Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan ni Zeus noon.
“May babae ng nagpapatibok ng kanyang puso matagal na. Nasa America lang siya ngayon. Marami kayong similarities nun. Kaya siguro tinanggap ka na rin niya.” Binalewala niya iyon, at inisip na lang na bahagi na lang iyon ng nakaraan ng kanyang asawa, walang wala iyon kumpara sa kanya. Parang nananaginip lang siya ngayon sa tagpong ito. Na mismong nakikita ng kanyang mga mata ang mga kaganapan. Sa sandaling iyon, nakita niya kung paano alalayan ng kanyang asawa ang babaeng iyon. Paano ito naging malambing at maalaga, na never nito ginawa sa kanya. Para siyang sinasaksak ng paulit- ulit sa puso. Sobrang sakit. Lalabas na sana ang mga ito, ng mahagip siya ng paningin ng lalaki, habang kasama niya si Aling Layda, na noon ay hindi rin makapagreact sa nakikita. Nagsalubong pa ang kilay nito pagkakita sa kanya. “Kilala mo?” tanong dito ng babaeng kasama nito. “Asawa ko,” sagot nito, saka malambing na sinabihan ang babae, “Shane, mauna ka na sa kotse, hintayin mo na lang muna ako don, okay?” “Sure.. susunod ka agad ha?” nakangiti nitong bilin kay Zeus. Bago tuluyang umalis si Shane, tiningnan muna siya nito, at nginitian. Hindi niya makuhang tugunin ang ngiting iyon. Nasasaktan siya! At hindi siya plastic para makipagpalitan ng ngiting hindi naman totoo! “Anong ginagawa niyo dito?” tanong nito sa kanya habang naglalakad papalapit sa kanila. Sasagot sana si Aling Layda, ngunit pinigilan niya ito, sa halip, nagbalik siya ng tanong sa kanyang asawa, “sino siya?” Gusto sana niya itong tanungin, kung anak ba nito ang ipinagbubuntis ni Shane kaya sinamahan nito ang babaeng magpacheck up, ngunit hindi na niya nagawa. Marami ng katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan. Masyado ng nadudurog ang kanyang puso. “Wag ka ng magtanong ng mga bagay na wala namang kinalaman sayo!” pag iwas nito sa kanyang tanong. Hindi man lang nito naisipang sagutin iyon. Namumula na ang kanyang mata, at ang mga luhang naroroon ay naghihintay na lang malaglag, “niloloko mo ako, tapos wala akong karapatang alamin kung sino ang babae mo? Nagpapatawa ka ba?” hindi na niya maiwasan ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. “Niloloko? May karapatan ka bang sabihan ako ng ganyan? Baka nakakalimutan mo, Maureen, kung paano tayo naikasal!” halata ang inis sa mukha ni Zeus, “umpisa pa lang ng pagsasama natin, sinabi ko na sayo, na kahit kailan, hindi kita kayang mahalin!” Nagulantang siya sa sinabi nito. Pinisil pisil pa niya ang kanyang mga daliri, upang mapigilan ang pamamanhid ng mga iyon. “So? Ano ako? Sexmate mo? Inaararo mo sa kama, ganon ba?” inis niyang tugon sa lalaki. Hindi ito nakapagsalita sa kanyang sinabi. Lalo lang sumama ang loob niya, saka tinawanan ang sarili, habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha, “hah! Alam ko na! Dahil pakiramdam mo, niloko ka ng tatay ko, kaya dapat pakinabangan mo naman ako, kahit sa kama lang! ano magaling ba ako ha? Magaling ba?” “Tumigil ka nga, Maureen!” asik sa kanya ni Zeus. Hindi niya iyon pinansin, nagpatuloy pa rin siya, “at ngayong bumalik na ang totoo mong mahal, anong plano mong gawin sa akin?” Hindi na nagsalita si Zeus. Halata ang inis sa pangingipot ng labi nito. Kita niya ang pagtitimping ginagawa nito. Subalit ang kanyang pakiramdam ay lalong lumala. Umatake ang sakit ng kanyang tiyan, at bago pa niya mamalayan, nagdilim na ang kanyang paligid. NARARAMDAMAN niyang may ipinapahid na kung ano sa tungkil ng kanyang ilong. Amoy white flower. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata. “Mam, gising ka na!” masayang bati sa kanya ni Aling Layda. Napatingin siya sa bintana, “umaga na?” “Yes mam. Na-ultra sound ka na kagabi, tapos nilagyan ka nila ng dextrose. Meron kang acute gastritis dahil sa food poisoning. Binigyan ka na nila ng IV para mawala ang pananakit ng tiyan mo.” sagot sa kanya ni Aling Layda. Hinawakan niya ang kanyang tiyan, “nasaan na ang asawa ko?” “Tumawag kaninang umaga yung babae sa kanya, pupuntahan niya daw muna, “ saka nito hinawakan ang kanyang kamay, “wag kang masyadong mag isip at malungkot, baka makasama sayo yan.” Naospital na siya at lahat, pero mas inuna pa rin nito si Shane! Walang wala talaga siya kumpara sa babaeng iyon. “Kumain ka muna mam kahit konti, para makainom ka na ng gamot,” alok sa kanya ni Aling Layda. Nag aalala ang tinig nito. “Mamaya na, hindi pa ako nagugutom,” sagot niya sa matanda. Nagring ang kanyang phone. Kinuha niya iyon kahit nanghihina pa siya, “Hello?” “Hello bes,” tinig iyon ng kanyang bestfriend na si Ruby, “alam mo ba, niloloko ka ni Zeus!” pagbabalita nito sa kanya, “napanood ko sa balita, na sinamahan ni Zeus si Shane Laurel sa hospital upang magpa check up dahil buntis daw yung babae, alam mo ba kung sino si Shane? Child hood sweetheart daw yun ng asawa mo na galing pang America at hinintay ni Zeus sa loob ng sampung taon dahil nag aral daw ito doon. Tingnan mo kasi ang balita, kalat na kalat na yan online!” Hinanap niya ang sinasabing balita ng kaibigan. Mga nakapost na larawan ng dalawa iyon, na makikita sa iba’t ibang panig ng ospital! Nasasaktan siya sa mga nababasa at nakikitang balita. Binasa niya ang iba pang article na naroroon. Si Zeus ay isa sa tinaguriang richest man in the world. May ari siya ng ACOSTA GROUP OF COMPANY. Maraming kababaihan ang nagnanais na mapangasawa ang isa sa pinaka may magandang mukha sa business industry. Kaya pinagkakaguluhan ang private life ng lalaki at malaking issue sa lahat kapag may nakakalap silang mga bagong update sa buhay nito. Ngayon, ang larawan na sinamahan ni Zeus si Shane na magpacheck up ang naging ranked 1 most search sa buong internet, dito na rin lumabas ang katauhan ni Shane Laurel. Ang kanyang pagiging sikat na pianista sa America, at ang nakaraang relasyon nila ni Zeus. Sinasabing bumalik ito sa Pilipinas upang ituloy ang naudlot na relasyon nila at magpakasal na ng tuluyan. Nagbunyi ang buong internet fans, na nagbunsod upang umakyat sa 3 million followers ang taga sunod ni Shane online. Marami ang natutuwa at kinikilig sa kaganapang iyon. Naalala niya ang salitang “America”. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ng kaibigan ni Zeus. Totoo pala iyon. Totoong ito ang kanyang tunay na pag ibig. Ito pala ang hinihintay ng kanyang asawa, kaya hindi siya nito matutunang mahalin! Natawa na lang siya sa kanyang sarili. Narinig iyon ng kanyang kaibigan. “Ano bes? Gusto mo ba, awayin ko sila at ipagkalat ko, na ikaw ang asawa ni Zeus?” tanong nito sa kanya na halatang nanggigigil. “Naiinis na ko sa kanila.” “Okay lang yan bes, alam ko ang tungkol diyan,” sagot ko na lang sa kanya upang kumalma siya. “Alam mo?” mataas ang boses nito. Kung makakalabas lang sa screen ang kaibigan niya, ginawa na nito. “Oo.” “Anong problema mo bes? Okay lang sayo na may kabit ang asawa mo? Dapat puntahan mo siya at turuan ng leksiyon!” “Nabasa mo ba ang articles? Siya ang babaeng hinihintay ni Zeus sa mahabang panahon. Siya ang nauna.” “Kahit na siya ang nauna! Kasal na kayo, at magiging kabit lang siya!” inis na sagot nito sa kanya, “gumising ka nga bes, at mukhang hindi pa naiipamulat sayo kung ano ang mga karapatan mo!” “Okay lang yun bes, pagod na akong makisama. Napapagod na rin akong umunawa.. Isa pa, ako lang naman ang nagnais na magpakasal sa kanya. Ako lang ang may kagustuhan noon, at napilitan lang siya.” Alam naman ng kaibigan niya na napilitan lang si Zeus na pakasalan siya. Nanahimik saglit ang kanyang kaibigan, bago nagsalita ,”anong plano mo? Hihiwalayan mo na ba siya?” “Oo, yun lang naman ang tanging hadlang upang magsama sila ni Shane. Gusto ko na siyang maging masaya. Ayoko na siyang matali sa akin, tapos masasaktan lang din naman ako.” “Susuportahan kita bes, gawin mo kung ano ang alam mong tama. Maganda ka at matalino. Marami pang lalaki na magkakagusto sayo na hindi kagaya ng asawa mong walang balls!” Nagpapasalamat siya dahil may kaibigan siyang kagaya ni Ruby, na maaasahan niya sa lahat ng pagkakataon. Matapos ang pag uusap na iyon, at naubos na rin ang kanyang dextrose, pinauwi na siya sa kanilang bahay ng doctor. Inalalayan siya nina Aling Layda at ng kanilang driver. Dahil nanghihina pa, nakatulog siya agad pagdating sa bahay. PAGDATING ni Zeus sa bahay, agad niyang inalis ang kanyang suot na coat at tinanong ang katulong na sumalubong sa kanya, “nasaan ang asawa ko?” “Nasa itaas na siya sir, at nagpapahinga,” sagot ni aling Layda, “hinahanap ka niya kaninang umaga, at nalungkot siya na iniwan mo siya.” Hindi siya nakapagsalita agad. Hindi na niya ito sinagot at dumiretso na siya paakyat sa kanilang kwarto. Bahagyang nakaawang ang pinto. Wala sa kama ang babae. Nakahiga ito sa may bintana na animo ay pusa. Nakalaylay ang mahabang buhok nito sa sahig, kaya lalo itong nagmukhang payat sa kanyang paningin. “Kakagaling lang sa ospital, tapos ngayon, sa may bintana natutulog? Ano namang naiisipan nito?” napapailing na lang niyang tanong sa sarili.Dahan dahan niyang nilapitan si Maureen. Nakapikit ito. Para itong bata na basta humiga na lang sa gilid. Pero hindi maitatanggi, na maganda talaga ito, lalo na ang kulay rosas nitong labi, na sa tuwing hinahalikan niya, ay para siyang nakakatikim ng prutas na matamis gaya ng peaches. Yumuko siya upang buhatin ito at dalahin sa kama. Sumiksik pa itong mabuti sa kanyang mga braso na parang nilalamig. Tiningnan niya si Maureen. Ang amo ng mukha ng kanyang asawa. Inilapag niya ito sa kama. Aalis na sana siya ng bigla itong magsalita. “Siraulo ang asawa ko!” Binalikan niya ito, at tinitigan. Mukhang tulog na tulog pa ito. Nagsasalita habang nananaginip. Hinawakan niya ng kanang kamay ang kamay nito at tinapik tapik ang pisngi ng kanyang asawa. “Maureen?” tawag pa niya dito. Ngunit sadyang malalim na ang tulog nito. Natukso siyang halikan ito sa labi. Bigla itong nagising, at nagulat nong makita siya, “Anong ginagawa mo?” galit nitong sabi sa kanya, “matapos mong makipagdate sa kabit
“Nagsisisi ka na ba ngayon? O ganyan lang talaga kababaw ang pagmamahal mo sa akin kaya hindi ko napapansin na maaari mo palang tanggapin sa sarili mo na mapupunta ako sa iba?” inis ang tono ng boses nito. Lalo pa siyang dinaganan ng lalaki. Halos hindi na siya makahinga sa ginagawa nito sa kanya, ngunit hindi iyon ang panahon, para magmakaawa siya dito. Kahit nanghihina, pinilit niya itong sagutin. “Nagsisisi akong minahal pa kita! At kahit kailan, hindi na kita papangaraping magustuhan ulit!” asik niya dito. Hindi siya deserve nito, lalo na ang kanyang pagmamahal, at pinagsisisihan niya ang lahat. Mahaba na angdalawang taon. Panahon na para sumuko. Bahagyang tumawa si Zeus, “mabuti naman. Kung hindi mo na ako mahal, mas maganda palang hindi kita lalo pakawalan. Alam mo kung bakit? Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalana niyo sa akin. Ang makapiling ako habang buhay, ay isang matinding pasakit para sayo!” “Dahil lang sa naisahan ka ng tatay ko, pati ako, hindi mo mapapatawad?”
“Ano?” nagulat siya sa tanong nito sa kanya. “May gusto ka ba kay Zeus? Iyon kasi ang sabi ng mga tao dito eh,” napatingin pa ito kay Zeus, “totoo ba?” Nag iba ang ekspresiyon ng mukha ni Zeus at waring naghihintay ng kanyang isasagot habang kumakain ito ng isda. “Hahaha,” pagak niyang tawa,”wala no!” tanggi niya sa tanong nito. “Wala?” si Shane naman ang nagulat sa kanyang isinagot. ‘Paano mangyayari iyon? Samantalang sabi sakin ni Rex, para daw itong aso na laging sumusunod kay Zeus saan man ito magpunta?’ “Bata pa kasi ako noon. Alam mo na, dala lang iyon ng aking kabataan. Mahilig kasi akong mag explore,” sagot ni Maureen kay Shane. “Bale, tiningnan ko lang kung ano ang mangyayari kung sakaling sumunod ako ng sumunod sa kanya. Wala lang yun no,” natatawa pa niyang sagot dito. Madalas siyang nagliliwaliw, at kapag hindi na niya alam kung paano siya uuwi, si Zeus ang tinatawagan niya. Minsan, dumadating ito, minsan ay hindi, pero ang assistant nitong si Mr. Jack ay inuutusan
“Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya. “Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?” “Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa tono ng kanyang pananalita. Hinablot niya ang papel, at nabasa ang nais ng babae. Ang dating bahay lang ng pamilya ni Maureen ang hinihiling nito, wala ng iba. Ni hindi ito humingi ng kahit magkano sa kanya. Kahit hindi ito humingi ng pera, pag uusapan pa rin sila ng ibang nakakakilala sa kanila. Agad niyang tinawagan si Maureen. “Ano itong isinend mo sa akin?” tanong niya dito. “Obvious naman na annulment papers yan, hindi ka ba nagbabasa?” mataray nitong sagot sa kanya. Kasalukuyan naman si Maureen na nagtitingin tingin sa mall. Inaya nito ang kaibigan na makapaglakwatsa. “Ang sinasabi ko, ay ang dahilan mo ng pakikipaghiwalay sa akin anong sinasabi mong hindi ko nameet ang expect
May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack. “Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “At bakit? Bahay ko iyan!” singhal niya sa mga ito, “anong karapatan ng Zeus na yan na hindi ako papasukin sa sarili kong pamamahay?” “Maureen!” Wala sana siyang balak lapitan ang lalaking ito, ngunit wala naman siyang choice. Naiinis niya itong pununtahan, saka siya pumasok sa kotse nito. Subalit doon pa lang, bigla na nitong hinablot ang kanyang kamay, at hinila siya pakandong dito. Naka skirt lang siya, kaya nag aalala siyang tumaas iyon at makita ang kanyang panty. “Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Asik niya dito. Hindi siya binitawan ng lalaki, bagkus, niyakap pa siya nito ng mahigpit,hawak hawak ang kanyang mga kamay. “Zeus, ano ba? nasasaktan ako!” nagpupumiglas niyang sawa
Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa kanya. “Nag pa-ads ka di ba?” “Hindi ako nagpopost ng ganyan! wala akong alam diyan!” pinatay na niya ang tawag na iyon. ‘Ang dami na talagang manloloko ngayon. Kung kailan bwesit na bwesit ako, saka naman may mga ganitong tatawag sa akin, mga sira ulo!’ Subalit segundo lang ang lumipas, may tumawag ulit sa kanya at nagtatanong ulit ng tungkol sa pera na ibabayad niya upang magkaanak. Maiksi talaga ang kanyang pasensiya, at hindi siya ipinanganak na may mahabang pisi. Inalam niya kung saan nakita ng mga ito ang sinasabing advertisement. Mukhang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat! Malinaw sa nasa advertisement ang kanyang numero. Hindi siya nagagalit, isa pa, may pagkakataon n
“Miss Laraza, pakihintay na lang muna si sir, may kameeting lang siya sa loob. Maya maya, matatapos na rin yun,” nakangiting bilin sa kanya ni Adelle.“Salamat,” tumayo siya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Lauren.After 10 minutes, may nakikita siyang pigura na papalapit sa pintuan ng opisina. Naamoy niya ang scent ng pabango niyon.Bumukas ang pinto, at nagsalubong ang mata nilang dalawa.“Ikaw?” hindi siya makapaniwala ng makilala kung sino ito.“Oh.. ikaw pala si Maureen. What a coincidence!” pagak pa itong tumawa.Ngayon niya biglang narealized kung sino ang kaharap, “ka-kayo po ba ang– ang president?”“Parang ako nga,” ngumiti ito at binuksan ng malaki ang pinto, “come in, have a sit.”“Ti-thank you sir,” nahihiya siyang naupo, “by the way, ito po pala ang mga designs ko,” iniabot niya dito ang kanyang drafts.“Wag mo na akong hinoho o pinopo ha, daig ko pa ang matandang binata eh,” saka ito maluwang na ngumiti. Tiningnan nito ang kanyang mga guhit, “ikaw ba ang gumawa ng lahat
Kulang na lang ay paliparin niya ang kanyang mata sa pag irap dito. Hindi niya mawari, kung bakit ang pakiramdam niya, lagi na lang sarcastic ang tono ng boses at pananalita ni Shane. Maganda nga itong babae, ngunit kung magsalita, daig pa ang batang inaagawan palagi ng candy. Hindi ito basta babae lang, alam nito magmanipula at magpasunod ng tao. Pero hindi iyon uubra sa kanya.Nang marinig ito ni Zeus, agad nalukot ang mukha nito. Kulang na lang ay kainin siya nito sa bawat sulyap na ibinibigay sa kanya.Hindi na siya nag aksaya ng panahon na tingnan ang asawa. Baka mamaya, magkasagutan na naman sila.“Bakit narito kayong lahat?” si Brix iyon. Ipinagpasalamat niya at nasanggahan siya ng katawan ng kanilang boss.“Zeus, si Sir Brix nga pala ang kasama ni Maureen na pumunta dito,” intrimitidang sabi ni Shane. Parang pinapalabas nito na magkadate sila ng kanilang boss.Sumimangot si Zeus ng malamang ito ang kasama ng kanyang asawa.‘Bakit naman mag aaksaya ng panahon ang Royal Group sa