saka ito maluwang na ngumiti. Tiningnan nito ang kanyang mga guhit, “ikaw ba ang gumawa ng lahat
Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang mata sa pag irap dito. Hindi niya mawari, kung bakit ang pakiramdam niya, lagi na lang sarcastic ang tono ng boses at pananalita ni Shane. Maganda nga itong babae, ngunit kung magsalita, daig pa ang batang inaagawan palagi ng candy. Hindi ito basta babae lang, alam nito magmanipula at magpasunod ng tao. Pero hindi iyon uubra sa kanya.Nang marinig ito ni Zeus, agad nalukot ang mukha nito. Kulang na lang ay kainin siya nito sa bawat sulyap na ibinibigay sa kanya.Hindi na siya nag aksaya ng panahon na tingnan ang asawa. Baka mamaya, magkasagutan na naman sila.“Bakit narito kayong lahat?” si Brix iyon. Ipinagpasalamat niya at nasanggahan siya ng katawan ng kanilang boss.“Zeus, si Sir Brix nga pala ang kasama ni Maureen na pumunta dito,” intrimitidang sabi ni Shane. Parang pinapalabas nito na magkadate sila ng kanilang boss.Sumimangot si Zeus ng malamang ito ang kasama ng kanyang asawa.‘Bakit naman mag aaksaya ng panahon ang Royal Group sa
At talagang mahinang nilalang pala ang tingin kay Maureen ni Zeus. Lagi nitong itinatatak sa kanyang isipan, na maganda lang siya, pero tanga siya. Hindi niya kayang protektahan ang kanyang sarili!Maraming galit sa kanyang ama, na nagnanais manakit sa kanya, subalit dahil asawa na siya ni Zeus, hindi siya magalaw ng mga iyon.Napangisi siya dito, “hindi ko kailangan ang pag aalala mo! Mas malala pa nga ang ginagawa mo sakin!”Nakatatak na sa isipan niya na niloko siya nito, at magkakaanak na ito sa iba. Wala na siyang maisip na sasabihin dito, kaya nilayasan na niya ang lalaki.Bago pa man siya makalabas ng corridor na iyon, biglang may nambuhos sa kanya ng kape. Hindi na iyon mainit, kaya hindi siya napaso.“Malandi ka! Bakit mo inaakit si Brix?” bunsol ni Roselle sa kanya kasama ang iba pang mga modelong kaibigan nito. Nakatingin ang mga ito sa kanya.Magsasalita pa lang sana siya, ng biglang hilahin ni Roselle ang kanyang buhok.”Ang kapal ng mukha mong malandi ka! Malandi ka pa sa
Gipit siya ngayon, at mas kailangan niya ng pera!Nagulat naman si Roselle sa kanyang demand.“Bakit? Wala ka bang pera? Akala ko ba, mayaman ka?” pang aasar niya dito, “mukhang wala kang maiilabas na pera ngayon ah.”Subalit sadyang mayabang si Roselle, “sinong may sabing hindi ako maglalabas ng pera/ magkano ang kailangan mo? Saka anong number mo?”Binuksan agad niya ang kanyang bar code,” 50, 000? Kaya mo ba?” talagang plano niya itong inisin. Sa katulad ni Roselle, di baleng maubos ang pera, makapagyabang lang.“Ayan na, nagsent na!” nakasimangot nitong sabi sa kanya. “Wag mong sasabihing hindi kita binayaran ha! Madaming nakakasaksi!”“Okay,” nagningning ang kanyang mga mata, ng makita ang pera sa kanyang Gcash. Makabuluhan naman pala ang kanyang pagpapasampal, nagkapera pa siya. Kailangang kailangan niya ito, dahil medyo kinakapos siya ngayon.Lumipad ang kanyang mata, sa kabuuan ni Zeus. Titig na titig ito sa kanya. Ngunit hindi na niya hinayaang makalapit pa ito sa kanya, kaag
Naiilang talaga siya sa kanilang posisyon, subalit ang mga paparazzi ay patuloy na sumusunod sa kanila, at kumukuha ng mga larawan. Natatakot siyang baka mamaya, ma-spot-tan sila ng mga ito, na maging dahilan ng scandal kay Zeus. Kahit paano, mahalaga pa rin naman sa kanya ang reputasyon nito.“Wag kang mag- alala,” hinawakan ni Zeus ang kamay niyang nanlalamig. Mahigpit ang pagkakahawak at pagkakayakap nito sa kanya. Ang kanyang kaba, ay napalitan ng pagkaaligaga, dahil sa labis na pagkakadikit ng kanilang mga katawan.“Ze-Zeus–” nais sana niya lumayo dito, dahil pakiramdam niya ay wala ng hangin na pumapasok sa kanyang katawan.“Ssssh.. Wag ka na lang magsalita,” lalo lang siyang kinilabutan, ng pisilin ni Zeus ang kanyang dibdib at marahang minamasahe. Namumula na siya sa labis na hiya.Dahil sa bilis ng kanilang sasakyan, hindi maiiwasang mapadaan sila sa malalalim na lubak, gaya ngayon. Lumipad sila sa kinauupuan nila. Napahiga siya at si Zeus naman ay nakadagan sa kanya.“Aah!!
GABI na ng makabalik siya sa kanilang bahay. Nakita siya ni Aling Layda at agad na sinalubong.“Sir, tumawag ang tauhan sa mansiyon, isama mo daw doon ang asawa mo sa Sabado sabi ng lolo mo.”“Okay,” tatalikod na sana siya, ngunit naalala niya si Maureen, “kumain na ba ang aking asawa?”“Hindi ko naman siya nakita ngayong araw, sir,” sagot ng matanda sa kanya.Nagmamadali siyang umakyat sa kanilang kwarto. Wala na ang mga aklat nito sa lamesa. Ang ibang damit nito ay wala rin. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Tuluyan na ba talaga siyang nilayasan ni Maureen?SAMANTALA….Kumakain sina Maureen at Ruby sa kanilang studio na may kasamang konting inuman. Bumili sila ng ilang boteng beer. Pinag uusapan nila ang tungkol sa alok ng Royal sa kanila.“Totoo ba? Mismong ang presidente ng royal ang may gustong kumuha sa atin para sa bago nilang luxury brand?” hindi makapaniwala si Ruby sa sinabi niya dito.“Hindi pa rin nga ako makapaniwala, na parang ang dali nilang makapagdisisyon, na tayo ag
“Oh, honey, nagbalik ka na,” lasing na lasing si Maureen, mukhang nananaginip pa ito. Bumitin pa ito sa kanyang leeg.“Tigilan mo nga ako, Maureen!” pinapabitiw niya ito sa kanyang balikat. Marahil, nais nito na i-please siya, hindi na iyon bibenta sa kanya.“Honey..Sana, wag ka ng mambabae..” hinawakan nito ang kanyang pisngi, at tinitigan siyang mabuti ng asawa, “hindi pa ba ako sapat sayo ha?”Biglang namuo ang luha sa mga mata ni Maureen. Pulang pula ang mga mata nito, at tuluyang umagos ang tubig na iyon sa gilid ng mga mata nito.“Sinunod ko lahat ng gusto mo.. Ikaw lang ang sinunod ko sa buong buhay ko, kulang pa ba iyon? Hindi ka pa ba nasiyahan sa pagiging masunurin ko?”Amoy niya ang alak, na humahalo sa hininga nito. Hinawakan nito ang kanyang labi, na parang sinasaulo nito ang bawat bahagi noon.“Ikaw naman ang gustong makipaghiwalay sa akin hindi ba?” sagot niya dito, “ikaw ang may gustong tapusin na ang lahat sa atin.”“Masakit..” mahina ang boses ni Maureen, ngunit ramd